You are on page 1of 30

University of Saint Anthony

(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)


Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
1
Kabanata I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

Tunay ngang ang pagtuturo ay isang hamon para sa mga guro lalung-lalo na sa

mga gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino. Kailangan na umayon sa mga

patakaran na ipinapatupad ng paaralan at higit sa lahat ay turuan ang mga mag-aaral

na ang iba naman ay hindi interesado sa mga leksyong itinuturo.Katunayan , ang

pagtuturo ay hindi biro manapay isang sining.Alam ng guro ang paksang itinuturo

subalit paano niya ito ituturo upang matamo ng mga mag-aaral ang karunungan?

Bagamat mahirap ay patuloy nilang sinisikap na maturuan ang bawat mag-aaral

sapagkat layunin nilang maging matagumpay ang bawat mag-aaral na kanilang

tinuturuan.

Ayon kay Solano (2009) 1, ang guro ay may sapat na kahandaan sa pagtuturo

subalit kulang pa sila sa kaalaman sa Filipino. Dagdag pa niya, upang mabawasan ang

mga suliranin sa agtuturo ng Filipino kung saan ito ay isa sa pinakamahirap na

asignatura, dapat madagdagan ang kanilang seminar o workshopupang magkaroon

sila ng mga panibagong kaalaman sa pagtuturo at paggamit ng mga istilo na angkop

sa interes ng mga mag-aaral.

Isa sa mga matinding kalaban ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino ay ang

itinakdang oras na gugugulin sa pagtuturo. Ito ay sa kadahilanang ang panahong

nakalaan para sa pagtuturo ay nataon sa mga komplikado at nakakainip na oras sa

pagtalakay ng mga aralin.Hindi sapat ang oras para sa mga leksyong inihanda ng guro.
University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
2
Ang asignaturang Filipino ay isa sa pinakamahalagang asignatura na itinuturo ng

mga guro sapagkat nakapaloob dito ang wikang Filipino na ginagamit na panturo.

Dinisenyo ng Departamento ng Edukasyon upang mapalawak ang kaalaman ng mga

Pilipino patunkol sa sariling wika at mga kagamitan nito. Ayon kina Abad at Ruedas,

ang may akda ng librong Filipino Bilang Tanging gamit sa Pagtuturo, “ang wika ang

pinakamalinaw at pinakamahusay magbugay ng himaton sa kung ano ang particular

na pananaw ng tao sa daigdig na kanyang ginagalawan.”

Ayon kay Leticia F. Dominguez (2006) 2, ang mga aralin sa wika ay

naglalayong luminang ng kakayahang komunikatibo at ang kasanayang gumamit ng

wikang Filipino sa iba’t ibang sitwasyon. May mga araling nagpapakita ng angkop na

anyo ng wika na gagamitin sa sitwasyon kaya napakahalagang maituro ng maayos ang

asignaturang Filipino sa lahat ng mag-aaral at maiaplay nila ito sa kanilang pang araw-

araw na pamumuhay. Ang kahalagahan ng asignaturang Filipino ay nababatay sa isang

paniniwala na ang wika ay sumasalamin sa ating tradisyon, kultura , paniniwala at

pagtingin sa katotohanan at pagkatao.

Ang wikang panturo ay ang wikang ginagamit ng mga guro bilang medium ng

panturo sa mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan upang lubusang maunawaan ng mga

ito ang bawat aralin sa pamamagitan ng ng pagpapaliwanag at pagtatalakay ng mga

guro sa paraang mabisang maintindihan ng mga mag-aaral ang aralin.

Ayon kay Abad (2006) 3, ang kagamitang pampagtuturo ay anumang karanasan

sa bagay na ginagamit ng guro bilang pantulong sa paghahatid ng mga


University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
3
katotohanan,kasanayan,saloobin,palagay,kaalaman,pag-unawa at pagpapahalaga ng

mga mag-aaral upang maging kongkreto,dinamik at ganap ang pagkatuto.

Isang tanging gamit sa pagtuturo na nagtataglay ng gabay para sa mag-aaral at

guro na tumitiyak na sa bawat karagdagang pagkatuto ng nilalaman,Teknik ng

paglalahad, pagsasanay at paggamit ng nilalaman at paraan ng pagtuturo gamit ang

iba’t ibang Teknik ( Johnson, 1972) 4.

Anumang kagamitan at Teknik o estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ay

nakabatay sa layuning ibig matamo sa bawat araling ituturo. Ang bawat guro ay may

kaniya-kaniyang kakayahan at kahusayan na magiging daan ng kaniyang

pagkakakilanlan.

Ang pinakamahusay na estratehiya ay nagmumula mismo sa guro; guro na

pinakamahusay at pinakaepektibong visual aid sa mata ng bawat mag-aaral.

Sa Distrito ng Tigaon ay mayroong labindalawa (12) na paaralan na may Senior

High School. Walong Pampubliko kasama ang Cabalinadan High school, San Rafael

National High School, Huyonhuyon High School, Eleonor P. Lelis Senior High School,

Tinawagan National High School, Dr. Rodolfo V. Pamor Memorial National High School,

La Salvacion National High School at Partido Agro- Industrial National High School.

Samantala ay apat naman ang Pribado kasama ang Siena College Tigaon``,

Shepherdville College, Partido Mission Academy at Genesis College Tigaon.

