You are on page 1of 18

Presentasyon sa AP

Group 6
IMPORMASYON NG PANGKAT

A.Baitang at Seksiyon: G10 – Almeda


B.Pangalan ng Pangkat: Group 7
C.Pinuno: Hanessah Cornell
D.Mga Kasapi: Cotton, Allyson
Esto, Michaela
Ganelo, Joycee
Cruz, John Carlo
Daguia, Michael
Delos Reyes, Jonathan
Brondial, Mike
Desquitado, Jayvie
NGO/PO NA KAKAPANAYAMIN

A. Pangalan ng NGO/PO: KID – Kabataan Iwas


Droga
B. Kasapi ng Komunidad na Kinakatawan:
C. Adhikain/ Adbokasiya ng Samahan: Layunin
nila na imulat ang kabataan sa masamang
epekto ng paggamit ng droga
1. Aktibo po ba ang inyong samahan sa kasalukuyan?

• Aktibo pa ang kanilang samahan

• Marami na silang naturuan na paaralan


sa Cavite
2. Nakikipag-ugnayan po ba ang inyong samahan sa pamahalaang
Barangay/Bayan/Lungsod na inyong kinabibilangan?

• Partner na SK/Munisipyo

• Noong 2015 ay inawardan bilang “One of the


Best NGO” na nagtuturo ng Drug Awareness sa
bansa
3. May kinatawan po ba ang inyong samahan sa People’s Council ng
inyong Pamahalaan/Barangay/Lungsod?

• Nakipagpulong sa SK Federation

• DepEd

• Endorsement
4. Kung wala po kayong kinatawan sa People’s Council, ano
po ang inyong paraan upang maiparating ang inyong
adbokasiya sa mga opisyal na pamahalaan?

• Facebook Fanpage
5. Sa paanong paraan po aktibo ang iyong
partisipasyon sa pamahalaan?

•Seminars
6. May mga pagkakataon po ba na nahihirapan ang
inyong samahan na iparating ang inyong adbokasiya
sa pamahalaan? Bakit?

•Kailangang sumunod sa protocol


7. Ano po ang inyong mungkahi upang magkaroon ng
boses at higit na maging aktibo ang inyong
partisipasyon sa pamahalaan?

• Lumalapit sa mga munisipyo

• Pag-iingay sa social media upang makilala


8. May mga paraan po ba kayo na mahikayat din ang iba
pang miyembro ng inyong komunidad na mapabilang sa
inyong samahan at adbokasiya? Ano ano ponh paraan ang
Inyong isinagawa/isasagawa?

• Panghihikayat sa mga kabataan


na maging miyembro ng KID
• Pagseseminar
Evaluation Report
Group 7
A. Unang bahagi- Buod ng Panayam na
kinabibilangan ng mga sagot ng
kinapanayan na opisyal ng piniling
NGO/PO.
Ang KID ay nangangahulugang Kabataan Iwas Droga na naglalayon na turuan ang mga bata
kung ano ang mga masasamang epekto ng droga sa isang tao. Ang kanilang misyon ay ilayo
ang mga estudyante sa droga sapagkat ito ay nakakasira sa buhay ng isang nilalang. Upang
magawa ang kanilang misyon ay pumupunta sila sa mga eskwelahan, ngunit kailangan
munang aprubahan ng punong guro upang sila ay makapag pantas-aral(seminar) sa mga
estudyante. Noong dalawang libong labinlimang taon ay iginawad sila bilang isa sa
pinakamagaling na NGO na nagtuturo ng Drug Awareness sa bansa. Sa kasalukuyan ay aktibo
pa naman ang kanilang samahan at sila ay nanghihikayat ng mga kabataan upang maging
miyembro ng KID. Noong nakaraang taon sila ay nakipag-pulong sa SK Federation dahil gusto
nilang makipagtulungan. Isinagawa nila ang kanilang programa kasama ang DepEd.
Nabanggit nilang mayroon silang 'endorsement' sa DepEd Division sa Dasma, Cavite , at
Silang. Mayroon din silang facebook fanpage at hinihikayat nila ang kanilang mga tinuturuan
ng libre upang i-like ang kanilang page para sila ay makilala at makakuha ng atensiyon. Ang
KID ay may tatlong sangay ng komunidad. Una ay ang KID Community kung saan sila ay
nagtuturo sa barangay. Pangalawa ay ang KID Campus Ministry ito naman ay kung saan sila ay
pumupunta sa mga paaralan pribado man o publiko. Pangatlo ay ang KID Corporate kung
saan nagbibigay sila ng pantas-aral ng libre. Sa buong pilipinas ang KID Campus ay mahigit
na sa 70,000 na ang kanilang natuturuan.
B. Ikalawang Bahagi- Paglahad ng
konklusyon batay sa naging
partisipasyon ng piniling NGO/PO
sa pamahalaan.
Malaki ang tulong ng KID sa pamahalaan, dahil sa
kanila maraming kabataan ay naging mulat sa
masasamang epekto ng droga. Malaking ambag ang
kanilang ginagawa kung wala sila maaaring ang
mga bata na walang kamuwang muwang kung ano
ang droga ay maaaring maging biktima nito.
Sinasabe nila na ang kabataan ay ang pag-asa ng
bayan, ang katagang iyon ay mawawalan ng saysay
kung ang kabataan naten ay lulong sa droga.
C. Ikatlong Bahagi – Pagbigay ng
mungkahi/rekomendasyon sa kung paano
higit na mapapalakas ang partisipasyon
ng mga opisyal at miyembro ng piniling
NGO/PO sa pamahalaan.
1.Hikayatin ang mga miyembro na magbahagi sa kanilang
komunidad/paaralan ukol sa masasamang epekto ng
droga
2.Ang mga miyembro ay nararapat na magbahagi sa
kanilang fb tungkol sa kanilang perspektibo ukol sa droga
3. Magkaroon pa ng mas malalim na pananalig sa
panginoon upang ang gawain ay mas makahikayat ng mga
taong hindi pa nakakikila sa panginoon at upang mas
maraming tao ang matulungan.
4.Magkaroon pa ng mas maraming programa na may
koneksiyon sa gawain.

You might also like