You are on page 1of 8

Aralin

Pagmamahal sa Bayan
11

Inaasahan na sa pagtatapos ng modyul ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod sa


kasanayan:
1. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa bayan (Patriyotismo)
2. Natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan (Patriyotismo) na umiiral sa
lipunan
3. Napangangatwiranan na: Nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa pagmamahal sa bayan
4. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan
(Patriyotismo)

Panuto: Basahin at unawain ang tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot.
1. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
A. Katatagan at kasipagan C. Pinagkopyahan o pinagbasehan
B. Kabayanihan at katapangan D. Pinagmulan o pinanggalingan
(Para sa bilang 2, 3, at 4)
Ano ang mangyayari sa grupo ng manlalaro kung hindi ramdam ang pagmamahal nito sa
kanilang koponan? Maipananalo ba ng mga manlalaro ang kanilang grupo? Hindi ba lagi
mong naririnig ang salitang “puso” sa tuwing kinakapanayam ang isang manlalarong
nagbigay ng malaking puntos upang ipanalo ang kanilang koponan?
2. Anong pagpapahalaga ang ipinahayag ng talata?
A. Pagmamahal sa laro C. Pagmamahal sa bayan
B. Pagmamahal sa koponan D. Pagmamahal sa kapwa
3. Ano ang pangunahing mensahe ng talata?
A. Kung may pagmamahal sa loob ng koponan, masaya, at mas madali para sa mga
manlalaro na isakatuparan ang mithiing manalo.
B. Mahalaga ang pagbibigayan at sportsmanship ng mga manlalaro upang maiwasan ang
tunggalian at sakitan.
C. Ang pagsisikap na sanayin ang angking kakayahan na kinakailangan sa laro ay
mahalaga para makamit ang tagumpay.
D. Piliin ang tamang laro at libangan na lalong makatutulong sa paghubog ng malusog
na pangangatawan at isipan.
4. Ano ang kaugnayan ng paksang laro na binasa sa pagmamahal sa bayan?
A. Ano ang manlalaro at mamamayan ay magkatulad na may malaking pananagutan sa
tagumpay ng koponan o bayan.
B. Ang pagmamahal sa koponan o bayan ang magbubuklod sa mga manlalaro o
mamamayan para makamit ang tagumpay ng lahat.
C. Ang paglalaro ng mga kasapi ng koponan ay kumakatawan sa pagganap ng bawat
mamamayan sa kanilang tungkulin para sa bayan.
D. Ang tagumpay ng lahat ay nakasalalay sa mabuting pamumuno at paggabay ng coach
ng koponan o ng pinuno ng pamahalaan.
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi angkop na kilos ng pagmamahal sa bayan?
A. Pagiging tapat sa sarili, sa kapwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon.
B. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
C. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya.
D. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikatlong Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
Panuto: Punan ang mga patlang ng mga titik batay sa nilalaman nito.
1. K _ _ _ H_ _ _TN_ _
Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at may kaakibat na
pananagutan.
2. _ IR_ _ _ _ A_ S_Y_
Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o
nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
3. P_ _ A__
Ang panlabas na kilos na siyang kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
4. _A_ U_ _ _
Ang panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob, ito rin ay tumutukoy sa
taong gumagawa ng kilos.
5. M_ _ _TA_ _ _ _IL_ _
Ito ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin ng ating pagkatao kayat
marapat lamang na ito ay palaging mabuti.
Halina’t Mag-isip
1. Ano ang naging hadlang sa iyo habang sinasagutan ang gawain?
2. Magbigay ng isang sitwasyon na kinapapalooban ng mga salita na iyong nabuo mula sa
gawain.

