You are on page 1of 12

CASE

STUDY
Araling Panlipunan 10
IMPORMASYON NG PANGKAT:

a. Baitang at seksiyon: 10 Temperance


b. Pangalan ng pangkat: Ikalawang Grupo
c. Pinuno: Ma. Christine Gulpe
d. Mga Kasapi: Danica Manarpaac, Danica Abayon,
Avegel Orpeza, Marisol Macaldo,
Glenn Ablazo, Ed-Marey Pito
NGO/PO na KAKAPANAYAMIN:

a. Pangalan ng NGO/PO: Northern Samar Multi-Purpose Cooperative


(NSDWCC)
b. Kasapi ng Komunidad na Kinakatawan:
Member Municipal Development Council
a. Adhikain/ adbokasiya ng samahan:
Mapaangat ang buhay, hanapbuhay ng miyembro ng organisasyon/
Samahan.
Unang Bahagi (Buod ng Panayam)

 Ang organisasyon o samahan ng Northern Samar


Multi-Purpose Cooperative (NSDWCC) ay
kasulukuyang aktibo at nakikipag-ugnayan sa
pamahalaang lungsod. Ang kanilang adbokasiya ay
ang mapaangat ang buhay, hanapbuhay ng bawat
miyembero ng organisayon. Ang kanilang
Administrative Officer/Manager ay isang
kinatawan din sa People’s Counsil ng pamahalaang
lungsod.
Kung sakali namang wala ang kinatawan ng
People’s Council, naipaparating pa rin nila
ang kanilang adbokasiya sa opisyal ng
pamahalaan sa pamamagitan ng pamimigay
na fliers, sulat, at sa pagpapanayam sa radio
ng live.
Sila ay aktibo rin sa pakikipagpartisipasyon sa
pamahalaan sa pamamaraan ng Clean Up
Drive, Tree Planting, Elderly Advocacy, at
Gender and Development (GAP).
Ngunit may pagkakaton din naman na
nahihirapan ang kanilang samahan sa
pagpaparating ng adbokasiya nila sa
pamahalaan nang dahil sa walang sapat na
komunikasyon tungo sa mga opisyales.
Ang kanilang mungkahi upang magkaroon ng
boses at higit na maging aktibo ang kanilang
organisasyon sa pamahalaan ay mayroon
silang ilalagay o iluluklok na mga tao sa
Municipal Development Counsel upang
makipagpartisipasyon at upang matupad nila
ng patuloy ang kanilang mga adbokasiya.
Sila ay madalas na nagpupulong sa komunidad
upang mahikayat ang iba pang miyembro na
sumapi sa kanilang samahan. Dito rin nila
ipinapahayag ang lahat na impormasyon ng
kanilang samahan at magiging benipisyo nila
kung sakaling sila ay mapapabilang na sa
kanilang organisayon.
Ikalawang Bahagi (Konklusiyon)

 Angkanilang samahan ay mayroong


madaming adbokasiya na ipinapatupad.
Madami ring benipisyo ang kanilang
naibibigay sa kanilang mga kasapi. Sila ay
may malaking naitutulong sa pamahalaan
upang iangat ang kabuhayan ng ating mga
mamamayan.
Sila ay palaging aktibong nakikipag-ugnayan
sa pamahalaan upang tumulong sa may mga
nangangailangan. Nakakatulong sila sa mga
tao hindi lamang sa pinansyal ngunit tungo na
rin sa pagkakaroon ng maayos na komunidad
o environment.
Ikatlong Bahagi (Rekomendasyon)
 Dapat ay palakihin pa nila ang kanilang samahan at
palawakin pa ang kanilang sinasakupan.
 Dapat ay magpatupad pa sila ng maraming adbokasiya
na mas makakatulong sa taong bayan.
 Dapat ay magkaroon na sana sila ng sapat na
komunikasyon tungo sa mga opisyales nang sa gayon ay
mas mapapadali na nila ang kanilang pagpaparating ng
adbokasiya sa pamahalaan.
 Dapat sana ay magkaroon din sila mas tuon sa
pangangalaga ng ating kapaligiran upang mapanitiling
malinis at maayos ito.

You might also like