You are on page 1of 16

EMPLOYABILITI PROFAYL NG MGA GURONG

NAGPAKADALUBHASA SA FILIPINO NG DON MARIANO MARCOS


MEMORIAL STATE UNIVERSITY-SLUC SA TAONG 2016-2020

LIGOT, JULIUS B.
BUCCAT, AL IAN DUSTIN M.
CANERO, ZEDRIC
DAPROZA, ALYSSA JOY
GUITIERREZ, APRIL MAE
NARAJA, GLADYS MAE

INIHARAP SA FAKULTI NG DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE


UNIVERSITY-SOUTH LA UNION CAMPUS BILANG BAHAGI NG KATUPARAN SA
PANGANGAILANGAN SA PAGKAMIT
NG TITULONG

Bachelor of Secondary Education


(Filipino)

DISYEMBRE
2021
Republic of the Philippines
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
Agoo, La Union

KOLEHIYO NG EDUKASYON

Ang tesis na ito na pinamagatang EMPLOYABILITI PROFAYL NG MGA GURONG

NAGPAKADALUBHASA SA FILIPINO NG DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE

UNIVERSITY SA TAONG 2016-2019 na inihanda at iniharap nina LIGOT, JULIUS B.,

BUCCAT, AL IAN DUSTIN M., NARAJA, GLADYS MAE, DAPROZA, ALYSSA JOY, at

GUITIERREZ, APRIL MAE bilang pagtupad sa pangangailangan sa pagkamit ng titulong

BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION (Filipino) ay aming tinatanggap.

ERWINA Y. TADIFA MYRNA O. ACAS


   Panel                 Panel
Petsa: Petsa:

LEE K. UYAGON
Tagapayo
    Petsa:

Tinatanggap bilang bahagi ng katuparan sa pagkamit ng titulong BACHELOR OF

SECONDARY EDUCATION (Filipino).

RYAN L. CERVEZA, PhD     NONA M. RIVERA, PhD


Program Chair, BSED    Dekana, Kolehiyo ng Edukasyon
Petsa    Petsa  
PAGPAPATUNA
Y

Pinapatunayan nitong lahat ng sangguniang ginamit sa pag-aaral ay kinilala at

tinukoy.

Pinapatunayang ring ang pag-aaral ay orihinal na gawa at hindi kailanman ipinasa

sa ibang digri.

JULIUS B. LIGOT

AL IAN DUSTIN M. BUCCAT

ALYSSA JOY DAPROZA

APRIL MAE GUTIERREZ

GLADYS MAE NARAJA

TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
Dahon ng Pamagat ………………………………………………… i

Dahon ng Pagpapatibay …………………………………………… ii

Pagpapatunay ………………………………………………………. iii

Talaan ng Nilalaman ……………………………………………….. iv

Talaan ng Figyur ……………………………………………………. v

INTRODUKSYON ………………………………………………….. 1

Saligan ng Pag-aaral ………………………………………. 1

Batayang Konseptwal…………………………………………

Paglalahad ng Suliranin………………………………………..

