You are on page 1of 2

Peralta, Glendel L. Doc. Evelyn P.

Antonio

BS PSY III – 01 LIT


2

“Letter from Tawi-Tawi” ni Atom Araullo

Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,640 na isla at isa na doon ang isla ng Tawi-tawi na
makikita sa Sulu archipelago sa pagitan ng dagat ng Sulu at dagat ng Celebes. Nasa bandaang
paahan ito ng Pilipinas at mula rito, matatanaw mo na ang bansang Malaysia. Ang isla ng Tawi-
tawi ay hindi ganoong pinapansin ng mga karamihan dahil ito ay nasa rehiyon ng Bangsamoro
Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Dahil sa lokasyon nito, iniisip ng
karamihan na ito ay mapanganib na lugar dahil para sakanila ang lugar na ito ay kuta ng mga
rebelde at terorista. Sa kadahilanan na hindi sila masyadong pinapansin, maraming mga
kababayan natin na Pilipino ang hindi na aabutan ng tulong.

Ang sanaysay na ginawa ni Atom Araullo na “Letter from Tawi-Tawi” ay umani ng


maraming parangal mula sa iba’t-ibang patimpalak at isa na sa naging parangal nito ay sa Carlos
Palanca Memorial Awards for Literature. Isinalaysay ni Atom ang iba’t-ibang uri ng hirap na
kinakaharap ng mga tao na naninirahan sa isla na ito. Ang mga taong nabanggit nya dito ay kahit
napaka rami ng problema na kanilang kinakaharap ay punong puno parin sila ng pag asa na sila
ay makaka ahon at makaka usad para sa maliwanag na kinabukasan na papaarating.

Sa ating mga naka tira sa mga lungsod ang ating transportasyon papuntang paaralan ay
mga sasakyan, sa kanila ay sumasakay pa sila ng Bangka upang makapasok sa paaralan. Hindi
lahat sakanila ay may access sa mga uri ng sasakyang di gulong. Kung saatin ay gabi gabi
nakaka nood tayo ng mga balita lokal man o ibambansa, sila naman ay walang kamuwang
muwang sa nangyayari sa labas na tila ba’y sila’y naiwan na sa nakaraan at tumigil na ang oras
dahil hindi na sila updated sa mga pangyayari sa labas ng kanilang isla.

Ako ay lubos na nalungkot at hindi ko napigilan ang aking sarili na mapaluha habang
pinapanood ko ang dokyumentaryo nito dahil sa hirap na kanilang dinadanas. Ang lagay ng
edukasyon nila ay lubos na nakaka lungkot dahil ayon sa Philippine Statistics Authority apat
lamang mula sa sampung mag aaral nila ang nakaka sampa sa elementarya at dalawa lamang ang
nakakapag tapos. Lalo akong naiyak nang malaman ko ang pangarap ng isang estudyante na
kanyang tinuturuan, ang pangarap nya ay ang maturuan nya na mag basa at mag sulat ang
kanyang mga magulang. Dito sa lugar ng Tawi-tawi baliktad ang nangyayari na imbis ang mga
magulang ang unang guro ng mga anak nila, sila ang tinuturuan ng kanilang mga anak. Ako
talaga’y lubos na nalungkot sa kalagayan nila dahil isip isip ko, ang edukasyon ay hindi dapat
ganito kahirap iaccess. Lahat ng mga tao ay may karapatan na matuto ngunit sa kanilang
kalagayan ay tila nagiging imposible na ito dahil ang pag punta sa kanilang paaralan ay napaka
hirap na at hindi sapat ang bilang ng mga guro sakanila.

Kahit na sa ganoong kalagayan, sila parin ay punong puno parin ng pag asa at hindi sila
basta basta na sumusuko sa hirap ng buhay. Habang pinapanood ko ang bawat kuwento ng
kanilang buhay ay may nasabi ko na lamang sa sarili ko na mag sisikap talaga ako na yumaman
upang kahit papaano ay makapag bigay ako ng tulong sa mga komunidad na katulad nila.

You might also like