You are on page 1of 23

Department of Education

New Ormoc City National High School

Brgy. Don Felipe Larrazabal, Ormoc City

Position Paper

Paano Nakaaapekto ang Aborsyon sa Pag-aaral ng mga Estudyante ng Ika-

sampung Baitang, Seksyon Sobriety

Ipinasa Kay: Gng. Rose Malyn Matuguina

Ipinasa Nina: Ikatlong Grupo

Aviles

Lopez

Pepito

San Juan

Tanza
Panimula

A. Pagpapakilala ng Paksa

Ang pagpapalaglag, pagpapaagas o aborsyon[1] ay ang sinadyang

pagtatanggal ng embryo o fetus sa loob ng matres ng babae, na nagsasanhi

ng kamatayan nito.Isa itong direktang pagtanggal ng kanilang karapatang

mabuhay sa mundo. Pwede itong mangyari ng biglaan tulad ng kapag ang

babae ay nakunan, o ng artipisyal sa pamamagitan ng kemikal, pagtistis at

iba pa. Sa pangkalahatan, ang "pagpapalaglag" o abortion sa Ingles ay

tinutukoy sa inuudyokang pagpapalaglag sa panahon ng pagbubuntis;

sa medikal na pagtawag, tinatawag na nakunan ang babae kung ang

pagpapalaglag ay nangyari bago ang ika-

dalawampung linggo ng pagbubuntis, kung saan ito ay tinuturing na hindi pa

buhay.

Maraming mga paraan para umudyok ng paglaglag sa

buong kasaysayan natin. Ang mga legal at moral na mga batayan nito ay

usapin sa mga pagtatalo sa maraming mga bahagi ng mundo.

Ang Aborsiyon ay ang terminasyon ng pagbubuntis gamit ang.medical

na pamamaraan o maging aksidente na maaring magdulot ng pagkamatay ng

fetus o embryo sa sinappupunan ng ina. May dalawang klase ng Aborsiyon;

ang Natural Abortion at Induced Abortion. Ang Natural Abortion ay ang


pagkamatay ng fetus bago ito mabuo o magkaroon ng kakayahan na

mamuhay ng Malaya dahil sa natural na dahilan tulad ng mga aksidente

habang ang Induced Abortion ay ginagamitan ng medikasyon o ng mga

medikal na pamamaraan, ninais ng ina at/o ng pamilya at hindi natural ang

pagkamatay ng bata. Ang Induced Abortion ay itinuturing na kriminal na

gawain dahil sapilitan ang pagpalaglag sa bata at dahil labag ito sa batas ng

simbahan.

KASAYSAYAN NG ABORSYON

Sa kasalukuyan, kinakaharap ng ating bansa ang lumalaking bilang ng

populasyon ng mga Pilipino. Humigit-kumulang labindalawang milyon na ang

bilang ng mga Pilipino sa Pilipinas at araw-araw ay nadadagdagan pa ito

ayon sa pag-aaral ng National Statistics Office (NSO). Dahil sa dumaraming

kaso ng maagang pagbubuntis sa mga kabataang wala pa sa legal na edad,

patuloy na bumibigat ang problema ng karamihan sa ating mga kababayan

ukol sa paglobo ng populasyon na karaniwang nagiging dahilan hindi lamang

ng kahirapan kundi maging ang nadaragdagang kaso sa bansa ng aborsyon.

Bakit marami sa ating mga kababayan ang gustong magpalaglag ng

sanggol na kanilang ipinaglilihi? Karamihan ay dahil sa kahirapan: hindi nila

kayang suportahan ang sanggol. Ngunit kung hindi nila kaya, bakit nabuntis

ang babae?
Ang sagot: walang wastong family planning. Sa makatuwid, para maka-

iwas sa sitwasyon ng pagsisisi, dapat gawin ang ABC: Abstinence (Pag-iwas

sa Pakikipagtalik) Birth Control o Family Planning at Condom Use o paggamit

ng condom.

Ilang dekada nang usapin ang tungkol sa pagpapalegal ng aborsyon sa

ating bansa. Hindi ito madali para sa mga Pilipino lalo pa‘t tayo ay nasa isang

Kristiyanong bansa. Bilang mga kristiyano, nangunguna na ang mga pari at

Obispo sa pagtuligsa sa aborsyon dahil sa pagpapahalaga ng relihiyon sa

buhay ng tao.

