You are on page 1of 14

Pagpapalawak

ng
Pangungusap
Pumunta kami ng aking kaibigan sa mall para
manood ng movie at kumain sa Mcdo at bumili ng
damit tapos naglakad-lakad kami at nakita namin ang
isa naming kaklase sa Nat’l Book Store na kung saan
ay bumibili ng Gtech dahil nawala raw ang kanyang
luma kaya nanghihinayang siya rito nang grabe pero
ako, naisip ko, gastos lamang nang gastos.
Pumunta kami ng aking matalik na kaibigan sa mall. Kami ay
nanood ng bagong movie, kumain ng chicken fillet sa Mcdo,
bumili ng magandang damit, at naglakad-lakad din
pagkatapos. Habang naglalakad-lakad, nakita namin si Benjie,
isa naming kaklase, sa Nat’l Book Store. Siya ay bumili na
naman ng bagong Gtech dahil nawala raw ang kanyang
luma na labis niyang pinanghinayangan. Naisip ko, siya ay
nasasayangan na sa isang ballpen lamang samantalang ako
ay gastos lang nang gastos.

Mga Paraan sa Pagpapalawak
ng Pangungusap

Pagdaragdag ng mga Paningit o Ingklitik

Paggamit ng mga Panuring
Pagsasama ng mga Pamuno sa
Pangngalan
Paglalagay ng mga Kaugnay na Parirala
Pagdaragdag ng mga Paningit o
Ingklitik
Isinasama ito sa pangungusap upang mas
malinaw ang mensaheng nais iparating.
Mga Halimbawa ng Ingklitik
man naman kaya kasi
yata sana tuloy nang
ba pa muna pala
na daw/raw din/rin lamang/lang
Paggamit ng mga
Panuring

2 Kategorya ng mga Panuring:

1. pang-uri na panuring sa pangngalan at
panghalip
2. pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-uri,
o kapwa pang-abay
Mga
Halimbawa:
Batayang Pangungusap:
Ang Great Wall of China ay simbolo ng
Dinastiyang Ming.
Pagpapalawak Gamit ang Pang-uri:
Ang makasaysayang Great Wall of China ay simbolo
ng Dinastiyang Ming.
Mga
Halimbawa:
Batayang Pangungusap:
Ang mga mamamayan ay nagbunyi sa pagbagsak
ng pamahalaan.
Pagpapalawak Gamit ang Pang-abay at Pang-uri:
Ang mga mamamayan ay masigabong nagbunyi
sa pagbagsak ng sakim na pamahalaan.
Pagsasama ng mga
Pamuno
Pamuno -> pangngalan o pariralang
pangngalang tumutukoy sa ibang katawagan
para sa isa pang pangngalan.
HALIMBAWA:
Si Duterte, ang pangulo ng Pilipinas, ay
nanawagang huwag gumamit ng droga.
Paglalagay ng mga Kaugnay na
Parirala

Kaugnay na Parirala -> mga dagdag na salita

na idinurugtong sa pangungusap o mga
parirala na may parehong kahulugan sa
naunang parirala.
Mga dagdag na salita na idinurugtong
sa pangungusap
Pumunta kami ng aking matalik na kaibigan sa mall. Kami ay
nanood ng bagong movie, kumain ng chicken fillet sa Mcdo,
bumili ng magandang damit, at naglakad-lakad din
pagkatapos. Habang naglalakad-lakad, nakita namin si Benjie,
isa naming kaklase, sa Nat’l Book Store. Siya ay bumili na
naman ng bagong Gtech dahil nawala raw ang kanyang luma
na labis niyang pinanghinayangan. Naisip ko, siya ay
nasasayangan na sa isang ballpen lamang samantalang ako
ay gastos lang nang gastos.
Mga parirala na may parehong kahulugan
sa naunang parirala

Nakalulungkot limiin na sa araw na iyon ay nailibing ang

matataas na pangarap o dili kaya’y kasama ng umalimbukay
na alikabok ang mga ambisyong matagal nang naikintal sa
isipan.
Subalit darating ang tamang panahon na tahasang
malalaman ang tunay na kahulugan ng buhay, ang
kahulugan ng paghihintay sa mga nakatakda, at ang
kahalagahan ng pag- inog ng mundo na tiyak na daratal
Gawain
:
Palawakin ang mga sumusunod na batayang
pangungusap. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.
1.Si Ana ay nanggaling sa mahirap na
pamilya.
2. Dapat pag-ingatan ng lahat ang kalayaan.
3. Ang mundo ay naging saksi sa
pangyayaring ito.

You might also like