Tagahanga ka ba ng yumaong rap artist na si Francis Magalona? Kapansin-pansin na


karamihan sa awit at kasuotan niya ay tatak pinoy. Ikaw, madalas ka din bang magsuot ng mga
damit yari sa ating bayan? Kabisado mo ba ang mapa ng Pilipinas? O tulad ng mga yumaong
bayani na kailangan mong magbuwis ng buhay upang masabing mahal mo ang iyong bayan?
Tutulungan ka ng araling ito na alamin kung paano maipakikita ang pagmamahal sa
bayan. Sa madaling salita, tutulungan ka nitong palawakin ang iyong kaalaman tungo sa
pagiging makabansa. Halika na!

GAWAIN 1.1
Panuto: Ating subukin ang talas ng iyong memorya sa FILL IN THE BLANK CHALLENGE
(Pambansang Sagisag Edition)

Awit ___________________________ Puno ___________________________


Wika ___________________________ Prutas ___________________________
Ibon ___________________________ Isda ___________________________
Bulaklak ___________________________ Hayop ___________________________
Laro ___________________________ Bayani ___________________________

Markahan ang iyong sarili sa pamamagitan ng


pamantayan ng pag-iiskor:
17 Napakahusay
11-16 Mahusay
1-10 Mapghuhusay

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikatlong Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
GAWAIN 1.2 (AKROSTIK)
Panuto: Bumuo ng akrostik gamit ang salitang PAGMAMAHAL SA BAYAN. Magtala ng
pangungusap na nagsisimula sa bawat titik. Ang mga pangungusap na ito ay dapat naglalahad ng
kahalagahan ng pagmamahal sa lupang sinilangan.
P ___________________________________________________________
A ___________________________________________________________
G ___________________________________________________________
M ___________________________________________________________
A ___________________________________________________________
M ___________________________________________________________
A ___________________________________________________________
H ___________________________________________________________
A ___________________________________________________________
L ___________________________________________________________
S ___________________________________________________________
A ___________________________________________________________
B ___________________________________________________________
A ___________________________________________________________
Y ___________________________________________________________
A ___________________________________________________________
N ___________________________________________________________

Halina’t Mag-isip:
1. Sa iyong palagay, naging makabuluhan ba ang nabuo mong kahulugan ng pagmamahal sa
bayan mula sa iyong akrostik?
2. Anong marka ang karapat-dapat sa iyong nabuo, batay sa iskalang 1 (pinakamababa)
hanggang 5 (pinakamataas)? Pangatwiranan.

Ano nga ba ang Pagmamahal sa Bayan?


Naaalala mo pa ba ang huling nagawa mong sakripisyo para sa iyong
pamilya, sa iyong kapuwa, o sa iyong bayan? Sabi nila mahirap na ang
pagkakaroon ng lubos na pagmamahal sa bayan. Kailangan daw kasi ng
pagbubuwis ng buhay. Gusto mo lamang ay payapa at tahimik na pamumuhay.
Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat
gamapanan ng bawat mamamayang bumubuo rito. Tinatawag din itong
patriyotismo, mula sa salitang pater na ang ibig sabihin ay ama na karaniwang
inuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan.
Ang pagmamahal sa bayan ay isang mahalagang tungkulin ng isang mamamayan sa isang
bansa. Lahat tayo kahit kabataan ay dapat may pagmamahal sa bayan dahil kung wala tayo nito
ay "daig pa natin ang hayop at malansang isda" katulad ng sinabi ni Dr. Jose Rizal. Pwede nating
tularan ang ibang mga katangian ng mga bayani sa ating bansa na inialay pa ang kanilang buhay
para lang maipagtanggol ang bayan. Pero hindi naman ibig sabihin na ialay din natin ang ating
buhay, siguro bilang kabataan o mag-aaral dapat nating ipagmalaki ang ating pagiging Pilipino
sa pamamagitan ng pagsunod sa kultura na kinagisnan ng ating mga magulang. Para sa iyo,
mahirap bang gawin at ipakita ang pagmamahal sa bayan? Ang kailangan lang ay ang disiplina,
pagiging matapat, at higit sa lahat pagmamahal sa pamilya at pati na rin sa kapwa ayon kay MBJ
Mabute.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikatlong Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan
Mahalaga na mahalin natin ang ating bayan sapagkat?
1. Ito ay ipinaglaban ng ating mga bayani upang hindi masakop ng mga dayuhang
mananakop. Dugo, pawis at buhay ng ating mga bayani ang kanilang inialay sa ating bayan
upang makamit natin ang ating kalayaan.
2. Ito ang ating tahanan at ito ang bansa na ating sinilangan. Mahirap manirahan sa ibang
bansa lalo pa at iba ang ating tradisyon at kultura sa ibang mga bansa. Kung tayo ay mawawalan
ng tirahan ay para tayong mga ibong nawalan ng tahanan at hindi natin alam kung saan tayo
dadapo.
3. Ang ating bansa ay ang kumakatawan sa atin. Kung ating mahal ang ating bayan ay para na
rin nating minahal ang ating sarili. Ang ating bansa ang ating pagkakilanlan ito ang ating
kinagisnan dito tayo lumaki at ito ang ating tahanan.
4. Ang ating bayan ay tanda ng ating Kalayaan. Kung hindi natin mamahalain ang ating bayan
ay maaring malugmok tayo sa pang-aalipin ng mga dayuhan sa atin.

