You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Southern City Colleges


JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
PilarStreet, Zamboanga City
Academic Year 2022-2023
IKALAWANG BAHAGING PAGSUSULIT SA FILIPINO 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
Pangalan:____________________________ Petsa: _______
Taon at sekyon: _______________________ Marka:_______
PANUTO: Basahing mabuti ang mga tanong. Pillin ang letrang wastong kasagutan. Isulat ito sa guhit sa tabing
bilang.
______1. Ano ang ikalawang nobelang isinulat ni Dr. Jose Rizal para sa bansang Pilipinas?
A. Barlaan at Josapat B.Doctrina Christiana C.El Filibusterismo D. Noli Me Tangere
______2. Kailan sinimulang isulat ni Rizal Ang nobelang El Filibusterismo?
A. Agosto 6, 1891 B. Marso 29, 1891 C. Oktubre 1887 D. Setyembre 18, 1891
______3. Sa aling mga lugar niya naisulat ang nobelang El Filibusterismo?
A. Calamba, Paris, Madrid, Biarritz C. Calamba, Hongkong, Paris, Biarritz
B. Calamba, Esapanya,Laguna, Brazil D. Calamba, Ghent Belgium, Madrid, Paris
______4. Ano ang ibig sabihin ng EL FILIBUSTERISMO?
A. Ang paghahari ng kasakiman C. Ang paghahari ng mga Pilipino
B. Ang paghahari ng Kristiyanos D. Ang paghahari ng mga Pari
______5. Tungkol saan ang nobelang El Filibusterismo ni Rizal?
A. Pampulitika B. Panlipunan C. Pantahanan D. Pangkabuhayan
______6. Ano ang layunin ni Rizal sa pagsulat niya sa nobelang El Filibusterismo?
A. Magising at mag-alsa B. Pagbabago C. Paghimok D. Pakikiisa
______7. Ayon sa salaysay, kailan at saan nailimbag ang nobelang El Fili ni Rizal?
A. Agosto 6, 1891 sa Calamba, Laguna C. Oktubre 1887 sa Madrid
B. Marso 29, 1891 sa Paris D. Setyembre 18, 1891 sa Ghent Belgium
_____8. Sino ang nagpahiram kay Rizal ng pera para mailimbag niya ang pangalawa niyang nobela?
A. Blumenttrit B. Jose Maria Basa C. Nellie Boustead D. Valentin Ventura
_____9. Para kanino inialay ni Rizal ang kaniyang nobelang El Filibusterismo?
A, BURGOMZA B. GOMBURZA C. GOMZAMBUR D. ZAGOMBUR
_____10. Bakit nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888?
A. Dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay.
B. Dahil inuusig siya ng pamahalaang kastila
C. Dahil kailangan niyang tapusin sa ibang bansa ang manuskrito
D. Dahil sa mga pagbabanta ng mga nasa katungkulan
_____11. Sinu-sino ang tatlong paring martir na pinag-alayan ni Rizal ng kaniyang aklat El Filibusterismo?
A. Burdeos, Gomez, Zamora C. Gomez, Burlasa, Zamonte
B. Gomez, Burgos, Zamora D. Zamora, Golez, Blumenttrit
_____12. Sino ang kasintahan ni Rizal na ipinakasal sa ibang lalaki ng kaniyang mga magulang habang nasa
ibang bansa siya.
A. Josephine Braken B. Leonor Rivera C. Maria Asuncion Rivera
____13. Ano ang kalagayan ng Pilipinas nang isulat ni Rizal ang nobelang El Filibusterismo?
IBA HIGH SCHOOL
Iba, San Jose, Tarlac
Email Address: 301002.ibahs@deped,gov.ph
A. Maunlad at mapayapang namumuhay ang mga Pilipino.
B. Maayos ang pamamalakad sa pamahalaan
C. Nasa ilalim ng pananakop/pamamahala ng mga Kastila.
D. Nasa ilalim ng pamamahala ng mga Hapon.
____14. Ano ang isa sa mga lihim ni Simoun na nalaman ni Basilio nang magkita sila sa gubat?
A. Na si Ibarra ay patay na C. Nabatid ni Basilio ang balak niyang paghihiganti
B. Na si Ibarra at Simoun ay iisa. D. Na hindi si Elias ang nakalibing sa gubat.
____15. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit hindi pinatay ni Simoun si Basilio para pangalagaan ang
kaniyang lihim, maliban sa isa?
A. Higit na paniniwalaan ng pamahalaan si Simoun kaysa kay Basilio.
B. Kailangan ni Simoun ang kabataag tulad ni Basilio sa balak niyang paghihimagsik.
C. May mga utang na loob si Basilio kay Simoun tulad ng pagkapagamot sa kaniyang inang si Sisa.
D. Si Basilio ay mayaman at hindi na pagkakainteresan nito ang kaniyang lihim.
_____16. Bakit hindi nakabaril ng usa o ibon sa gubat ang Kapitan Henerel?
A. Dahil hindi siya magaling na tirador
B. Dahil kulang siya sa ensayo
C. Hindi siya kampanti mamaril pag may kasama
D. Dahil may kasama siyang banda ng musiko na tumutugtog saan man siya paroon.
_____17. Anong sakit ng lipunan ang inilarawan ni Rizal sa pamamaril ng Heneral?
A. Ang paglalangis/pangungurakot sa may kapangyarihan
B. Ang pagiging diyos-diyosan sa kanilang kapangyarihan
C. Lahat kaya nilang gawin dahil sa kapangyarihan
D. Hindi lahat ng tao ay kanilang napasusunod.
_____18. Bilang kabataan, paano ka makakatulong sa pag-unlad ng iyong sariling bayan?
A. Pagbutihin ko ang aking pag-aaral para magkaroon ng trabaho at hindi makadagdag sa problema sa
kahirapan.