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ng mananaliksik upang malaman ang

kasanayan ng mga guro sa SHS sa paggamit ng wikang panturo sa asignaturang

Filipino batayan sa paggawa ng kagamitang pampagtuturo. Nilalayon din ng pag-aaral


University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
4
na ito ay matukoy ang antas ng kasanayan ng mga guro batay sa pasalita, pasulat at

elektronikong kasanayang pangwika.

Balangkas Teoretikal

Sa balangkas na ito inihayag ng mananaliksik ang mga teoryang ginamit upang

suportahan ang ginawang pag-aaral. 1. Bloom's taxonomy (1956), 2. Gagne Theory

of Insruction (1974)

Ang unang teoryang sanligan na ay ang Bloom's taxonomy (1956) sa paggamit

ng taxonomy na ito upang matukoy ang antas ng nais na pagkatuto ay maaaring

makatulong sa pagsulat ng mga layunin sa pag-aaral, pagpili ng mga angkop na

pamamaraan ng pagtuturo, at pagdidisenyo ng mga pagtatasa upang mapataas ang

posibilidad na ang nais na resulta ng pagkatuto ay makamit. Sa madaling sabi ang

teoerya na ito na ay makatutulong sa pagbuo ng kagamitang pampagtuturo upang

matukoy ang mga dapat isaalang-alang na layunin upang matamo ang pagkatututo ng

mga mag-aaral.

Ang Ikalawang teoryang sanligan. Gagne Theory of Insruction (1974) ay

modelo ng disenyo ng pagtuturo ni Gagne ay batay sa modelo ng pagpoproseso ng

impormasyon ng mga kaganapan sa isip na nangyayari kapag ang mga nasa hustong

gulang ay ipinakita sa iba't ibang mga stimuli at nakatutok sa mga resulta ng pagkatuto

at kung paano ayusin ang mga partikular na kaganapan sa pagtuturo upang makamit

ang mga resulta. Kung kaya’t kinakailangan na sa pagtuturo at pagkatututo

pinatutunayan ng teorya na ito na kinakailangang gumamit ng mga kagamitang


University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
5
pampagtuturo upang ang pag propeseso ng mga kaalaman ay matatamo ng mabisa

tungo sa epektibong resulta ng kaalaman ng mga mag-aaral.

Nakabuo rin ang mananaliksik ng isang teorya hinggil sa koneksiyon ng mga

kagamitang pampagtuturo sa mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral.


University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
6

Bloom's . Gagne
taxonomy Theory of
(1956) Insruction
(1974)

KASANAYAN NG MGA GURO SA SENIOR HIGH


SCHOOL SA PAGGAMIT NG WIKANG PANTURO
SA ASIGNATURANG FILIPINO: BATAYAN SA
PAGGAWA NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO

Mga kagamitang Pampagtuturo


Pigura 1.
Balangkas Teoretikal

Pigura 1. Balangkas Teoretikal


University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
7
Balangkas Konseptuwal

Ipinakikita sa balangkas ang prosesong pinagdaan ng mananaliksik sa

pamamagitan ng paglalahad ng hanguan-pamamaraan-kinalabasan na modelo.

Ipinakita sa hanguan ang profayl ng mga guro sa SHS batay sa edad, natamong

edukasyon at medyor at ang kasanayan sa paggamit ng wikang panturo sa

asignaturang Filipino batayan sa paggawa ng kagamitang pampagtuturo.

Ipinakita naman sa pamamaraan ang pagbuo ng binagong talaan ng

espesipikasyon; pagbuo ng reseacher-made test; balidasyon ng researcher-made test;

pangangalap o paglikom ng mga datos (sarbey at interbyu); at interpretasyon ng mga

nakalap o nalikom na datos; at paggawa ng kagamitang pampagtuturo.

Sa kinalabasan naganap ang pagbibigay ng kongklusyon at pagsagot sa mga

tanong na inihanda bago pa magsimula ang pangangalap ng mga datos. Ang

mananaliksik ay magsasarbey sa mga guro kung ano ang kanilang nagging batayan o

hanguan sa paggawa ng kagamitang pampagtuturo.

Sa katugunan kung paano nagging epektibo ang paggawa ng kagamitang

pampagtuturo sa paksang aralin.


University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
8

Hanguan Pamamaraan Kinalabasan

.
1.Ano ang profayl ng mga
guro sa Senior High School 1. Pagbuo ng
(SHS) batay sa
binagong talaan ng
ispesipikasyon
a. Edad
b. Natamong
Edukasyon 2. Pagbuo ng
c. Medyor
reseacher-made
2.Ano ang antas ng test
kasanayan ng mga guro sa
SHS sa paggamit ng wikang
panturo batay sa: 3. Balidasyon ng
a .Pasulat na kasanayang
researcher-made BATAYAN
test.
pangwika SA
b.Pasalitang kasanayang
pangwika 4. Pangangalap o PAGGAWA
c.Elektronikong kasanayang
paglikom ng mga NG
datos (sarbey at
pangwika
interbyu)
KAGAMITAN
3.May pagkakaugnay ba ang
antas ng kasanayan ng mga guro G
sa SHS sa kanilang profaly?
5. Interpretasyon ng PAMPAGTUT
4Anong kagamitang pampagtuturo ang
mga nakalap o
maaaring mabuo batay sa
kinalabasan ng pag-aaral? nalikom na datos
URO
5.Ang nabuo bang kagamitang
pampagtuturo ay kurikularli
balid?
6. Paggawa ng
kagamitan
pampagtuturo.