May mga masamang dulot ang aborsiyon tulad ng posibleng

pagkawala sa matinong pag-iisip, kawalan ng kakayahan na manganak muli,

maari rin maging sanhi ng malubhang sakit tulad ng cancer, at maari niya rin

itong ikamatay dahil sa labis na pagdurugo.

Maraming mga isyu ukol sa aborsyon dahil labag ito sa batas at ito ay

itinuturing na kasalanan ng simbahan. Ngunit kahit na ito ay labag, marami pa

ring gumagawa nito lalo na ang mga babaeng nasangkot sa teenage

pregnancy. Tinatayang 70% ang nasasangkot sa teenage pregnancy at

karamihan sa mga ito ay nagpapalaglag o ginagawa ang tinatawag na

aborsyon.
B. Ang Sariling Pananaw sa Isyu

Para sa mga mananaliksik, ang aborsiyon ay isang maling gawain na

nakakasama sa kalusugan ng gumawa nito. Hindi pumapayag ang mga

mananaliksik sa aborsiyon dahil sa maaaring maging epekto nito sa isang

indibidwal at maging sa taong nakapaligid sa kanya, katulad ng pamilya at

mga kaibigan. Hindi rin pumapayag ang mga mananaliksik dahil ang

ginagawan ng aborsyon ay ang ina at ang walang kamuwang-muwang na

sanggol.
Mga Argumento sa Isyu

Ang Aborsiyon ay isang uri ng pagpatay. Maraming uri ng opinyon ukol

sa aborsyon. May mga taong pabor dito, meron din mga taong hindi pabor

dito. Ngunit kung susuriing mabuti, ang aborsyon ay isang uri ng pagkitil ng

buhay dahil pinapatay ang isang sanggol na nasa sinapupunan pa lamang.

Ang isyu asa aborsyon ay nagbibigay-daan upang magkaroon ng dalawang

makasalungat na grupo: Pro-life at Pro-choice. May ilang uri rin ng argumento

at opinyon tungkol sa aborsiyon.

Ang aborsyon ay isang sensitibong usapin lalo na dito sa bansang

Pilipinas na maituturing na isang konserbatibong lugar. Alam naman natin na

ang aborsyon ay isang ilegal na gawain dito sa bansa subalit mayroon dapat

na mga panuntunan kung ano ang limitasyon nito. Ang ilan dito ay ang

pagkokonsidera ng kaligtasan ng ina, ang pagiging biktima nito ng

panggagahasa, o ang pagkonsidera sa kalagayang pang-ekonomiya ng

magiging pamilya ng isang bata.

Sa ibang mga bansa, legal ang gawaing aborsyon. Maaring magpasya

o pagdesisyunan ng mag-asawa kung ipagpapatuloy pa ng babae ang

kanyang pagbubuntis o tatapusin na lamanh ito sa pamamagitan ng

pagpapalaglag. Bagama't talahamak ang gawaing ito sa ibang panig ng

mundo, marami pa rin ang hindi sang-ayon rito. Katulad na lamang sa ating
bansa, ang mga Pilipino ay may konserbatibong pagiisip at kultura kung

kaya't hindi tayo sang-ayon sa ganitong gawain. Itinuturing nating biyaya ang

buhay sa loob ng sinapupunan ng isang buntis na babae at ito ay mayroong

karapatang mabuhay sa mundo. Kung kaya't mayroong batas ang bansang

Pilipinas ukol sa pagbabawal ng gawaing ito. Subalit hindi maiaalis na

mayroon pa rin talagang mga kabataang maagang nabulag ng kapusukan ng

kanilang damdamin na nagiging dahilan ng maagang pagbubuntis. Marahil na

rin sa kakulangan nila sa impormasyon at gabay ng kanilang mga magulang.

Umaabot sa punto ng pagpapalaglag ang desisyon ng mga batang ina dahil

na rin sa takot na makutya ng lipunan, maitaboy ng magulang at takot sa

responsibilidad.  

