You are on page 1of 4

G5

DELACRUZ, Kyle Nicole G.


Grade 12 - St. Vincent de Paul
MAJOR PERFORMANCE TASK

Ebalwasyon A:

1. Tugon - Sang-ayon
Katwiran: Tunay akong naniniwala na ang pagbabawal sa paglabas ng mga kabataang edad 15
pababa ay lubos na makakatulong sa pagpuksa ng kumakalat na sakit. Ang kanilang paglabas
ng bahay ay walang kahalagahan sapagkat, wala ang mga klase ay patuloy pa rin na
suspendido. Kaya naman, kung patuloy na hindi pagbabawalan ang mga kabataan na lumabas
ng kani-kanilang bahay ay hindi imposible na ang mga ito’y makakuha ng sakit gayundin na
makapagkalat pa lalo umano ng kumakalat na virus.

2.) Tugon - Hindi sang-ayon


Kahit sa anong anggulo, tutol ako sa ganitong sistema ng edukasyon sapagkat atin namang
nasasaksihan sa kasalukuyan kung gaano kahirap at ka-komplikado ang ganitong pamamaraan
ng pag-aaral. Kahit pa sumunod sa tamang oras ng pag gawa ay talagang hindi ito nagiging
epektibo. Sa kadahilanang, hindi ganun kadaling gawin ang mga bagay na ipinapagawa at ito’y
dapat talagang paglaanan ng dedikasyon at oras. Bukod pa rito, bilang estudyante sa gitna ng
pandemya, hindi namin lubos na nauunawaan ang mga itinuturo ng aming mga guro kahit
gaano pa sila ka-galing na magturo. Sapagkat, iba pa rin talaga ang pakikinig sa guro nang
harap-harapan, kumpara ngayon na sa screen na lamang ng aming sari-sariling gadget ang
palitan ng impormasyon.

3.) Tugon - Hindi sang-ayon

Ang pagpapatupad ng curfew sa limitadong oras ay aking pinaniniwaalaan na ito’y hindi


epektibo sapagkat wala itong saysay. Ang mga tao ay hindi pinapayagan na lumabas sa
dis-oras ng gabi ngunit paano na lamang sa umaga? Hindi ba’y ang mga tao ay dagsa rin sa
mga pampublikong lugar gaya na lamang ng palengke. Ang kumakalat na sakit ay hindi
ibig-sabihin na sa gabi lang kumakalat, ito ay kasama na sa araw-araw nating pamumuhay sa
ngayon, gabi man o umaga. Kung kaya’t anong silbi ng paghihigpit na lumabas sa gabi, kung
pwede rin namang lumabas nang kinaumagahan?

4.) Tugon - Sang-ayon


Bilang isang mamamayan sa bansang hindi mapuksa ang CoViD-19, ako ay sumasang-ayon sa
pagbabakuna ng karamihan. Isa itong paraan upang maging protektado ang lahat sa kumakalat
na sakit. Sa karagdagan, hindi lang ito pansariling proteksyon, bagkus ito rin ay makakatulong
na mabawasan ang paglaganap ng virus sa ating lipunan. Kaya naman, kung ating iisipin,
matatapos ang pandemya kung lahat ay magpapabakuna.
5.) Tugon - Sang-ayon

Sang-ayon ako na ipakulong ang mga batang nagkasala nang ‘MABIGAT.’ Hindi ako naniniwala
sa kadahilanan na ang pag-iisip nito ay hindi pa lubos na maayos sapagkat ito nga ay bata pa.
Unang-una sa lahat, nakagawa siya ng isang malalang krimen, kung kaya’t paano natin
ikokonsidera na wala pa ito sa tamang pag-iisip. Kung ito ay ‘isip-bata’ pa, dapat hindi ito
marunong gumawa ng krimen. Sapagkat, walang musmos na marunong gumawa ng isang
marahas na krimen kung siya ay tunay na wala pa sa tamang pag-iisip. Sa karagdagan,
magkakaroon dito ng biktima at hindi tama na sabihin na lamang sa biktima o sa pamilya ng
biktima ang salitang “Pasensya dahil ito’y bata pa.” Ang hustisya ay para sa lahat, mahirap man
o marangya, bata man o matanda.

Ebalwasyon B:

Pagbibigay ng armas sa mga bumbero bilang kanilang personal na proteksyon:


Karapat-dapat nga ba?

Nasaksihan at narinig ng karamihan ang kamakailang balita na pinapayagan na ng ating


Pangulo ang pagbibigay ng armas sa mga bumbero at ito ang magsisilbi nilang personal na
proteksyon laban sa mga mamamayan na nagnanais na apulahin o unahin ng mga bumbero
ang kanilang mga tahanan. Marami ang tumutol sa ideya na ito. Ngunit, sa kabilang banda, ay
mayroon pa ring mga sumang-ayon dito.

