You are on page 1of 16

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang

Ikalawang Markahan – Modyul 7: Salik na Nakakaapekto sa Makataong Kilos


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat : Filipina B. Planas
Editor : Vivien F. Vinluan
Tagasuri : Perlita M. Ignacio, RGC, PhD/Josephine Z. Macawile
Tagalapat : Rema A. Agustine
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 10
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 7
Salik na Nakakaapekto sa Makataong Kilos
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10
ng Modyul 7 para sa araling Salik na Nakakaapekto sa Makataong Kilos

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Modyul


7 para sa araling Salik na Nakakaapekto sa Makataong Kilos

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN

Sa Ika-pitong Modyul na ito ay tatalakayin ang:

Mga salik na takot, karahasan at masidhing damdamin na nakakaapekto sa


pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasya sa pagkukusa ng
makataong kilos.

Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay inaasahang:

A. napatutunayan na nakakaapekto ang mga salik na takot, karahasan at


masidhing damdamin sa kahihinatnan ng kilos at pasya;

B. napahahalagahan ang tamang pagsasagawa ng kilos o pasya at naiiwasan ang


masamang epekto ng mga salik na takot, karahasan at masidhing damdamin;
at

C. natutukoy kung paano nakakaapekto ang mga salik na takot, karahasan at


masidhing damdamin sa kahihinatnan ng kilos at pasya nang nagsasagawa
ng kilos.
PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga tanong. Bilugan ang titik ng pinaka
angkop na sagot sa papel.

1. Anong salik na nakakaapekto sa makataong kilos ang sobrang pagkapighati


dahil sa pagkawala ng mahal sa buhay.
a. Kamangmangan C. Masidhing damdamin
b. Karahasan D. Takot

2. Isang magaling na manlalaro ng chess si Raffy at inaasahan siya na magiging


pambato ng paaralan, ngunit ng malaman niya na makakatunggali niya ang
dating kampiyon, nagpasya siyang huwag ng sumali sa pangamba na baka siya
ay matalo. Anong salik kabilang ang sitwasyon ni Raffy?
A. Kamangmangan C. Masidhing damdamin
B. Karahasan D. Takot

3. May nakasabay si Mang Berto na babaeng nahimatay sa sobrang taas ng lagnat,


ngunit nag-alinlangan siya na tulungan ito dahil maaaring positibo ito sa Covid.
Ano ang salik na nakakaapekto sa makataong kilos ni Mang Berto?
A. Kamangmangan C. Masidhing damdamin
B. Karahasan D. Takot

4. Alin sa mga sitwasyong ito ang naaapektuhan ang pagpapasya dahil sa


karahasan?
A. pagmamadali upang hindi mahuli sa klase.
B. pagtatago ng gamit ng kaibigan
C. paglilihim sa nasaksihang pambubugbog sa isang tanod
D. pagtanggap ng bisita sa panahon ng pandemya

5. Isa si Aling Iska namamalimos sa lansangan, wala siyang magawa kundi


sumunod sa nag-uutos sa kanya kahit na may pandemya dahil ang kapalit nito
ay ang kanyang pagkain sa araw-araw.Sa sitwasyong ito may pananagutan ba si
Aling Iska? Bakit?
A. Meron dahil dapat ay gumawa siya ng paraan upang labanan ang
karahasan.
B. Wala dahil siya ay biktima lamang ng taong masasama.
C. Meron dahil mali ang mamalimos sa lansangan
D. Wala hindi niya kagustuhan ang ginagawa niya
BALIK-ARAL
Panuto: Suriin ang mga nasa larawan kung ano ang kilos na ipinahihiwatig nito.
Sumulat ng maikling pahayag at tukuyin kung anong salik na nakakaapekto sa
makataong kilos ang nasa larawan.

Salik: _________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
https://pastorernieblog.files.wordpr
ess.com/2016/03/bully-
cartoon.jpg?w=640

Salik: _________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

https://st2.depositphotos.com/4769585/
10732/v/950/depositphotos_107325986
-stock-illustration-little-girl-covering-her-face.jpg

Salik: _________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

https://image.freepik.com/free-vector/angry-
father-arguing-with-his-son_7710-175.jpg

Salik: _________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

wp-content/uploads/2018/10/nagulat-clipart-3.jpg

ARALIN
Panuto: Tunghayan ang bawat sitwasyon at suriin ang maling kilos /pasya at ang
pananagutan ng tauhan. Isulat sa kahon ang iyong sagot.

