You are on page 1of 26

10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6
Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu ng Karahasan at
Diskriminasyon

1
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu ng
Karahasan at Diskriminasyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Lina J. Eltanal


Editor: Leslie A. Terio, Marites A. Abiera
Tagasuri: Germelina v. Rozon
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Aileen Rose N. Cruz
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
10

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 6
Tugon ng Pamahalaang Pilipinas
sa mga Isyu ng Karahasan at
Diskriminasyon

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu ng Karahasan
at Diskriminasyon!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu ng Karahasan at
Diskriminasyon!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
Subukin tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
Pagyamanin at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

iv
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Isagawa
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhaan sa paglikha


o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na kwaderno sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

v
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

vi
Alamin

Panimula

Natunghayan at nasuri mo sa nakaraang leksyon ang tungkol sa diskriminasyon sa


mga babae, lalaki, at LGBT sa loob at labas ng ating bansa. Sa paksang iyon natutunan mo
na walang pinipiling edad, bansa, oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian
ang mga biktima nito, kaya nararapat lamang na pagtuunang pansin ng pamahalaan ang mga
isyung ito.

Maituturing naman na isa sa mga pinakamahalagang salik sa pag-unlad ng isang


bansa ay ang pagiging ligtas sa anumang kapahamakan at pang-aabuso ng mga
mamamayan anuman ang kasarian nito. Sa araling ito, napakahalagang mabatid mo ang
mga karahasang kinakaharap ng mga babae, lalaki at LGBT sa loob at labas ng bansa. Ano
nga ba ang mga ito?

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay nararapat na makamtan at maisagawa ang mga
sumusunod na layunin:

Most Essential Learning Competency (MELC)

Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan ng Pilipinas sa mga isyu


ng karahasan at diskriminasyon.

MGA LAYUNIN

1. Naiisa-isa at natatalakay ang mga karahasan na nararanasan ng mga kababaihan,


kalalakihan at LGBT.

2. Nakagagawa ng collage na tumutugon sa isyu ng karahasan at


diskriminasyon sa Pilipinas.

3. Nailalatag ang natutunan sa aralin sa pamamagitan ng pagsulat ng


repleksyon paper ukol sa kahalagahan ng bawat mamamayan anuman ang
kasarian nito sa panahon ng pandemya (COVID 19) na kinakaharap natin sa
kasalukuyan.

1
Paano mo ito ipinakita o
Subukin ipinadama? Bakit mo
naramdaman ito?

Tama o Mali (1 puntos bawat-isa)


Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Sa mga patlang na nakalaan bago
ang bawat bilang, isulat ang letrang T kung ang konseptong ibinigay ay TAMA at M naman
kung MALI. Isulat ang iyong sagot sa iyong kwaderno.
_____1. Ayon sa pag-aaral ng United Nations Development Programme and United
States Agency for International Development ang mga LGBT ay nakakaranas ng
kaunting oportunidad sa trabaho.
_____2. Ang ating bansa ay nagpapatupad ng “Anti-Homosexuality Act of 2014 na
kung saan maaring mabilanggo ang sinumang magpapakasal o magkaroon ng
relasyon ng kaparehong sekswalidad.
_____3. Ang mga kababaihan saan man sa mundo ay nakakaranas ng pang-
aalipusta.
_____4. Nararanasan ng mga kababaihan ang anumang karahasan dahil ito ay natural
lamang at likas na mahina ang mga kababaihan.
_____5. Ang mababang pagtingin ng mga kababaihan ay umiiral sa kasalukuyang
panahon lamang.
_____6. Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang
Cameroon ng Africa na kung saan minamasahe ang dibdib ng nagdadalagang babae
gamit ang bato, spatula o martilyo.
_____7. Ang foot binding ng China ay naglalayong pagandahin ang paa ng mga
kababaihan upang maging maganda itong tingnan.
_____8. Ang karahasan sa mga kababaihan ay anumang karahasang nauugat sa
kasarian na humantong sa pisikal, sekswal o mental na pananakit o pagpapahirap sa
kababaihan kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
_____9. Ang isang bisexual ay nakakaranas ng pang-aabuso kapag pinagsasabihan
itong hindi tinutulungan ng pamahalaan ang katulad nila.
____10. Ayon sa istadistika ng karahasan sa kababaihan, anim na posiyento ng mga
babaeng 15-49 ang edad ang nakaranas ng pananakit na sekswal.

