You are on page 1of 4

ALKOHOLISMO

Labis na pagkonsumo ng alak

Ang mga sumusunod ay ang masamang epekto nito sa tao:

1. Ito ay unti-unting nagpapahina sa kaniyang enerhiya, nagpapabagal ng pag-iisip, at sumisira sa


kanyang kapasidad na maging malikhain.

2. Nababawasan ang kakayahan sa paglinang ng makabuhulang pakikipagkapuwa ang mga nagugumon


sa alkohol.

3. Sa labis na pag-inom ng alak ay nauuwi sa mga away at gulo na nasasaksihan natin sa loob at labas ng
ating mga tahanan.

4. Kung minsan, nauuwi pa ang mga away na ito sa iba’t – ibang krimen.

Sa pagkakataong ito, masasabing naaapektuhan ng ALAK O ALKOHOL ang operasyon ng ISIP AT


KILOS-LOOB ng tao na naging dahilan kung bakit nakagagawa siya ng mga bagay na hindi inaasahan
katulad ng pakikipag-away sa kapuwa. Kung matatandaan mo, ayon sa Modyul 5, maaaring hindi siya
masisi sa kaniyang ginawa dahil nasa ilalim siya ng impluwensiya ng alak at wala sa tamang pag-iisip,
ngunit may pananagutan pa rin siya kung bakit siya uminom ng alak at gaano karami ang kaniyang
nainom.

Sakit na maaring makuha sa labis na pagkonsumo ng alkohol:

1. Cancer

2. Sakit sa Atay

3. Sakit sa Kidney

BILANG NILIKHA NG DIYOS, INAASAHAN SA ATIN NA ISABUHAY ANG PAGPAPAHALAGA SA


KALUSUGAN NG ATING KATAWAN - TANDA NG PAGMAMAHAL SA BUHAY NA IPINAGKALOOB NIYA SA
ATIN.
ABORSIYON

Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina. Sa ilang
mga bansa, ang aborsiyon ay itinuturing na isang lehitimong paraan upang kontrolin o pigilin ang paglaki
ng pamilya o populasyon, ngunit sa Pilipinas, itinuturing itong isang krimen. (Agapay, 2007)

Narito ang sumusunod na mga pangunahing katanungan ukol sa aborsiyon na nilalayong sagutin
sa modyul na ito.

1. Makatuwiran ba ang aborsiyon o pagpapalaglag?

2. Maituturing na bang tao ang sanggol sa sinapupunan ng ina?

3. Siya ba ay nagtataglay na ng mga kapakanang moral at mga legal na karapatan na dapat pangalagaan?

4. Paano naman ang kapakanang moral at karapatan ng ina?

5. Ano-anong mga pamantayan ang maaaring sumuporta sa kasagutan sa mga tanong

na ito?
PRO-LIFE AT PRO-CHOICE

Ang isyu sa aborsiyon ay nagbigay-daan upang magkaroon ng dalawang magkasalungat na


posisyon ang publiko: ito ay ang Pro-life at Pro-choice.

PRO-LIFE

Paniniwala na ang sanggol ay dapat isilang at mabuhay kahit anong mangyari.

Naniniwala ang mga tagapagtaguyod ng posisyong ito na:

a. Ang sanggol ay itinuturing na isang tao mula sa sandali ng paglilihi.

b. Kung ang pagbubuntis ay resulta ng kapabayaan ng ina dapat niyang harapin ang kahihinatnan nito.
Tungkulin niya na iwasan ang pagbubuntis kung siya at ang kaniyang asawa ay hindi nais magkaanak.

c. Kung magiging katanggap-tanggap sa lipunan ang aborsiyon, maaaring gamitin ito ng mga tao bilang
regular na paraan para hindi ituloy ang pagbubuntis.

d. Ang lahat ng sanggol ay may mahusay na potensiyal; bawat isa na ipinalalaglag ay maaaring lumaki at
maging kapaki-pakinabang sa lipunan o sa buong mundo.

e. Maraming mga relihiyon ay hindi nag-eendorso ng pagpapalaglag o ilang mga paraan ng birth control
dahil sa paniniwalang ang pakikipagtalik ay para sa layuning pagpaparami (procreation) lamang at ang
sinumang batang nabubuhay ay mga anak ng Diyos.

PRO-CHOICE

Pagbibigay ng karapatan sa isang babae na mag dedesisyon sa kanyang pagbubuntis.

Ang mga tagapagsulong ng posisyong ito ay pinananatili na:

a. Ang bawat batang isinisilang sa mundo ay dapat mahalin at alagaan. Ang tamang pagpaplano sa
pagkakaroon ng anak ay karaniwang nagbubunga ng mas magandang buhay para sa mga bata dahil may
kakayahan ang mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak sa pisikal, emosyonal, at pinansiyal
na aspekto.

b. Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa itong kakayahang mabuhay sa
labas ng bahay- bata ng kaniyang ina. Hindi maituturing na pagpatay ang pagpapalaglag ng isang fetus

dahil umaaasa pa rin ito sa katawan ng kaniyang ina upang mabuhay.

c. Sa mga kasong rape o incest, ang sanggol ay maaaring maging tagapagpaalala sa babae ng trauma na
kaniyang naranasan.

d. Kung sakaling ituloy ang pagbubuntis at magpasiya ang ina na dalhin sa bahay- ampunan ang sanggol
pagkatapos, maraming bahay-ampunan ang kulang sa kapasidad na magbigay ng pangunahing
pangangailangan ng mga bata.

e. Ang aborsiyon, sa pangkalahatan ay ligtas na pamamaraan.

ANG DALAWANG URI NG ABORSIYON


1. Kusa (Miscarriage). Ito ay ang pagkawala ng isang sanggol bago ang ika-20 linggo ng pagbubuntis. Ito ay
tumutukoy sa natural na mga pangyayari, at hindi ginamitan ng medikal o artipisyal na pamamaraan.

2. Sapilitan (Induced). Ito ay ang pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang sanggol, sa


pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng mga gamot.

You might also like