You are on page 1of 14

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

Ang edukasyon ay magiging epektibo kung malalaman at gagamitan ito

ng mga istratehiya na makakatulong upang paunlarin ang pagkatuto ng bawat

mag-aaral. Ito ay mas magiging matagumpay kung lalapatan nang paggamit ng

mga teknolohiyang bahagi ng kulturang popular. Tulad nalang ng google,youtube

at facebook na siyang palasak lalo’t higit sa mga kabataan. Masasabing mas

epektibo ang pagtuturo ng Asigaturang Filipino kung gagamitan ito ng iba’t ibang

istratehiya upang maging aktibo ang mga mag-aaral sa talakayan dahil sa

pagsabay ng istilo ng pagtuturo sa pagbabago ng panahon. Ang pamamaraan ng

guro sa pagtuturo ay kailangan na kawili-wili dahil kung ito ay hindi kaganyak-

ganyak ang magiging epekto sa mga mag-aaral ay ang pagiging tamad na sa

klase lalo’t higit sa pakikinig. Maging kapanapaabik ang bawat talakayan sa

klase kung magagawang maisakatuparan ng guro ang wastong paggamit ng

mga teknolohiyang bahagi ng kulturang popular sa paglalapat ng iba’t ibang

istratehiya na siyang magbibigay daan sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Nabanggit sa pag-aaral ni Capistrano (2011), na ayon kay Dr. Leticia

Central (2010), ang gawaing pagtuturo ay hindi medaling gawin. Hindi sapat na

maituro ng isang guro kung ano ang mga aralin o paksang nakapaloob sa

kanyang silabus kundi kung paano niya ito maituturo at matutunan ng kanyang

mga estudyante. Kaya nga sinabi na ang kahusayan ng pagtuturo ay nasusukat


hindi sa dami ng mga naituro kundi bagkus sa dami ng mga natutuhan ng

kanyang mga estudyante.

Ayon sa pananalisik ni consignado (2016), mula sa pag-aaral ni Niel

Fleming (2007), na ang iba’t ibang paraan ng pagtuturo ay nakatutulong ng husto

sa isang tao upang lalo niyang mapakinabangan ang kanyang sarili. Kaya

marami sa mga guro ang gumagawa ng iba’t ibang paraan para mas maging

malikhain ang kanilang estilo sa pagtuturo. Dahil ditto mas nagiging kasiya-siya

ang mga mag-aaral sapagkat mas mabilis nilang nauunawaan ang kanilang

paksang aralin. Upang maging epektibo ang istratehiya ng isang guro. Ito ang

mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng gagamiting pamamaraan ng

pagtuturo sa mga estudyante.

Ayon sa pag-aaral ni Gurdiel et. Al. (2015), na ayon sa akdang “Ang

Tradisyunal at Makabagong Paraan ng Pagtuturo”, upang maging mabis at

mabilis ang pagkatuto, kinakailangan ang paggamit ng mabubuting pamamaraan

ng pagtuturo sapagkat nakabase sa mabuting paraan ng pagtuturo ang

matagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng mag-aaral. Ibig sabihin, lubos

na mauunawaan ng mga estudyante ang kanilang leksyon kung ang

pamamaraan ng pagtuturo ay kakaengganyo at kapantay ng lebel ng mag-aaral

nang sa gayon sila ay mabilis na matuto.

Maaaring gumamit ang mga guro ng iba’t ibang makabagong

pamamaraan nang sa ganon mas mabilis mapukaw ang interes ng bawat mag-

aaral sa pang-araw-araw na pagtuturo sa loob ng silid aralan. Mas mahihikayat

ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral kapag ang bawat klase na kanilang
papasukan ay kagiliw-giliw na nakalinya sa kinahihiligan sapagkat ang kanilang

guro ay gumagamit at nagsasagawa ng mga aktibidad na may halo ng mga

teknolohiya na kabilang sa kulturang popular sa kasalukuyan.

Nagkakaroon din ng lakas loob ang isang mag-aaral sa pagsagot sa klase

kapag may katulong siya sa pag-iisip. Nagiging mabisa ang kolaboratibong

pamamaraan sapagkat ito ang nagsisilbing daan upang makisalamuha ang isang

mag-aaral sa kapwa niya mag-aaral.

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang bawat guro ay may kanya-kanyang ideya tungkol sa pagtuturo.