KATUGUNAN

Pigura 2. Balangkas Konseptuwal


University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
9
Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsusuri sa kasanayan ng mga guro sa

SHS sa paggamit ng wikang panturo sa asignaturang Filipino at may hangaring

masagot ang mga sumusunod na inilatag na tanong:

1. Ano ang profayl ng mga guro sa Senior High School (SHS) batay sa

1.1 .Edad

1.2.Natamong edukasyon

1.3 .Medyor

2.Ano ang antas ng kasanayan ng mga guro sa SHS sa paggamit ng wikang

panturo batay sa

2.1 Pasulat na kasanayang pangwika

2.2 Pasalitang kasanayang pangwika

2.3. Elektronikong kasanayang pangwika

3.May pagkakaugnay ba ang antas ng kasanayan ng mga guro sa SHS sa

kanilang profayl?

4. Anong kagamitang pampagtuturo ang maaaring mabuo batay sa

kinalabasan ng pag-aaral?

5. Ang nabuo bang kagamitang pampagtuturo ay kurikularli balid?

Hinuha

Ho1. Ang profayl ng mga guro sa SHS na nagtuturo sa Distrito ng Tigaon ay iba-

iba.
University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
10
Ho2. Ang kalagayan ng kasanayan sa pagtuturo ng wikang panturo sa

asignaturang Filipino ay iba-iba.

Ho3. May makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng kasanayan ng mga guro sa

resulta ng kanilang profayl.

Ho4. May nabuong kagamita.ng pampagtuturo batay sa nagging resulta ng pag-aaral

Ho5. Ang nabuong kagmitang pampagtuturo ay kurikularli balid.

Ipotesis

May makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng kasanayan ng mga guro sa

resulta ng kanilang profayl.

Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang resulta ng pananaliksik na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga

sumusunod:

Paaralan . Matutulungan ang paaralan sapagkat dito makikinabang ang lahat ng

mag-aaral at guro na pumapasok dito at kinikilala ng pananaliksik ang paaralan na

binigyan ng pag-aaral.

Mag-Aaral. Matutulungan ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral sa pagpili ng

kanilang medyor sa hinaharap.

Guro. Maipapabatid sa lahat ang kasanayan ng mga guro sa paggamit ng

wikang panturo sa asignaturang Filipino at batayan sa paggawa ng kagamitang

pampagtuturo. Nakatutulong ito para din sa kanila upang magkaroon sila ng kamalayan

at kaalaman upang maging epektibong guro.


University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
11
Administrador ng mga Paaralan. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magiging

mahalaga sa mga administrador ng paaralan dahil makatutulong at makadaragdag sa

kanilang mga sanggunian na may kaugnayan sa paksa.

Mga Magiging Guro sa Hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay magiging mahalaga

sa mga guro sa hinaharap upang maging mabisa at mahusay na guro sa paggamit ng

wikang panturo at paggawa ng kagamitang pampagtuturo.

Mga Mag-aaral na Nagpapakadalubhasa sa Filipino. Ang resulta ng pag-aaral

na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino upang

mas mapaunlad ang kanilang kasanayan sa paggamit ng wikang panturo at paggawa

ng kagamitang pampagtuturo sa hinaharap.

Mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay maaari nilang


magamit bilang kaugnay na pag-aaral at literatura na nagpaplanong gumawa ng saliksik
na may kinalaman sa kasanayan sa paggamit ng wikang panturo sa asignaturang
Filipino.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw lamang sa kasanayan ng mga guro sa

SHS sa paggamit ng wikang panturo sa asignaturang Filipino batayan sa paggawa ng

kagamitang pampagtuturo. Ang pag-aaral na ito ay aalamin ang profayl ng mga guro

batay sa kanilang edad ,natamong edukasyon at medyor . Aalamin din sa pag-aaral

na ito kung ano ang antas ng kasanayan ng mga guro sa paggamit ng wikang

panturo sa asignaturang Filipino batay sa pasulat ,pasalita at elektronikong

kasanayang pangwika.
University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
12
Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa mga piling pansekundaryang paaralan

sa Distrito ng Tigaon. Ang mga paaralan na walang Senior High School ay hindi

kabilang.

Katuturan ng mga Salita

Ang mga sumusunod na salita o termino ay binigyan ng kahulugan batay sa

pakinabang nito upang mas lubos na maunawaan ang pananaliksik na ito.

Edad. Batay sa pagkakagamit sa pag-aaral na ito, tumutukoy ito bilang ng

edad ng mga guro sa SHS.

Guro sa SHS. Batay sa pagkakagamit sa pag-aaral na ito, tumutukoy sa mga

magiging respondente ng pag-aaral .

Kasanayan. Ito ay ang natutuhang kapasidad o kakayahan na maipatupad

ang mga resultang nauna nang natukoy at kadalasang may mababang paggugol ng

panahon at enerhiya.

Medyor . Sa karaniwang gamit, ay tumutukoy sa napiling asignaturang

pinagdalubhasaan ng guro.

Magagamit Na Mga Babasahin Sa Bahay. Batay pagkakagamit sa pag-aaral

na ito, tumutukoy ito sa magagamit na mga babasahin na matatagpuan sa mga

tahahan ng mga katutubong mag-aaral.

