You are on page 1of 6

ARALING

PANLIPUNAN
TERORISMO
- isang suliraning pandaigdig
- lahat ng mga bansa at tao sa mundo ay hindi ligtas sa karahasang ito.
- layunin nito ang magtanim ng sikolohikal na takot sa publiko
- kadalasang may kinalaman sa paniniwala
Ayon kay BRUCE HOFFMAN (political analyst), ang terorismo ay
tumutukoy sa sadyang paglikha at pagpapalaganap ng takot sa
pamamagitan ng karahasan o pagbabanta ng karahasan sa kagustuhang
magkaroon ng pagbabagong politikal.
MGA ANYO NG TERORISMO:
AYON KAY BYMAN: ang terismong etniko (ethnic terrorism) ay
naiiba sa terorismong isinasagawa sa ngalan ng ideolohiya, relihiyon, o
kaunlarang pang-ekonomiya. Naniniwala siyang malaki ang impluwensiya
ng relihiyon dito.
AYON KAY MANALO: ang terorismong pang-ideolohiya ay batay sa
mga hinaing at layunin ng isang pangkat na kanilang tinutugunan sa
pamamagitan ng karahasan. Maaring ang kanilang ideolohiya ay may
kinalaman sa relihiyon o politika.
AYON KAY RANSTORP: ang religious fanaticism ay isa sa mga
pinakamatinding motibasyon ng terorismo, tulad ng kaso ng maraming
kultong Muslim, Hudyo, at Hapon.
ESTRUKTURA NG MGA PANGKAT TERORISTA:
LIDERATO: ang pinuno ng mga terorista ay nasa gitna. Nagbibigay
sila ng mga utos at sumasali sa mga gawain ng kanilang pangkat.
MGA KASAPI: ang pagganyak sa mga bagong kasapi ay isinasagawa
ng mga terorista upang palakasin ang kanilang organisasyon at
mapalitan ang ibang mga miyembro.
SENTRO NG GRUPONG TERORISTA: gumagamit ang mga
terorista ng "command and control network". Dito sila nagpaplano
para sa mga pag-atake. Halimbawa nito ay ang Camp Abubakar ng
ASG.
PONDO: higit na lumalakas ang mga pangkat dahil nagagawa nilang
magkaroon ng mga koneksiyon na napagkukuhaan nila ng salapi.
NEW PEOPLE'S ARMY (NPA)
- tinatawag ring Bagong Hukbong Bayan
- itinatag noong 1969
- itinatag ni Jose Maria Sison na isang aktibista at sinusuportahan ang
komunismo at maoismo. Siya rin ang nagtayo ng Communist Party of the
Philippines o CPP.
- mayroong 5,600 naaktibongmiyembro ang NPA at 10,000 ang miyembro
ng CPP-NPA
- Nakakakuha sila mula sa taga-suporta nila sa Pilipinas o sa Europa.
- Nakakuharin ng revolutionary tax sa mga negosyante.

MNLF: MORO NATIONAL LIBERATION FRONT


- pinamumunuan ni Nur Misuari
- hangad nila na mabawi ang lahat nga mga lalawigan sa Mindanao
- nakakakuha ng suporta ang MNLF sa ibang lalawigan ng Mindanao
- (1996) pinirmahan nina dating pangulong Fidel V. Ramos at Nur Misuari
ang kasunduang tinawag na Davao Consensus.
- natatag ang ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao.
- Comprehensive Agreement on the Bangsamoro
ARMM - isang relihiyon na binubuo ng limang lalawigan: Basilan,
Lanao, Maguindanao, Sulu, at Tawi-tawi.
ABU SAYYAF GROUP (ASG)
- itinatag noong 1989 sa pamumuno ni Abdurajak Abubakar Janjalani.
- layunin nilang maghari ang Islam sa buong mundo sa pamamagitan ng dahas.
- Pebrero 1 2012 ay binihag ng ASG ng mga birdwatcher na sina Lorenzo
Vinciguerra na isang Swiss at Ewold Horn na isang Dutch habang
nagsasagawa ng pag-aaral sa tawi-tawi.
- ika-16 ng Disyembre noong taong 2014, nang lusubin ng hukbong Joint Task
Force Sulu ang kuta ng mga ASG.
- Mayo 27, 2013 hindi bababa sa pitong militante at pitong marino ang pinatay
nang subukan ng mga puwersa ng pamahalaan na iligtas ang anim na hostage
ng ASG.
- Nobyembre 15, 2013 - sinalakay ng mga armadong miyembro ng ASG ang
malaysian resort sa Pom Pom, Semporma.
-Disyembre 31, 2013 - isang bomba ang sumabog malapit sa isang pribadong
tirahan sa may Zone 6 ng ng Tumahubong Village, Munisipalidad ng Sumisip na
isang lalawigan ng Basilan sa Pilipinas.

Abdurajak Abubakar Janjalani


anak ng isang mangingisda sa isla ng Basilan sa Mindanao.
siya ay beterano sa giyera sa Afghanistan kung saan lumaban siya bilang kasapi ng
isang pangkat na mujahideen sa ikakum ni Abdul Rasul Abu Sayyaf. Ang Afghanistan
ay nakikipaglaban sa Soviet Union noon.
nang lisanin ng puwersang Soviet ang Afghanistan noong 1989, bumalik si Janjalani sa
Basilan at itinatag ang Al Harakut al-Islamiya na mas kilala bilang Abu Sayyaf.
dahil sa angkin niyang karisma, naganyak ni Janjalani na sumali sa kaniya ang mga
kabataan Muslim na umuwi sa Pilipinas mula sa pag-aaral ng Islam sa Saudi Arabia,
Libya, Pakistan, at Egypt.
nagtagumpay si Janjalani sa pakikipag-ugnayan sa mga makapangyarihang radical sa
Afghanistan. Noong 1997, idineklara ng United States bilang foreign terrorist
organization ang ASG.
noong 1998, napatay si Janjalani sa isang sagupaan ng ASG at ng militar at pulis sa
Lamitan, Basilan. Labis na naapektuhan ang mga miyembro ng ASG sa pagkamatay ng
kanilang pinuno.

