You are on page 1of 9

SELF-LEARNING MODULE

GRADE 4
QUARTER 2

MODULE
1

PAANO GAMITIN ANG MODYUL


Bago simulan ang gawain sa modyul, kailangang isantabi mo muna ang
lahat ng iyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang iyong
gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito. Ang mga nakasaad sa aralin ay
makakatulong sa paghubog ng iyong pagkatao, daan upang ikaw ay magkaruon
ng tamang pagdedesisyon sa iyong pang-araw –araw na pamumuhay, maging
responsible, at produktibong mamamayan na may malasakit sa kalikasan at
pagmamahal sa Diyos at bayan.
1. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin
ng bawat aralin.
2. Basahin at unawaing mabuti ang mga panutong nakasaad sa bawat pahina
at isulat ang mahahalagang impormasyon sa iyong kwaderno upang mas
madali mong matandaan ang mga konsepto na makakatulong sa iyong
pagkatuto. Kung may mga katanungan humingi ng tulong sa magulang,
kasama sa bahay at guro.
3. Sagutan ang mga gawain at pagsasanay nang buong husay at katapatan.
4. Pag-aralang mabuti ang pangwakas na pagsusulit upang malaman ang antas
ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin ka
pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin.
Nawa’y maging masaya at gabayan ka nawa ng DIYOS sa iyong pag-aaral

INAASAHAN
Ang modyul na ito ay ginawa para sa mga batang mag-aaral na nasa Ikaapat
na Baitang. Inaasahan na sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral
ay:

a. makakilala sa kahulugan ng G-Clef (treble clef) (MU4ME-IIc-3);


b. matatalakay ang mga larawan ng iba’t ibang pamayanang kultural
kung saan ang bawat pangkat ay may kakaibang mga tahanan at
gawi (A4EL-IIa);
c. makatutukoy sa pamamaraan sa paglalaro ng patintero;
d. masusukat ang kakayahan ng bawat isa gamit ang physical
activity pyramid (PE4PF-IIbh-18); at
e. mailalarawan ang mga nakahahawang sakit (H4DD-IIa-7)

1
BALIK-TANAW
Panuto: Alalahanin ang mga nakaraang aralin na natutunan sa inyong mga
gawain, mga pananaw at repleksyon. Isulat ang sagot sa inyong MAPEH journal
book.

MUSIKA SINING
Anu-ano ang mga time signature Anu-anong mga nakagisnang kaugalian
na natutunan mo sa mga nakaraang ng iba’t ibang pamayanang kultural ang
aralin? Bakit mahalagang malaman natutunan mo? Paano mo maipagmamalaki
mo ang time signature ng isang ang mga ito?
awitin?

EDUKASYONG PANGKATAWAN EDUKASYONG PANGKALUSUGAN


Anu-ano ang mga pang-araw- Anu- ano ang mga sakit na maaaring
araw na kilos o gawaing ginagawa sa makuha sa mga maruruming pagkain? Paano
paaralan o sa bahay na mo maiiwasan ang mga ito?
nagpapahusay ng kaliksihan?

PAGPAPAKILALA NG ARALIN
MUSIC: ANG SIMBOLONG PANGMUSIKANG G-CLEF
Ang clef ay isang simbolong nakalagay sa unahan ng musical staff. Ito rin ang
nagbibigay pananda kung gaano kataas o kababa ang range ng mga notes na
gagamitin.
Ang G clef o Treble clef ay nagsasabi na ang pitch name na “G” ay nakalagay sa
pangalawang linya ng staff sa itaas ng middle C. Ito ang nagtatakda ng tono ng mga
notes sa staff.

G
Source: Music Grade 4 TG p. 57-61

ARTS: ISALARAWAN: KAKAIBANG SINING NG TAHANAN AT GAWI


Ang bawat pamayanang kultural ay may natatanging uri ng tahanan at paraan ng
pamumuhay sa kanilang komunidad.
Maraming komunidad ng mga pangkat-etniko na makikita sa iba’t ibang rehiyon sa
bansa. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
IVATAN

2
Ang mga Ivatan ay matatagpuan sa lalawigan ng Batanes. Ang kanilang mga tahanan
ay maituturing na lumang estraktura. Ito ay yari sa limestone at coral habang ang
bubungan ay mula sa cogon grass na sadyang binuo na ang pangunahing layunin ay
magbigay proteksyon laban sa kalamidad tulad ng bagyo. Ang mga babaeng Ivatan
ay nagsusuot naman ng headgear na tinatawag na vakul. Ito ay yari sa abaka na
inilalagay sa ulo bilang proteksyon sa araw at ulan.

