You are on page 1of 39

KAKAYAHANG

PANGKOMUNIKATIBO

Marvin C. Bolante
KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO
 “communicative competence”

Nagmula kay Dell Hymes (1966), isang


linguist, sociolinguist, anthropologist, at
folklorist.
KAKAYAHANG
PANGKOMUNIKATIBO
Kasama ni Dr. Hymes si John J.
Gumpers sa paglinang bilang tugon sa
kakayahang lingguwistika ni Noam
Chomsky noong 1965
Dr. Dell Hymes
Sa pagsasalita ay hindi sapat ang magkaroon ng
kakayahang lingguwistika upang epektibong
makipagtalastasan gamit ang wika.
Nararapat din niyang malaman ang paraan ng
paggamit nito
Apat na Uri
Kakayahang Lingguwistiko
Kakayahang Sosyolingguwistiko
Kakayahang Diskorsal
Kakayahang Istratedyik
Kakayahang
Lingguwistiko/Gramatikal
Ito ay naaayon sa mga tuntunin ng wika o
balarilang kayarian na alam ng taong nagsasalita ng
wikang ito.
Ito ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga
estruktura sa wika na sang-ayon sa tuntunin ng
gramatika.
Kakayahang
Lingguwistiko/Gramatikal
Ayon kina Canale at Swain, ito ay ang
pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa
ponolohiya, morpolohiya, sintaks,
semantika, gayundin ang mga tuntuning
pang-ortograpiya.
Mungkahing Sangkap ng kakayahang
Lingguwistiko (Celce-Murica, Dornyei, at Thurell 1995)
1.Sintaks
2.Morpolohiya
3.Leksikon (mga salita o bukabularyo)
4.Ponolohiya o Palatunugan
5.Ortograpiya
Sintaks
Pagsasama ng mga salita upang makabuo ng
pangungusap na may kahulugan.
pag- aaral ng istruktura ng mga pangungusap
may kinalaman sa sistema ng mga tuntunin at
mga kategorya na batayan sa pagbuo ng
pangungusap
SINTAKS
 Estruktura ng pangungusap
 Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
 Uri ng pangungusap ayon sa gamit (pasalaysay,
patanong, pautos, padamdam)
 Uri ng pangungusap ayon sa kayarian (payak,
tambalan, hugnayan, langkapan)
 Pagpapalawak ng pangungusap
Estruktura ng pangungusap
Simuno
Panaguri
Simuno o Paksa
(Subject sa wikang Ingles) ang bahaging pinag-
uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng
pangungusap.
Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos
o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at
ganapan ng kilos ng pandiwa.
Panaguri
(Predicate sa wikang Ingles) ang bahagi ng
pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o
impormasyon tungkol sa paksa.
Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa
simuno.
Tamang pagkakasunod-sunod
Tumira nang matagal sina Ramon sa
Amerika.
Sa Amerika tumira sina Ramon nang matagal.
Amerika tumira sa Ramon matagal sina nang
Ayos ng Pangungusap
Karaniwan
Di-Karaniwan
Karaniwan
Panaguri+Simuno
Maganda si Khristiane.
Pumunta si Thom sa palengke.
Gustong maglaro ng basketball ni Nico.
Di-Karaniwan
Simuno+Panaguri
Si Allen ay nakatulog sa classroom.
Tayo ay nalulungkot sa pagkawala ni Carlo
Sina Nieva at Christine ay sumayaw sa
kanto.
Uri ng pangungusap ayon sa
Gamit
Pasalaysay
Patanong
Pautos
Padamdam
Pasalaysay/Paturol
Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi
itong nagtatapos sa tuldok.
Mga Halimbawa –
Si Norberto ay isang matagumpay na arkitekto.
Ang mundo ay umiikot sa sarili nitong axis.
Ang daigdig ay ang tanging planetang may buhay.
Patanong
• Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o
pangyayari. Tandang pananong(?) ang bantas sa
hulihan nito.
Kailan ang huling pagsusulit para sa kasalukuyang
semester?
Kanino makukuha ang mga klas kards?
Padamdam
Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin
gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat,
paghanga, panghihinayang at iba pa.
Karaniwang nagtatapos ito sa tandang
panamdam.
Pautos o Pakiusap
Ang pautos ay nagpapahayag ng obligasyong
dapat tuparin, samantalang ang pakiusap ay
nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na
pamamaraan. Nagtatapos ito sa tuldok.
Pautos o Pakiusap
Mga Halimbawa Pautos - Mag-aral kang mabuti.
Nararapat lamang matutong sumunod ang mga mag-
aaral ng seminary sa patakaran ng Bible School.

