You are on page 1of 2

Gawing legal ang aborsyon sa Pilipinas

Abortion ay dapat bang maging legal sa bansang Pilipinas na bansa natin? O dapat bang
huwag nalang isulong ang layuning Abortion sa bansang Pilipinas?Ang Abortion ay isang paraan
ng pagkikil ng buhay ng sanggol mula sa sinapupunan ngkanyang ina.

Bilang isang indibidwal na mamayan ng Pilipinas, ako ay sumasalungat o hindi sumasang


ayon sa pag lelegal ng Abortion.

Una sa lahat, ang pagkitil ng buhay ng ibang tao ay hindi na magandang gawain, hindi sapat
na dahilan ang salitang "hindi pa handa" dahil ang sanggol na nasa sinapupunan ay isang
inosenteng bata. Ang pag kuha ng buhay ng ibang Tao ay isang malaking kasalanan sa Diyos. At
maraming nilabag ang abortion kapag mapapasalegal ito sa ating bansa, isa na rito ang
karapatang pantao na nasa ilalim ng batas ng pilipinas at ang batas ng ating panginoon.

Pangalawa, kahit ano pa ang ating dahilan, maling pumatay dahil nakasaad sa Sampong Utos
ng Diyos na Bawal kang pumatay, sa pag kitil ng buhay ng mga sanggol nawawalan sila ng pag
asa na mabuhay dito sa mundong ibabaw, hindi sila nabigyan ng pag kakataon mabuhay sa
mundo.

Pangatlo ang Aborsyon ay isang imoral at hindi makatao na Gawain. Ang pag kuha sa buhay
ng tao ay maling gawin dahil ang buhay ng isang Tao ay isang sagrado, ipapanganak palang o
ipinanganak na.

Ayon kay Albano “Sagrado ang buhay ng tao at bawat tao, ipinanganak at hindi pa
ipinapanganak, ay napakahalaga. Ang sukatan ng bawat institusyon sa ating lipunan ay kung
nababantaan o itinataguyod ang buhay at dignidad ng tao lalo na ng mga sanggol na hindi pa
isinisilang, Imoral at hindi makatao ang abortion. Mali at labag ito sa utos ng Diyos at batas ng
tao, Nilalabag ng abortion ang saligang karapatang pantao lalo na ang karapatang mabuhay."
Dahil sinasabi dito na walang dapat kumuha ng buhay, kundi ang Diyos lang. Maling hadlangan
natin ang sanggol na nasa sinapupunan na mabuhay, dahil sila ay tao din na may karapatan
mabuhay.

Sa aking pag wawakas, kahit anong mangyari ay hindi natin dapat payagan na mapatupad o
maging legal ang abortion. Ang abortion ay hindi makatarungan at hindi makataong solusyon.
Sa makatuwid dapat pa nating ipagpasalamat ang pinagkaloob sa atin ng Diyos. Sa makatuwid
hindi ako sang-ayon.

Ipatupad ang Total Lockdown sa panahon ng kapaskuhan sa mga lungsod at


karatig pook nito sa ating bansa
Dapat nga bang ipatupad ang Lockdown sa darating na kapaskuhan sa ating
bansa? Ang isang lockdown ay isang kinakailangan para sa mga tao na manatili sa
kinaroroonan nila, karaniwang sanhi ng mga tiyak na peligro sa kanilang sarili o sa
iba kung maaari silang malayang gumalaw.

Bilang isang mamayan ng Pilipinas, sumasang-ayon ako na ipatupad ang Total


Lockdown sa kapaskuhan.

Una, pag hindi nag patupad ng Total Lockdown maaring kumalat na naman ang
Virus, at maaring madaming maapektuhan.

Pangalawa, isasakripisyo ba nating taong bayan ang ang ating mga kalusugan
para sa mga pansariling kasiyahan, nasa yugto tayo ng Pandemya na kung saan
hindi natin nakikita ang ating kalaban, maaring sa pag labas natin ng ating
tahanan ang peligro na nag hihintay sa atin.

Pangatlo, pag ang Pilipinas ay hindi nag Total Lockdown, maaring dumami ang
kaso ng may COVID-19 at maaaring ang ating mga Doktor ay malalagay na naman
sa peligro ang kanilang mga buhay, madami ng buhay ng mga Doktor natin ang
namatay dahil sa walang humpay na pag gamot sa mga kababayan natin na
nadapuan ng COVID- 19.

Madami tayong mga bagay na nais Isa alang alang, dahil mahirap ang ating
kalagayan ngayon. Maari tayong, mag pasko sa ating bawat bahay, tawagan ang
Mahal sa buhay gamit ang ating mga Cellphone, upang maiwasan natin ang
pagkalat ng virus. Dahil sa hindi pag hupa ng kaso ng COVID-19, Sumasang ayon
akong mag total Lockdown sa kapaskuhan para sa kapakanan ng bawat isa.

You might also like