You are on page 1of 2

1. Ano-ano ang katangian ng isang mabuting pilipino ayon sa awitin?

>Marunong sumunod sa mga tungkulin. Ipinaglalaban ang dangal ng bayan.


Handang mamatay alang -alang sa buhay. Tumutupad sa tungkulin. Likas na sa mga
Pilipino ang pagiging responsible at pagtupad kung mayroob silang tungkuling
sinumpaan. Sumusunod sa mga batas at alituntunin. Ang mga Pilipino ay sadyang
masunurin sa batas at mga alituntunin ng bansa. Pinahahalagahan ang boto. Ang
Pilipino ay sadyang may paki-alam kung sino ba ang kanyang bubutuhin. Mas pinipili
ng mga Pilipino ang mga magagaling na mamumuno sa pamahalaan dahil alam nila
na may malaking puwedeng maitulong ito sa bansa.Tapat ang serbisyo sa
mamamayan at hindi nagnanakaw ng kaban ng bayan. Ang Pilipino masarap
magbigay ng serbisyo kaya naman sila ang hinihiling ng mga dayuhan na sila ang
maging mangagagawa.Ang mga Pilipino at matapat, hindi sila nagnanakaw kahit na
sila ay maghirap pa sa buhay. Ipinagtatanggol ang karangalan. Ang mga Pilipino ay
sadyang matapang kung ito ay nasa tama. Maraming Pilipino ang namatay dahil sa
pagtatanggol sa karangalan ng bayan. Mga karapatan ay kinikilala. Malaya ang mga
Pilipino na sa pagkilala ng kanilang mga karapan.

2. Sino-sino ang itinuturing na mamamayang pilipino?

> Kapag siya ay tumatawid sa tamang tawiran, sumasakay sa tamang sakayan,


marunong pumila, hindi nagkakalat sa paligid, nakikinig sa magulang, nag-aaral nang
mabuti, hindi nagdodroga, pinahahalagahan ang boto, hindi nangongotong o
nagbibigay ng lagay at hindi pasiga-siga sa lansangan.

3. Bakit maisakatuparan ng isang mamamayan ang kaniyang mga tungkulin at


pananagutan?

> Sa pamamagitan ng pagiging mamamayan ng isang bansa, ikaw ay makakatulong


sa pamamagitan ng buwis na ginagamit sa ibat ibang ahensya ng pamahalaan kagaya
ng edukasyon at pagamuta. Mahalaga din bilang isang mamamayan upang
magkaroon ng isang maunlad na bansa at pamahalaan. Isa pa sa mga tungkulin ay
ang paglaban ang bansang pinagmulan halimbawa dito ay ang digmaan. Tungkulin
din ng mamamayan na sundin ang batas na itinakda ng pamahalaan at higit sa
lahat, ang mamamayan din ang makakatulong sa kapwang mamamayan. Mahalin
ang bawat isa.

4. Paano makatutulong ang mamamayan sa pagsulong ng kabutihang panlahat at


pambansang kapakanan?

> Makakatulong tayo kapag tayo ay nagkaisa at walang kurapsyon para umunlad ang
ating bansa. Napakalaki ng maitutulong ng mamamayan  sa pag-unlad at pagsulong
ng bansa. Kung tayo ay may disiplina at pagkakaisa maisusulong natin ang pagunlad
na makakabuti para sa lahat mula sa ating ekonomiya, kalakalan at Peace and Order.
Assessment:

Ano ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan na


nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko?

Ang katangian ng mga aktibong mamamayan ay masikap, madamayin, maparaan,


may malasakit, at makabayan. Ang isang mamamayan ay dapat nakikihalubilo sa mga
kapuwa mamamayan upang pag usapan ang mga isyu ng bayan. Pagkakaisa ang
kailangan sa isang bansa upang umunlad ang ating bansa at para wala nang
nahihirapan. Dapat unahin ang mga taong nasa lansangan at mga taong mahihirap.
Uunlad tayo kung walang graft at kurapsyon. Bilang isang mamamayan dapat tayo ay
magsikap upang maganda ang ating kinabukasan. Indibidwal/grupo na may layunin
at kakayanhang linangin ang bayan/bansa sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa sa
ano mang paraan na kayang gampanan. Ang ganitong kilusan/aktibidad ay patuloy
na magbubuklod sa mamayan lalo na sa mga sitwasyon ng kalamidad, sakuna o may
pangangailangan. Ang patugon sa kagalingan ng mamayan ay isa sa mga
pinakamataas na kabutihan ng pagtulong sa kapwa.

Gaano kahalaga ang papel ng mamamayan sa ating lipunan?

Bilang isang mamamayan tayo ay may papel sa buhay at lipunan sapagkat ito ay
binigay ng Diyos. Sobrang halaga ito dahil ang mga trabaho na ginagawa ng mga
mamamayan ay nakakaapekto ng ating lipunan ng sobra sobra dahil lahat ng mga
bagay at mga pangyayari na ngaganap sa lipunan ay dahil sa mga mamammayan. Sa
madaling salita, ang mamamayan ang buhay at pag-asa ng isang lipunan. Mahalaga
ito dahil bilang isang mamamayan ay may karapatan ang bawat isa na magtrabaho.
Ang isang lipunan ay binubuo ng mga mamamayan, at ang bawat mamamayan ay
may silbi o halaga o importansya sa lipunang ginagalawan nito. Maaaring hindi
ganoon kalaki ang halaga nito, ngunit hindi mabubuo ang isang lipunan kung wala
ang isang mamamayan na iyon.
Ang bawat mamamayan ay may papel na ginagampanan sa komunidad. Ito ay
maaaring tumutulong upang makapagbigay ng kabuhayan, o hindi kaya’y ito ay
nakakapagbigay proteksyon, aksyon, at solusyon sa loob ng lipunan. Sa pagtutulong-
tulong ng bawat mamamayan, ang lipunan na kanilang ginagalawan ay maaaring
maging maganda, matiwasay, at maayos. Ibig sabihin lamang nito na ang bawat isang
mamamayan ay mahalaga sa lipunan.

You might also like