Natapos Na Edukasyon Ng Guro. Batay pagkakagamit sa pag-aaral na ito,

tumutukoy ito sa pinakamataas ng antas ng edukasyon na nakamit ng mga guro.


University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
13
Kagamitang pampagtuturo. Batay sa pagkakagamit sa pag-aaral na ito,

tumutukoy ginagamit na patnubay ng guro sa mga metodo, teknik at mga bagong

anyo o uri ng pagsasanay sa pagtalakay ng aralin.

Piling paaralan . Batay pagkakagamit sa pag-aaral na ito, tumutukoy sa mga

pansekundaryang paaralan sa Distrito ng Tigaon na may Senior High School.

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa kabanatang ito, ibinigay ang pagsusuri sa literatura para sa pananaliksik.

Ayon sa pag-aaral Hosmillo (2014), ang kagamitan sa pagtuturo ay isa sa

mahalagang salik sa pagkatuto ng mga mag-aaral na dapat mabatid ng mga guro

upang mabigyan ng solusyon ang suliraning nararanasan sa pagtuturo lalo na sa

signaturang Filipino. Ito ay nangangahulugang ang bawat mag-aaral ay kailangang

magtaglay ng kanya-kanyang librong angkop sa paksang tinatalakay na magagamit nila

sa oras ng talakayan. Bunga nito, maiiwasan ang kawalan ng interes ng mga mag-

aaral.

Dagdag pa niya ,ang mga guro ay nakararanas din ng mga suliranin sa pagtuturo

sapagkat may iba’t ibang katangian ang bawat mag-aaral. Sa kasalukuyan ,mas

ginagamit ang pangkatang Gawain para sa pagkatuto ng mga mag-aaral sapagkat

mula rito ay naipapakita nila ang kanilang sariling kakayahan . Subalit gaano man

kasigasig ng isang guro, ang mga suliranin sa iba’t ibang aspekto ay hindi maiiwasan.

Maaaring suliraning nauukol sa kagamitang panturo ,kasanayan ng mga guro at

kawilihan ng mga mag-aaral.


University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
14
Ipinaliwanag din ni Hosmillo ilang mabibigat na suliranin ng mga guro .Ito ay ang

sumusunod: Una , kakulangan sa oras na itinakda para sa asignatura. Sa pagtuturo ng

Filipino , kailangang sapat ang oras upang madama at mabigyang linaw ang mga

tinatalakay.Higit na makatutulong sa mga-aaral ang pagkakaroon ng sapat na oras sa

pagtuturo at pag-aaral upang maisakatuparan ang layunin sa pagtuturo sa araw na

iyon.

Ikalawa,kakulangan sa mga makabagong kagamitang panturo.Ang guro ay dapat

maghanda ng mga bagong kagamitang pampagtuturo upang magkaroon ng

makabagong kasanayan at epektibong pagtuturo sa Filipino.

Ikatlo, kakulangan sa bokabularyong tagalog. Karamihan sa mga nagtuturo ng

Filipino ay mga bagong guro na wala pa masyadong karanasan sa pagtuturo ng

asignatura at bago pa lamang nila naituturo ang aralin. Ang guro ay nararapat na

mayaman sa bokabularyong Filipino o tagalog nang sa gayon ay may kakayahan

silang ituro at maipaunawa sa mga mag-aaral ang tinatalakay. Nakatutulong sa mga

guro ang pagbabasa ng mga diksyunaryong tagalog upang mapaunlad ang kanilang

kaalaman tungkol sa mga salita.

Ayon kay Lardizabal (1995) , ang pagtuturo ay isang proseso ng komunikasyon

ng guro at mag-aaral. Ang pagtuturo ay hindi nakasalig lamang sa berbal na

komunikasyon ng guro at mag-aaral. Maraming kagamitan ang pagtuturo at pagkatuto.

Ang kagamitang pampagtuturo o kagamitang instruksyonal ay anumang karanasan o

bagay na ginagamit ng guro bilang pantulong sa paghahatid ng impormasyon ,


University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
15
kasanayan , saloobin ,palagay, katotohanan , pag-unawa at pagpapahalaga sa mga

mag-aaral upang lalong maging konkreto, tunay, dinamiko at ganap ang pagkatuto.

Ipinaliwanang ni Gurney (2007) , sa kanyang pag-aaral na kung ang guro ay

hindi handa maaaring hindi niya magampanan ang responsibilidad ng isang guro.Kung

ang guro ay may kahandaan sa kanyang pagtuturo at handa siyang ibahagi ito sa

kanyang mga mag-aaral,mas makikita ang ganap na epektibong relasyon ng

pagtuturo at pagkatuto.

Ayon kay Clemente-Reyes (2003), isa sa mga katangian ng isang epektibong

guro ay dapat maging eksperto sa lahat ng saklaw ng agtuturo gaya ng paksang-aralin,

pamahalaang pangklasrum, pagtuturo at dayagnostik na pagtuturo.

Ang pagtuturo ay itinuturing na sining .Ayon kay Biber, ang pagtuturo ay isang

kawili-wiling gawain kung isinaalang -alang ng isang guro ang pamamaraang ginagamit

sa pagtuturo.