2
Balikan

Pagtatambal (1 puntos bawat-isa): Pagtambalin ang mga salita/konsepto sa Hanay A sa


mga angkop na kahulugan nito sa Hanay B. Titik lamang ang isulat sa mga patlang na
nakalaan bago ang bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

Hanay A Hanay B

_____1. LGBT a. anumang pag-uuri batay sa kasarian


_____2. CEDAW b. kilusang pulitikal sa Aghanistan
_____3. diskriminasyon c. invisible minority
_____4. Taliban d. may adbokasiya para sa karapatan ng
Edukasyon sa mga batang babae sa
Pakistan
_____5. Malala Yousafzai e. kilalang LGBT
f. Convention on the elimination of all forms
of discrimations against women

3
Tuklasin

Panuto: Sumulat ng isang paglalarawan sa bawat imaheng iyong makikita sa ibaba.


Pagkatapos, isulat ang kabuuang konsepto na ipinakita sa tatlong larawan. Isulat ang iyong
sagot sa kwaderno.

1.

pandemic-triggers-domestic-abuse-in-philippine-
homes-5f7fe65cd4eaf_600.jpeg(610×407)
(ucanews. com)

2.

HAND-RESHOOT-FINAL-
e1450541140992.jpg(1000×1178) (blgbt.org)

3.

angry-woman.jpg (1024×713) (lostblogger.com)

4
Suriin

Sa bahaging ito ng aralin matutunghayan mo ang ilang mga halimbawa ng mga


karahasang kinakaharap ng babae, lalaki, at LGBT. Inaasahan din na matapos ang mga
gawaing nakapaloob dito, matataya at masusuri mo ang mga nasabing isyu, at magkaroon ka
ng mas matibay malinaw na pag-unawa sa lahat ng mga kasarian.

Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP) at


ng United States Agency for International Development (USAID) na may titulong “Being LGBT
in Asia: The Philippines Country Report”, ang mga LGBT ay may kakaunting oportunidad sa
trabaho, bias sa serbisyong medical, pabahay at maging sa edukasyon. Sa ibang
pagkakataon din, may mga panggagahasa laban sa mga lesbian at ang patuloy na pagpatay
sa mga LGBT kahit na patuloy ang panawagan sa pagkakapantay-pantay at kalayaan sa lahat
ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong 2012
may 1,083 LGBT ang biktima ng pagpatay mula 2008-2012.
Noong 2011, ang United Nations Human Rights Council ay nagkaroon ng ulat tungkol
sa mga ebidensya at kaso ng mga diskriminasyon at karahasan laban sa mga LGBT. Tulad
ng bansang Uganda na nagpasa ng “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na
maaring parusahan ng habambuhay na pagkabilanggo ang sinumang magkaroon ng relasyon
ang parehong sekswalidad at pagpapakasal sa parehong sekswalidad.

Gawain 1: Mapanuri ka ba?


Basahin at suriin ang mga impormasyon na may kinalaman sa karahasan ng mga
LGBT sa Pilipinas.

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fmedium.com%2F%40kadlitofficial%2Fkinadenang-bahaghari-mga-hirap-at-danas-ng-mga-lgbt-sa-pilipinas-
e230a0f7ee67&psig=AOvVaw2VxuAd5iqWQLDWX4gJ9bu0&ust=1613028896792000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCOigvonn3u4CFQAAAAAdAAAAA
BAD

5
KULTURANG HETERONORMATIVE SA PILIPINAS
Ang heteronormativity ay isang paniniwala na ang natural na sex ng isang tao ang
primary determinant ng sexual orientation. Halimbawa, kung ika’y ipinanganak na lalaki, kahit
anong mangyari’y ikaw ay isang lalaki, at sa babae ka lamang dapat magkagusto.
MORALITY ISSUES
Maraming taliwas sa mga LGBT dahil naniniwala pa rin ang karamihan ng Pilipino na
ang lalaki ay para sa babae lamang, dahil na rin sa turo ng iba’t ibang simbahan (lalong lalo
na ang simbahang Romano Katolika). Ang turo ay ayos lang na maging parte ng LGBT basta
huwag ka lang makipag-relasyon sa kaparehang kasarian.

