You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Laguna State Polytechnic University


San Pablo City Campus
San Pablo City
Province of Laguna

Advanced Statistics

Prepared by: Arramae Maestrocampo


MaEd-Filipino

Submitted to:Professor A.L Reginaldo


Research Title

KAHANDAAN NG MGA BAGONG GURO SA PAGTUTURO NG


ASIGNATURANG FILIPINO SA ILALIM NG PROGRAMANG KTO12.

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa KAHANDAAN NG MGA BAGONG

GURO SA PAGTUTURO NG ASIGNATURANG FILIPINO SA ILALIM NG

PROGRAMANG KTO12.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang malaman ang kahandaan ng

mga guro sa pagtuturo ng asignaturang Filipino sa ilalim ng programang K to

12. Sinikap tugunan ng mananaliksik ang mga sumusunod na katanungan:

Una, Ano ang profayl ng mga mag-aaral hinggil sa 1.1 edad; 1.2 kasarian; at

1.3 paaralan Ikalawa, Ano ang antas ng kahandaan ng guro ; Ikatlo, Ano ang

marka ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino?; May makabuluhang

kaugnayan ba ang profayl ng mga mag-aaral sa marka sa asignaturang

Filipino? May makabuluhang kaugnayan ba ang kahandaan ng guro sa

programang Kto12 sa marka sa asignaturang Filipino?

Ang mananaliksik ay gumamit ng instrumentong “Questionnaire” o

talatanungan upang malaman ang profayl ng tagasagot at marka ng mga ito

sa asignaturang Filipino. Ginamit din ito ng mananaliksik upang mabatid ang

kahandaan ng guro at kaugnayan sa marka sa asignaturang Filipino ng mga

mag-aaral.

Ang mga mag-aaral ng Senior High School sa Santisimo National High

School na may bilang na limampung (50) mag-aaral na kasalukuyang

kumukuha ng asignaturang Filipino. Ang nagsilbing tagasagot sa pag-aaral na

ito mula sa piniling tatlong seksyon at pinagsamasama upang mabuo ang


limampung (50) mag-aaral. Ganun din sa mataas na paaralan ng pinili at

pinagsamasama upang mabuo ang limampung (50) mag-aaral San Jose

National High School at ang huli ang LSPU-SPCC ang ikatlong ginamit ng

mananaliksik na tagasagot sa kaniyang pag-aaral. Ang mga piniling mag-

aaral ay kasalukuyang tinuturuan ng asignaturang Filipino sa ilalim ng

programang K to 12. Mula rito ay pumili lamang ang mananaliksik ng

isandaan at limampung (150) na mag-aaral bilang tagasagot. Simple Random

Sampling ang ginamit ng mananaliksik sa pagpili ng tagasagot.

Upang malaman ang profayl ng mga tagasagot at kahandaan ng guro

sa pagtuturo ng asignaturang filipino sa ilalim ng programang K to 12.

Gumamit ang mananaliksik ng frequency count at percentage para sa

distribusyon ng profayl ng tagasagot at kanilang kasagutan sa bawat

katanungan sa ikalawang bahagi ng instrumento upang malaman kung may

mahalagang relasyon ang profayl at kasagutan ng mga tagasagot. Ang di-

malayang baryabol sa pag-aaral na ito ay tatayain sa pamamagitan din ng

frequency, mean at standard deviation upang malaman ang resulta ng bawat

sagot ng mga tagasagot.


Statement of the Problem:

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa kahandaan sa programang Kto12

ng mga bagong guro sa mga piling paaralan pangsekundarya at ang epekto

nito sa marka ng mag-aaral.

Ang pananaliksik na ito ay nilayong masagutan ng mga sumusunod na

katanungan.

1. Ano ang antas ng kahandaan ng guro batay:

1.1 Kakayahan ng Guro;

1.2 Katangian ng Guro;

1.3 Paraan ng Pagtuturo;

1.4 Kagamitang Pampagtuturo;

1.5 Kasanayan sa Paggamit ng Makabagong Teknolohiya; at

1.6 Kaalaman sa mga Nilalamanng mga Asignatura ?

2. Ano ang marka ng mga tagasagot sa Asignaturang Filipino?

3. May makabuluhang kaugnayan ba ang profayl ng mga tagasagot sa Marka

sa Asignaturang Filipino?

4. May makabuluhang kaugnayan ba ang kahandaan ng guro sa programang

K to 12 sa Marka sa Asignaturang Filipino ?

Mga Hinuha

1. Walang makabuluhang kaugnayan ang kahandaan ng guro sa programang

Kto12 sa Marka sa Asignaturang Filipino.


Dependent and Independent Variable:

Malayang Baryabol Di-Malayang Baryabol

I. Kahandaan ng Guro

 Kakayahan ng Guro

 Katangian ng Guro

 Paraan sa Pagtuturo
Marka sa Asignaturang Filipino
 Kagamitang Pampagtuturo
(Unang Markahan)
 Kasanayan sa Paggamit ng

Makabagong Teknolohiya

 Kaalaman sa mga Nilalaman

ng mga Asignatura

Figyur 1: Ipinapakita ng figyur 1 ang malaya at di malayang baryabol ng pag-

aaral.
Research Design:

Sa pananaliksik na ito, ang ginamit na disenyo ay ang Paglalarawang

Pamamaraan (Descriptive Method). Ginamit ng mananaliksik ang mga

katanungan na bibigyang kasagutan ng mga tagasagot sapagkat layunin

nitong mabatid ang kahandaan nga mga bagong guro sa pagtuturo ng

asignaturang Filipino sa ilalim ng programang Kto12.

Statistical Treatment:

Ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay dumaan sa Paglalarawang

Pamamaraan (Descriptive Method). Upang malaman ang kaugnayan sa

pagitan ng malaya at di-malayang baryabol , ginamit ng mananaliksik ang

frequency, mean at standard deviation para sa distribusyon ng profayl ng

tagasagot sa bawat katanungan sa bahagi ng instrumento. Gumamit ang

mananaliksik ng pormulang Pearson Product Moment Correlation o Pearson

–r upang malaman kung may mahalagang relasyon o kaugnayan ang profayl

ng tagasagot at ang kahandaan ng mga bagong guro sa pagtuturo ng

asignaturang Filipino sa ilalim ng programang K to 12.

You might also like