Pakiusap - Pakibigay mo naman ito sa iyong guro.


Maari bang iabot mo ang aklat na iyan?
Kayarian ng Pangungusap
•Payak
•Tambalan
•Hugnayan
•Langkapan
Sugnay
Sugnay na makapag-iisa
Sugnay na di makapag-iisa
Sugnay na makapag-iisa
Ito ay maaaring tumayo bilang payak na pangungusap.
Halimbawa; Ang ating mga tahanan ay linisan.
Nagluluto ako na ako ng ulam.
Ang aking takdang araling ay tapos na.
Si itay ay nagpunta sa doktor.
Ako ay kakain ng gulay.
Sugnay na di makapag-iisa
• Mayroon itong paksa at panaguri ngunit hindi buo ang diwa ng
ipinahahayag. Kailangan nito ng sugnay na makapag- iisa upang
mabuo ang diwa.
Halimbawa: - upang di pamugaran ng lamok.
• nang sila ay dumating.
• kaya pwede na akong maglaro sa labas.
• upang magpagamot.
• para maging malusog ang aking katawan.
Halimbawa
1. Ang ating mga tahanan ay linisan upang di pamugaran ng
lamok.
2. Nagluluto na ako ng ulam nang dumating sila.
3. Ang aking takdang araling ay tapos na, kaya pwede na
akong maglaro sa labas.
4. Si itay ay nagpunta sa doktor upang magpagamot.
Hugnayan
- pangungusap na binubuo ng isang sugnay na
makapag-iisa at sugnay na di makapag-iisa.
- ginagamitan ng pangatnig na di-magkatimbang (
kung, nang, bago, upang, kapag, dahil sa, sapagkat)
Langkapan
• pangungusap na binubuo ng tambalan at hugnayang
pangungusap ( binubuo ng dalawang sugnay na
nakapag-iisa at sugnay na di nakapag-iisa)
• Mabuti ang mag-asawa at sila ay may busilak na
puso dahil sinusunod nila ang utos ng Panginoon.
Pagpapalawak ng pangungusap
• Pumunta kami ng aking matalik na kaibigan sa mall. Kami ay
nanood ng bagong movie, kumain ng chicken fillet sa Mcdo,
bumili ng magandang damit, at naglakad-lakad din pagkatapos.
Habang naglalakad-lakad, nakita namin si Benjie, isa naming
kaklase, sa Nat’l Book Store. Siya ay bumili na naman ng bagong
Gtech dahil nawala raw ang kanyang luma na labis niyang
pinanghinayangan. Naisip ko, siya ay nasasayangan na sa isang
ballpen lamang samantalang ako ay gastos lang nang gastos.
Mga Paraan sa Pagpapalawak ng Pangungusap

• Pagdaragdag ng mga Paningit o Ingklitik


• Paggamit ng mga Panuring
• Pagsasama ng mga Pamuno sa Pangngalan
• Paglalagay ng mga Kaugnay na Parirala
Pagdaragdag ng mga Paningit o Ingklitik
• Pagdaragdag ng mga Paningit o Ingklitik
Paggamit ng mga Panuring
• 2 Kategorya ng mga Panuring:

1. pang-uri na panuring sa pangngalan at panghalip


2. pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-uri, o kapwa
pang-abay
Pang-uri

• Ang Great Wall of China ay simbolo ng Dinastiyang


Ming.
• Pagpapalawak Gamit ang Pang-uri:
Ang makasaysayang Great Wall of China ay simbolo ng
Dinastiyang Ming
Pang-abay

• Batayang Pangungusap: Ang mga mamamayan ay


nagbunyi sa pagbagsak ng pamahalaan.
• Pagpapalawak Gamit ang Pang-abay at Pang-uri:
Ang mga mamamayan ay masigabong nagbunyi sa
pagbagsak ng sakim na pamahalaan.
Pagsasama ng mga Pamuno

• Pamuno pangngalan o pariralang pangngalang tumutukoy


sa ibang katawagan para sa isa pang pangngalan.

• HALIMBAWA: Si Duterte, ang pangulo ng Pilipinas, ay


nanawagang huwag gumamit ng droga.
Paglalagay ng mga Kaugnay na Parirala
• Mga dagdag na salita na idinurugtong sa pangungusap o mga parirala na may
parehong kahulugan sa naunang parirala.

You might also like