You are on page 1of 10

Kaligirang Pangkasaysayan ng El

Linggo 1
Filibusterismo

Pangalan: _________________________________ Pangkat: _______________________

KOMPETENSI:
1. Nasusuri ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan tungkol sa
kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo. (F10PN-IVa-b-83)
2. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng
pagtukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang akda, pagpapatunay
ng pag-iral ng mga kondisyong ito sa kabuuan o ilang bahagi ng akda,
pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat ng akda. (F10-PB-IVa-b-86)
3. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kaligirang pangkasaysayan
nito. (F10PT-Iva-b-82)
4. Napahahalagahan ang napanood papapaliwanag ng kaligirang
pangkasaysayan ng pagkakasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng
pagbubuod nito gamit ang timeline. (F10PD-Iva-b-81)

PAG-ARALAN:
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ay ang tinatawag na ''historical background''
sa Ingles. Ayon sa (Philnews, 2020) Ito ay tumutukoy sa rason ng mga pangyayari
nang sinaunang naganap o dahilan ng pinag-ugatan sa kung paano, bakit
nagkaroon at nagawa ang isang bagay, tao, lugar, pangyayari at iba pa.
Ang kaligirang pangkasaysayan ay ang tinatawag na pinagsimulan o ''origin''
ng mga bagay-bagay na naririnig, nababasa, nakikita at nararanasan sa
kasalukang panahon.
Lahat ng mga bagay sa pangksalukuyan ay may mga kaligirang
pangkasaysayan gaya ng mga sumusunod na halimbawa:
 Kultura at Tradisyon ng isang rehiyon o bansa
 Pagtayo sa Taj Mahal ng India
 Pagsulat ni Jose Rizal ng Noli Me Tangere

Basahin at unawain ang Kaligirang Pangkasaysayan na isinulat ng ating


magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo upang iyong
matuklasan kung paano ito binuo, napasigla sa diwa at damdaming makabayan ng
mga Pilipino.

Ang Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo

Ang El Filibusterismo ay isang nobelang pulitikal na isinulat ni Dr. Jose P.