Ang una nating guro noong tayo ay musmos pa lamang ay an gating mga

magulang. Nang tayo ay nasa tamang edad na upang tumuntong sa paaralan sa

unang baiting pa lamang ay makakasalamuha na ang uanag guro na siyang

magbibigay ng bago at mga karagdagan pang kaalaman.

Ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay ang daan upang magkaroon ng

magandang kinabukasan. Dapat na linangin at dapat na malaman ng bawat

mag-aaral ang pinagmulan ng ating nakaraan upang magkaroon ng pagbabalik

nataw sa kung ano ang naging patok sa mga mamayang Pilipino sa mga

nakaraang panahon upng mas lumawak pa ang kanilang kaalaman. Ang

edukasyon na may kaalaman sa panitikan ay magsisilbing sandata o sandigan

para magkaroon ng magandang kinabukasano magandang pamumuhay.

Ayon kay Macarandang (2009), ang mga itinuturong panturong

kagammitan o materyales na ginagamitan ng makabagong pamamaraan ay


kumakatawan sa isang maliit na hakbang, pagkakasunod-sunod na konsepto na

nakaayon sa presentasyon ng pagkatuto ng mag-aaral. Bilang intratehiya sa

pagtuturo, ang modyul ay dinisenyo para makatulong sa mga mag-aaral na

magkaroon ng kasiyahan sa bawat antas ng pagkatuto.

Balangkas Teoretikal

Naririto ang ilang mga teorya na maaaring may kaugnayan sa

isasagawang pag-aaral.

Ayon kay Howard Gardner mula sa aklat ni Badayos (2012) ang teoryang

“multiple intelligences” ay ang pagkkaroon ng iba’t ibang uri ng katalinuhan,

kakayahn at estilo ng pagkatuto ang bawatbata o mag-aaral na maaaring

magamit o madebelop pa sa pamamagitan ng mga estratehiya sa pagtuturo.

Ang teoryang multiple intelligences ni Howard Gardner ay gagamitin dahil

ito ay may malaking kaugnayan sa istratehiyang gagamitin upang maituro ang

Asignaturang Filipino at lingid sa inyong kaalaman na sa teoryang ito naglalaman

ng mga iba’t ibang disiplina na mayroon ang isang tao sa pamamagitan ng

teoryang ito malilinang ang tinatawag natin “Visual/Spatial” na may kaugnayan

sa pagpapanood ng video presentation na ibig sabihin mas naiintindihan ng mga

mag-aaral ang isang paksang-aralin kung ito ay nakikita o napapanood

samantalang tintawag nating Bodily/Kinesthetic na may kinalaman naman sa

kolaboratibong istratehiya na ibig sabihin mas naiintindihan ng mga mag-aaral

ang isang paksang-aralin kung ito ay naisasagawa at ang malayang talakayan

na may malaking kinalaman sa disiplinang “interpersonal” na kung saan ang pag-


uulat na bahagi ng malayang talakayan ay isang proseso ng pakikipag-usap sa

kapwa mag-aaral.

Ang isa pang teorya na maaaring maiuugnay sa pag-aaral na gagawin ay

ang teorya ni Piaget na “Constructivist Learnin”g ito ang may malawak na epekto

sa estratehiy sa pagtuturo. Dahil dito nakapaloob ang responsibilidad at mga

istratehiyang gagamitin para mapalawak ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang

ibig sabihin ng “constructivist” ay pagkakaroon ng pagbubuo ng mga ideya sa

tulong ng mga istratehiyang gagamitin.

Ayon sa aklat nina Corpuz at.al. (2000) “Social Learning Theory” (Albert

Bandura) posts that “learning is a cognitive process that can be intercorrelated

with the social context through direct instruction.”

Sa pagkakaunawa ng mananaliksik ang pagkakaroon ng kakayahang

intelektwal ay maaaring maugnay o matamo sa pamamagitan ng pakikipag

kapwa tao o pakikisalamuha sa ibang guro. Dito nakapaloob ang iba’t ibang

istratehiya sa pagtuturo kabilang na ang malayang talakayan, brainstorming, at

kolaboratibo kung saan nagkakaroon ng interaksyon ang bawat mag-aaral sa

kapwa nila mag-aaral.