QUEER STANDARDIZATION
Isyu rin sa LGBT ang standardisasyon o PAGKAKAHON, tulad na lamang ng mga gay
pageants na karaniwang ginagawang katatawanan ng madla.
Nauuso rin sa mga kakalalakihan na attracted sa kanilang kaparehong kasarian ang
“no to effem and no to chubs”, tomboy na naka-mio at marami pang iba. Kailangan nating i-
empower ang bawat LGBT sa iba’t ibang paraan, hindi ‘yong ginagawang katatawanan na
lamang sila’t sila’y nalalayo sa nakasanayan ng mayorya.
Kung mababago natin ang daloy ng kasaysayan ng mga LGBT sa Pilipinas, makaaasa
ang mga taong bababa maging ang mga kaso ng diskriminasyon at bullying sa buong bansa.

MISREPRESENTATION NG LGBT

Talamak din ang misrepresentasyon ng LGBT sa Pilipinas – tulad na lang ng bakla na


nahuhulog sa straight na kaibigan, tomboy na laging nakapanglalaki lang, pinapatay lang ang
mga bakla sa mga horror movies, at marami pang iba.

Naging uso rin na kapag ang lalaking attracted sa kapwa lalaki ay laging malamya o
kaya tago ang pagiging malamya. Hindi lahat ay ganito dahil kailangan nating i-consider ang
SOGIE dahil ‘di naman lahat ng bakla ay parang babae kung kumilos.

Minsan, pinapakita rin sa midya na ang bakla ay hayok sa init ng laman na malayo rin
sa katotohanan. Ang mga bakla, tulad ng mga straight na lalaki at babae, ay may iba’t ibang
preferences o kagustuhan pagdating sa pakikipagtalik.

Kahit sinasabi ng iba na mas nagiging empowered na ang mga LGBT ngayon, marami
pa ring negatibong danas ang ating mga kapatid sa komunidad.
Source: https://medium.com/@kadlitofficial/kinadenang-bahaghari-mga-hirap-at-
danas-ng-mga-lgbt-sa-pilipinas-e230a0f7ee67

Pamprosesong mga Tanong

6
1. Ano ang ang iyong mahihinuha sa impormasyong iyong nabasa?
2. Nararapat bang makakaranas ang mga LGBT ng mga karahasang iyon?
3. Bakit kailangang respetuhin natin ang mga LGBT?

Gawain 2: Anticipation-Reaction Guide?


Basahin at suriin ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang S kung ikaw ay sumasang-
ayon at DS nman kung hindi sumasang-ayon. Dalawang beses mo itong sasagutan bago at
pagkatapos ng lingguhang aralin.

Anticipation-Reaction Guide
Tugon bago Tugon
magsimula pagkatapos
Paksa: Karahasan ng mga kababaihan
ng Aralin ng Aralin
Ang karahasan sa mga kababaihan ay nangyayari lamang
noong unang panahon.
Patuloy na nangyayari ang anumang uri ng
karahasan/diskriminasyon sa kasalukuyan.
Napapangalagaan ang karapatan ng mga kababaihan ng
samahang GABRIELA.
Maunlad ang mga bansang ligtas ang mamamayan nito sa
anumang karahasan.
Ang foot binding sa China ay nakatulong sa pagpapaganda
ng mga kababaihang Tsino.
Ang problema sa karahasan ng mga kababaihan ay
pandaigdigan.
Ang breast ironing ng bansang Cameroon ay isang tamang
paraan upang maiwasan ang maagang pagbubuntis ng
mga kababaihan

Karahasan/Diskriminasyon sa Kababaihan
Mula noon hanggang sa kasalukuyan ang mga kababaihan sa kahit saan mang sulok ng
daigdig ay nakararanas ng anumang uri ng karahasan tulad ng pang-aalipusta, hindi
makatarungan at di-pantay na pakikitungo.
Ano ba ang karahasan sa kababaihan? Ayon sa United Nations ang karahasan sa
kababaihan (violence against women) ay anumang karahasang nauugat sa kasarian na
humahantong sa pisikal, sekswal o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan
kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga kaugalian na nagpapakita ng paglabag sa
karapatan ng kababaihan:

7
1. Foot Binding
Ang foot binding ay isinagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ay
pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada sa pamamagitan ng pagbabalot nito ng bakal. Ang
korte ng paa ay pasusunurin sa hugis ng bakal sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng
paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot sa buong paa. Tinatawag din itong
lotus feet o lily feet na pinaniniwalaan ng mga Tsino na simbolo ng yaman, ganda at pagiging
karapat-dapat sa pagpapakasal. Dahil ang mga babaeng ito ay may maliit na paa, nalimitahan
ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika at pakikisalamuha sa mga tao.
Nagwakas ang ganitong sistema sa Tsina sa panunungkulan ni Sun Yat Sen noong 1911
dahil sa di-mabuting dulot ng tradisyong ito.

www.chinahighlights.com

2. Breast Ironing
Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang Cameroon ng
kontinenteng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib sa isang nagdadalaga
gamit ang bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. Ayon sa pananaliksik noong 2006,
sinasabing 24% ng mga batang babae na may siyam na taong gulang ay apektado nito.
Ipinapaliwanag ng ina sa kanilang anak na babae na ang pagsasagawa nito ay normal
lamang at upang maiiwasan ang maagang pagbubuntis, paghinto sa pag-aaral, at
pagkagahasa.
Ito ay isinagawa din sa mga bansang Benin, Chad, Ivory Coast, Guinea-Bissau,
Guinea-Conakry, Kenya, Togo, at Zimbabwe.
Dahil ito ay pinaniniwalaang mapanganib marami ang tumutuligsa nito tulad na lamang
ng GIZ (German Development Agency) at RENATA (National Network of Aunties Association)
na sumusuporta sa kampanya ng mga batang ina na labanan ang patuloy na pagpapairal ng
gawaing ito. Ayon sa GIZ, 39% ng mga kababaihan sa Cameroon ang hindi panig sa
pagpapairal ng breast ironing, 41% ang sumusuporta at 26% ang walang pakialam.

8
Source: https://safeguardinghub.co.uk/wp-content/uploads/2018/08/Breast-Ironing.jpg

ISTADISTIKA NG KARAHASAN SA KABABAIHAN


• Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na
pisikal simula edad 15, anim na porsyento ang nakaranas ng pananakit na pisikal.
• 6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na sekswuwal.
• Isa sa apat na babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas ng emosyonal,
pisikal at/o pananakit na sekswal mula sa kanilang asawa.
• Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng pisikal /seksuwal na
pang-aabuso sa loob ng 12 buwan bago ang sarbey, 65% ang nagsabing sila ay
nakaranas ng pananakit.
Source: National Demographic Health Survey ng National Statistics Office 2013
Ang GABRIELA (General Assembly Binding women for Reforms, Integrity, Equality,
Leadership, and Action) ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang uri ng
karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against
Women.
1. Pambubugbog/pananakit
2. Panggagahasa
3. Incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso
4. Sexual harassment
5. Sexual discrimination at exploitation
6. Limitadong access sa reproductive health
7. Sex trafficking at prostitusyon

Karahasan sa mga Kalalakihan


Ayon sa ulat ng Mayo clinic, hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasan na
nagaganap sa isang relasyon ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan
ay biktima rin. Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri ng karahasan sa mga lalaki ay may iba’t ibang
uri: emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso. Tandaan din na ito ay maaaring
maganap sa heterosexual at homosexual na relasyon. Ngayon, iyong tunghayan ang mga
palatandaan ng ganitong uri ng karahasan.

9
Ikaw ay nakaranas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:
o Tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa iyo at sa ibang tao; iniinsulto
ka
o Pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho
o Pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan; sinusubukan kang
kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot
o Nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko
o Nagagalit kung umiinom ng alak
o Pinagbabantaan ka na sasaktan
o Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak at alagang hayop
o Pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban
o Sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang sa iyo ang
ginagawa sa iyo

Ito naman ay para sa mga LGBTQ+


o Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang
iyong oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
o Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bisexual at
transgender
o Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente
Maaari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo ang ganitong pangyayari:
o Pinagbabantaan ka ng karahasan
o Sinasaktan ka na (emosyonal o pisikal)
o Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago, at nagbibigay ng suhol
o Paulit-ulit ang ganitong pangyayari
o Kadalasang mas dumadalas ang pananakit at karahasan at mas tumitindi sa paglipas
ng panahon

10
Pagyamanin

TASK CARD 1: Karahasan sa mga LGBT


Gamit ang mga impormasyong iyong nabasa ukol sa mga karahasan ng mga LGBT
sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
1. Sa ulat ng UNDP at United States Agency for International Development (USAID),
Anu-ano ang mga karahasan na nararanasan ng mga miyembro ng LGBT?
2. Ang bansang Uganda ay nagpapatupad ng Anti-Homosexuality Act of 2014, ano ang
isinasaad ng batas na ito?
3. Sang-ayon ka ba sa kulturang heteronormative sa Pilipinas? Bakit?

