Professional Documents
Culture Documents
INTRODUKSIYON
Tinatalakay sa bahaging ito ang mga mahahalagang pag-aaral na magiging
saligan ng pananaliksik na ito. Inilalahad dito ang iba't ibang literatura, kahalagahan ng
pag-aaral, batayang teoritikal, paradim ng pag-aaral, pagpapahayag sa suliranin at
pagbibigay-kahulugan sa mga katawagan na mahalaga para sa ikabubuo ng
pananliksik na ito.
A. SALIGAN NG PAG-AARAL
Isang malaking hamon ang pag-alam kung ang mga mag-aaral ng isang
paaralan na nakapagtapos ay ganap nang may pakinabang sa lipunan at sa larangang
kinabibilangan nila. Hindi maipakikita ang totoong husay ng isang paaralan o ng isang
guro kapag hindi naitala kung nasaan na ang mga nahulma nilang mag-aaral sa
kasalukuyan. Dahil nga ang labor market sa Pilipinas at sa abroad ay bahagyang
humigpit ang kompetisyon, sa pagbabalak sa paaralang nais puntahan ng isa
mag-aaral ay mas pinipili nila ang mayroong magandang employabiliti profayl (Albina &
Sumagaysay, 2020). Ang pangunahing layunin ng isang graduate tracer study at
paglalahad sa employabiliti profayl ay makapag ebalweyt ng isang midyum sa mas
mahabang epekto nito sa mga programa ng edukasyon ayon kay Kalawa (2019). Sa
pagsisiyasat sa paggamit nito, napagtanto na sa Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon
na nagtapos ay pinaniniwalaan na ang pagtuturo ay isang propesyon na kung saan
kayang masustentuhan ang pang-araw-araw na pangangailangan
at sa kabilang banda ay nangangailangan ng kagalingan sa pagkuha ng kursong
ito. (Aquino et al, 2016) Sa lumabas nga na resulta ng Licensure Examination for
Teachers (LET) habang pinagaaralan ang kahalagahan ng graduate tracer study ay
lumabas na mas mabilis makakuha ng trabaho ang mga gurong nakapasa at mas
nagtatagal sila sa propesyong ito. Nasabi nga ni Ginez (2014) na mas mapapayabong
ang kalakasan ng isang kurikulum kung sapat, may kahusayan, at may pagsasanay sa
mga kakayahan (competency) na kinakailangan ng isang guro sa pagpasa ng LET.
Dahil dito, malaki ang ambag ng paaralan o institusyon sa paghubog ng mga mag-aaral
na kapaki-pakinabang sa lipunan at larangang nais nilang maging bahagi.
Ayon naman kay Cañizares (2015) sa pagsasagawa niya ng graduate tracer study,
kailangang ang kurikulum ay naaangkop at natutugunan ang mga pagbabagong dulot
ng makabagong panahon nang makasabay ang mga nakapagtapos sa kani-kanilang
trabaho. Ang pinakalayunin ng mga unibersidad at institusyun ay mahasa ang mga
mag-aaral nila sa tamang paggamit ng kanilang kaalaman, kasanayan at mga
kaugaliang naaangkop sa kanilang trabaho pagkatapos makapagtapos upang
makasabay ang mga ito bilang isang mahusay na empliyado. (Abas, et al, 2016).
Mahihinuha rin na sa mga isinasagawang graduate tracer na pag-aaral ay
inirerekomenda ang patuloy na pagsasagawa nito upang maging gabay ng paaralan sa
pagbuo ng mas epektibong kurikulum na aangkop sa kasalukuyang sitwasyon.
Sinang-ayunan ito ni Cuadra (2019) na sinabing ang graduate tracer study ay isa ring
magandang kasangkapan sa pag-alam at pagtasa sa mga kakayahan at kasanayan sa
trabaho ng mga nagtapos na. Dagdag pa niya, ito ay isang paksa na naaayon sa
pagtataya ng resulta ng isang edukasyon at kakayahan nito sa pagbibigay ng mga
karapat-dapat na kasanayan sa mga mag-aaral. Ayon nga kay Deblois (2016),
kailangan ng regular ang pagsasagawa ng ebalwasyon sa mga layunin, asisment at iba
pa ng iba't ibang mga departamento nang masiguro na ang mga magsisipagtapos at
nagsipagtapos na ay may maayos at maganda ngang madaratnan at mararating. Ang
kahalagahan ng pag-aaral na ito lalo na sa mga partikular na awdyens o kalahok na
mga Batsilyer ng Sekondarya na nagpakadalubhasa sa asignaturang Filipino sa
panunurang 2016-2019 ay makapagbibigay ng mas mabuting tugon sa mga desisyong
isinagawa nila tulad ng sa trabaho, pamumuhay, at bilang guro ng hinaharap. Kaya
layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang employabiliti profayl ng mga estudyanteng
nagtapos at nagpakadalubhasa ng asignaturang Filipino sa taong 2016-2019. Layon
ding malaman ng pananaliksik na ito na kalapin ang mga kakayahang pagtuturo at
demograpikong profayl ng mga nagtapos ng Batsilyer ng Sekondarya, major sa Filipino
upang matanggap sa kanilang mga trabaho.
B. BATAYANG KONSEPTUWAL
D. PAGBIBIGAY-KAHULUGAN SA KATAWAGAN
Akademikong Performans- tumutukoy sa mga natamong kakayahan ng mga
nagsipagtapos.
Demograpikong Profayl- tumutukoy sa mga partikular na impormasyon ng mga
respondente tulad ng edad, kasarian, edukasyon, propesyon, trabaho at iba pa.
Employment na Profayl- inilalarawan nito ang karanasan, kasanayan at personalidad
na kakailanganin upang magawa ang isang trabaho.
Graduate Tracer Study- tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa mga nagsipagtapos
sa isang paaralan gamit ang isang istandardisadong talatanungan.
Propesyonal na Profayl- inilalarawan ang kasanayan at kadalubhasaan ng isang
empleyado sa larangang kinabibilangan niya.
KABANATA 2
METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang gagamitin sa pag-aaral at
paglalarawan sa mga hakbang na isasakatuparan sa pagsusuri at pagpapaliwanag sa
employability profayl ng mga nagpakadalubhasa sa asignaturang Filipino ng taong
2016-2019. Matatagpuan dito ang disenyo ng pananaliksik, popolasyon at lokasyon ng
pag-aaral , instrumento sa paglikom ng datos, paraan ng paglikom at pagtrato sa mga
nakuhang datos.
A. DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang maisasagawang pananaliksik ay gagamit ng “Descriptive Survey Method”.
Ginagamit ang descriptive survey method sa mga pananaliksik na naglalayong matamo
ang mga impormasyon patungkol sa mga kasalukuyang pangyayari at mailarawan ang
mga nagaganap sa mga baryabol na natukoy gamit ang isang survey. (Cruz, 2007) Sa
pananaliksik na ito, gagamitin ang survey sa pamamagitan ng talatanungan upang
matukoy ang employability profayl ng mga gurong nagsipagtapos, matukoy ang mga
aspektong nakatutulong sa kakayahan nila sa pagtuturo at maipaliwanag ang epekto ng
kanilang demograpiko o personal na profayl.
D. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Ang mananaliksik ay gagamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang
pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral.
Hinango ng pananaliksik na ito ang talatanungan mula sa Commission on Higher
Education (CHED) sa kanilang Graduate Tracer Study na sadyang binago upang
masagot ang mga ispisipikong tanong.
Kung saan:
%= porsyento
f= bilang ng respondente
n= kabuuang bilang ng respondente