You are on page 1of 37

AKTIBONG

PAGKAMAMAYAN
LAHAT BA AY
NAKASAKSI SA AKTIBO
NA PAGKAMAMAMAYAN?
BAKIT?
ANO BA ANG IBIG SABIHIN NG
PAGKAMAMAYAN O CITIZENSHIP?
PAGKAMAMAYAN
Ang pagkamamayan ay ang pagiging miyembro o
kasapi ng isang bansa ayon sa itinakda ng batas
nito.

Ang paninirahan sa isang bansa ay hindi basehan


ng pagkamamayan nito.

Halimbawa : Ang mga dayuhang naninirahan sa


Pilipinas ay hindi basta-basta maituturing na
mamayang Pilipino dahil lamang sila ay narito.

Ang pagkamamayan ay mayroong


pinagbabasehan o pinagbabantayan .
DAWALANG KONSEPTO NG
PAGKAMAMAMAYAN
LEGAL NA PANANAW AT
LUMAWAK NA PANANAW
LEGAL NA PANANAW
LEGAL NA PANANAW

Ito ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng


isang tao bilang miyembro ng isang
pamayanan o estado.

Tinitingnan natin ang pagkamamamayan bilang


isang legal na kalagayan ng isang indibiduwal
sa isang nasyon o estado.
8
Ang pagkamamamayan ay tumutukoy sa
ugnayan sa pagitan ng mga indibiduwal at
ng estado.

“Reciprocal na karapatan at pananagutan”

9
SEKSIYON 1. ANG SUMUSUNOD AY
MAMAMAYAN NG PILIPINAS:
1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng
pagpapatibay ng Saligang Batas na ito;
2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng
Pilipinas;
3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na
ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang
Pilipino pagsapit sa
karampatang gulang; at
4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
12
SEKSIYON 2
Seksiyon 2. Ang katutubong inianak na
mamamayan ay yaong mamamayan ng
Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala
nang kinakailangang gampanang ano
mang hakbangin upang matamo o
malubos ang kanilang
pagkamamamayang Pilipino.

Yaong mga nagpasiya na maging


mamamayang Pilipino ayon sa
Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat
ituring na katutubong inianak na
13
mamamayan.
SEKSIYON 3

Ang
pagkamamamayang
Pilipino ay maaaring
mawala o muling
matamo sa paraang
itinatadhana ng batas.
SEKSIYON 4
Mananatiling angkin ang
kanilang pagkamamamayan
ng mamamayan ng
Pilipinas na mag-asawa ng
mga dayuhan, matangi
kung sa kanilang
kagagawan o pagkukulang,
sila ay ituturing, sa ilalim
ng batas, na nagtakwil nito.
15
SEKSIYON 5

Ang dalawang
katapatan ng
mamamayan ay
salungat sa
kapakanang
pambansa at dapat
lapatan ng
kaukulang batas.
16
REPUBLIC ACT NO. 9225 O
CITIZENSHIP RETENTION AND
REACQUISITION ACT
OF 2003
Ang mga dating mamamayang
Pilipino na naging mamamayan ng
ibang bansa sa pamamagitan ng
naturalisasyon ay maaaring maging
mamamayan Pilipino muli.
DALAWANG URI NG
MAMAMAYAN
1. Likas o Katutubo- Anak ng Pilipino, parehong
mga magulang o alinman
2. Naturalisado- Dating dayuhan na naging
mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng
Naturalisasyon.

18
NATURALISADO
- Ito ang hakbang o proseso na ginagawa ng
Pamahalaan upang ang isang dayuhan ay maging
Pilipino sa mga kondisyon na dapat sundin nito sa
bansa .

Mga dapat sundin ng isang dayuhan :


-Ang dayuhan ay dapat na nasa 21 taong gulang.
- Sampung taon ng naninirahan sa bansa.
19
- Mahusay at malinis ang pagkatao .
MGA PRINSIPYO NG
PAGKAMAMAMAYAN

1.Jus sanguinis: (Karapatan ng dugo)


-Ang pagkamamamayan ng isang tao ay
nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa
kaniyang mga magulang.
Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.

20
JUS SANGUINIS: (KARAPATAN NG
DUGO)
Halimbawa:

1. Si Ernesto ay ipinanganak sa Quezon . Ang


kanyang mga magulang ay Pilipino.
2. Si Henri ay ipinanganak sa Pangasinan . Ang
kaniyang ama ay Pilipino ngunit ang kaniyang
ina ay isang Amerikano .
(Si Henri ay mamayang Filipino pa rin. )
21
2. JUS SOLI: (KARAPATAN NG LUPA )

-Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa


lugar kung saan siya ipinanganak.
- Ito ang prinsipyong sinusunod sa
Amerika.