Rizal. Ayon sa kasaysayan kung ikukumpara ito sa naunang nobela ni Rizal na
Noli Me Tangere, mas malaki ang naitutulong ng El Filibuserismo sa mga Pilipino,
partikular sa mga katipunero sapagkat ang akdang ito ang nag-udyok at nagbigay
ng lakas ng loob sa mga Pilipino upang lumaban sa mga Kastila. Ito rin ang
nagturo sa mga Pilipino na maging bihasa sa pagkamit ng tagumpay at matamo
ang kaligtasan sa sariling pagsisikap.
Kasaysayan
Author: Mariel D. Morales
School/Station: Tubajon National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: mariel.morales001@deped.gov
Taong 1891 nang unang mailimbag ang El Filibusterismo, ngunit bago ito
manyari ay maraming pagsubok na dinanas si Rizal. Marami sa mga paghihirap na
ito ay dahilan ng pagkakalathala ng Noli Me Tangere noong Marso 1887. Katakot-
takot na pagbabanta ang natanggap ni Rizal mula sa pamahalaang Kastila sa
Pilipinas nang unang lumabas ang naturang nobela. Maging ang kanyang naiwang
pamilya, kaibigan, at kababayan ay giniyagis ng panggigipit. Kahit na anim na
buwan pa lamang niyang muling nakakasama ang pamilya matapos ang ilang
taong pagkakawalay, nagpasiya si Rizal na muling mangibang-bansa upang
mailayo ang mga mahal sa buhay sa kapahamakan.
Tumulak si Rizal patungong Hong Kong noong Pebrero 1888, at mula roon
ay naglakbay siya patungong Japan, Estados Unidos at Inglatera hanggang
marating niya ang Europa. Subalit kahit na malayo na siya sa Pilipinas ay hindi
lingid sa kanya ang tunay na kalagayan ng pamilya at mga kababayan. Habang
naglalakbay ay nakatanggap si Rizal ng mga ulat tungkol sa pag-uusig at
matinding pagpapahirap na dinanas ng kanyang pamilya sa kamay ng mga Kastila.
Ang mga ganitong balita ay lubhang nagpahirap sa kalooban ni Rizal. Nadagdagan
pa ang kanyang kalungkutan nang mabalitaang ikinasal sa iba ang kanyang
minamahal, dahil ayaw ng mga magulang nito kay Rizal, na binansagang subersibo
at kalaban ng Espanya ng pamahalaang Kastila. Ang mga pangyayaring ito ang
nagpagupo sa diwa at damdamin ni Rizal kung kaya’t tuwing may pagtitipon ang
mga Pilipino sa Madrid, ang kalimitang paksa niya ay tungkol sa paghihimagsik sa
isang mapayapang paraan.
Sa kabila ng mga kasawian sa buhay ay ipinagpatuloy pa rin ni Rizal ang
pagsulat sa ikalawang nobela, na kanyang sinimulang buuin sa tahanan ng
kanyang pamilya sa Calamba, Laguna. Sa London, kung saan siya nanirahan mula
Mayo hanggang Setyembre 1888, pinagpatuloy niya ang pagsusulat, pagrerebisa,
at pagwawasto sa manuskrito. Gayon din ang ginawa niya sa Paris, Madrid at
Bruselas, Belgica, kung saan niya isinulat ang malaking bahagi ng akda.
Natapos ni Rizal ang kabuuan ng nobela noong Marso 21, 1891. Ayon sa
talambuhay ni Rizal na isinulat nina Russel at Rodriguez, naisip nang ipalimbag ni
Rizal ang El Filibusterismo sa pag-asang may sapat na salaping igugugol dito,
subalit nabigo siya nang hindi dumating ang inaasahang pondo. Maging ang mga
mayayamang Pilipinong nangako ng suportang pinansyal ay nangagkalimot sa
kanilang salita. Nagsanla si Rizal ng mga alahas, ngunit hindi rin sapat ang perang
kanyang nakuha mula rito. Dahil sa kawalan ng salapi , napilitan si Rizal na
ipatigil ang pagpapalimbag sa aklat, na noo’y mayroon nang 112 pahinang
naiimprenta.
Kalagitnaan ng Setyembre 1891 nang maganap ang isang hindi inaasahang
pangyayari. Dumating buhat sa Paris ang perang padala ng matalik na kaibigan ni
Rizal na si Valentin Ventura. Sa pangyayaring ito, naligtas si Rizal sa pagkakagipit
at ang El Filibusterismo, ay natapos ipalimbag noong Setyembre 22, 1891.
Bilang pagtanaw ng utang-na-loob, inialay ni Rizal kay Ventura ang orihinal na
manuskrito ng El Filibusterismo, at ipinadala ito sa huli kalakip ng isang nilimbag
at nilagdaang sipi ng nobela. Nagpadala rin si Rizal ng mga sipi ng nobela sa
matatalik na kaibigan gaya nina Ferdinand Blumentritt, Marcelo H. Del Pilar,
Graciano Lopez Jaena at Juan Luna. Ang karamihan ng mga nailimbag na kopya
ng aklat ay kanyang ipinadala sa Hong Kong, samantalang ang natitirang bahagi

Author: Mariel D. Morales


School/Station: Tubajon National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: mariel.morales001@deped.gov
naman ay sa Pilipinas. Ang pagpapadala ni Rizal sa Pilipinas ng mga sipi ng nobela
ay nagpapatunay na sinulat niya ang El Filibusterismo upang basahin ng mga
kababayan at di lamang ng mga taga-Europa.
Sa kasamaaang-palad, nasamsam ang halos lahat ng sipi ng El
Fiibusterismo na ipinadala ni Rizal sa Hong Kong. Maging ang ilang kopyang
nakarating sa Iloilo ay ipinasira ng pamahalaang Kastila. Gayon pa man, may ilang
kopya pa rin ng nobela na nakarating at nabasa sa ilang bahagi ng Pilipinas, at
lumikha ng malaking kasiglahan sa kilusang nauukol sa paghihimagsik.

Ang Akda
Tulad ng nabanggit, ang El Filibusterismo ang pangalawang nobela ni Rizal.
Ang pamagat ng akda ay literal na nangangahulugang “ang pilibustero” o “ ang
rebelde,” na nagpapatungkol sa paglaban sa pamahalaan at sa simbahan. Maaari
rin itong mangahulugang “ paghahari ng kasakiman”.
Sa dalawang nobelang kanyang isinulat, higit na pinagtuunan ng pansin ni
Rizal ang El Filibusterismo. Ninais niyang gawin itong mas mahaba kaysa sa Noli
Me Tangere, ngunit napaiksi ito dahil sa kasalatan sa salapi.
Sa kasalukuyan , makikita ang orihinal na manuskrito ng El Filibusterismo
sa National Library sa Maynila. Ito ay nasa sulat-kamay ni Rizal at binubuo ng 279
na pahina ng mahabang pirasong papel a kanyang binili kay Ventura sa halagang
10,000.00