May kaugnayan din ang pag-aaral na ito sa “Modern Sociological Theory”

ni Emile Durkhein, mula sa pag-aaral ni Baladad (2002), na sa kasalukuyang

panahon ay hindi makakailang napakalaking impluwensya ang teknolohiya sa

mga tao kaya ito ay kabilang sa kulturang popular sa mahabang panahon kung

saan katu-katulong ng mga tao sa halos lahat ng gawain gamit ang modernong

kagamitan. Idinagdag pa niya na ang pagdating ng mga makabagong


teknolohiya ay may kaakibat na pag-iiba ng batayan sa pagtingin ng tao sa

kanyang kapwa. Sa panahon ngayon status symbol na ang pagkakaroon ng

cellphone, wika nga ay hindi ka in kung wala nito.

Ayon sa aking sarilig pagpapakahulugan, ang teoryang ito ay nagsasabi

ng kaugnayan ng tao sa lipunang ginagalawan. Kaya sinasabing pagbabago ay

may malaking bahagi sa buhay ng tao. Sabi nga walang permanente kundi ang

pagbabago. Bahagi na ng buhay ng tao ang sumabay sa mga nauuso upang

makasabay sa isanasabing pagbabago na dulot ng modernong panahon. Ang

pag-unlad ng teknolohiya na bahagi ng kulturang popular ay kasabay rin ng pag-

unlad ng kaalaman ng tao.

Batay sa mga binanggit na teorya mula sa mga awtoridad, nabuo ng

mananaliksik ang pansariling teorya na ang gurong may sapat na kahandaan sa

pagtuturo ay kailangan sa pagtamo ng minimithing kapaki-pakinabang na literasi

para sa lahat. Kailangan ang gurong may sapat na kahandaan sa pagtuturo

upang mahikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan sa iba nang sa gayon

ay malinang ang kanilang kakahayang komunikatibo. Hindi malayong maging

ganap ang pagkatuto ng mag-aaral kung sila ay hinahayaang tuklasin ang

kanilang sarili sa pamamagitan ng kanilang pagganap o performance.

Balangkas na Konseptwal

Bubuoin ng mananaliksik ang balangkas na konseptwal batay sa mga

nabuong salik kaugnay ng pagsusuri sa kulturang popular gamit ang iba’t ibang

istratehiya sa pagtuturo at ang kaugnayan nito sa kakayahan sa pagsulat ng

sanaysay ng mga mag-aaral sa Unang Antas ng Kolehiyo


Ang balangkas konseptwal ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng malayang

baryabol at di-malayang baryabol.

Ang malayang baryabol ay binubuo ng mga personal na salik ng mga

mag-aaral tulad ng edad at kasarian. Isinaalang-alang din bilang baryabol ang uri

ng kulturang popular na bahagi ng teknolohiya kabilang dito ay google, youtube

at facebook.Sa tinukoy din ang mga baryabol na kabilang sa istratehiya sa

pagtuturo tulad ng malayang talakayan, kolaboratibo, brainstorming at video

presentation.

Ang di-malayang baryabol ay ang nakatuon sa pagkatuto ng mga mag-

aaral bahagi nito ang written at performance.

Ang linyang nagdurugtong sa mga kahon ay simbolismo ng ugnayan ng mga

baryabol.
Paradima ng Pag-aaral

MALAYANG BARYABOL DI - MALAYANG BARYABOL

I. Profayl
Profayl ng
ng mga Tagasagot
Tagasagot
1.1 Edad
 Edad
1.2 kasarian
Kasarian
 Interes
Pagbasa
II. Kulturang Popular Kakayahan sa Pagsulat
Pagsulat ng Sanaysay
2.1 Google
 Nilalaman
2.2 Youtube ng mga Mag-aaral
Pananaw  Organisado
sa Paggamit na Lunsarang  Wastong Gamit ng
2.3 Facebook
Teksto na : Salita
 Wastong Gamit ng
III.Istratehiya sa Pagtuturo
Impormatibo Bantas
3.1 Malayang
Deskiptibo
Talakayan
 Naratibo
3.2 Kolaboratibo
Persweysiv

3.3 brainstorming

3.4 Video Presentation

Figyur 1. Ipinapakita ng figyur 1 ang malaya at di-malayang baryabol ng pag-


aaral.

Paglalahad ng Suliranin
Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang masuri ang paggamit ng

kulturag populat gamit ang iba’t ibang istratehiya sa pagtuturo at ang kaugnayan

nito sa kakayahan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-araal sa Unang Antas

ng Kolehiyo sa Laguna State Polytechnic University San Pablo City, Campus.