22
23
PAGKAWALA NG PAGKAMAMAMAYANG
PILIPINO

a. ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng


ibang bansa;

b. tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa


kapag may digmaan; at
nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
24
2. LUMAWAK NA PANANAW

25
ANO BA ANG IBIG SABIHIN
NG LUMAWAK NA
PANANAW
LUMAWAK NA
PANANAW
- Ang lumawak na pananaw ng
pagkamamayan naman ay tumutukoy sa
kanyang mga tungkulin o gampanin sa isang
mamamayan sa kanyang lipunan o bansa.

- Tumutukoy rito na ang mamayang Pilipino


ay may karapatan upang gumawa ng
kabutihan para sa pangkalahatan .

- Tanging kabutihan lamang ang gagawin ng


isang mamamayang Pilipino.
Pagkakabuklod- Tuntunin at Paggalang sa
buklod tungkulin katarungan

Demokrasya Pananaig ng batas

28
Pagiging bukas Pagpaparaya

29
30
KODIGO NG PAGKAMAMAYAN AT
KAGANDAHANG-ASAL

Ang mga aral ng nasabing kodigo


ay nananatiling buhay at
mahalaga sa kasalukuyang
panahon.
31
ATAS
TAGAPAGPAGANAP
BLG . 217
1. Magtiwala ka sa Poong Maykapal na gumagabay sa kapalaran ng mga tao
at mga bansa. Mahalin mo ang iyong bayan sapagkat ito ang iyong
tahanan, pinagmumulan ng iyong pagmamahal at bukal ng iyong
kaligayahan at pagiging tao. Ang pagtatanggol sa bayan ang pangunahin
mong tungkulin. Maging handa sa lahat ng oras na magpakasakit at ialay
ang buhay kung kinakailangan.

2. Igalang mo ang Saligang Batas na nagpapahayag ng makapangyarihang


kalooban. Itinatag ang Saligang Batas para sa iyong kaligtasan at sariling
kapakanan. Sundin ang mga batas at tiyaking sinusunod ito ng lahat ng
Mamamayan at tumutupad sa kanilang tungkulin ang mga pinuno ng bayan.

33
3. Kusang magbayad ng mga buwis at maging maluwag sa kalooban ang
maagap na pagbabayad nito. Alalahaning ang pagkamamamayan ay hindi
lamang mga karapatan ang taglay kung hindi maging mga pananagutan
din.

4. Panatilihing malinis ang halalan at sumunod sa pasya ng nakararami.

5. Mahalin at igalang ang iyong mga magulang. Paglingkuran mo silang


mabuti at
pasalamatan.
34
6. Pahalagahan mo ang iyong karangalan gaya ng pagpapahalaga mo sa
iyong buhay. Ang karalitaang may dangal ay higit na mahalaga kaysa yamang
walang karangalan.

7. Maging matapat sa pag-iisip at sa gawa. Maging makatarungan at


mapagkawanggawa, ngunit marangal sa pakikitungo sa kapwa.

8. Mamuhay nang malinis at walang pag-aaksaya. Huwag maging maluho at


mapagkunwari. Maging simple sa pananamit at kumilos nang maayos.

9. Mamuhay na gaya ng inaasahan sa iyo ng marangal na tradisyon ng ating


lahi. Igalang ang alaala ng ating mga bayani. Ang kanilang buhay ay
halimbawa ng daan tungo sa tungkulin at karangalan.
35
10. Maging masipag. Huwag ikatakot o ikahiya ang pagbabanat ng buto. Ang
pagiging masipag ay daan tungo sa isang matatag na kabuhayan at sa
yaman ng bansa.

11. Umasa sa iyong kakayahan sa pag-unlad at kaligayahan. Huwag agad


mawawalan ng pag-asa. Magsikap upang makamit ang katuparan ng iyong
mga layunin.

12. Gampanang maluwag sa kalooban ang iyong mga tungkulin. Ang


gawaing hindi maayos ay higit na masama sa gawaing hindi tinapos. Huwag
ipagpabukas ang gawaing maaari mong gawin ngayon.

13. Tumulong sa kagalingan ng iyong pamayanan at palaganapin ang


katarungang panlipunan. Hindi ka nabubuhay
36 na nag-iisa kapiling ang iyong
14. Ugaliin ang pagtangkilik sa sariling atin at sa mga kalakal na gawa rito sa
atin.

15. Gamitin at linangin ang ating likas na yaman at pangalagaan ito para sa
susunod na
salinlahi. Ang mga kayamanang ito ay minana pa natin sa ating mga ninuno.
Huwag mong gawing kalakal ang iyong pagkamamamayan.

16. Mahalagang bahagi ng ating pagka-Pilipino ang aktibo nating pakikilahok


sa mga isyu at hamong ating kinakaharap. May magagawa tayo bilang mga
aktibong mamamayan ng bansa upang patuloy na mapabuti at mapa-angat
ang antas ng ating pamumuhay.
37

You might also like