You are on page 1of 5

ANG SULIRANIN

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang

kahalagahan ng work immersion sa mga mag-aaral sa Baitang 12 sa mga napiling

paaralan sa Siyudad ng Tagbilaran, taong panuroan 2017-2018.

Nilalayon din ng pag-aaral na ito na masagutan ang mga sumusunod na mga

katanungan:

1. Ano ang pananaw tungkol sa work immersion ng mga:

1.1 Mag-aaral sa baiting 12

1.2 Guro?

2. Ano ang kaugnayan ng pananaw ng mga mag-aaral at guro sa

kahalagahan ng ang work immersion sa paghahanap ng trabaho?

3. May makukuha bang mga benepisyo batay sa magiging resulta sa

kahalagahan ng work immersion?

4. Ano-ano ang mga mungkahing gawain na maaaring ipatupad batay

sa resulta ng pag-aaral

Hipotesis / Ipotesis

Walang kahalagahan ang karanasan sa work immersion sa mga buhay ng

mag-aaral sa baitang 12.


Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginawa ng mga mananaliksik upang matuklasan

ang kahalagahan ng work immersion sa buhay ng mga mag-aaral ng baitang 12.

Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang pag-aaral na ito ay makabuluhan sa

mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral. Mas mahuhubog ang kanilang kaalaman at hindi lang

malilimita sa apat na sulok ng kanilang silid-aralan kundi maaari ring magamit nila

sa riyalidad ng buhay. At makatutulong rin ito upang makapagdesisyon sila kung ano

talaga ang ninanais nilang kurso sa kolehiyo.

Sa mga Magulang. Magkakaroon ng kaalaman sa kahalagahan ng work

immersion sa pag-aaral ng kanilang mga anak at sa mga benepisyo na maaring dala

nito. Magpapatunay ito na hindi lamang pag-aaksaya ng panahon at pera ang work

immersion sa pag-aaral.

Sa mga Guro. Mas gagalingan nila ang pagtuturo upang maging handa ang

mga mag-aaral na maranasan ang work immersion.

Sa Administrasyon. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa

administrasyon na makita ang kahalagahan ng work immersion sa buhay ng mga

mag-aaral. At mas pagbibigyan atensyon ang paghahanap ng mas mabuting lugar

na pagtatrabahuan na naayon rin sa gusto ng mag-aaral.

Sa mga mananaliksik sa hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay lubos na

makatutulong sa mga sumusunod na mananaliksik. At mag sisilbing gabay para sa

kanilang gawain.
METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Disenyo

Ang pananaliksik na ito ay gagamit ng pamaraang deskriptiv sarbey sa mga

napiling institusyon sa Siyudad ng Tagbilaran katulad ng Bohol Institute of

Technology International College, University of Bohol, Holy Spirit School of

Tagbilaran, Dr. Cecelio Putong National High School. Ito ay nagtatangakang

magpakita ng mga kahalagahan ng work immersion at magbigay nga mga

rekomendasyon para sa pagpapabuti ng work immersion sa mga nasabing paaralan.

Lugar

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa mga napiling paaralan sa siyudad ng

Tagbilaran katulad ng Bohol Institute of Technology International College na

matatagpuan sa Palma Street, Tagbilaran City, Dr. Cecelio Putong National High

School sa kahabaan ng Carlos P. Garcia North Avenue, Holy Spirit School of

Tagbilaran sa Dao District, Tagbilaran City at University of Bohol sa Maria Clara St.,

Tagbilaran City. Ang mga paaralan na ito ay nag-aalok ng K-12 program na

sumasailalim sa work immersion. Pinili ng mga mananaliksik ang mga institusyong

ito bilang lugar ng nasabing pag-aaral dahil ito ang pinaka-angkop sa pag-aaral na

ito at makakatulong sa pagbigay ng mag rekomendasyong maaring gamitin bilang

batayan para mas mapabuti ang pagpapatupad ng work immersion.

Respondente

Napagkasunduan ng mga mananaliksik na gamitin ang Stratified Random

Sampling. Ito ay isang uri ng teknik sa pagkuha ng mga sampol sa pamamagitan ng


paghahanda ng mga grupo na siyang magrerepresenta sa mga respondente.

Saklaw ng pag-aaral na ito ang tatlumpu (30) sa BSEd Filipino unang taon, tatlumpu

(30) sa BSEd Filipino ikaapat na taon, tatlumpu (30) sa BSEd T.L.E ikalawang taon

at apat na mga guro ng asignaturang Filipino sa College of Teacher Education sa

Bohol Island State University, Main Campus. Pinili ng mga mananaliksik ang mga

mag-aaral ng BSEd Filipino dahil mayroon na ang mga ito ng sapat na kaalaman sa

wikang Filipino samantalang pinili naman ang BSEd TLE sapagkat ang mga ito ang

nagkaroon ng pag-uulat sa nasabing obserbasyon.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga datos ay paggamit ng mga

talatanungan na ginawa ng mga mananaliksik. Ito ay isang talatanungan na

naglalaman ng mga tanong na makapagbibigay ng opinyon ng mga respondante

tungkol sa kahalagahan ng work immersion. Ang mga respondante ay kinuhanan ng

permiso ng mga mananaliksik at kanila namang ibinigay ang kanilang buong

kooperasyon sa bawat talatanungan na ibinigay. Sa pamamagitan ng tseklist

pormat, nalaman ng mga mananaliksik ang mga opinyon ng mga respondante.

Ang talatanungan na ito ay naglalaman ng dalawang kategorya. Ang unang

kategorya ay may dalawampu’t limang (25) mga katanungan na kailangang sagutan

ng mga guro at mag-aaral. Ang mga sumusunod na mga katanungan ay nauugnay

sa paksang pinag-aaralan upang malaman ang mga pananaw ng mga guro at mag-

aaral sa wikang Filipino. Sa ikalawang kategorya ay binubuo ng limang aspeto ng

pag-uulat na kung saan ang mga mananaliksik ay magkakaroon ng obserbasyon sa


tagapag-ulat kung nakamit ba niya ang iba’t ibang aspeto sa pag-uulat. Sa

pangkalahatan, matutukoy ng mga mananaliksik kung may kaugnayan ba ang

pananaw ng mga mag-aaral at ang kanilang antas ng performans sa pag-uulat sa

iba’t-ibang aspeto.

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

mungkahing gawain – mga rekomendasyon na maibibigay ng mga mananaliksik

sa mga mambabasa

talatanungan- instrument na maaring gamitin para makakalap ng mga datos na

naglalaman ng mga tanong na tungkol sa pag-aaral na ginagawa

22

You might also like