Sa argumentong ito, may mga taong sang-ayon na maging legal ang

aborsyon sa Pilipinas sa kadahilanang ang babae ay may sariling karapatan

na magdesisyon sa kung ano ang maari niyang gawin sa kanyang katawan.

Subalit ang kasagutan ng mga humahadlang rito ay ang batang nabuo sa

sinapupunan ng isang babae ay isang regalo na mula sa Diyos.

Ang Article II ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas sa seksyon 12,

sinasabi na protektado ng batas ang buhay kapwa ng ina at ng hindi pa

naisisilang na sanggol mula sa paglilihi. Dito sa Pilipinas, bawal ang aborsyon

at ang paglabag dito ay nangangahulgan ng pagaresto.


Karapatang Mabuhay (Pro-life)

Sinasabi ng mga ayaw sa aborsyon na may karapatang mabuhay ang

isang sanggol kahit ito ay hindi pa ipinanganak at hindi pa masasabing isang

tao. May mga argumentong pangrelihiyon din dahil ayon sa mga simbahan,

mali ang pumatay at ang isang sanggol ay may kaluluwa kahit na ito ay nasa

loob pa.

Argumento ng mga hindi sangayon sa aborsyon

 Bawat bata ay isang mahalagang regalo mula a Diyos. Wala tayong

karapatan na sirain ang regalong ito

 Ang walang muwang na bata ay nangangailangan ng espesyal na

proteksyon dahil hindi pa nito kayang ipaglaban ang kaniyang karapatan

 Ang karapatan ng hindi pa naisisilang na sanggol ay kapantay ng sa

kanyang ina

 Ang mga bata na may pisikal at mental na mga kahinaan ay pwede ring

magkaroon ng magandang buhay sa hinaharap. Ang aborsyon dahil sa

mga kapansanan ay para naring pagsabi na ang may mga kapansanan .

 Ang aborsyon ay pagpatay, ang sadyang pagkitil ng buhay ng tao

 Ang mga doktor at nurse ay sumumpang magliligtas buhay

 Ang fetus ay nakararamdam na rin ng sakit.


Karapatang Magdesisyon nang Pansarili (Pro-Choice)

Ang mga sang-ayon naman sa aborsyon ay nakatuon sa karapatan ng

isang babae na gumawa ng desisyon para sa kanyang sarili. Nakasalalay ang

buhay ng sanggol sa magiging desisyon ng kanyang ina at ang inuuna ang

kalusugan ng ina kaysa sanggol.

Argumento ng mga sangayon sa aborsyon

 Hindi matanggap ang nangyari sa kanila

 Kung ang bata ay isilang na baldado, ang ina lamang ang

makapagdidisisyon kung kaya niya bang asikasuhin ang bata

 Ang pamilya na mahirap ay lalo pang maghihirap kung madaragdagan pa

ng isa pang sanggol

 Ang buhay ay hindi pa nagsisimula hanggang hindi pa naisisilang

 Karapatan ng isang babae ang makapili nang malaya kung ano ang dapat

gawin sa kanyang sariling katawan

 Ang mga babaeng ginahasa ay dapat sumailalim sa pantay na

pagdedesisyon kung kaya ba niya o hindi ang maging isang ina


 Ang bawat bata ay may karapatan sa maayos na pamumuhay; kung ang

magulang ay walang kakayahan na suportahan ito, tama lamang ang

aborsyon

 Marami nang kaso ng “unwanted pregnancies”

 Ang buhay ay hindi daw nagsisimula sa pagbubuntis kundi sa

panganganak

Aborsiyon sa Pilipinas

Ayon sa Seksyon 12, Artikulo 2 ng 1987 Philippine Constitution,

pinoprotektahan ng estado ang karapatan, hindi lamang ng ina kundi ng

sanggol na hindi pa ipinapanganak. Kahit na ilegal ang aborsyon sa Pilipinas,

marami pa rin ang gumagawa nito lalo na sa mga kabataan.

Ebidensiya

Sa aborsyon, mataas ang posibilidad na magkaroon ng septic abortion

o impeksyon. Ang impeksyon ay nakasentro sa kinunan at may panganib na

kumalat sa matris ng nanay at maging sanhi ng pelvic infection o maging

sepsis at potensyal na pagkasira ng ubang bahagi ng katawan.