Tema
Sa pamagat pa lamang ay mababatid na ang nilalaman ng nobela at isa
itong nobelang pulitikal. Tumatalakay ito sa mga maling gawi at pamamalakad ng
pamahalaan at ng simbahan. Inilalarawan din dito ang kapaitan ng buhay, ang
agwat ng mayaman at mahirap, at ang pangingibabaw ng galit sa puso ng bawat
tauhan, na nagsilbing udyok sa mga mamamayang Pilipino na maghimagsik upang
makamit ang hinihinging pagbabago sa mapayapang paraan.

Tagpuan
Nabanggit sa nobela ang ilang makatotohanang lugar sa Pilipinas tulad ng
Ilog Pasig, kung saan naglayag ang luma’t mabilog na barkong binanggit sa akda;
ang Laguna de Bay; ang Quiapo at iba pang lugar sa Maynila at mga karatig-pook
nito.

Tauhan
Mula sa pananamit, pagkilos, pananalita, pag-iisip at pakikitungo ng mga
tauhan ng nobela, mababakas ang tunay na pagkatao ng bawat isa. Makikita ang
kahinaan at kalakasan, ang pagiging mapagkunwari, ang paghihimagsik at ang
pag-aalinlangan, na pare-parehong nagbigay linaw sa tunay na layunin at mithiin
ng may- akda.

Kaisipan
Punong-puno ng matatayog na kaisipan at gintong aral ang nobelang El
Filibusterismo. Nasa mambabasa kung paano bibigyan ng kahulugan at
kongklusyon ang mga ito, kung kaya’t kailangan ang masusing pagsusuri upang
maunawaan ito nang lubos.
Author: Mariel D. Morales
School/Station: Tubajon National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: mariel.morales001@deped.gov
PAUNANG PAGTATAYA
Panuto. Basahin ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Inialay ni Rizal ang nobela sa tatlong pari na sina Padre Mariano Gomez, Padre
Jose Burgoz at Padre _____ Zamora.
A. Jacinto B. Pedro C. Safio D. Valeriano

2. Sino ang kaibigan ni Rizal na nagpadala ng kinakailangang pera upang


maipalimbag ang kanyang nobela.
A. Ferdinand Blumentrit C. Jose Maria Pasa
B. Jose Alejandrino D. Valentin Ventura

3. Ang unang nobelang isinulat ni Rizal ay ______.


A. Ang Gamu Gamo C. Noli Me Tangere
B. El Filibusterismo D. Sa Aking Kababata

4. Isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na


pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas.
A. Kasaysayan D. Maikling Kuwento
B. Kuwentong Bayan C. Nobela

5. Batay sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo, saan sinimulang


sulatin ni Jose Rizal kanyang nobela?
A. Belgium B. Calamba C. Inglatera D. Madrid

6. Ano ang wastong pagpapakahulugan ng El Filibusterismo?


A. Paghahari ng Kasakiman C. Paghahari ng Kataksilan
B. Paghahari ng Kasamaan D. Paghahari ng Paghihiganti

7. Ang El Filibusterismo ay may higit na layuning__________.


A. Pampamilya B. Panlipunan C. Pambansa D. Pandaigdig

8. Taon ng pagkakalimbag ng nobelang El Filibusterismo


A. 1887 B. 1889 C. 1890 D. 1891

9. Tawag sa isang miyembro ng mamamayang hindi sang-ayon sa pamamalakad ng


simbahan.
A. Despedido B. Excommunicado C. Pilibustero D. Reseṅa

10. Ipinasira ng Pamahalaang Espanyol ang mga sipi ng nobela subalit may ibang
nakalusot. Ano ang kasingkahulugan ng salitang “sipi”?
A. Aklat B. Kabanata C. Kopya D. Pahina

Author: Mariel D. Morales


School/Station: Tubajon National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: mariel.morales001@deped.gov
GAWAIN 1: Suriin Mo!
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag at isulat kung nobelang Noli Me
Tangre o El Filibusterismo ang kinapalolooban ng mga mahalagang nilalaman.