Maling-mali na payagan ang mga bumbero na magkaroon ng armas bilang proteksyon. Sunog
ang kanilang dapat patayin at hindi ang mga tao. Kailanman ay hindi katanggap-tanggap ang
rason na, “Ito ay para lamang sa kanilang pansariling kaligtasan at proteksyon.” Sa aking
perspektibo, ang mga taong nakakahawak ng baril ay tumataas ang tingin sa sarili, dahilan
upang makapanlamang sila ng kapwa. Kaya naman, mataas ang posibilidad na mauwi ito sa
isang marahas na krimen.

Ngunit paano na lamang kung ang planong ito ay tila suportado pa ng PNP? Sinabi ni PNP
Spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac na ang naturang hakbang ay magpapalakas sa
kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad at nagbibigay ng kakayahan sa mga bumbero
sa panahon ng national emergency. Binanggit din ni Banac na isang madalas na problema sa
mga bumero ang kanilang seguridad tuwing tutugon sila sa mga sunog kapag merong
magugulong evacuees. May pagkakataon din na ang mga bumbero ay inaatake ng mga galit na
tao dahil sa pagkadismaya sa sunog.

Gayunpaman, sa anumang anggulo ay hindi BARIL ang magiging sagot sa halimbawang


sitwasyon na nabanggit ng Pangulo. Mas magiging mabuti kung ang Pangulo ang siyang
nagtuturo sa mga bumbero na malawak na pag-iisip ang dapat na kanilang maging sandata
laban sa mga ganoong sitwasyon. Sapagkat, wala nang mas hahalaga pa sa taong marunong
umunawa sa anumang sitwasyon.

"Para naman medyo buo ang loob ng bombero, ‘yon ang, we thought of just arming them also.
Tutal gobyerno ‘to and they can be called upon during emergencies to contribute to the law and
order of the place, but they have to have something," dagdag pa niya. Ngunit paano na lamang
ang mga taong walang sapat na boses upang makapagsalita ng totoong pangyayari? Hindi ba’t
hindi naman iyon makatarungan? Kaya naman, kahit kailan ay hindi ako sang-ayon sa ganitong
ideya. Ang pulisya ang siyang dapat na responsable sa pagpapanitili ng katahimikan at
kapayapaan, hindi ang mga bumbero.

Naniniwala ang CPP na pagsisisihan din ng Presidente ang kanyang plano para sa mga
bumbero. Sa kadahilanang, ang planong pagbibigay ng baril sa mga bumbero ay pagpapakita
lamang ng kabiguan ng Pangulo na masawata ang komunista sa ating bansa. Ayon naman sa
statement ng CPP, ang plano umanong pagbibigay ng baril sa mga bumbero ay pagpapakita ng
kabiguan ng Pangulo na masawata ang mga komunista sa bansa. “We always hear AFP claims
that it is winning the war. Why then is Duterte desperate to arm firemen against the NPA?”
tanong ng CPP. Ngunit, kahit pa maraming tumutol sa plano ni Duterte, ay kanya pa rin itong
itutuloy.

Tayo ay nasa gitna ng pandemya at napakaraming bagay ang siyang dapat na pagtuonan ng
pansin ng gobyerno, ngunit kanila pang inuna ang walang kwentang ideya. Mas magiging
mabuti pa kung ang pondong pambili ng baril ay siyang gamitin para sa iba pang bagay na mas
makabubuti tulad na lamang ng pagpapatayo ng ospital para sa mga pasyenteng nagpostibo sa
CoViD-19. Sapagkat, alam naman natin na wala ng bakanteng espasyo sa mga ospital sa dami
ng mga pasyenteng nagpositibo sa virus.

Tayo ay pinaglalaruan na lamang ng gobyerno. Kanilang pinatutunayan na ang hustisya ay para


lamang sa may kaya. Kung ikaw ay mahirap ay wala kang karapatang umapila. Kaya naman,
palagi nating palawakin ang ating mga kaisipan at laging piliin ang tamang daan. Iboto sa
nalalapit na halalan ang karapat-dapat. Huwag sana tayong magpabulag sa mga mabulaklak
nilang salita. Ang boto ng bawat isa ay mahalaga, sapagkat dito nakasalalay ang ating
kalayaan, kalayaan na mamuhay nang tahimik at payapa. Boses ay gamitin, pag-iisip ay
palawakin, ang mga hindi responsable sa tungkulin ay sibakin!

You might also like