Sa talumpating binigkas ni Semerian, sinabi niya na ang mahalagang tungkulin

ng isang guro ay magkaroon at gumamit ng mga mabisang estratehiya at kagamitang

pampagtuturo sa pagganyak sa mag-aaral upang mapabuti ang pagtuturo sa mga silid-

aralan. Sa paggamit ng mga epektibong estratehiya at mga kagamitang pampagtuturo ,

maaari nitong gisingin ang interes ng mag-aaral pati na rin ang pagnanais nilang matuto

pa. Ang kanilang pagtuklas, pagnanais tumuklas at kung paano magkakaroon ng

malayang kaisipan ang siyang pinakamahalagang papel na dapat gampanan ng isang

guro .
University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
16
Sa pananaw naman nina Parkay at Standfords, kung ikaw ay isang guro , ikaw

ay isang iskolar , modelo ng pagbabago at isang inspirasyon . Alam mo ang mga

kasanayan ,teknik upang maiangat ang larangan ng pagtuturo sapagkat kung kaunti

lamang ang iyong abilidad sa pagbibigay ng ebalwasyon , magiging malaking sagabal

ito sa pagkatuto ng mag-aaral .

Gayundin ang pahayag ni Mariano, lalong matagumpay ang guro sa kanyang

pagtuturo kung nalalaman at nauunawaan niya ang pangangailangan ng kanyang mag-

aaral. Ang kaalaman ng guro sa paksang aralin , ang pamamaraan niya sa pagtuturo

ang higit na mahalaga upang higit siyang kawilihan ng kanyang mag-aaral .

Inihayag naman ni Tamildes, ang isang epektibong pagtuturo ay ginagawa ng

isang epektibong guro na sumusukat ng kanyang tagumpay sa kanyang mga nagawa

at awtput ng kanyang mag-aaral. Kung kaya’t kailangan na ang mga gawaing pansilid-

aralan ay masigla ,makulat at mapang-akit. Ang bawat kaalamang ibinabahagi ng guro

ay bahagi ng kanyang kahandaan sa pagtuturo . Kabilang dito , ang paghahanda niya

ng banghay-aralin at makabuluhang kagamitang pampagtuturo na makakatulong sa

paghubog sa isipan ng mag-aaral.

Sinabi ni Tomlinson ( 2001) na: “ Ang pagdebelop ng kagamitan ay isang

larangan at gawain. Bilang larangan ito’y pag-aaral sa mga prinsipyo at hakbangin sa

pagbuo ng kagamitang panturo, implementasyon at ebalwasyon nito. Bilang gawain ,

kinasasangkutan ito ng produksiyon, ebalwasyon at paggamit ng guro ng kagamitang

panturo sa kani-kanilang klasrum upang mapagtibay pa ang mga kagamitang

pampagtuturo.
University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
17
Ayon naman kay Monjares, ang pinakamahalagang elemento para sa

pagtatamo ng mahusay na kalidad ng edukasyon ay ang mag-aaral. Kailangang ihanda

ang kanyang karanasan at higit sa lahat ay ang kanyang kalagayang nutrisyonal at

suporta ng pamilya. Ang pangalawang elemento ay ang guro at ang uri ng kanyang

inihandang pagsasanay at pagsusulit na ibinibigay sa mag-aaral. Mahalaga rin ang

kanyang dedikasyon at katapatan sa kanyang tungkulin.

Sinabi naman ni Borich,ang pag-uugali at abilidad ng guro , kalinawan sa

pagtuturo ay ilan lang sa nakakaapekto sa performans ng mag-aaral. Kasama dito ,

ang pagbibigay ng direksyon gamit ang pamilyar na wika. Ang pagkakaroon ng iba’t

ibang instruksyunal na gamit ay malaking tulong sa epektibong pagtuturo. Ang guro ay

gumagamut ng iba’t ibang varayti ng mga visual aids, babasahin ,estratehiya, at iba

pang pinagkukunan ay may positibong epekto sa performas at pag-uugali ng mag-aaral.

Sa pag-aaral ni Rubio , mahalaga sa isang guro ang magtaglay ng mga

makabagong pamaraan sa pagtuturo ng panglinggwistikang kasanayan at ang

paggamit ng mga lokal na kagamitang pampagtuturo bukod sa aklat.

Ayon kay Lado , ang mahusay na pagtuturo ay nangangailangan ng mahusay na

pagsasanay at pagsusulit. Sa pagkakatuto ng wika, kailangan din ang makaagham na

pamamaraan upang matugunan ang suliraning kinakaharap ng guro.

Ito ay lubos na sinang-ayunan ni Nastasi . Ayon sa kanya , ang pagsusulit ay

pagbubunyag ng kahinaan ng mag-aaral na dapat bigyan ng pagtuturong panlunas.

Ginagawa ang pagsusulit bilang pangwakas na pagpapahalaga sa katayuan ng mag-

aaral pagkatapos ng mga pagsasanay. Kung magiging maayos at mapanghahawakan


University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
18
ang pagkakagawa ng pagsusulit, ito ay makatutulong upang malinang ang kagalingan

ng mag-aaral .

Sinusugan naman ito ni Grouland . Para sa kanya, ang pagsusulit ay

nakapagbibigay ng tiyak na impormasyong mapagbabatayan ng mga kapasyahang

pampagtuturo. Ang mga ito ay magiging sanligan sa pagtiyak ng pinakamahusay na

paraan , pagsusuri at pagbibigay-lunas sa kahirapan sa pagtuturo.