Ang isang babaeng may septic abortion ay maaaring makaranas ng mga

sumusunod:
 Mataas na lagnat, higit pa sa 101°F o 38°C,

 Panginginig,

 Malubhang sakit sa tiyan,

 Malubhang pagdurugo,

 Cramping o biglang sakit na hindi natutuloy o biglang tumitigil, at;

 Sakit sa likod.
Ang Sariling Pananaw sa Isyu

A. Unang Punto ng Inyong Posisyon

Hindi sang-ayon ang mga mananaliksik sa aborsyon sapagkat ito ay

nakasasama sa kalusugan ng taong gumagawa nito. Maraming

masasamasng epekto ang aborsyon tulad ng pagsisi, pagkakasala, galit,

kahihiyan, kalungkutan o pakiramdam nang parang nag-iisa, pagkawala ng

tiwala sa sarili at iba pa. ang mga epektong ito ay maaaring magdulot ng

depresyon, na maaari ring magdulot ng pagpapatiwakal o pagpapakamatay.

Tinatantya sa isang pag-aaral noong 1997 na, sa kabila ng ligal na mga

paghihigpit, noong 1994 ay mayroong 400,000 na pagpapalaglag na

gumanap na hindi legal o hindi rehistrado sa Pilipinas at 80,000 na

hospitalizations ng mga kababaihan na ang dahilan ay mga komplikasyon na

may kaugnayan sa pagpapalaglag; naiulat noong 2005 na ang opisyal na

kalkula ay nakasaklaw mula 400,000 hanggang 500,000 at ang pagtatantiya

ng World Health Organization (WHO) ay 800,000. Pitumpung porsyento ng

mga hindi ginustong pagbubuntis sa Pilipinas ay nagtatapos sa

pagpapalaglag, ayon sa WHO. Humigit-kumulang 4 sa 5 mga pagpapalaglag

sa Pilipinas ay para sa mga pang-ekonomiyang kadahilanan, madalas na

kung saan ang isang babae ay mayroon nang maraming mga anak at hindi

makakaalaga sa isa pa.


Habang ang ilang mga doktor ay lihim na nagsasagawa ng mga

pagpapalaglag sa mga klinika, ang 2,000 hanggang 5,000 piso na kaukulang

bayad (US $ 37 hanggang US $ 93) ay sobrang mataas para sa maraming

mga Pilipino, kaya't sa halip ay bumili sila ng mga abortifacient sa mga black

markets o underground markets, halimbawa mula sa mga nagtitinda malapit

sa mga simbahan, sari-sari store at bakery. Ang dalawang-katlo ng mga

kababaihang Pilipino na nagpalaglag ay nagtangkang magtulak sa sarili o

maghanap ng mga solusyon mula sa mga nagsasagawa ng katutubong

gamot o mga quack doctors.

Isang daang libong mga tao ang nauuwi sa ospital bawat taon dahil sa

hindi ligtas na pagpapalaglag, ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, at labing

dalawang porsiyento ng lahat ng pagkamatay sa ina noong taong 1994 ay

dahil sa hindi ligtas na pagpapalaglag. Ang ilang mga ospital ay tumanggi na

gamutin ang mga komplikasyon ng hindi ligtas na pagpapalaglag, o mag-

opera nang walang kawalan ng pakiramdam o anesthesia, bilang parusa para

sa mga pasyente.

Ang Kagawaran ng Kalusugan ay lumikha ng isang patakaran na

tinatawag na Prevention and Management of Aborsyon at Ang Mga

Komplikasyon nito (PMAC) upang matugunan ang mga komplikasyon ng

hindi ligtas na pagpapalaglag. (Wikipedia)


B. Ikalawang Punto ng Inyong Posisyon

Hindi sang-ayon ang mga mananaliksik sa aborsyon sapagkat ito ay labag

sa Batas ng Konstitusyon at itinuturing bilang krimen.