Sa sobrang takot ni Elsa sa


lumuksong pusa sa kaniyang harapan
Maling kilos / Pasya:
nasagi niya ang flowervase at nabasag
ito. ___________________________
___________________________

May pananagutan ba ang


nagsagawa ng kilos?
___________________________
___________________________

___________________________
Habang naglalakad sa eskinita
hinarangan si Robert ng dalawang
Maling kilos / Pasya:
lalaki at sapilitang kinuha ang pera
niya na dapat ay pambayad sa ___________________________
inuupahang bahay.
___________________________
May pananagutan ba ang
nagsagawa ng kilos?
___________________________
___________________________

___________________________
Sobrang kalungkutan at pananamlay ang ___
nararanasan ni Jonas dahil sa paghihiwalay ng
Maling kilos / Pasya:
kaniyang mga magulang, dahilan upang
mapabayaan niya ang kaniyang pag-aaral. ___________________________
___________________________

May pananagutan ba ang


nagsagawa ng kilos?
___________________________
___________________________

___________________________
Matagal ng inaasam ng batang babae
ang magandang porselas sa mall
tuwing siya ay napapadaan, kaya’t Maling kilos / Pasya:
nang magkaruon siya ng
__________________________
pagkakataon kinuha niya ito ng
hindi napansin ng saleslady. __________________________
May pananagutan ba ang
nagsagawa ng kilos?
__________________________
__________________________

Paano nakakaapekto ang mga salik na takot, karahasan at masidhing damdamin sa


kahihinatnan ng kilos at pasya sa nagsagawa ng kilos? Ating alamin ang iyong
naging sagot.

TAKOT. Kung ang sagot mo sa unang


sitwasyon ay ganito: Ang maling kilos ay
Nabasag ni Elsa ang Flower Vase dahil sa
takot kya may pananagutan siya - TAMA
ka! Sapagkat hindi nawawala ang
pananagutan ng tao sa kilos na ginawa dahil
sa takot kundi nabawasan lamang. Ito ay
dahil malinaw pa rin sa isip mo ang
ginagawa mong kilos.

Kung ang takot naman ay makapagdudulot


sa tao ng pagkawala sa wastong pag-iisip
ang pananagutan ay nawawala

KARAHASAN
Sa ikalawang sitwasyon, Kapareho ba ito ng
iyong sagot? Ang maling kilos ay “ Kinuha ng
mga lalaki ang pera ni Robert na pambayad
sa renta ng bahay” at may pananagutan
siya dahil wala siyang nagawang paraan
para labanan ang karahasan. MAGALING!
Nakuha mo ang tamang sagot.
Ang tanging naaapektuhan ng karahasan ay
ang panlabas na kilos lamang, hindi
naaapektuhan ang kilos-loob. Ngunit
kailangan mong gumawa ng paraan para
labanan ang karahasan upang hindi ka
mapanagot.
MASIDHING DAMDAMIN Ano naman ang naging
sagot mo sa huling
Samantala, sa ikatlong
sitwasyon?
sitwasyon, ang maling kilos ay
napabayaan ni Jonas ang Ang maling kilos ay ang
kaniyang sarili dahil sa sobrang matagal ng pagnanasa
kalungkutan kaya may ng batang babae sa
pananagutan pa rin siya sa porselas kya humantong
kaniyang kilos. Tumpak ba ang sa pagnanakaw. May
iyong sagot? MAHUSAY! pananagutan siya.
WASTO muli ang iyong
Ang naunang damdamin
sagot!
(antecedent) ay hindi nakapag-
aalis ng kapanagutan subalit Ang nahuhuling
nakapagpababa ito. damdamin (consequent)
Naapektuhan ng antecedent ang ay ang pagtatago ng
isip kaya apektado rin ang damdamin na ginagamit
paghuhusga at pagpapasya. na dahilan sa ikinikilos,
kaya’t ang may gawa ay
direkta at lubos na
mananagot sa kaniyang
kilos.

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Tukuyin kung anong salik na nakakaapekto sa makataong kilos ang


isinasaad sa bawat pahayag. Isulat sa patlang ang iyong sagot kung ito ay
karahasan, takot o masidhing damdamin.
___________1. Pagtanggi na tumanggap ng bisita sa bahay ngayong panahon ng
pandemya
___________2. Sobrang pagkainggit sa bagong TV ng kapitbahay
___________3. Pag-aalinlangan ng isang doktor na gamutin ang isang pasyente
___________4. Pagkabagabag dahil sa napanuod na balita ssa TV tungkol sa pagpatay
sa mga sundalo
___________5. Pagtatanim ng galit sa sa kaibigan
Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at ilagay kung anong salik at ano ang naging
epekto nito sa kilos at pasya ng nagsagawa ng kilos . Isulat sa TSART sa ibaba ang
iyong sagot.
1. Sa sobrang pagkainis mo sa matalik mong kaibigan dahil sa ginawang paninira
sa iyo, nag post ka sa facebook ng hindi maganda patungkol sa kanya.
2. Nasira ni Jana ang kanilang TV ngunit sa pangamba na mapagalitan ng kanyang
ina hindi na lamang siya kumibo at nagkunwaring walang alam.
3. Naglalakad si Mike sa may eskinita palapit sa kanilang bahay ng biglang agawin
ang kaniyang bagong cellphone ng isang lalaki, sisigaw sana siya upang humingi
ng tulong pero inambahan siya na sasaktan nito.
4. Inutusan si Kyla ng kaniyang Lola na bumili ng gamot sa botika sa kabilang kanto
ngunit may naksalubong siyang aso sa daan, nagtatakbo siya pauwi at hindi na
nakabili pa ng gamot.
5. Malambing si Angel sa kanyang Lola Elsa kaya lagi siyang pinupuri ng kanyang
lola. Dahil dito naiinggit ang pinsan niyang si Jana kaya’t siniraan niya si Angel
sa kanilag lola.