Sa pag-aaral naman ni Bermejo, sinabi niya na ang pagtataya ay mahalagang

bahagi ng pagkatuto sa larangan ng edukasyon . Patuloy pa ring nararanasan ang mga

balakid o sagabal sa mga instruksyong di-gaanong malinaw . Walang mabisa at

epektibong pagbabagong magaganap sa pagkatuto kung walang sistematikong

pagtataya tungo sap ag-unlad ng mag-aaral .

Sa lathalain ni Pada, sinabi niya na mahalaga ang pamamaraang pagsasanay.

May kaugnayan ito sa uri ng teksbuk na ginagamit bilang kagamitang pampagtuturo.

Ang kasanayan ng guro sa paggamit nito ay may malaking kaugnayan at lubhang

mahalaga upang matugunan ang mahigpit na pangangailangan ng mag-aaral tungo sa

katuparan ng layuning naitakda – ang pagkatuto.

Sa aklat na isinulat ni Shahani , sinabi niya na bukod sa mga problema sa

paggamit ng wikang dayuhan sa Sistema ng ating edukasyon, marami pang problema

ang kinakaharap ng mga Pilipino. Ang kakulangan ng nararapat na sariling teksbuk at

iba pang kagamitang pampagtuturo ay isa lamang sa mga suliraning nabanggit. Dahil

dito, napilitan ang mga guro na gumamit ng kagamitang tulad ng teksbuk na hindi
University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
19
nababagay sa mag-aaral na Pilipino. Kaya ang pinansin ang kakulangan ng iba pang

kagamitang pampagtuturo sa mga paaralan.

Ayon naman sa natuklasan ni Closs, ang mag-aaral ay kailangang hayaang

makapili ng tekstong naaayon sa kanilang interes pati na rin yaong naaayon sa

kanilang antas o lebel upang Malaya silang makapagsanay ng kanilang mga

pamamaraan o estratehiya sa pag-unawa sa mga kasanayang nililinang.

Sinabi ni Almario , na ang pinakamadalas na suliraning pangwika sa Pilipinas sa

wikang Filipino ay sa pagbaybay , ortograpiya at gramatika.Laganap ang pagkakamati

sat untuning panglingwistika kahit sa tersarya . Isang halimbawa nito ay ang pagpasok

ng mga salitang kastila na isinama sa salitang ugat sa wikang Ingles. Dahil sa ganitong

sitwasyon , hindi na tuloy matukoy ang pinagmulang wika nito.

Ayon kay De Guzman ( 2010), sa Pilipinas, ang isang guro ay maaaring

magturo ng iba’t ibang asignatura sa Junior High School at Senior High School . Ang

mga gurong ito ay nagpakadalubhasa sa isang partikular na Unibersidad. Gayun pa

man, sila ay magtuturo sa kanilang medyor o magtuturo sila ng ibang asignatura, ibig

sabihin hindi nila ito napaghandaan.Ang pagtuturo ng hindi nila medyor ay isang

malaking hamon sa kanilang sitwasyon. Ang gurong out of field ay nahihirapan sila sa

pagsulat ng mga Banghay Aralin at pagsagot sa mga tanong ng mag-aaral. Ang mga

problemang ito ay karaniwan sa mga pribadong paaralan na hindi nakahanap ng mga

gyrong medyor sa asignatura, halimbawa nito ang guro sa Science ay naatasan ng

Punong Guro na magturo ng asignaturang Filipino. Sa puntong ito, isa itong malaking

hamon para sa guro na tanggapin at magturo ng asignaturang Filipino.


University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
20
Para kay Hobbs ( 2013) , ang pagtuturo ng hindi medyor ay mangyari lamang

kapag ang guro ay nagtuturo ng mga asignatura kung saan hinsi sila kwalipikado.

Sinabi naman ni Caylo (2015), kung bakit may mga gurong “out of field “ ay ang

kakulangan ng mga gurong magtuturo.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa nina Atienza et.al (2004), ilan sa mga suliraning

nararanasan ng guro sa pagtuturo ng Filipino ay may kaugnayan sa mga kagamitang

panturo, kakulangan ng mga guro ng sapat na sanggunian at batayang aklat at

kakapuan ng badyet.

Sa pag-aaral nina Cueto et.al (2003) , ang malaking bilang ng mga mag-aaral

ay isa sa suliraning kinakaharap sa kasalukuyan. Nahihirapan ang guro na magturo ng

kanilang leksyon sapagkat sobra sa inaasahan niya ay bilang ng mga mag-aaral na

kanyang tuturuan . Hindi lahat ng mga mag-aaral ay nabibigyan ng atensyon ng guro

lalo na hindi nakikilahok sa talakayan.

Sa pananaliksik na ginawa ni Ariola ( 2006), natuklasan niya na isa sa mabigat

na suliranin ng mga guro sa pagtuturo ukol sa kasanayan ay ang Karamihan sa

asignaturang kanilang itinuturo gayundn din ang kawalan ng pagkakataong makilahok

at dumalo sa mga seminar.

Sa pananaliksik nina Magsino et. al (2006) Malaki ang impluwensya ng

paggamit ng mga guro ng mga kagamitang panturo upang mapataas ang interes ng

mga mag-aaral sa isang asignatura. Kumukuha ito ng atensyon at nagbibigay ng


University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
21
malawak na pag-iisip at imahinasyon na nagtuturo sa mga mag-aaral kung ano ang

kanilang interes.