Ang aborsyon ay isang krimen dahil – nito ang likas na karapatan ng tao

(sanggol) na mabuhay sa mundong ito. Ang likas na karapatan ay hindi

kaloob ninoman, bagkus ng bigyan ng Maykapal sa lahat ng nabubuhay sa

mundo. Bukod pa roon, ang pagpapalaglag ay labag din sa karapatang

pantao na iginawad ng konstitusyon sa bawat indibidwal. Ilegal din ito

sapagkat walang batas na sumusuporta ssa anumang uri ng aborsyon. Ito ay

maaari ring magdulot ng pahamak sa ina dahil hindi legal ang paggawa ng

aborsyon, madalas ay tago ito at sa hindi ligtas na lugar naisasagawa.

Ang Artikulo II ng 1987 Philippine Constitution ay nagsasabing, sa bahagi,

"Seksyon 12. Kinikilala ng Estado ang kabanalan ng buhay ng pamilya at

dapat protektahan at palakasin ang pamilya bilang isang pangunahing

awtonomikong institusyong panlipunan. Ito ay pantay na protektahan ang

buhay ng ina at buhay ng hindi pa ipinanganak mula sa paglilihi. "

Ang aborsyon ay kriminal sa batas ng Pilipinas. Ang mga Artikulo 256, 258

at 259 ng Revised Penal Code of the Philippines ay ipinag-utos ang

pagkabilanggo sa mga kababaihan na sumailalim sa pagpapalaglag, pati na

rin para sa sinumang tao na tumutulong sa pamamaraan. Ang Artikulo 258 ay

karagdagang nagpapataw ng isang mas mataas na termino ng bilangguan sa


babae o sa kanyang mga magulang kung ang pagpapalaglag ay isinasagawa

"upang maitago ang kahihiyan [ng babae].

Walang batas sa Pilipinas na malinaw na nagpapahintulot sa mga

pagpapalaglag upang mailigtas ang buhay ng babae; at ang pangkalahatang

mga probisyon na nagbibigay parusa sa pagpapalaglag ay walang mga

kwalipikasyon kung ang buhay ng babae ay nasa panganib. Maaari itong

maitalo na ang isang pagpapalaglag upang mailigtas ang buhay ng ina ay

maaaring maiuri bilang isang makatwirang pangyayari (tibay kumpara sa

pagtatanggol sa sarili) na hahadlang sa pag-uusig sa kriminal sa ilalim ng

Revised Penal Code. Gayunpaman, hindi pa ito hinuhusgahan ng Korte

Suprema ng Pilipinas. (Wikipedia)

Ang RH bill ay ginawa upang matugunan ang pangangailang ng bawat

mamayang Pilipino ukol satamang pagpapamilya, ang reproductive health ay

tumutukoy sa matiwasay at maayos na pagpaparami, simula sa pisikal,

emosyonal, at nakakasiyang pagtatalik ng mag-asawa hanggang sa pag-

gabay nito satamang pagpapamilya at kaalaman ukol sa seks, hindi lamang

itoparababae, pati mga lalaki kabilang sa din dito gayun din ang

mgamatatanda at bata.

C. Ikatlong Punto ng Inyong Posisyon


Hindi sang-ayon ang mga mananaliksik dahil sa tingin nila hindi ito

nakatutulong sa isyu ng paglutas sa isyu ng paglaki ng populasyon at

teenage pregnancy.

Ang Pilipinas ay nasa ika-12 pwesto pagdating sa mga bansa na may

malalaking populasyon. Ang paglaki ng populasyon ay matagal nang suliranin

ng ating gobyerno at ng bansa. Base sa istatistika, tatlong sanggol ang

ipinanganganak kada minuto, samakatuwid, tinatayang 4,320 sanggol ang

isinisilang bawal araw sa Pilipinas.

Hindi kaila sa karamihan na mas nagiging mapusok at agresibo na

ngayon ang mga kabataan. Mas matindi na ang kanilang pagnanasang

matanggap at magustuhan ng lipunan. Ang ilan ay nagnanais ng katanyagan,

karangyaan at karunungan. Makikita ang patunay nito sa social media sa

internet. Kung kaya't kahit na pumasok sa relasyong sekswal ay parang

ordinaryo na lamang. Ang nagiging resulta ng maling mga desisyon gaya nito

ay ang pagkitil sa buhay ng sanggol. Dumarami na rin ang mga

masasamanag elemento at marami ang nabibiktima ng panggagahasa. At ito

ay nauuwi sa aborsyon.