Sa pagkamatay ni Janjalani, nahati sa limang paksiyon ang samahan na may kani-


kaniyang pinuno at agenda.
Khadaffy Janjalani - kapatid ng napaslang na si Abdurajak, ang namuno sa paksiyon
sa Basilan.
Galib Andang (alyas Kumander Robot) - naman ang namuno sa Jolo.
MGA HAKBANG NG BANSA LABAN SA TERORISMO
1.Pagtatag ng mga Programang Panlipunan at Pang-ekonomiya
2. Pagpapahina ng Suporta ng mga Mamamayan sa Grupo ng Terorista
3. Mga Pagbabago sa Pamahalaan
4. Pakikipagtulungan sa ibang Bansa
5. Pagsasaayos ng Priyoridad ng Pamahalaan (a. paggamit ng
lakas/puwersa, b. paglaan ng budget, c. pagpapatupad ng patakarang
"No Concessions", d. pagpapatupad ng mga batas)
6. Pagkakaisa ng mga Ahensiya sa Pamahlaan
7. Pakikipagkaisa sa mga Samahan ng mga Bansa
8. Pagkakaroon ng isang sentrong pang-intelehensiya kontra terorismo
MULITICULTURALISM

- Tumutukoy sa pilosopiyang nagtuturo ng angkop na pagtanggap at paggalang sa


pagkaiba-iba ng mga tao.
- Nakapaloob sa konsepto nito ang pagbibigay ng mga karapatan sa mga
indibidwal o sa mga pangkat na kabilang sa minoryang populasyon.
- Ang konseptong ito ang ginagamit tuwing tinatalakay ang mga karapatan ng
mga minoryang pangkat. (Indigenous People (IP), African American, Native
American, Muslim)
- Layunin nito na magkaroon ng pantay-pantay na karapatan at opurtundiad ang
mga miniryang pangkat at iba pang mamamayan.
Racism - tumutukoy sa paniniwalang ang lahi ng isang tao ang pangunahing batayan ng
kanyang mga katangian at kakayahan at may mga lahing mas mahusay kaysa sa iba.
Ayon kay Ralph Maddocks (2009), may panganib ang multiculturalism na maging uri ng
racism. May naghaharing pangkat o kultura sa bawat bansa.
Feminism - paniniwalang dapat maging pantay ang kababaihan at kalalakihan sa
pamumuhay nang malaya.
Ayon kay Susan Moller Okin (1999), may panganib ang multiculturalism na maging uri
ng racism. May naghaharing pangkat o kultura sa bawat bansa. Kung dagdagan ang
mga karapatan at oportunidad para sa mga pangkat minorya, hindi maiiwasang
maapektuhan nito ang mga oprtunidad para sa nakararami.

DISKRIMINASYON
- negatibo at hindi makatarungang pagtrato sa mga tao dahil sa pagkakaiba ng
kanilang katangian tulad halimbawa ng lahi, edad, kasarian, kapansanan, o
paniniwala.
URI NG DISKRIMINASYON
1. Direktang diskriminasyon
2. Di tuwirang diskriminasyon
3. Intersectional na diskriminasyon
Ang diskriminasyon ay maaaring maganap sa sumusunod na kadahilanan,
pangkat, lugar, o larangan:
Relihiyon/Paniniwala Transportasyon
Lugar na pinagmulan
Pagtanggap ng benepisyo at serbisyo mula sa pamahalaan
Kulay
Pagkamamamayan
Pagboto
Kasarian at seksuwal na oryentasyon
Trabaho
Estado ng pamilya
Pisikal na katangian
Paggamit ng lupain
Kakayahan
Kapansanan
Edukasyon
Lahi o lipi Kalakalan Civil status
Edad Uri ng hanapbuhay
Ang mga posibleng epekto ng diskriminasyon ay maaaring pangkatin ayon sa mga
kategoryang ito:

Pisikal – Pamamayat o pananaba, Kawalan ng enerhiya o gana, Problema sa


pagtulog, Kawalan ng interes sap ag-aayos at paglilinis sa sarili.
Emosyonal – Mababang pagtingin sa sarili, Depresyon, Stress, Takot, Galit, Iba’t
ibang suliranin sa pag-uugali.
Panlipunan – Pag-aalitan dahil sa paniniwala o relihiyon, Paglayo sa mga kaaanak,
kaibigan, o lipunan, Problema sa pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
Intelektwal – Kawalan ng motibasyon upang magaral o magtrabaho, kakulangan ng
pagkakataong makapag-aral o makapagtrabaho, Kakulangan sa mga kasanayan at
kaalaman.
TATLONG AKSYON NA MAAARI MONG GAWIN LABAN SA RASISMO
AT DISKRIMINASYON:
1. Makinig at turuan ang iyong sarili
2. Magbigay kaalaman ukol sa isyung ito
3. I-ulat ang racist o discriminator content online

You might also like