Sintesis ng Estado ng Sining

Ang mga kaugnay na pag-aaral at literaturang inilahad ay nakapagbibigay ng

kaalaman at kamalayan sa iba’t ibang estratehiya na maaring gamitin upang mapaunlad

ang antas kasanayan ng mga guro sa paggamit ng wikang panturo sa asignaturang

Filipino.

Sa pag-aaral nina Bautista et.al , ang pinakamahalagang salik ng paaralan ay

ang mga guro na nag-aaral at nagpapakadalubahasa sa kanilang napiling asignatura.

Ang pagkakaroon ng malaking interes sa Filipino ay napakahirap dahil kinakailangan

ito ng malawak na pang-unawa, pakikinig,pagsasalita maging ang pagmamasid.

Dapat bigyan pansin ang mga kasanayan ng mga guro at ang kanilang

pagpapahalaga sa mga paraan ng pagtuturo ng asignatura upang maging epektibo at

kapaki-pakinabang ang mga aralin na itinuturo sa mga mag-aaral.

Hugpong ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang kasanayan ng mga guro sa

SHS sa paggamit ng wikang panturo sa asignaturang Filipino batayan sa paggawa ng

kagamitang pampagtuturo sa piling paaralan sa Distrito ng Tigaon at makabuo ng


University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
22
kagamitang pampagtuturo upang maging mapaunlad at mabisa ang pagtatalakay ng

paksang aralin.

Mga Talang Pangwakas

Official Gazette (1987) The constitutions of the Republic of the Philippines


https:// www. Google.com/research?q=constitution+of+the+Philippines
&source=Imns&bih=695 &biw=1366&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwizrKOvz5z
AhVygFYBHfnlBMIQ AuoAHoECAEQAA

Kagawaran ng Edukasyon (1989). DO 11,s. 1989


https://www. Deped.gov.ph/1989/02/20/do-11-s-1989-implementation-of the new
secondary

Paz M. Belves, Ang guro at Sining ng Pagtuturo, (Quezon City Tala


Publishing House,1982),35

Biber, Awareness in the Learning Process : A comment , Dimensions Language


Experience ( New York : Agathon Press,1985 )

Teresita Semerian P. Istrategies Para sa Pagtuturo ng Filipino. ( Abril 22, 2007)

Forest W. Parkay et. al . Becoming a Teacher, 2nd Edition, (USA, Allyn and
Bacoon 1992 )

Antonio G. Mariano et.al . Ang aklat ng Guro (Quezon City, Bedes Publishing
House Inc. 2001 )

Santiago O. Tamildes, Mensahe sa Gawaing kapulungan sa Filipino PASATAF


(Baguio City,2001)

Monjares, Elements of Quality Learning for Education, The modern Teacher, Vol
XI No. 1,2001

Gary D. Borich , Effective Teaching Method , 2nd Edition , New York ,1992
University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
23
Robert Lado, Language Teasting (London :The Mac Milan Company

Imelda Bermejo, Mga Istratehiya ng Pagtuturo ng Filipino. Paaralang Graduwado


ng UNEP,Iriga City,Marso 2005.

Leticia Shahani, Paghubog ng Mamamayan, Katatagan ng Bayan Programa 1 )

Ellen Closs ,Teaching Reading Comprehension


www. Reading.com/mosaic/tools.2003

kagamitang-pampagtuturo
https://www.scribd.com/presentation/416254009

kagamitang-pampagtuturo/
https://prezi.com/atycq5ttof7m/modyul-kagamitang

https://tl.wikipedia.org/wiki/Kasanayan

https://www.scribd.com/document/596775961/Ayon-kay-Abad

https://pdfcoffee.com/kagamitangpampagtuturo-5-pdf-free.html

Gagne, R. M., & Briggs, L. J. (1974). Principles of instructional design. Holt,


Rinehart & Winston.

Taxonomy, Blooms (1956)


https://image.slidesharecdn.com/theoriesofinstructionalmaterials-211023073624/75/
theories-of-instructional-materials-8-2048.jpg?cb=1666367691
University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
24

Kabanata 2

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga pamamaraan na gagamitin upang

makamit ang mga layunin ng pananaliksik. Inilalarawan ng kabanata ang pamamaraan

na ginamit sa pananaliksik na ito tulad ng disenyo ng pananaliksik, lokasyon ng

pananaliksik, mga respondente, pamamaraan ng sampling, instrumento ng

pananaliksik, mga pamamaraan ng pagtitipon ng datos, at analitikal na balangkas.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay gagamitin ang palarawang pamamaraan – korelesyonal

na metodo sapagkat ang mga datos ay inilalahad kung gaano karami o kalaki ang isang

bagay at inilalahad din ang resulta sa pamamagitan ng mga bahagdan. Ayon naman

kay Elise (2018)1 ang palarawang pamamaraan ay ang pangkasalukuyang ginagawa,

pamantayan at kalagayan na tumutugon sa tanong na sino, ano, kailan at paano na

may kinalaman sa paksa ng pag- aaral.