TASK CARD 2: Karahasan sa mga kababaihan


Gamit ang iyong mga nakalap na impormasyon ukol sa mga kababaihan, sagutin ang
mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Anu-ano ang mga karahasan na nararanasan ng mga kababaihan?
2. Tama ba na winakasan ang sistemang “foot binding” ng China at “breast ironing” ng
bansang Cameroon? Bakit?
3. Ilang porsyento ng mga babaeng may edad na 15-49 ang nakaranas ng pananakit
na sekswal?
4. Anong klaseng pananakit ang kalimitang nararanasan ng mga kababaihan ayon sa
estadistika ng karahasan sa kababaihan?
5. Paano kaya makakaiwas ang mga kababaihan sa anumang karahasan?

11
Isaisip

Gawain 3: Reflective Journal


Pansamantala kang tumigil at magnilaynilay tungkol sa paksang pinag-usapan. Bilang
isang mag-aaral, mahalaga ba sa iyo ang pagkaroon ng kaalaman ukol sa mga karahasan na
nararanasan ng mga lalaki, kababaihan, at miyembro ng LGBT? Pangatwiranan. Isulat ito sa
iyong kwaderno.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

12
Isagawa

Gawain 4: Iguhit Mo o Igupit Mo

Sa isang pahina ng iyong kwaderno, iguhit mo o maaring gumupit ng mga larawan at


gawing collage ang iyong nakikitang mga karahasan ng mga lalaki, kababaihan at
miyembro ng LGBT sa iyong komunidad.

Kayo ay bibigyan ng puntos ayon sa sumusunod na batayan:


Nilalaman…………………….. 25
Pagkamalikhain……………... 15
Kagandahan ng gawain ..….. 10
KABUUANG Puntos 50

13
Tayahin

Tama o Mali (1 puntos bawat-isa)


Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Sa mga patlang na nakalaan bago
ang bawat bilang, isulat ang letrang T kung ang konseptong ibinigay ay TAMA at M naman
kung MALI. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Ang pagkakaroon ng kaunting oportunidad sa trabaho ay isa sa mga pang-
aabusong nararanasan ng mga LGBT dati.
2. Ang Anti-Homosexuality Act of 2014 ay ipinatupad sa Pilipinas upang parusahan ng
habambuhay na pagkabilanggo ang sinumang magkaroon ng parehong sekswalidad
na relasyon.
3. Ang heteronormativity ay isang paniniwala na ang natural na sex ng isang tao ang
primary determinant ng sexual orientation.
4. Maraming taliwas sa mga LGBT dahil naniniwala pa rin ang karamihang Pilipino na
ang lalaki ay para sa babae lamang.
5. Talamak pa rin ang misrepresentasyon ng LGBT sa Pilipinas.
6. Patuloy na nangyayari ang iba’t ibang uri ng karahasan/diskriminasyon sa anumang
uri ng karahasan.
7. Ang “foot binding” sa China ay nakatutulong sa pagpapaganda ng mga kababaihang
Tsino noong unang panahon.
8. Napangalagaan ng samahang GABRIELA ang karapatan ng mga kababaihan.
9. Ang “breast ironing” ng bansang Cameroon ay isang tamang paraan upang maiiwasan
ang maagang pagbubuntis ng mga kababaihan.
10. Isa sa apat na babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakararanas ng emosyonal,
pisikal at sekswal na pananakit mula sa kanilang asawa.
11. Ang incest at iba pang sekswal na pang-aabuso ay hindi kasama sa Seven Deadly
Sins Against Women.
12. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, ang mga lalaki ay biktima rin ng domestic violence.
13. Nakararanas ng domestic violence ang mga lalaki kapag siya ay palaging
pinagselosan at pinagduduhan ng kanyang kapareha.
14. Naaabuso ang isang lesbian kapag siya ay pinagbantaan ng isang kaibigan na
ipagkalat ang itinatagong pagkakakilanlang pangkasarian.
15. Naaabuso na ang mga lalaki kapag sila ay pinagsasabihan na sila ay likas na
bayolente.