Mga paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan


1. Paggalang sa watawat
2. Pagsunod sa mga batas
3. Paggalang sa mga patakarang ipinapatupad ng pamahalaan
4. Pagtangkilik sa mga lokal na produkto
5. Gawin pa din ang kultura, tradisyon at kinagawian ng mga Pilipino
6. Huwag magpadala sa kaisipang dayuhan
Mga halimbawa ng paglabag sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan
• Kung hindi mo pinapahalagahan ang ating kultura at mga tradisyon.
• Kung hindi mo tinatangkilik ang ating mga sariling produkto
• kung ikaw ay nagkakalat ng basura
• kung isa ka sa pumuputol ng mga puno sa kabundukan
• kung isa ka sa humuhuli at pumapatay ng mga hayop na pinagbabawal hulihin.
• kung isa ka sa lumalabag sa mga batas na ipinatutupad ng bansa

Narito ang talahanayan ng mga pagpapahalagang ito batay sa pitong dimensyon ng tao na
nakalahad sa Batayang Konseptuwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao.

Dimensyon ng Tao Mga Pagpapahalaga na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan


mula sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas
1. Pangkatawan Pagpapahalaga sa buhay
2. Pangkaisipan Katotohanan
3. Moral Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa
4. Ispiritwal Pananampalataya
5. Panlipunan Paggalang, katarungan, kapayapaan, kaayusan, at pagkalinga sa
pamilya at salinlahi
6. Pang-ekonomiya Kasipagan, pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran
7. Pampolitikal Pagkakaisa, kabayanihan, kalayaan, at pagsunod sa batas
8. Lahat ng Dimesnyon Pagsusulong ng kabutihang panlahat

Ang mga kaalamang ito ay pinatunayan ng pahayag ni San Juan Pablo XXIII (1818-
1963), “Ang dignidad ng persona ng tao ay kasama sa kanyang karapatan na maging bahagi sa
aktibong pakikilahok sa lipunan upang makapag-ambag sa kabutihang panlahat”.