IFUGAO
Ang mga Ifugao naman ay makikita sa bulubundukin ng Cordillera kung saan ang
mga hagdang-hagdang palayan ang pangunahing atraksiyon sa lugar. Ang salitang
Ifugao ay nagmula sa katagang “i-pugo” na nangangahulugang “mga tao sa burol”o
“people of the hill”. Ang kanilang tahanan na may kuwadradong sukat na natutukuran
ng apat na matitbay na posteng kahoy ay nakaangat mula sa lupa na may humigit
kumulang apat na talampakan walang bintana at ang dingding ay yari sa matibay na
mga kahoy. Mayroon itong hagdanan na inaalis sa gabi upang di makapasok ang
kaaway o mabangis na hayop.

MARANAO
Ang mga Maranao ay pangkat-etniko na makikita sa Lanao, Mindanao. Ang
katawagang Maranao ay nangangahulugang ”People of the Lake” dahil ang mga ito
ay nabubuhay sa lawa ng Lanao. Ang kanilang pangunahing paraan ng pamumuhay
ay pangingisda at nakasentro ang kanilang gawain sa lawa. Sila ay nakilala sa kanilang
pambihirang disenyo na tinatawag na “okir”. Sila rin ay may mga tahanan na tinawag
na “torogan”. Ito ay para sa mga datu o may mataas na katayuan sa lipunan. Sa
kanilang tahanan ay makikita ang disenyong “okir” sa harapan ng “torogan”. Ang mga
inukit sa disenyong okir ay makikita sa mga nililok sa panolong (dulo ng bahay).

P.E.: INVASION GAMES: PATINTERO


(PAG-ALAM SA MGA PAMAMARAAN SA PAGLALARO)

Ang invasion game ay uri ng mga laro na ang layunin ay “lusubin” o pasukin ng
kalaban ang iyong teritoryo. Ang patintero ay isang halimbawa ng invasion game. Ito ay
isa sa pinaka-popular na Larong Pinoy. Tinawag itong “patintero,” mula sa Espanyol na
tintero o sisidlan ng tinta, dahil iginuguhit sa paglalaruan ang isang malaking rektanggulo
na may guhit na mahaba sa gitna – tinatawag na “patoto” – at dalawa pang guhit na

3
dibisyon. Minsan tinatawag din itong Harang-Taga o Tubigan dahil kadalasan ay
binubuhusan ng tubig ang lupang nilalaruan at malimit din laruin noon sa lansangan
kung gabi kapag maliwanag ang buwan. Maaari din itong laruin sa loob ng bakuran at
sa palaruan ng paaralan. Ang patintero ay nilalaro ng dalawang pangkat, na may
pantay o parehas na bilang ng kasapi sa magkabilang koponan.
Pamamaraan:
1. Bumuo ng dalawang pangkat na magkapareho ang bilang.
2. Gumuhit ng mga linyang pahaba at pahalang na pantay ang mga sukat.
3. Pumili ng lider o patotot sa bawat grupo. Alamin kung sino muna ang tayang
grupo. Ang patotot lamang ang maaaring tumaya sa likod ng kahit sinong
kalaban.
4. Ang tayang pangkat ay tatayo sa mga linya. Susubukang lampasan ng
kabilang grupo ang bawat bantay ng linya nang hindi natatapik ang anumang
bahagi ng katawan. Kung may natapik na bahagi ng katawan, magpapalit ng
tayang pangkat.
5. Kailangang makapasok at malampasan ng pangkat ang unang linya,
hanggang sa huling linya, at pabalik upang makapuntos.
6. Ang pangkat na may pinakamaraming puntos sa loob ng takdang oras ang
panalo.
(Maaaring laruin ang patintero sa loob ng bakuran o bahay kasama ang
ibang miyembro ng pamilya)