Ang Ebalweytiv na metodo ay gagamitin din upang malaman ang profayl ng mga

guro kasama na ang kanilang kasanayan sa paggamit ng wikang panturo sa


University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
25
asignaturang Filipino. Sa pamamagitan ng metodo na ito, malalaman din ang mga

antas ng kasanayan sa paggamit ng wikang panturo batay sa pasalita ,pasulat at

elektronikong kasanayang pangwika.

Ang korelesyonal na metodo ay gagamitin upang malaman ang makabuluhang

kaugnayan ng kasanayan ng mga guro sa kanilang profayl. Gagamit din ng

debelopmental na metodo upang matukoy ang kasanayan ng mga guro sa paggamit ng

wikang panturo sa asignaturang Filipino.

Respondente ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa mga piling paaralan sa Distrito ng

Tigaon na mayroong Senior High School.

Paraan ng Pagpili ng Respondente

Ang paraan ng pagpili ng respondente ay purposive sampling technique.

Ang mga napiling paaralan na mayroong SHS ay ang mga makikilahok sa

pananaliksik na ito. Kakailanganin ang makokolektang datos upang ipaliwanag ang mga

resulta at talakayan.

Instrumento ng Pag-aaral

Ang mga instrumento na gagamitin ng mananaliksik upang masagawa ang pag-

aaral na ito ay ang survey questionnaire, at pakikipanayam.


University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
26
Survey Questionnaire. Ang pangunahing instrumentong ginamit sa pagkalap o

paglikom ng mga datos ay researcher-made test. Ang instrumento na ito ay nahahati sa

dalawang bahagi. Ang unang bahagi ay nakapokus sa profayl ng mga guro batay sa

edad, natamong edukasyon at medyor. Ang ikalawang bahagi naman ay nakatuon sa

pagkalap ng mga datos tungkol sa antas ng kasanayan ng mga guro sa SHS sa

paggamit ng wikang panturo sa asignaturang Filipino.

Panayam. Ang pakikipanayam ay isa sa mga paraan ng pagkolekta ng datos sa

pananaliksik. Ang isang pakikipanayam sa kuwalitatibong pananaliksik ay isang pag-

uusap kung saan ang mga tanong ay inaasahang masagot ng mga respondente. Bilang

karagdagan sa nakuhang datos mula sa researcher-made questionnaire, magkakaroon

din ng impormal na pakikipagpanayam sa mga guro upang makuha ang kanilang antas

ng kasanayan sa paggamit ng wikang panturo batay sa pasulat,pasalita at

elektronikong kasanayang pangwika.

Balidasyon ng Talatanungan

Ang nabuong researcher-made test ay susuriin at ibabalideyt ng limang (5)

propesor o dalubguro sa Filipino at iba pang eksperto sa Paaralang Pandalubhasaan at

Pananaliksik ng Pamantasan ng San Antonio upang matiyak na ang nilalaman ng

talatanungan ay tama at umaakma sa saklaw ng pag-aaral.

Istatistikal Tritment ng mga Datos


University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
27
Gagamit ng iba’t ibang kagamitang istatistikal upang masuri at maanalisa ang

mga nakalap na datos para sa akyurasi at pagiging makatotohanan ng resulta.

Frequency Count at Percentage Technique ang gagamitin upang matukoy ang

datos na nakalap na profayl ng mga guro sa SHS.

Weighted Mean at Likert Scale naman ang gagamitin upang makuha ang

kanilang mga personal na profayl at kasanayan sa paggamit ng wikang panturo sa

asignaturang Filipino.

Pearson Product Moment Correlation naman ang ginamit upang tukuyin ang

makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng kasanayan ng guro sa resulta ng kanilang

profayl.

N ( ∑ xy )−(∑ x)( ∑ y)
r=
√¿ ¿ √ ¿ ¿

Kung saan:

x = Profayl ng guro sa SHS

y = Antas ng kasanayan sa paggamit ng wikang panturo

r = kaugnayan

Upang maipaliwanag ang correlation value (r) na nakuha, ginamit ang mga

sumusunod na klasipikasyon:

± 1.00 - ganap na pagkakaugnay

Between ±0.80 to ± 0.99 - napakataas ang pagkakaugnay

Between ±0.60 to ± 0.79 - mataas ang pagkakaugnay

Between ±0.40 to ± 0.59 - katamtaman na pagkakaugnay

Between ±0.20 to ± 0.39 - bahagya ang pagkakaugnay


University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
28
Between ±0.01 to ± 0.29 - halos walang pagkakaugna

Mga Talang Pangwakas

Elise, H. (2018) Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik.

https://www.slideshare.net/mushthart/disenyo-at-pamamaraan-ng-pananaliksik.
University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
29

KASANAYAN NG MGA GURO SA SENIOR HIGH SCHOOL SA PAGGAMIT NG

WIKANG PANTURO SA ASIGNATURANG FILIPINO : BATAYAN SA PAGGAWA

NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO

Tesis na inihanda sa

Kapulungan ng mga Dalubguro ng Kagawarang Filipino

UNIVERSITY OF SAINT ANTHONY

Lungsod ng Iriga

Bilang Bahagi ng Pangangailangan

Sa Pagtamo ng Titulong
University of Saint Anthony
(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
Iriga City, Philippines
GRADUATE STUDIES AND RESEARCH
30
Master sa Sining ng Edukasyon sa Filipino

JELYN R. ESCALANTE

January 2024

You might also like