SALIK NA KAHIHINATNAN NG
SITWASYON
NAKAKAAPEKTO KILOS O PASYA
1.
2.
3.
4.
5.

Pagsasanay 3
Nakaranas ka na bang magpost o makabasa sa social media na ang sanhi ay mula
sa takot, karahasan, at masidhing damdamin na kung saan ay nagdulot ito sa
kapwa ng hindi maganda. Pumili ka ng isa sa iyong mga karanasan o nabasa at
ilagay sa mga kahon ang iyong sagot. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na
tanong.

SANHI NG
KARANASAN KILOS/PASYA EPEKTO SA KAPWA
______________________ ___________________ ____________________
______________________ ___________________ ____________________
a. Ano ang iyong naging reyalisasyon mula sa iyong karanasan o sa iyong
nabasa?
_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

b. Maaari bang maiwasan ang mga salik na nakakaapekto sa ating kilos at


pasya? Sa paanong paraan?
_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

PAGLALAHAT
Panuto: Ipaliwanag ang kahulugan ng graphic organizer. Ilapat ang natutuhan mula
sa ating aralin ngayong araw. Isulat ang sagot sa iyong worksheet.

PANANAGUTAN

KILOS / PASYA
TAKOT

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
PAGPAPAHALAGA

Panuto:
1. Mula sa mga salik na: takot, karahasan, at masidhing damdamin; alin sa
mga ito ang madalas na nakakaapekto sa kahihinatnan ng iyong kilos at pasya
sa araw-araw?
2. Pagkatapos ng pagpili, ibigay ang positibong kahulugan ng salik na iyong napili.
( Hal. Takot – Katapangan )
3. Paano mo isasagawa ang pagkamit ng pinili mong pahahalagahan ? Isulat sa
foot print sketch ang iyong sagot.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

GAWAIN 1
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at ibigay ang mga salitang hinhingi ng
pahayag. Piliin sa loob ng kahon ang sagot at isulat sa patlang.

masidhing Damdamin pag-iisip


Kilos-loob pagpapasya
takot paraan pananagutan

1. Ang naapektuhan sa karahasan ay ang panlabas lamang at hindi ang


__________________________.
2. Sa salik na takot ay hindi nawawala ang _____________________ ng taong
nagsagawa ng kilos, nababawasan lamang ito.
3. Ang labis na kalungkutan ay kilos na kung saan ay umiiral ang
iyong______________________.
4. Nawawala ang pananagutan ng isang tao kung ang takot ay nagdulot ng
pagkawala sa wastong ______________.
5. Kailangan mong gumawa ng_____________ upang mapaglabanan ang
karahasan upang ikaw ay hindi mapanagot sa makataong kilos.

GAWAIN 2
Gamit ang graphic organizer sumulat sa bawat kahon ng mga hindi
makataong kilos na naobserbahan mo sa inyong tahanan mula sa iyong mga
magulang, kapatid at iba pang kasama sa bahay ngayong panahon ng pandemya na
ang nagging sanhi ay ang mga salik na takot, karahasan at masidhing damdamin.
Isulat sa blankong kahon ang inyong sagot.

SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA PAGKUKUSA NG MAKATAONG


KILOS

MASIDHING KARAHASAN TAKOT


DAMDAMIN
SUSI SA PAGWAWASTO
5. paraan
5. A
4. pag-iisip
4. C
damdamin
3. D 3. masidhing 5. Masidhing Damdamin
4. Karahasan
2. D 2. pananagutan
3. Takot
1. C 1. Kilos- loob
2. Masidhing damdamin
1. Takot
Pagsubok Pagsusulit
Paunang Panapos na Pagsasanay 1

relasyon ni Angel at Lola Elsa


Masidhing damdamin – masisira nag 5.
lola, maaaring lumubha nag pakirandam
Takot – Hindi makakainom ng gamut si 4.
cellphone
Karahasan – Nawala ang bagong 3.
Takot – Makapagsisinungaling sa Nanay 2.
damdamin ng kaibigan
Masidhing damdamin – Makakasakit sa 1.
Gawain 2
Pagsananay

Sanggunian
https://www.slideshare.net/MelancholySun/grade-10-esp-lm-yunit-2
http://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/912
https://www.netclipart.com/pp/m/22-229577_tree-clipart-with-roots-tree-clip-art.png
https://i.pinimg.com/474x/e3/c9/04/e3c90423c6a12febf68807b475c5914d.jpg
https://www.veritas846.ph/kabataan-at-karahasan/
https://vecto.rs/design/vector-of-girl-stealing-jewelry-at-a-store-by-bnp-design-studio-3652
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcR0ppWQ_Cd6FvD9zUXh_Jf-
DdXcgfm6h-3yTH_oXtxI7-i7xb9W&usqp=CAU
https://ya-webdesign.com/image/footprint-clipart-single/47499.html

You might also like