B. Susundin ko ang gusto ng pamahalaan kahit na ito’y hindi na maktarungan.
C. Tatahimik na lang kahit nalabag pa ang karapatang pantao para walang gulo.
D. Umasa sa tulong ng pamahalaan kahit malakas ka pa at may kakayahan pang kumilos.
_____19. Paano nakatulong ng malaki ang mga prayle sa matagal na pagkaalipin ng Pilipinas?
A. Itinuro ng mga kura na isa sa mga mabuting katangian ng Katoliko ay ang pagtitiis sa mga milagro
ng santo.
B. Malaki ang impluwensiya nila sa relihiyon.
C. Natutong magdasal ng taimtim ang mga Pilipino
D. Natatakot ang mga tulisan sa mga gwardiya sibil kaya bihira ang krimeng nangyayari.
______20. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit sa halip na hintayin ng mga bata nang may tuwa ang
araw ng pasko ay kinatatakutan pa nila ito, maliban sa isa.
A. Binibihisan sila ng damit na pinatigas sa almirol at bagong sapatos na masakit sa paa kinatagalan.
B. Isinisimba sila sa misa-mayor na matagal,maalinsangan sa loob ng simbahan.
C. Nagsisimba lang sila ayon sa kanilang kagustuhan.
D. Pinaluluhod sila sa lahat ng kamag-anakan para humalik ng kamay, umawit, sumayaw, at tumula
para mabigyan ng aginaldo na kinukuha ng kanilang magulang.
_____21. Ano ang totoong kompletong pangalan ni Jose Rizal?
A. Jose Protacio Realonda Mercado y Alonzo Rizal
B. Jose Protacio Mercado
C. Jose Rizal
D. Jose Rizal Protacio
____22. Bakit natuwa pa si Simon nang dakpin ng mga gwardiya sibil sa Tandang Selo?
A. Dahil alam niyang mag-aapoy sa galit si Kabesang Tales at mas mapadali ang paghimok niya rito
para maghimagsik.
B. Dahil nakilala niya ang tunay na pagkalalaki ni Kabesang Tales
C. Hudyat ito sa binabalak niyang paghihimagsik.
D. Mas magagalit si Huli sa mga prayle.
_____23. Alin ang angkop na pagpapakahulugan sa salitang “diskriminasyon”.
A. Pantay na karapatan ng mga tao C. mababang pagtingin sa mga mahihirap
B. Hindi pantay na pagtingin sa mga tao D. mataas na pagtingin sa mga mayayaman
______24. Naparusahan ang kutserong si Sinong dahil wala siyang dalang ______________.
A. lisensya B. Permit C. sedula D. Birth Certificate
______25. Bakit sinasadyang magpatalo sa baraha nina Pari Irene at Pari Sibyla?
A. Upang mabigyan ng higit na kasiyahan ang Kapitan Heneral
B. Upang mainis sina Pari Camorra sa kanila
C. upang mas mapalapit sila sa kapitan heneral
D. dahil hindi masyadong marunong maglaro ng baraha ang kapitan heneral
_____26. Si ____________ ay estudyante sa Unibersidad ng Santo Tomas na kumukuha ng Bachiller en Artes.
A. Juanito Pelaez B. Placido Penitente C. Macaraeg D. Basilio
_____27. Ang kasulatan na pinapipirmahan kay Placido ay tungkol sa pagpapatayo ng _____ng Wikang
Kastila. A. Pamantasan B. Unibersidad C. Akademya D. Hospital
______28. Ang propesor na nag-insulto at nanlait kay Placido sa loob ng klase nila sa Pisika.
A. Pari Damaso B. Pari Camorra C. Pari Irene D. Pari Millon
______29. Ang bahay ni _________________ ay ipinalalagay na siyang tahanan ng mga mag-aaral.
A. Don Custodio B. G. Pasta C. Quiroga D. Macaraig
______30. Bakit tumanggi si G.Pasta na tumulong sa mga estudyante?
A. natatakot siya sa mga prayle
B. ayaw niyang makialam sa mga estudyante kaya’t kailangan niyang kumilos ng naaayon sa batas
C. maselan ang kanyang kalagayan at marami siyang pag-aari,
D. Natatakot siya baka pag-initan siya ng pamahalaan.
II. Panuto: Isulat sa patlang sa Hanay A ang titik ng salita sa Hanay B na angkop na katauhan ng tauhan
sa bilang.
HANAY A HANAY B
________31. Simoun a. Kapatid ng taong madilaw
________32. Padre Camorra b. Ang asawa ng alperes
________33. Placido Pinetente c. Tinatawag na Buena Tinta
________34. Padre Damaso d. Lihim na may pagtingin kay Paulita, mahilig sa
Magagandang dalaga
________35. Don Custodio e. Siya ang pangunahing tauhan
________36. Donya Consolacion f. Ang nagpapanggap na doktor
________37. Lucas g. Isang estudyante na nakipagtalo sa kanyang
guro
________38. Padre Millon h. Ama-amahan ni Maria Clara
________39. Don Tiburcio De Espadaňa i. Guro sa Pisika
________4 0. Kapitan Tiago j. Ang tunay na ama ni Maria Clara

You might also like