You are on page 1of 12

i

Republika ng Pilipinas
United School of Science and Technology Colleges Inc.
KOLEHIYO NG EDUKASYON
San Isidro Campus, Lungsod Tarlak

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang tesis na ito nina Janine G. Aguila, Larry E. Paningbatan Jr. at Lysa G.
Fernando na pinamagatang “Teksto-Interteksto-Konteksto sa mga Nobela Ni Lualhati
Bautista Gamit ang Teoryang Realismo” ay inihanda bilang bahagi ng pagtupad sa
mga gawaing kinakailangan sa pagtatamo ng titulong Batsilyer ng Pansekondaryang
Edukasyon, Medyor sa Filipino ay malugod na tinatanggap.

JEANETTE P. MENDOZA, MAEd


Tagapayo

LUPON NG TAGASURI

ARSENIO P. NOVESTERAS, Ed.D.


Tagapangulo

ALMA G. FIESTA
Kasapi

Tinanggap bilang isang bahagi ng mga gawaing kinakailangan sa pagtatamo ng


titulong Batsilyer ng Edukasyong Pansekondarya, Medyor sa Filipino.
Pumasa sa Pasalitang Pananaliksik

ARSENIO P. NOVESTERAS, Ed. D.


Dekano, Kolehiyo ng Edukasyon
Date: Oktubre, 2018
ii

TEKSTO-INTERTEKSTO-KONTEKSTO SA MGA NOBELA NI LUALHATI


BAUTISTA GAMIT ANG TEORYANG REALISMO

________________

Isang Tesis na Iniharap


sa mga Propesor ng Kolehiyo ng Edukasyon
United School of Science and Technology Colleges Inc.
Lungsod Tarlak

________________

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga Gawaing


Kailangan sa Pagtamo ng Titulong
Batsilyer ng Agham sa Pansekondaryang Edukasyon
Medyor sa Filipino

________________

JANINE G. AGUILA
LARRY E. PANINGBATAN JR.
LYSA G. FERNANDO
Oktubre, 2018
iii

ABSTRAK

Pamagat ng Pag-aaral : TEKSTO-INTERTEKSTO-KONTEKSTO SA MGA


NOBELA NI LUALHATI BAUTISTA GAMIT ANG
TEORYANG REALISMO
Mga Mananaliksik : Janine G. Aguila
Larry E. Paningbatan Jr.
Lysa G. Fernando
Kurso : Batsilyer ng Agham sa Pansekundaryang Edukasyon

Medyor : Filipino

Institusyon : United School of Science and Technology Colleges Inc.,


Lungsod Tarlak

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa pag-aaral sa pagbuo at balidasyon ng mga

kalipunan ng mga nobela na sinuri ng mga mananaliksik. Ang mga sinuring nobela ay

nagpapatunay lamang na nangyayari sa realidad sa buhay. Pumapaksa ang mga ito

tungkol sa pag-ibig, edukasyon, pamilya, panlipunan at pantasya. Ang bawat

nakasaad na salita sa kuwento ay pawang lamang na nagpapakita ng pagpapahalaga

sa panitikan sapagkat dahil dito nakakakuha ng aral na siyang nagiging sandigan sa

pagharap sa buhay.

Ang mga nobelang napili ay ginamitan ng teoryang realismo batay sa mga uri nito

sapagkat mas lalong naipapakita ito sa totoong pangyayaring naganap sa tunay na

buhay. ang pag-aaral na ito ay labis na makakatulong sa pagpapayaman sa panitikang

Filipino, ito din ay magsisilbing tulay ng mga sumusunod na henerasyon sa paaralang

United School of Science and Technology (USST) na kumukuha ng medyor sa

Filipino. Ang nabuong kalipunan ay ipinabalido ng mga mananaliksik sa tatlong (3)

ekspertong guro na kapwa nagtapos ng Master sa Sining ng Edukasyon.


iv

Ang mga ekspertong nagbalido ay binubuo ng tatlong (3) guro na may titulong

Master sa Sining ng Edukasyon, at matagal ng guro sa Filipino at may sapat at malawak

ng kaalaman sa panitikang Filipino partikular sa Nobelang Filipino. Tatlumpung (30)

mag-aaral din na kumukuha ng Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon, Medyor sa

Filipino sa TSU ang kabilang sa mga sumuri ng naturang kalipunan ng pagsusuri.

Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng tseklist na siyang ginamit ng mga

ekspertong guro sa ebalwasyon ng antas ng paglalarawan at antas ng pagtanggap sa

nabuong Kalipunan ng Makabagong Pagsusuri ng Nobela. Ginamit ng mga mananaliksik

ang Pamantayang Likert’s (Likert’s Scaling Technique).

Mula sa mga nakalap na datos at interpretasyon sa mga ito, matapos ang

isinagawang pagsusuri ay napatunayan na ang nabuong Kalipunan ng Makabagong

Pagsusuri ng Nobela ay valid bilang isang mabisang batayang Pagsusuri sa Nobelang

Filipino ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino na nasa ikatlong antas ng

Kolehiyo ng Edukasyon ng USST.