Hindi na bago sa ating pandinig ang aborsyon. Sa katotohanan nga,

may mga bansang ginawa itong legal para sa kanilang mga mamamayan

tulad ng Cuba at Uruguay. Mayroon din namang mga bansa na ito ay

ipinagbabawal gaya ng sa Pilipinas at Malaysia.


Sa usaping aborsyon, maraming usapin ang natatamaan tulad ng

isyung moral, politikal, pangkalusugan, pang-ekonomiya at panlipunan.

Masasabi mo bang ang gawin ito ay tama? Mahuhusgahan mo ba ang

gumagawa nito? Mahirap timbangin kung ito ay wasto o hindi katanggap-

tanggap sapagkat maraming elemento ang dapat isaalang-alang. Marahil ang

babae nag nagdesisyon ng aborsyon ay biktima ng karahasan. Marahil may

problemang pangkalusugan ang nagdadalang-tao kung kaya't aborsyon ang

kinailangang gawin.

Sa gitna ng lahat ng mga posibleng rason, mahalaga pa ring

mangibabaw ang buhay ng tao.Mas mainam pa rin ng gumawa ng hakbang

ang mga gobyerno, simbahan, paaralan at mga sangay ng lipunan para

ipreserba ang buhay ng mga bata.

Pinaniniwalaan namin na hindi dapat ang aborsyon ang gingawang

solusyon para sa suliranin ng pagdami ng populasyon. Marami ang paraan

para maiwasan ang unwanted pregnancy tulad ng paggamit ng

contraceptives o birth control pills o mga condoms. Maaari ring umiwas o

magpigil mula sa pakikipagtalik kung ayaw mabuntis.

Sa tingin namin, ang kawalan ng disiplina ang rason kung bakit maraming

nagpapalaglag. Ang pagtatalik ay isang banal na gawain na iginawad ng

Diyos parasa mga mag-asawa. Ngunit, sa panahong ito, ito ay ginagawa ng

mga kabataan o magnobyo sa sari-sariling mga dahilan at karaniwang hindi

pinanagutan ng lalaki ang kanyang nabuntis na babae na siya naming


maaaring maging dahilan ng pagpapalaglag nito. Mayroon ring mga pamilya

na nagsasagawa ng incest o pakikipagtalik sa pagitan ng mga miyembro ng

pamilya, at maaaring malaman at mandiri ang nakagawa nito na maaari ring

magresulta sa aborsyon. Mayroon ring naming mga kababaihan na sa tingin

nila ay marurumihan o papangit sila kapag sila ay nabuntis o hindi naman

kaya ay sadyang ayaw nila magbuntis kaya pinapalaglag nila ang sanggol.

May mga kababaihan din na nagpapalaglag dahil ang pagbubuntis nila ay

dulot ng marahas na karanasan tulad ng rape at pag-aabusong sekswal o di

naman kaya ay dahil ito ay gusto ng asawa, kasintahan o maging ng kanyang

mga magulang. Maari rin na magpalaglag ang babae kung may naranasan

siyang hindi maganda, lalo na kapag ito ay sekswal, na nagdulot ng trauma at

pagkabalisa.
Konklusyon

Sa konklusyon, ang aborsiyon ay isang kriminal na gawain kung saan

ang fetus o ang embryo sa sinapupunan ng ina ay pinapalaglag gamit ang

medikal na pamamaraan o dulot ng isang malubhang aksidente. Ang

aborsyon ay may dalawang uri: ang Natural Abortion kung saan ito ay dulot

ng isang aksidente at ang Induced Abortion kung saan ito ay dulot ng

paggamit ng medikal na pamamaraan.

May dalawang magkasalungat na grupo na nabuo mula sa isyu ng

aborsyon: Ang Pro-life at Pro-choice. Ang pro-life ay tumututol sa aborsyon

dahil ito ay isang krimen at pinaniniwalaan nila na ang bata o ssanggol ay

may karapatang mabuhay kahit na ito ay hindi pa ipinapanganak. Ang pro-

choice naman ay nagsasabi na nakasalalay sa magiging desisyon ng ina

kung ang bata o sanggol ay bubuhayin o ipapalaglag na may maayos na

dahilan.