Nilalaman Noli Me Tangere/El Filibusterismo

1. Nailathala ang akda noong Taong 1887

2. Si Valentin Ventura ang tumulong sa


pagpapalimbag ng akda.
3. Kinuha ni Rizal sa ebanghelyo ni
Juan 20: 13-17 sa Bibliya ang kanyang
akda.
4. Napilitang ipatigil ni Dr. Jose Rizal ang
pagpapalimbag sa akda dahil sa
kakulangan sa pundo o pananalapi.
5. Inialay ang akda sa tatlong paring
martir o GOMBURZA, na inakusahan ng
pag-aaklas laban sa pamahalaang
Espanyol

GAWAIN 2: Tuklas-Suri
A. Panuto: Sagutin mo ang mga pamprosesong tanong na may kaugnayan sa
teksto.
Takda/Tanong Tugon ng Mag-aaral

1. Paano nakatulong ang


kaligirang pangkasaysayan
sa lubos na pag-unawa ng
nobela?

2. Anong kondisyong hinarap


ng may-akda sa panahong
isinulat ang El
Filibusterismo?

B. Panuto: Tukuyin at isulat sa kahon ang layunin ni Dr. Jose Rizal sa


pagsulat ng El Filibusterismo.

Author: Mariel D. Morales


School/Station: Tubajon National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: mariel.morales001@deped.gov
GAWAIN 3: Talasalitaan
Panuto: Basahin ang pangungusap at isulat sa loob ng kahon ang katumbas ng
salitang nakahig.

1. Tinaguriang mabangis ang unang obra ni


Dr. Jose Rizal.
2. Sa El Filibusterismo ipinakita ni Jose Rizal
ang kanyang pagbabanyuhay.
3. Si Don Rafael Ibarra ay pinaratangang
Pilibustero ng mga Prayle.
4. Ang kanyang pamilya ay giniyagis din ng
maraming panggigipit.
5. Ang mga pangyayari ay nagpagupo sa diwa
at damdamin ni Rizal.

GAWAIN 4: Timeline o Infographic


Panuto: Panoorin ang video clip tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan sa link na
ito (https://youtu.be/O7iu4HbDZCI) . Maaari mo rin basahin ang kasaysayan ng El
Filibusterismo na makikita mo sa aralin.

1887 Marso 29, 1891


Pebrero 1888 Setyembre 1891

Pangyayari Pangyayari Pangyayari Pangyayari

Author: Mariel D. Morales


School/Station: Tubajon National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: mariel.morales001@deped.gov
Pamantayan sa Pagsulat ng Timeline

Pamantayan Indikator Puntos Natamong Puntos

Wasto ang pagkasunod-


Nilalaman sunod ng mga pangyayari 5-1
sa timeline
Malinis, organisado at
Pagkabuo madaling maunawaan ang 5-1
ginawang timeline
Kabuuan 10
REPLEKSYON:

Natuklasan ko…

bagay na ______________________________________________
nakita ko
____________________________________
______________________________________________
____________________________________
______________________________________________
____________________________________
interesadong
bagay na
natutunan ko
Natutunan ko ang…

______________________________________________
____________________________________
______________________________________________
____________________________________

Kailangang matuto pa ako…

_________________________________________

PANAPOS NA PAGTATAYA:
Author: Mariel D. Morales
School/Station: Tubajon National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: mariel.morales001@deped.gov
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Bilang pagtanaw ng utang na loob, inalay ni Dr. Jose Rizal ang orihinal na
manuskrito ng El Filibusterismo kay ________
A. Ferdinand Blumintritt C. Maximo Viola
B. Graciano Lopez Jaena D. Valentin Ventura

2. Ang pangyayaring nakapagupo sa diwa at damdamin ni Dr. Jose Rizal ay ang


balitang?
A. Ikinasal sa iba ang kanyang minamahal
B. pinag-uusig ng mga Kastila ang kanyang pamilya
C. matinding pagpapahirap ang dinanas ng kanyang pamilya
D. lahat nang nabanggit

3. Iniwang muli ni Dr. Jose Rizal ang kanyang pamilya kahit anim na buwan pa
lang niyang nakakasama, matapos ang matagal na pagkakawalay upang ____
A. mailayo ang mga mahal sa buhay sa kapahamakan
B. balikan ang kasintahang iniwan sa ibang bansa
C. sumulat na muli ng isang nobela
D. pasyalan ang iba pang magagandang bansa