14
Karagdagang Gawain

Gawain 5: Ano ang pananaw mo?


Sumulat ng isang Position Paper tungkol sa konseptong nakalahad sa ibaba. Ang puntos na
iyong makukuha ay ayon sa sumusunod na pamantayan. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

Nilalaman ----- 25

Organisasyon ng mga ideya ----- 15

Kabuuang dating ----- 10


Kabuuan 50

“Sa usaping pag-unlad ng bansa sa gitna ng pandaigdigang pandemya (CoVid19) at


mga kalamidad, nararapat bang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang karahasan ng
anumang kasarian? Patunayan ang iyong sagot.

15
Susi sa Pagwawasto

T 8.
10. T M 5. D 5. 15. T M 7.
9. T M 4. B 4. 14. T M 6.
8. T T 3. A 3. 13. T T 5.
7. M M 2. F 2. 12. T T 4.
6. T T 1. C 1. 11. M T 3.
Subukin 10. T M 2.
Balikan
9. M T 1.
Panghuling Pagtataya

Tuklasin (anumang paglalarawan ukol sa


1. Pang-aabuso ng kababaihan; 2. Pang-aabuso ng LGBT;
3. Pang-aabuso ng mga lalaki
Gawain 1: Mapanuri ka ba?
1. Mga karahasang naranasan ng mga LGBT sa Pilipinas
2. (Nasa guro ang pagpapasya)
3. (Nasa guro ang pagpapasya)
Gawain 2: Anticipation-Reaction Guide
(nasa guro ang pagpapasya)
Task Card 1: Karahasan sa mga LGBT
1. a. kaunting opotunidad sa mga LGBT b. bias sa serbisyong medical at edukasyon c.
panggagahasa at pagpatay
2. Ang anti-homosexuality act of 2014 ay nagsasaad na maaaring parusahan ng habambuhay
na pagkabilanggo ang sinumang magkaroon ng parehong sekswalidad sa sekswalidad.
3. (nasa guro ang pagpapasya)
Task Card 2: Karahasan sa mga kababaihan
1. Anumang karahasan na nauugat sa pagpapahirap ng mga kababaihan kasama na ang
pagbabanta at pagsikil sa kalayaan
2. (nasa guro ang pagpapasiya)
3. 6%
4. a. emosyonal b. pisikal c. pananakit na sekswal
5. (nasa sa guro ang pagpapasya)
Task Card 3: Reflective Journal (nasa guro ang pagpapasiya)

16
Talahulugan
Breast ironing – isang kaugalian sa bansang Cameroon Africa na imasahe ang dibdib ng
batang ng nagdadalaga gamit ang bato, martilyo o spatula na pinainit ng apoy
Foot binding – isinagawa sa sinaunag China na pinapaliit ang paa ng babae hanggang sa
tatlong pulgada gamit ang bakal sa pamamagitan ng pagbabalot
GABRIELA – (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality. Leadership
and Action) samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang uri ng karahasan ng kababaihan.
GIZ – akronim ng isang samahan sa Germany na may kinalaman sa German Development
Agency at sumusuporta sa kampanya laban sa breast ironing

17
Sanggunian
Aklat

Modyul sa Araling Panlipunan 10 p. 294-307

Electronic Source
pandemic-triggers-domestic-abuse-in-philippine-homes-5f7fe65cd4eaf_600.jpeg (610×407)
(ucanews.com)
HAND-RESHOOT-FINAL-e1450541140992.jpg (1000×1178) (blgbt.org)

angry-woman.jpg (1024×713) (lostblogger.com)


https://safeguardinghub.co.uk/wp-content/uploads/2018/08/Breast-Ironing.jpg
www.chinahighlights.com
https://medium.com/@kadlitofficial/kinadenang-bahaghari-mga-hirap-at-danas-ng-
mga-lgbt-sa-pilipinas-e230a0f7ee67

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like