Binigyang diin na dapat mabigyan ng kasagutan ang mga sumusunod na

katanungan:

1. Ano ang profayl ng tagasagot ayon sa :

1.1 edad,

1.2 kasarian,

2. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral batay sa kulturang popular: 2.1

impormatibo,

2.2 google

2.3 youtube

2.4 facebook

3. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa paggamit ng iba’t ibang istratehiya ng

guro sa pagtuturo:

3.1 malayang talakayan

3.2 kolaboratibo

3.3 brainstorming

3.4 video presentation

4. Ano ang antas ng kakayahan sa pagsulat ng sanaysay ng mga mag-aara?

4.1 nilalaman

4.2 organisasyon
4.3 wastong gamit ng salita

4.4 wastong gamit ng bantas

5. May makabuluhang kaugnayan ba ang profayl ng tagasagot batay sa kanilang

kakayahan sa pagsulat ng sanaysay?

6. May makabuluhang kaugnayan ba ang pananaw ng mga mag-aaral sa

kulturang polular batay sa kanilang kakayahan sa pagsulat ng sanaysay?

7. May makabuluhang kaugnayan ba ang pananaw ng mga mag-aaral sa iba’t

ibang istratehiya sa pagtuturo batay sa kanilang kakayahan sa pagsulat ng

sanaysay?

Haypotesis

1. Walang makabuluhang kaugnayan ang profayl ng tagasagot batay sa kanilang

kakayahan sa pagsulat ng sanaysay.

2. Walang makabuluhang kaugnayan ang pananaw ng mga mag-aaral sa

kulturag popular batay sa kanilang kakayahan sa pagsulat ng sanaysay.

3. Walang makabuluhang kaugnayan ang pananaw ng mga mag-aaral sa

paggamit ng iba’t ibang istratehiya sa pagtuturo batay sa kanilang kakayahan sa

pagsulat ng sanaysay.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay naniniwala na ang pag-aaral na ito ay magiging

kapaki-pakinabang sa iba’t ibang sektor ng lipunan partikular na ang mga

sumusunod:
Sa mga Mag-aaral. Makatutulong ang pag-aaral na ito upang matiyak na ang

kanilang makakamit na kaalaman at malilinang na kakayahan lalo na sa

pagpapalago ng kanilang kaalaman.

Sa mga Guro. Makatutulong ang pag-aaral na ito upang magkaroon sila ng higit

na pag-unawa at kasigasigang ang mga kompetensiyang itinakda upang matiyak

na maabot ng proseso ng pagkatuto at pagtuturo ang de-kalidad na edukasyon.

Sa Tagapamahala ng Paaralan. Makatutulong ang pag-aaral na ito na

makapagbigay ng dagdag pang kaalaman sa higit na pangangailangan ng mga

mag-aaral at guro upang mapaunlad pa ang mga gawaing instruksyunal

gayundin ang pagpapaunlad sa kakayahan ng mga guro at mag-aaral.

Sa mga Mananaliksik. Makatutulong ang pag-aaral na ito upang bigyang-daan

ang iba pang pag-aaral kaugnay ng kasalukuyang pananaliksik gamit ang iba

pang baryabol.

Sa Kagawaran ng Edukasyon. Makatutulong ang pag-aaral na ito na mabigyan

ng pansin ang iba pang suliraning kinakailangang dagdag na suporta ng mga

paaralan, mga tagapamahala nito, mga guro at mag-aaral mula sa pamahalaan.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa pagsisiyasat sa paggamit

ng kulturang popular sa pagtuturo gamit ang iba’t ibang istratehiya at kakayahan

sa pagsulat ng mga mag-aaral sa unang antas sa kolehiyo. Kabilang sa

kulturang popular na bahagi ng teknolohiyang software ay ang google, youtube

at facebook. Bahagi naman ng iba’t ibang istratehiya ay ang malayang talakayan,


kolaboratibo, brainstorming at video presentation. Saklaw rin nito ang

pagsasagawa ng mga mag-aaral ng pagsulat ng sanaysay at pagtataya sa

nilalaman, organisasyon, wastong gamit ng salita at wastong gamit ng bantas.