Ang isang mamamayang may pagmamahal sa bayan ay nauunawaan ang


pangangailangang maglingkod sa bayan at sa kapwa. Alam niya kung kailan siya kikilos dahil sa
angking karunungan. Ibibigay ang nararapat para sa iba, kokontrolin ang sarili lalo na sa mga
sitwasyong siya lamang ang makikinabang at hindi ang lahat. Ang paggawa ng paghuhusga ay
dumaraan sa isang prosesong magdidikta upang gawin ang mabuti para sa kabutihan ng lahat.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikatlong Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan
May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng solusyon ang mga problemang
kinakaharap ng bayan. Mulat ka na sa katotohanang kabahagi sa pagbabagong kailangan ang
mga kabataan. Ang mga sumusunod ay mga simpleng kilos na maaaring isabuhay upang
makatulong sa bansa:
a. Mag-aral nang mabuti.
b. Huwag magpahuli, ang oras ay mahalaga. Ang pagpasa ng RA 10535 o mas kilala bilang
Philippine Standard Time ay makatutulong upang ang bawat Pilipino ay magkaroon ng
tamang oras na susundan.
c. Pumila nang maayos. Magbigay respeto at magkaroon ng disiplina sa sarili.
d. Awitin ang Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
e. Maging totoo at tapat, huwag mangopya o magpakopya.
f. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura kahit saan. Maging
responsable sa paggamit ng pinagkukunang yaman.
g. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong.
h. Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled.
i. Kung pwede nang bomoto, isagawa ito nang tama.
j. Alagaan at igalang ang nakatatanda.
k. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapwa mamamayan.

Panuto: Suriin ang larawan at itala ang iyong mga ideya hinggil sa kahalagahan ng pagmamahal
sa bayan gamit ang grapikong representasyon.

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang TAMA o MALI batay sa konseptong isinasaad ng bawat
aytem.
1. Ang pakikilahok sa mga gawaing pangkalikasan ay malaking tulong sa pagpapanatili ng
kaayusan at kagandahan ng ating sariling bansa.
2. Pagtangkilik ng mga peke o smuggled na produkto sa kadahilanang mas mura ang halaga nito.
3. Ang ibig sabihin ng pater ay ina na karaniwang inuugnay sa salitang pinagmulan or
pinanggalingan.
4. Ang mga pagpapahalaga na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan ay mula sa 1986
Konstitusyon ng Pilipinas.
5. Ang pagbubuwis ng buhay ay isang pamamaraan ng pagpapakita ng tunay na pagmamahal sa
bayan.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikatlong Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
Natutunan natin sa ating naging aralin na ang pagmamahal sa bayan ay dapat nakatatak sa
ating isipan at kalooban na dapat itong mahalin at pahalagahan gaya ng pagpapahalaga natin sa
ating sarili.
Pagnilayan ang iyong mga naging kilos at ugali sa mga nakaraang gawain at magkaroon
ng pag-alam sa dapat na pahalagahan na kilos at mga dapat na baguhin sa mga gawaing labag sa
pagmamahal sa bayan.

Nalaman

Pagpapa-
halaga

Dapat
baguhin

Kraytirya sa pag-iiskor:
Napakahusay (5 puntos) - Kumpleto at komprehensibo ang nilalaman ng talata
Mahusay (4 puntos) -Kumpleto ang nilalaman at maayos na nailahad ang sagot.
Mapaghuhusay (3 puntos) - Hindi gaanong maayos na nailahad ang sagot.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikatlong Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
SAGUTANG PAPEL
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
IKATLONG MARKAHAN-IKALIMA AT IKAANIM NA LINGGO
ARALIN 11: PAGMAMAHAL SA BAYAN
Pangalan:_____________________________________ Baitang at Pangkat: __________
Guro: _____________________________________________ Petsa: __________________________
Paunang Pagsubok Balik Tanaw
1. 4. 1. K _ _ _ H_ _ _TN_ _ 4. _A_ U_ _ _
2. 5. 2. _ IR_ _ _ _ A_ S_Y_ 5. M_ _ _TA_ _ _ _IL_ _
3. 3. P_ _ A__
Halinat mag-isip
1._____________________________________________
2._____________________________________________
Gawain 1.1
Awit ___________________________ Puno ___________________________
Wika ___________________________ Prutas ___________________________
Ibon ___________________________ Isda ___________________________
Bulaklak ___________________________ Hayop ___________________________
Laro ___________________________ Bayani ___________________________
Gawain 1.2

Pag-alam sa Natutuhan

Pangwakas na Pagsusulit
1. 4.
2. 5.
3.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikatlong Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
Pagninilay

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Ikatlong Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo

You might also like