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral ay iminumungkahi ng mga mananaliksik na

ipagamit ng administrador ng paaralan at gamitin ng mga guro sa Filipino sa USST ang

nabuo at nabalidong Kalipunan ng Makabagong Pagsusuri ng Nobela sa pagtuturo sa

pagsusuri sa mga akdang pampanitikan sa mga mag-aaral na nagpapakadalubahasa sa

Filipino. Iminumungkahi rin ng mga mananaliksik na magsagawa ang administrador

katuwang ang mga guro ng mga palihan ukol sa mga makabagong paraan ng pagsusuri ng

mga akdang pampanitikan upang mapagyaman ang isip ng mga guro at mag-aaral, at
v

,magkaroon ng kaalaman sa Panitikang Filipino. Bumuo pa ng ibang Estratehiyang

Interbensyong Kagamitang Pampagtuturo ang mga guro na magagamit sa pagtuturo ng

iba’t ibang asignatura. Palawigin ng mga guro ang kaalaman at paunlarin ang kasanayan

sa pagdebelop at pagbuo ng iba’t ibang kagamitang pampagtuturo na aangkop sa

pangangailangan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagdalo sa mga seminar at

workshop.

Inererekomenda rin na higit pang paunlarin ng mga mag-aaral na kumukuha ng

kursong Batsilyer ng Agham sa Pansekundaryang Edukasyon sa USST ang kakayahan sa

pagbuo ng mga kalipunan ng pagsusuri bilang paghahanda sa larangan ng pagtuturo.

Ipagpatuloy ng mga mag-aaral ang pag-aaral hindi lamang ng Nobelang Filipino kundi

maging ang iba pang uri ng akdang pampanitikan upang mapagyaman ang sarili,

mapataas ang antas ng pag-iisip, at upang makatulong sa higit pang pagpapayabong ng

panitikang mayroon ang bansa.


vi

PASASALAMAT

Sa bawat pagsubok na kinakaharap ay parating may instrumentong ginagamit ang

Diyos upang mapagaan ang mabibigat na gawain, kaya malaki ang pasasalamat ng mga

mananaliksik sa mga tao at institusyong pinadala nang Diyos upang magtagumpay ang

pag-aaral na ito.

Sa Kolehiyo ng Edukasyon ng United School of Science and Technology

Colleges Inc (USST) na humubog sa aming pisikal, mental, emosyonal at espiritwal na

sistema at sa mga naging GURO na tumulong at nagbigay ng mga payo at suhestiyon

upang magtagumpay ang pag-aaral na ito.

Kay Dr. Arsenio P. Novesteras, Dekano ng Kolehiyo ng Edukasyon, na walang

sawang nagbigay-pansin, sumuri, nagtanong, nagbigay komento at mungkahi na patunay

na higit ang kaniyang suporta upang maging matagumpay ang pag-aaral na ito.

Kay Prof. Jeanette M. Mendoza, sa walang sawang pagbibigay ng oras at

mahabang pasensya, pag-intindi, pagbibigay ng mga payo at suhestiyon at pagbibigay ng

sapat na kaalaman sa amin ang siyang naging daan at gabay sa katagumpayan ng pag-

aaral naming ito.

Sa Lupon ng Tagasuri para sa pasalitang pagsusulit, Dr. Arsenio P. Novesteras,

Prof. Alma G. Fiesta, at Prof. Jeanette P. Mendoza. Sa mga matatalino at matatapat

nilang mungkahi upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito.

Sa mga tagataya sa ginawang pag-aaral, Bb. Clariza Mae S. Medina, Gng. Ana

Divina Y. Santiago at Bb. Alma B. Herrera, na hindi nag-alinlangang tanggapin ang


vii

aming pag-susuri at paggugul ng kanilang oras upang mabalido tungo sa ikatatagumpay

at ikauunlad ng ginagawang pag-aaral na ito.

Kay Jason A. Sebastian, na laging sumusuporta at tumutulong sa amin, sa

walang sawang paglalaan ng oras, pagbibigay ng mga payo at laging nagpapalakas na

aming loob sa tuwing kami ay nawawalan na ng pag-asa na naging dahilan upang

magpatuloy at magtagumpay ang pag-aaral na ito.

Sa mga mag-aaral ng Kolehiyo ng Edukasyon lalo na sa mga

nagpapakadalubhasa sa Filipino na inspirasyon sa pag-aaral na ito, kayo ang isa sa mga

pinaghugutan namin ng lakas upang maisakatupan ang aming layunin.

Sa mga magulang ng mga mananaliksik, Gng. Rowena E. Paningbatan, G.

Nestor L. Aguila at Gng. Nelia G. Aguila, G. Elpidio B. Fernando at Gng. Eloisa G.

Fernando, ang inyong walang sawang suporta, tiwala, sakripisyo, at pagmamahal ang

naging inspirasyon namin sa pag-abot ng aming mga pangarap para magkaroon ng

magandang kinabukasan.

