Professional Documents
Culture Documents
unahang hinihinalang kaso ng Covid-19 sa bansang Pilipinas. Kahindik-hindik ang balitang ito at
munting pagbabalik tanaw, nagdulot ito sa libo-libong mga Pilipino mula sa iba’t ibang sulok ng
bansa upang apurahang dumayo sa bawat pamilihang makukuhanan ng facemask. Nagsilbi lamang
itong ebidensya na ninanais ng masa na maging handa at magkaroon ng katiyakan sa possibleng
pakikipagsapalaran sa isang epidemya. Pitong daan siyamnapu't pitong mahahabang araw na ang
nagdaan mula nang makumpirma sa bansa ang unang kaso ng Covid-19. At sa bawat paggalaw ng
mga kamay ng orasan, higit na tumitindi ang pagkabagabag na nadarama ng bawat indibidwal.
Kalaunan, unti-unting nagsimula ang mga Pilipinong ihiyag ang kanilang masidhing pag-aalala para
sa kapakanan ng bawat isa nang mahalatang mas inuuna ng bansa ang koneksyon sa bansang Tsina sa
halip na ipanukala na ang pag-ban sa paglalakbay ng mga mula sa bansang ito tungo sa Pilipinas
upang pigilan ang paglaganap ng mga kaso. “Sa totoo lang, hindi coronavirus ang papatay sating
lahat. yung pagiging incompetent at pagiging negligent ng gobyerno natin yung papatay satin.”
mungkahi ng isa sa mga umaasa at nag-aalalang kabataan. Sa parehong ugat, ipinahiwatig din ng isa
pang kabataan ang kaniyang pagkasiphayo ukol sa tugon ng gobyerno sa pandemya. Ika niya, “Ban
all flights. Forget about diplomacy and tourism. If other countries can do it, why can’t we? Hindi
tayo evacuation center ng China..” Libo-libong mga pahayag pa ang masisilayan sa iba’t ibang social
media platforms patungkol sa pandemyang ito at sa gobyerno. Nagmula ito sa mga taong pare-
parehong nakasilid sa kanilang mga tahanan, walang pinanghahawakan subalit mas piniling gamitin
ang mulat na mata at ang kanilang mga makapangyarihan na boses upang ipaglaban ang kanilang mga
paniniwala. Inilahad ng isang ganap na estranghero sa isang maaraw na umaga na ang kabataang sa
masa pumapanig, buong pusong titindig. Puno ng damdamin ang pahayag na ito at tila ba binibigyang
diin din ang kasabihang ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. Kung milyon-milyong mga taong
umaasa ang nasa ating mga kamay, naghihintay ng sandigan, hindi ba dapat hindi sila binibigo? Sa
halip ay alayan natin sila ng hindi mabilang-bilang na mga rason upang magpatuloy sa pagkapit at
pagtitiwala. Ako ang kumakatawan bilang Pangulo ng Sangguniang Kabataan at narito ako upang
magtanim ng isang katanungan sa inyong isipan at sa pagtatapos ng aking talumpati inaasam kong
may mamumukadkad na kasagutan mula sa iyo. Milyon-milyong nasuklob na hinaing ang kailangang
matugunan, kailan ka kikilos?
Kung ihahambing ang dalawang taon, masasabi nating mas maganda ang 2021 kaysa 2020.
Dahil ang 2020, ang taon kung kailan lubhang naapektuhan ng pandemya ang Pilipinas. Ang unang
bahagi ng 2020 ay ang pagtatapos ng ating normal na pamumuhay samantalang sa kalagitnaan ng
parehong taon nagsimulang naging mapaminsala ang naturang virus. Maraming tao ang naapektuhan
nito, karamihan sa mga negosyo ay nahinto, at maging ang mga paaralan ay naging sarado. Ang
sitwasyong ito ay isang bagay na hindi natin pinaghandaan. Pagdating ng taong 2021, patuloy pa ring
hindi nasasaksihan ang pagbabago at pagasenso. Bagamat lumuwag ang patakarang kailangang
sundin, hindi pa rin sapat ito upang mapunan ng pag-asa ang mga nagdadalamhating puso. Milyon-
milyong ginintuang buhay na ang ninakaw ng epidemya at lubos na napakaswerte nating narito pa rin
tayo, nasasaksihan ang kagandahan ng mundo sa kabila ng lahat. Bilang isang umaasang Pilipino,
handa ka bang makibilang sa solusyon?