You are on page 1of 1

Marianne Eugenie Clarisse G.

Balayo Grade 12 GAS/DM

Naratibong Ulat tungkol sa Ika-1 ng Mayo

Ang Philippine Labor Day ay ipinagdiriwang taun-taon tuwing Mayo 1 upang


ipagdiwang ang mga masisipag na Pilipino sa buong bansa. ‘Araw ng mga
Manggagawa’ sa Filipino. Ang mga tao sa Pilipinas ay nagpapahinga at gumugugol ng
araw kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Noong araw na iyon, napagdesisyunan namin ng aking lola na dumalaw sa


puntod ng aking ina at lolo. Nagising ako ng 6 ng umaga upang maghanda sa aking
pag-alis; Gustong umalis ni lola ng maaga dahil summer na at medyo mainit sa labas.
Paglabas namin ng bahay, tiyak na 7 a.m. Nakarating kami sa sementeryo ng 8:30 a.m.
at bumili ng mga bulaklak at kandila para sa aming mga namatay na kamag-anak, na
inilagay namin sa kanilang mga coffin plates. Hindi naman kami nagtagal at umalis na
agad.

Nakarating kami sa bahay nang eksaktong alas-10 ng umaga, at pumunta ako sa


aking silid at natulog buong hapon. Nagising ako ng 5 p.m. at naghanda agad dahil may
vlog kami na kukunan para sa school ng 6 p.m. Nang sumapit ang orasan ng 6 p.m.,
dumating sa bahay namin ang isa kong kagrupo na si Karylle; pagdating ni Liziel,
napagdesisyonan naming na hintayin ang iba naming kagrupo sa milktea store. Ang
oras ay 7 p.m. Noong nagsimula kaming mag-film ng mga kagrupo ko. Pumunta kami
sa court dahil may "Barangay Night" na nagaganap kung saan nagtatanghal ang mga
guro sa buong Indahag. Nagsimula ang kaganapan sa 8:36 p.m. Hindi namin natapos
ang kaganapan at umalis kaagad pagkatapos ng pagganap ng mga guro ng INHS sa
9:37 p.m. Pagkatapos ay pumunta kami sa Carnaval at sumakay sa Vikings at ang
lantern wheel. Nagpasya kaming umuwi ng 10:07 p.m. Bandang 10:20 p.m. pag uwi ko
at natulog ako ng 10:30 p.m.

You might also like