At higit sa lahat, sa Poong Maykapal, na laging umiintindi sa aming mga daing,

laging sumasagot sa aming mga panalangin, laging nag-iingat amin, laging nagbibigay ng

lakas, kaalaman, at mga kailangan namin upang matugunan ang aming mga gawain para

magtagumpay ang pag-aaral na ito.

Isang Taos Pusong Pasasalamat!

JANINE G. AGUILA
LARRY E. PANINGBATAN JR.
LYSA G. FERNANDO
viii

PAGHAHANDOG

Kay Jason, Janine Mary,

sa mga taong kumumpleto sa aming buhay-kolehiyo

at nakasama namin sa pakikidigma

sa larangang napili;

Sa bawat araw nang pagsisikhay

At sa bawat gabi nang pagsusunog ng kilay,

Sa panibagong bukas ay naghihintay

Ang masaganang buhay.

J. G. A.

L. E. P.

L. G. F.
ix

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

DAHON NG PAMAGAT.................................................................................................... i
DAHON NG PAGPAPATIBAY……. .............................................................................. ii
ABSTRAK……… ............................................................................................................. iii
PASASALAMAT. ...............................................................................................................v
PAGHAHANDOG ........................................................................................................... vii
TALAAN NG NILALAMAN ......................................................................................... viii
TALAAN NG TALAHANAYAN………………………………………………….…… xi
TALAAN NG PARADAYM……………………………………………………….….. xii

Kabanata

1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL................................ 1

Panimula……………………….………………………………….…………. 1
Paglalahad ng Suliranin….……………………………………….………..… 5
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral...……………………………...….…… 6
Kahalagahan ng Pag-aaral………..………….……………………………..... 7
Depinisyon ng mga Katawagang Ginamit…….…………………….…..…… 8

2 REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL..…... 10

Kaugnay na Literatura…………………….……………...……………….... 10
Kaugnay na Pag-aaral…………….……………………..………………….. 14
Mga Banyagang Pag-aaral…………….……………………………….....… 14
Mga Lokal na Pag-aaral…………………..……………………………….... 16
Batayang Teorya na Pag-aaral……………………………………………… 19
Balangkas ng Pag-aaral…………………….………………………………. 21

3 MGA PAMAMARAANG GINAMIT SA PAG-AARAL ………...…….…… 22

Disenyo ng Pananaliksik……………………………………....………….... 22
Pinagmulan ng mga Datos……………………………..……………............ 23
Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik......................................................... 23
Pamamaraan sa Pangangalap ng mga Datos………………………..……… .23
Pagsusuring Pang-istatistika………………………………………...……… 25

4 PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON


x

NG MGA DATOS ................................................................................................26

Kinalabasan ng Ginawang Pagtataya...……………………..…….….……... 45


Kahusayan ng Pagsasalin……………………………………………............ 45
Kaangkupan ng Pagsasalin………………………………………………….. 46
Kabuuang Kahusayan at Kaangkupan ng Pagsasalin...…………………….. 47
Mga Teoryang Pampanitikang Nangibabaw sa mga Maikling Kwent…..…. 48
Implikasyon ng Pag-aaral sa Pagtuturo at Pagkatuto ng Wika……………... 61

5 LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON…..…….…….…… 71

Lagom ng Pag-aaral…………………………………………………….….. 71
Konklusyon……………………………………………………………….... 72
Rekomendasyon………………………………………………………….… 73

TALASANGGUNIAN………………………………………………………...….…… 74

MGA KARAGDAGANG DAHON……………………………………………..….… 76

A. Liham Pahintulot para sa mga Tagataya.………………………..…………... 77

B. Liham para sa Tagataya ng Pagsusuri ………………………….…………… 79

C. Liham para sa Tagataya ng Pagsusuri………………………..………..…....... 80

D. Liham para sa Tagataya ng Pagsusuri….……………………...………….….. 81

E. Talatanungan sa Pagtataya ng Pagsusuri………….……………………..…… 82

F. Gabay sa Pagsusuri ng mga Nobela………………………………….………. 85

G. Pagsusuri ng mga Estudyante…………………………………...... 88

TALA TUNGKOL SA MANANALIKSIK ……………………………… 86


xi

TALAAN NG TALAHANAYAN

Bilang Pahina

1 Antas ng Paglalarawan sa Pagsusuri 26

2 Antas ng Paglalarawan sa Teksto 63

3 Antas ng Paglalarawan sa Interteksto 64

4 Antas ng Paglalarawan sa Konteksto 65

5. Antas ng Paglalarawan sa Kabuuang Iskor sa TIK 66

6. Antas ng pagtanggap ng mga ekspertong guro 67

7. Antas ng pagtanggap ng mga ekspertong guro 68

8 Antas ng pagtanggap ng mga ekspertong guro 69

TALAAN NG FIGYUR

Figyur

1 Paradaym ng Pag-aaral 22

You might also like