Ang aborsyon ay hindi legal sa bansang Pilipinas at ayon sa batas,

kinikilala ng estado ang importansya ng pagbubuo ng pamilya at nilalayon ng

batas na maprotektahan ang buhay at karapatan ng magiging ina at maging

ng hindi pa isinisilang na sanggol.

Maraming masasamang epekto ang aborsyon na maaaring magdulot

ng matinding depresyon na maaaring humantong sa pagpapatiwakal. Ang ilan


sa mga ito ay ang pagkabaog, pagsisisi, galit, kahihiyan at pagkabalisa dahil

sa matinding kalungkutan na dulot ng pagpapalaglag at mga panaginip

tungkol sa ipinalaglag na bata at / o ang mismong aborsyon.

Hindi sumasang-ayon ang aming grupo sa dahilang ang aborsyon ay

lumalabag sa batas, ito ay may mga masasamang epekto sa kalusugan ng

taong gumawa nito at dahil hindi ito nakatutulong o hindi ito ang mainam na

solusyon sa suliranin ng bansa na maibsan ang populasyon.

Ang RH bill ay ginawa upangmatugunan ang pangangailang ng bawat

mamayang Pilipino ukol sa tamang pagpapamilya, ang reproductive health ay

tumutukoy samatiwasay at maayos na pagpaparami, simula sa pisikal,

emosyonal, at nakakasiyang pagtatalik ng mag-asawa hanggang sa pag-gabay

nito sa tamang pagpapamilya at kaalaman ukol sa seks, hindi lamang ito para

babae, pati mga lalaki kabilang sa din dito gayun din ang mgamatatanda at

bata.

Ang suhestiyon at / o plano ng pagkilos ng aming grupo ay magkaroon

ng sex education sa mga paaralan para maturuan ang mga kabataan tungkol

sa mga isyu na may kaugnayan sa sekswalidad ng tao, kabilang ang mga

emosyonal na relasyon at pananagutan, anatomikong sekswal ng tao,

sekswal na mga aktibidad, sekswal na pagpaparami, edad ng pahintulot,

kalusugang reproduktibo, mga karapatan sa reproduktibo / reproductive

rights, ligtas na pagtatalik, birth control, sekswal na abstinensya at sekswal na

pag-aabuso. Iminumungkahi rin namin na magkaroon ng Community


Reproductive Health Programs at Reproductive Health Seminars para

mapalawig ng tao ang kanilang kaalaman at para maiwasan o maibsan ang

dami ng taong nagpapalaglag.


Sanggunian

Arneldo, et al. (2015) Mga Isyung Moral Tungkol sa Buhay, pg. 266 -

pg. 269.

Wikipedia. Pagpapalaglag - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya.

(https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagpapalaglag)

CikguMaria9. Sanaysay tungkol sa Aborsyon.

(https://brainly.ph/question/1333507)

djerileemedina. Mga impormasyong sumusuporta sa mga argumento ng

aborsyon. (https://brainly.ph/question/1259973)

Esquivel, D. Aborsyon - Term Paper.

(https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Aborsyon/346376)

fpmagno. Opinyon tungkol sa Aborsyon.

(https://brainly.ph/question/293389?source=aid1008132)

JKBenico. Mga ebidensya tungkol sa aborsyon.

(https://brainly.ph/question/1311241)
jlbdiaz0715. Buod ng mga Argumento sa Aborsyon.

(https://brainly.ph/question/292217)

karlnadunza. Ebidensya tunkol sa argumento ng

Aborsyon. (https://brainly.ph/question/545836)

Krisha2018. Konklusyon ng Aborsyon.

(http://brainly.ph/question/1869959)

Magpantay, Sheila. Mga ebidensya para sa mga argumento tungkol sa

isyung aborsyon. (https://brainly.ph/question/1353036)

Wikipedia. Abortion in the Philippines.

(https://en.wikipedia.org/wiki/Abortion_in_the_Philippines)

You might also like