Source: https://bit.ly/34HT0AQ & https://bit.ly/2D7QYP1

HEALTH: ATING ALAMIN: MGA NAKAHAHAWANG SAKIT


Ang nakahahawang sakit ay naipapasa ng isang tao, hayop o bagay sa ibang tao
kung kaya’t kilala rin ito bilang “Lifestyle disease”. Ito ay nagmumula sa mga mikrobyo na
pumapasok at sumisira sa mga selyula (cells) ng katawan. Ilan sa mga halimbawa ng
mga nakahahawang sakit ay sipon, ubo, trangkaso, tuberkulosis, pulmonya, hepatitis A o
sakit sa atay, ilang sakit sa balat at ang napapanahong sakit ngayon na Coronavirus o
COVID 19. Nangangailangan ito ng dagliang pagsugpo at masusing pag-iingat upang
maiwasan ang paglaganap nito.
Naisasalin ang nakahahawang sakit sa ibang mga tao ng alinman sa maysakit o
nagiging tagadala ng sakit tulad ng insekto, hayop, hangin, tubig at maging sa pagkain.
Kung minsan naman, ang tao ang may mapaminsalang mikrobyo sa kanilang katawan
na maaaring maisalin kapag siya ay umuubo, dumudura, o ang kanyang ginagamit na
kasangkapan ay nagagamit ng iba.

4
Ilan sa mga nakahahawang sakit ay ang mga sumusunod:
a. Sipon (common cold) ay karaniwang sanhi ng iba’t ibang virus na pumapasok
sa ilong sa pamamagitan ng paglanghap, pag-ubo, pagbahing, direktang
kontak sa mga gamit na kontaminadong virus ng sipon
b. Ubo- Sanhi ng bacteria. Impeksiyon ito ng tubong dinadaanan ng hangin sa
paghinga. (respiratory tract).
c. Trangkaso (influenza)- nakahahawang sakit na may sintomas na lagnat,
giniginaw, sakit ng ulo, kalamnan at kasu-kasuan. Ito ay impeksyon sa sistema
ng paghinga (respiratory system) sanhi ng Hemophilus influenza virus.
d. Tuberkulosis (TB)- Isang impeksyon na sanhi ng mikrobyong Myobacterium
tuberculosis na naipapasa sa pamamagitan ng droplets mula sa isang taong
may TB.
e. Pulmonya (Pneumonia)- Sakit na nakaaapekto sa baga na sanhi ng virus,
bacteria at fungi
f. Hepatitis A (sakit sa atay)- isang matinding impeksiyon sa atay sanhi ng virus na
maaaring makuha sa maruming pagkain o inuming tubig.
g. Sakit sa Balat (Dermatitis)- Sanhi ng mga bacteria at fungi.
h. Dengue Fever – nakahahawang sakit na dulot ng kagat ng lamok na may
dalang dengue virus.
i. Leptospirosis - isang uri ng impeksiyong sanhi ng bakteryang nagmumula sa ihi
ng mga hayop na katulad ng mga daga

MGA GAWAIN SA MUSIKA


GAWAIN 1
Panuto: Basahin ang musical scale gamit ang mga pitch name. Awitin ang
musical scale gamit ang mga so-fa syllable. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong sa ibaba.

musical
scale

pitch names

so-fa syllable

1. Ano ang simbolong nakikita mo sa unahan ng musical scale? __________


2. Ano ang pitch name ng note na nasa ikalawang guhit ng staff? ________
3. Iguhit sa musical scale ang G clef o Treble clef.

4. Bakit mahalaga ang G clef o Treble clef? ______________________________

5
GAWAIN 2
Panuto: Gumawa ng G clef gamit ang ibat ibang kulay ng papel. Gupitin ito at
idikit sa nakaguhit na staff sa ibaba. (Maging maingat sa paggamit ng gunting.)

MGA GAWAIN SA SINING


GAWAIN 1
Panuto: Pag-aralan ang puzzle sa ibaba. Bilugan ang mga salitang tumutukoy
sa mga larawan sa kanan. Punan ng wastong salita mula sa puzzle ang mga
pangungusap sa ibaba.

