You are on page 1of 32

1.

Ginagamit bilang pang-ukol


(preposition) sa pagpapahayag ng
pag-aari.
– Ang salitang ng ay isinusulat sa pagitan ng
dalawang pangngalan (noun).
– Ang pangngalan na sinusundan ng salitang ng
ang nagmamay-ari ng unang pangngalan na
binanggit.
Halimbawa:

• pagkain ng aso
• magulang ng mga bata
• kalabaw ng magsasaka
• presyo ng karne
• karapatan ng mamamayan
• bisperas ng Pasko
• ambulansya ng ospital
• kabesera ng lalawigan
2. Ang ng ay ginagamit bilang
pang-ukol (preposition) na
pananda ng layon ng pandiwa
(direct object of the verb).
Halimbawa:

• Si Ate April ay nagluto ng empanada.


– (Si Ate April ay nagluto ng ano?/Ano ang
iniluto ni Ate April?)
• Magtatanim ng palay ang mga
magsasaka.
• (Ang mga magsasaka ay magtatanim ng
ano?/Ano ang itatanim ng mga magsasaka?)
3. Ginagamit bilang pang-ukol
(preposition) na pananda ng
tagaganap ng pandiwa (doer of
the action verb).
Halimbawa:

• Ibinigay ng guro ang sulat kay


Mario.
–(Ibinigay nino kay Mario ang sulat?)
• Ang matanda ay tinulungan ng
pulis.
–(Ang matanda ay tinulungan nino?)
NANG
1. Ginagamit bilang
pananda na
sinusundan ng
pang-abay (adverb).
Halimbawa:

• Tumakbo nang mabilis ang aso.


– (Paano tumakbo ang aso?)
• Nagkita kami nang alas-otso.
– (Kailan kayo nagkita?)
• Nag-aaral nang tahimik ang mga
estudyante.
– (Paano nag-aaral ang mga estudyante?)
2. Ginagamit bilang
pangatnig (conjunction)
katumbas ng salitang
noon sa pagtukoy sa
nakalipas na aksiyon.
Halimbawa:

• Tumigil ang iyak ng sanggol nang


bumalik ang nanay.
• Nang umalis ang guro, nagpulong ang
mga mag-aaral.
• Ikinuwento ni Juan ang tungkol kay Maria
nang isinulat niya ang kanyang huling
liham.
3. Ang nang ay ginagamit
bilang pangatnig
(conjunction) katumbas ng
mga salitang upang o para sa
pagtukoy ng dahilan o resulta
ng nabanggit na aksiyon.
Halimbawa:

• Manood tayo ng balita nang malaman


natin kung ano ang nangyari sa Bohol.
• Tulungan mo ako sa mga gawain
nang makaalis tayo kaagad.
• Kausapin mo si Lorna nang malaman
mo ang buong katotohanan.
4. Ang nang ay ginagamit bilang
pang-angkop (ligature/linker)
kapag inuulit ang pandiwa o mala-
pandiwa upang magpahayag ng
matindi o patuloy na aksiyon.
Halimbawa:

• Sigaw nang sigaw ang babaeng


ninakawan.
• Ang tamad na guwardiya ay tulog
nang tulog.
• Aral nang aral si Bea para sa
kanyang board exam.
5. Ang nang ay
ginagamit bilang
pinagsamang na at na.
Halimbawa:

• Aalis ka nang hindi nagpapaalam?


(Aalis ka na, na hindi
nagpapaalam?)
• (b) Gawin mo nang hindi
nagrereklamo. (Gawin mo na, na
hindi nagrereklamo.)
6. Ang nang ay
ginagamit bilang
pinagsamang na at
ng.
Halimbawa:

• Bigyan nang libreng pagkain ang mga


pamilya sa evacuation center.
– (Bigyan na ng libreng pagkain ang mga pamilya
sa evacuation center.)
• Isinarado nang tindera ang kanyang
tindahan.
– (Isinarado na ng tindera ang kanyang tindahan.)
7. Ang nang ay ginagamit
bilang pinagsamang na
at ang.
Halimbawa:

• Sobra nang pang-aabuso na ginagawa ng


opisyal ng pamahalaan.
– (Sobra na ang pang-aabuso na ginagawa ng
opisyal ng pamahalaan.)
• Malapit nang pagdiriwang ng anibersaryo
ng paaralan.
– (Malapit na ang pagdiriwang ng anibersaryo
ng paaralan.)
PANG- UGNAY
GAMIT KOHESIBO
(CONNECTIVES/COHESIVE
DEVICES)
mga salitang nagpapakita ng
relasyon ng dalawang yunit sa
pangungusap, maaaring salita,
dalawang parirala o ng dalawang
sugnay.
1. Pang-angkop (ligature) – ginagamit
upang pag-ugnayin ang salitang
nagbibigay-turing at sa salitang
tinuturingan nito.
• Ang pang-angkop na “na” – ginagamit ito kapag
ang unang salitang iniuugnay ay nagtatapos sa
katinig maliban sa n.
Hal:
malakas na ulan
mababait na tao
mababaw na dahilan
• Pang-angkop na “ng” – ginagamit kapag ang
unang salitang iniuugnay ay nagtatapos sa
patinig.
Hal:
tuyong damit buong bahay
matandang pulubi mababang puno
Ginagamit din ito kapag ang salitang iniuugnay ay
nagtatapos sa katinig na “n”. Sapagsulat, kinakaltas ang n
at ikinakabit ang pang-angkop na ng.
Hal:

niyugan ng malawak  niyugang malawak


taon ng masagana  taong masagana
2. Pang-ukol (preposition) – ang tawag sa mga kataga,
salita, o pariralang iniuugnay sa iba pang bahagi ng
pangungusap upang ipakita ang pinag-uukulan,
pinanggalingan, pinaglalaanan ng kilos o layon. Narito ang
ilang halimbawa ng pang-ukol.
 alinsunod sa/ sa mga/ kay /
kina
 labag sa/ sa mga/ kay/ kina
 sang-ayon sa/ sa mga/ kay /
kina
 ayon sa/ sa mga/ kay/ kina
 laban sa/ sa mga/ kay/ kina
 ukol sa/ sa mga/ kay/ kina
 tungkol sa/ sa mga/ kay/ kina
 hinggil sa/ sa mga/ kay/kina
 batay sa/ sa mga/ kay/ kina
 tungo sa/ sa mga/ kay/ kina
 dahil sa/ sa mga/ kay/ kina
 para sa/ sa mga/ kay/ kina
 ni/nina
* Ayon kay G. Santos, napakasarap pag-aralan ang asignaturang
Filipino.
* Ang ikinuwento ng lola ko ay tungkol sa mapagmataas na
matsing.
* May panalangin ang klase para sa mga nasalanta ng Bagyong
Vinta.
Pangatnig (conjunction) – mga kataga o
salitang nag-uugnay sa dalawang salita,
parirala, o sugnay. Ito ay may iba’t ibang uri
ayon sa gamit.
1. Paninsay – ginagamit sa mga pangungusap na may
dalawang kaisipan na magkasalungat. Binubuo ito ng
pangatnig na: bagaman, habang, kahit, subalit, ngunit,
pero.
Hal:
• Natapos ni Isko ang kaniyang proyekto ngunit nahuli
naman siya sa pagpasok sa paaralan.
• Kumakain si Gino habang nag-aaral naman si Kyle.
2. Pananhi – nag-uugnay ng mga salita, parirala o sugnay na
nagsasaad ng kadahilanan at kinalabasan ng pangyayari tulad ng
sapagkat, palibhasa, kasi, dahil, upang , at kaya naman.
• Hal: Maagang natulog si Dennis dahil siya ang magluluto ng
kanilang agahan bukas.
• Nag-aral nang mabuti si Frank kaya naman mataas ang
nakuha niyang marka sa pagsusulit.
3. Pamukod – ginagamit kung may paghihiwalay, pagtatangi, o
pagtatakwil sa ilang bagay o isipan. Halimbawa nito ay mga
pangatnig na o, ni , man, at maging.
Hal:
• Alin ang mas pipiliin mo, ang makatapos ng pag-aaral o
manatiling mamang habambuhay?
• Ang pagtatanghal ni Wesley ang pinakamaganda sa lahat.
4. Panlinaw – ginagamit upang maging mas malinaw ang nasabing
pahayag. Ginagamit dito ang mga pangatnig na : samakatuwid, kung
gayon, kaya, ibig sabihin, at magkagayon.
Hal:
• Nakakuha si Henry ng iskolarsyip, kung gayon, makapag-aaral na siya
sa Maynila sa darating na pasukan.
• Walang pasok ngayon sa paaralan kaya ililipat ng ibang araw ang
programa.
5. Panubali – ginagamit kapag nagsasaad ng pag-aalinlangan o
pagbabakasakali tulad ng mga pangatnig na kung, sana, baka, pagka,
kapag, at sakali.
Hal:
• Baka walang dumalo sa seminar dahil sa hindi magandang lagay ng
panahon.
6. Panapos – nagpapahayag ng pagbabadya ng nalalapit na
pagwawakas ng pagsasalita. Ilang halimbawa ay mga pangatnig na
sa wakas, dahil dito, bunga nito, at sa bandang huli.
Hal:
• Sa wakas, tumigil na rin ang ulan.
• Sa kabuuan, maganda ang ipinakitang pagtatanghal ng lahat ng
pangkat.
7. Panimbang – ginagamit na pang-ugnay ng mga magkatimbang
na salita o magkasingkahulugang parirala o sugnay. Ilan sa mga
halimbawa nito ay mga pangatnig na at, saka, at saka, gaya ng,
pati, katulad, at gayundin.
Hal:
• Kumain si Ning ng mainit na tsamporado at dilis.

You might also like