4. Ang Rein of Greed ay nangangahulugang _______.


A. Huwag Mo Akong Salangin C. Paghahari ng Kapangyarihan
B. Lakas Laban sa Lakas D. Paghahari ng Kasakiman

5. Ang El Filibusterismo ay isinulat ng may akda dahil sa mga sumusunod


maliban sa isa.
A. Iniaalay ni Dr. Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa GomBurZa na
nag-alay ng buhay sa nobela.
B. Makatulong nang malaki kay Andres Bonifacio at sa Katipunan sa
pagkamit ang kalayaan.
C. Lubos siyang nagtipid at isinakripisyo ang ilang mahal sa buhay para
lamang sa kanyang nobela.
D. Nakatulong na namatay siya dahil sa pagbubuwis ng buhay sa pag-aalsa
at pamumuno sa himagsikan laban sa mga Kastila.

6. Nakatulong nang malaki ang El Filibusterismo sa mga katipunero, sapagkat


_________?
A. ito ang naging dahilan upang matutong magbasa ang mga Pilipino
B. ito ang naging dahilan upang matakot ang mga Kastila sa mga Pilipino
C. ito ang naging dahilan upang maging maayos ang buhay ng mga Pilipino
D. ito ang nag-udyok at nagbigay ng lakas ng loob sa mga Pilipino upang
lumaban sa mga kastila

7. Ang pagpapadala ni Dr. Jose Rizal ng mga sipi ng nobela sa Pilipinas ay


nagpapatunay na sinulat niya ang El Filibustirismo upang?
A. basahin ng kaniyang mga kaibigan
B. makilala siya bilang mahusay na manunulat
C. kumita nang malaki sa mapagbibintahan ng nobela
D. basahin ng mga kababayan at di lamang ng mga taga Europa

8. Ang sumusunod na pahayag ay ang mga hirap na dinanas ni Rizal habang


isinulat ang El Filibusterismo, maliban sa.
Author: Mariel D. Morales
School/Station: Tubajon National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: mariel.morales001@deped.gov
A. Wala na siyang makain
B. Wala na siyang tinatanggap na tulong sa kaniyang magulang at kaibigan.
C. Wala siyang nasisingil sa pinagbilhan ng kanyang unang nobela.
D Hindi sapat ang salapi na tinanggap niya mula sa nagtataguyod ng
propaganda.

9. Ang sumusunod ay ang temang tumatalakay sa nobelang El Filibusterismo


maliban sa.
A. agwat ng mayaman at mahirap
B. inihayag ang kapaitan ng buhay
C. maling gawi at pama malakad ng pamahalaan at simbahan
D. kalapastanganang ginagawa ng mga prayle at mga Kastila sa gobyerno

10. Anong kalagayan ang naranasan ng may-akda sa pagsulat ng nobelang El


Filibusterismo?
A. Ang may-akda ay may tamang pundo upang ipalimbag ang nobela
B. Ang pamilya ng may-akda ay pinag-uusig ng mga kastila at ikinasal ang
kanyang minamahal
C. Ang may-akda ay hindi nakaranas ng paghihirap sa panahon na nilikha
ang nobelang Filibusterismo
D. Ang mga kaibigan ng may-akda ay nakaranas ng matinding paghihirap
sa kamay ng mga kastila habang isinusulat ang nobela

SANGGUNIAN:

Author: Mariel D. Morales


School/Station: Tubajon National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: mariel.morales001@deped.gov
Lolita T. Bandril, et al. El Filibusterismo Quezon City: Phoenix Publishing House
Inc.,2008

https://youtu.be/O7iu4HbDZCI)
https://brainly.ph/question/9333288
https://pangkatmaxwell2018-2019.blogspot.com/2018/12/el-filibusterismo.html=1

SUSI SA PAGWAWASTO:

Paunang Pagtataya Gawain 4

1. A Iba-iba ang sagot


2. D
3. C
4. C Panapos na Pagtataya
5. C
6. A 1. D
7. B 2. D
8. D 3. A
9. C 4. D
10.C 5. C
6. D
7. D
Gawain 1
8. D
1. Noli Me Tangere 9. D
2. El Filibusterismo 10.B
3. Noli Me Tangere
4. El Filibusterismo
5. El Filibusterismo

Gawain 2

Iba-iba ang sagot

Gawain 3

1. makamandag
2. pagbabagong-anyo
3. lumalaban sa simbahan
4. balisa
5. nagpawasak

Author: Mariel D. Morales


School/Station: Tubajon National High School
Division: Dinagat Islands
Email Address: mariel.morales001@deped.gov

You might also like