https://bit.ly/2EBlhOW

https://bit.ly/3gBFlxv

1. Ang mga ____________ ay naninirahan sa mga bahay


na gawa sa bato upang maprotektahan sila sa init,
ulan, hangin at mababangis na hayop.
2. Dahil sa klimang mayroon ang Batanes, ang mga
https://bit.ly/2EsgQGd
Ivatan ay nagsusuot ng head dress na tinatawag na
__________.
3. Ang mga _____________ ay mga pangkat-etniko na
nabubuhay sa paligid ng lawa ng Lanao. ___________
ang tawag sa kanilang tradisyunal na tahanan na para
sa mga datu o may mataas na katayuan sa lipunan.
4. Sa harapan ng torogan ay makikita ang mga
https://bit.ly/3jmASk4
disenyong _________ na nakaukit sa nililok na panolong.
5. Ang mga tahanan naman ng mga __________ ay
mayroong hagdanan na inaalis sa gabi upang hindi
makapasok ang mababangis na hayop.

https://bit.ly/2EA4mfu
6
MGA GAWAIN SA EDUKASYONG PANGKATAWAN
GAWAIN 1

Panuto: Gumuhit ng masayang mukha kung wasto ang tinutukoy na


pamamaraan ng paglalaro ng patintero at isulat ang salitang MALI kung hindi-
wasto ang pamamaraan ng paglalaro nito.
_____ 1. Patotot lamang ang maaaring tumaya sa likod ng kahit sinong
kalaban.
_____ 2. Bumuo ng dalawang pangkat na magkaiba ang bilang.
_____ 3. Gumuhit ng mga linyang pakurba at patayo na pantay ang mga
sukat.
_____ 4. Kung may natapik na bahagi ng katawan, magpapalit ng tayang
pangkat.
_____ 5. Kailangang makapasok at malampasan ng pangkat ang unang linya,
hanggang sa huling linya, at pabalik upang makapuntos.

GAWAIN 2
Panuto: Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita kung paano laruin ang
patintero at tukuyin dito kung saan ang patotot.

MGA GAWAIN SA EDUKASYONG PANGKALUSUGAN


GAWAIN 1

Panuto: Magbigay ng limang halimbawa ng nakahahawang sakit, sintomas nito


at kung paano ito maiiwasan. Isulat sa kahon ang inyong sagot.

Nakahahawang Sakit Katangian/Sintomas Pag-iwas

1.

2.

3.

7
4.

5.

GAWAIN 2: Isa sa napapanahong isyu sa kasalukuyan ay ang patuloy na


paglaganap ng pandemyang kilala sa tawag na COVID 19. Bilang isang
kabataan, gaano kalawak ang iyong kaalaman tungkol sa sakit na ito. Punan
ang graphic organizer ng mga kinakailangang impormasyong tungkol sa
COVID 19.

Mga Sintomas Paano ito nakakahawa


o naipapasa?

COVID 19

Paano ito maiiwasan?

8
MGA DAPAT TANDAAN
Panatilihin sa inyong mga kaisipan ang mga sumusunod na ideya upang higit
pang maunawaan ang mga natutuhan sa modyul na ito.

MUSIKA SINING
Ang G clef ay matatagpuan sa Iba’t ibang pamayanang kultural
unahang bahagi ng staff. ang makikita sa iba’t ibang lokalidad
Nangangahulugan ito na ang pitch sa ating bansa. Bawat pangkat ay
name na G ay nakalagay sa
may kakaibang tahanan at gawi na
pangalawang guhit ng staff. Ang G
clef o Treble clef ang nagtatakda ng dapat nating pahalagahan at
tono ng mga note sa staff. ipagmalaki.

EDUKASYONG PANGKATAWAN EDUKASYONG PANGKALUSUGAN


Ang mga laro ay nakakatulong sa Ang mga nakahahawang sakit ay
pagsasanay ng physical fitness madaling kumalat at naipapasa sa
components. iba. Ito ay dala ng mga pathogens o
mikrobyo na pumapasok at sumisira
Ang larong patintero ay isang sa mga selyula sa loob ng katawan.
halimbawa ng invasion game, na ang Kumakalat ang mga mikrobyo ng
layunin ay ‘lusubin’ o pasukin ng nakahahawang sakit sa
kalaban ang iyong teritoryo. pamamaigitan ng iba’t-ibang
tagadala tulad ng tao, hayop,
hangin, tubig, pagkain, at iba pa.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN


Panuto: Sundan ang mga nakasaad na salita batay sa iyong pagkakaalam.

Bago ako tumungo sa susunod na modyul, aking sisiguraduhin na:

1. Aking nauunawaan ang…


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________

2. Aking isasagawa ang mga natutuhan tulad ng…

_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

3. Aking sasanayin ang mga gawain upang…

_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

You might also like