Ang magiging tagasagot sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral mula

sa Unang Antas ng kolehiyo sa Laguna State Polytechnic University na may

kursong Bachelor of Science in Information Technology. Ito ay binubuo ng anim

na pangkat ng mga mag-aaral na nagmula sa unang antas sa kolehiyo na may

kabuuang bilang na sandaan at limangpu (150) tagatugon.Napili ang anim na

pangkat sapagkat ang mga ito ay nasa ilalim ng pangangalaga ng mananaliksik

sa kasalukuyang taon.

Sa pamamagitan ng kabuuang bilang na ito, ang tagapagsaliksik ay

magsasagawa ng panukat na gawain gayundin ang pagkuha ng mga kasagutan

mula sa mga mag-aaral sa unang antas ng kolehiyo sa Laguna State Polytechnic

Univeristy.

Hinahangad ng pag-aaral na ito na matulungan ang bawat mag-aaral na

madebelop ang kanilang kasanayan sa pagsulat.

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit

Upang madaling maunawaan ang nilalaman ng pananaliksik na ito, lalo na

ang katawagang teknikal na gagamitin sa pag-aaral, ang mga ito ay binigyang-

kahulugan sa paraang konseptwal at operasyunal.

Edad. Tumutukoy ito sa bilang ng gulang ng isang mag-aaral na isang salik na

maaaring pagmulan ng pagkakaiba-iba ng bawat indibidwal.


Kasarian. Tumutukoy sa bayolohikal o pisikal na pagkakaiba ng mga babae at

lalaki.

Kulturang popular. Ito ay tumutukoy sa kalinangan at kultura na patok ng tao at

mga bagay na kinahihiligan ng tao sa kasalukuyan.

Facebook. Tumutukoy sa pinaka tanyag na uri ng social mediao social

networking website na ginagamit ng kararami lalo na sa pakikipagkomunikasyon.

Youtube. Tumutukoy sa kulturang popular na bahagi ng teknolohiya, isang uri ng

social media o social networking website kung saan kinapapalooban ng iba’t

ibang klase ng video na madalas pinapanood ng mga mag-aaral.

Google. Tumutukoy sa kulturang popular na bahagi ng teknolohiya, isang uri ng

social media o social networking website na kung saan ginagamit kadalasan ng

mga mag-aaral upang magsaliksik ng iba’t ibang impormasyon sa pag-aaral.

Istratehiya. Pamamaraan na ginagamit ng isang guro sa kanyang pagtuturo.

Pagtuturo. Isang gawain ng guro upang makapaghatid ng kaalaman

Malayang Talakayan. Isang istratehiya na ginagamit sa pagtuturo kung saan

ang mga mag-aaral ay may laying sumagot sa mga katanungang ibinibigay ng

guro.

Kolaboratibo. Isang istratehiyang ginagamit sa pagtuturo na kung saan ang

mag mag-aaral ay pinapangkat upang magtulungang makabuo ng konsepto sa

kanilang gawain.

Brainstorming. Isang istratehiyang ginagamit ng guro sa pagtuturo kung saan

hinahayan niya na magpalitan ng opinyon ang mga mag-aaral upang makabuo

ng panibagong kaalaman.
Video Presentation. Isang istratehiyang ginagamit sa pagtuturo, kung saan ang

guro ay nagpapanood ng iba’t ibang paksa na may kinalaman sa kanyanng

aralin.

Istilo ng Pagsulat. Tumutukoy sa kakayahan ng mag-aaral sa pagsulat gamit

ang tamang bantas, tamang pagbabaybay at gamit ng mga salita.

Istraktura. Tumutukoy sa kakayahan ng mag-aaral sa pagsulat gamit ang

tamang istraktura ng pangungusap at pagtatalata.

Pagsulat. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng saloobin, damdamin at

kaalaman.

Nilalaman. Tumutukoy sa kakayahan ng mag-aaral sa pagsulat na may

kinalaman ang nilalaman sa paksang tinalakay itinakda ng guro batay sa gamit

na lunsaran.

Organisasyon. Tumutukoy sa kakayahan ng mag-aaral sa pagsulat na may

pagkakasunud-sunod ang mga ideya ayon sa itinakda ng guro batay sa gamit na

lunsaran. .

Wastong Gamit ng Bantas. Ito ay tumutukoy sa paggamit nang wasto ng mga

bantas ayon sa gamit nito.

Wastong Gamit ng Salita. Ito ay tumutukoy sa wastong gamit ng salita batay sa

gamit nito.

You might also like