Paglalahad ng Terminolohiya……………………………… —

METODOLOHIYA…………………………………………………... 3

Disenyo ng Pananaliksik…………………………………… 3

Populasyon at Lokasyon ng Pag-aaral…………………… 3

Mga Instrumento sa Paglikom ng Datos…………………. —

Paraan ng Paglikom ng Datos………….…………………. —

Pagtrato sa mga Datos…………………………………….. —

TALASANGGUNIAN……………………………..…………………. 6

APENDIKS………………………………………………………….. 7

A Liham para sa mga Respondente…………… 7


B Liham sa Paghingi ng Pahintulot para sa Dekana 8

C Liham sa Paghingi ng Pahintulot para sa SAS


9
Facilitator

D Gabay na Talatanungan ………………………….. —

TALAAN NG FIGYUR

Figyur Blg. Pahina

1 USEM Model …………………………………………………………………

2 Paradim ng pag-aaral ………………………………....………………………

KABANATA 1
INTRODUKSIYON

A. SALIGAN NG PAG-AARAL
Isang malaking hamon ang pag-alam kung ang mga mag-aaral ng isang paaralan na
nakapagtapos ay ganap nang may pakinabang sa lipunan at sa larangang kinabibilangan
nila. Hindi maipakikita ang totoong husay ng isang paaralan o ng isang guro kapag hindi
naitala kung nasaan na ang mga nahulma nilang mag-aaral sa kasalukuyan. Dahil nga ang
labor market sa Pilipinas at sa abroad ay bahagyang humigpit ang kompetisyon, sa
pagbabalak sa paaralang nais puntahan ng isa mag-aaral ay mas pinipili nila ang mayroong
magandang employabiliti profayl (Albina & Sumagaysay, 2020). Ang pangunahing layunin ng
isang graduate tracer study at paglalahad sa employabiliti profayl ay makapag ebalweyt ng
isang midyum sa mas mahabang epekto nito sa mga programa ng edukasyon ayon kay
Kalawa (2019). Sa pagsisiyasat sa paggamit nito, napagtanto na sa Batsilyer ng
Sekondaryang Edukasyon na nagtapos ay pinaniniwalaan na ang pagtuturo ay isang
propesyon na kung saan kayang masustentuhan ang pang-araw-araw na pangangailangan
at sa kabilang banda ay nangangailangan ng kagalingan sa pagkuha ng kursong ito.
(Aquino et al, 2016) Sa lumabas nga na resulta ng Licensure Examination for Teachers
(LET) habang pinagaaralan ang kahalagahan ng graduate tracer study ay lumabas na mas
mabilis makakuha ng trabaho ang mga gurong nakapasa at mas nagtatagal sila sa
propesyong ito. Nasabi nga ni Ginez (2014) na mas mapapayabong ang kalakasan ng isang
kurikulum kung sapat, may kahusayan, at may pagsasanay sa mga kakayahan (competency)
na kinakailangan ng isang guro sa pagpasa ng LET. Dahil dito, malaki ang ambag ng
paaralan o institusyon sa paghubog ng mga mag-aaral na kapaki-pakinabang sa lipunan at
larangang nais nilang maging bahagi.
Ayon naman kay Cañizares (2015) sa pagsasagawa niya ng graduate tracer study,
kailangang ang kurikulum ay naaangkop at natutugunan ang mga pagbabagong dulot ng
makabagong panahon nang makasabay ang mga nakapagtapos sa kani-kanilang trabaho.
Ang pinakalayunin ng mga unibersidad at institusyun ay mahasa ang mga mag-aaral nila sa
tamang paggamit ng kanilang kaalaman, kasanayan at mga kaugaliang naaangkop sa
kanilang trabaho pagkatapos makapagtapos upang makasabay ang mga ito bilang isang
mahusay na empliyado. (Abas, et al, 2016).
Mahihinuha rin na sa mga isinasagawang graduate tracer na pag-aaral ay
inirerekomenda ang patuloy na pagsasagawa nito upang maging gabay ng paaralan sa
pagbuo ng mas epektibong kurikulum na aangkop sa kasalukuyang sitwasyon. Sinang-
ayunan ito ni Cuadra (2019) na sinabing ang graduate tracer study ay isa ring magandang
kasangkapan sa pag-alam at pagtasa sa mga kakayahan at kasanayan sa trabaho ng mga
nagtapos na. Dagdag pa niya, ito ay isang paksa na naaayon sa pagtataya ng resulta ng
isang edukasyon at kakayahan nito sa pagbibigay ng mga karapat-dapat na kasanayan sa
mga mag-aaral. Ayon nga kay Deblois (2016), kailangan ng regular ang pagsasagawa ng
ebalwasyon sa mga layunin, asisment at iba pa ng iba't ibang mga departamento nang
masiguro na ang mga magsisipagtapos at nagsipagtapos na ay may maayos at maganda
ngang madaratnan at mararating. Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito lalo na sa mga
partikular na awdyens o kalahok na mga Batsilyer ng Sekondarya na nagpakadalubhasa sa
asignaturang Filipino sa panunurang 2016-2020 ay makapagbibigay ng mas mabuting tugon
sa mga desisyong isinagawa nila tulad ng sa trabaho, pamumuhay, at bilang guro ng
hinaharap. Kaya layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang employabiliti profayl ng mga
estudyanteng nagtapos at nagpakadalubhasa ng asignaturang Filipino sa taong 2016-2020.
Layon ding malaman ng pananaliksik na ito na kalapin ang mga kakayahang pagtuturo at
demograpikong profayl ng mga nagtapos ng Batsilyer ng Sekondarya, major sa Filipino
upang matanggap sa kanilang mga trabaho.

B. BATAYANG KONSEPTUWAL

B.1. BATAYANG TEORITIKAL


Sinabi nina Knight at Yorke (2004) sa kanilang pagpapaliwanag sa modelo ng
employabiliti na Understanding, Skills (Subject- specifics at generics), Efficacy (self- theories)
at Metacognition (kasama ang mga repleksiyon) o USEM model na ang pakahulugan nila sa
employabiliti ay ang pagiging "distinctive" at tumpak sa kung anong layunin ng bawat
Unibersidad. Ang modelong ito ay mas malawak pa kaysa sa tipikal na kasanayan lamang.
Ayon din sakanila, ang modelong ito ay naimpluwensiyahan ng konsepto ng "capability" ni
Stephenson (1998) na binigyang niya ng kahulugan bilang;
"capable people have confidence in their ability to (1) take effective and appropriate action,
(2) explain what they are seeking to achieve, (3) live and work effectively with others, and (4)
continue to learn from their experiences, both as individuals and in association with others. In
a diverse and changing society, capability is a necessary part of specialist expertise, not
separate from it. Capable people not only know about their specialisms, they also have the
confidence to apply their knowledge and skills within varied and changing situations and to
continue to develop their specialist knowledge and skills" (Hango mula kina Knight at Yorke,
2004)
Ayon pa rin sa prononent ng modelong ito na sina Knight at Yorke (2004), ang USEM model
ay ginawa base sa konsepto ng "capability" na may halong pag-aaral mula sa cognitive at
social psychology.

Ang kurikulum ay kadalasang nakatuon ang atensiyon sa pag-unawa (Understanding) sa


mga asignatura at mga paksa kasabay ng paglinang ng kasanayan (Skills) sa mga ito. Sa
kabilang banda naman, nagbibigay ang kurikulum ng kaunting pansin sa pagkilala sa mga
personal na katangian at katangiang sosyal (Efficacy at Metacognition) na kinakailanangang
maipakita ng mga nagsipagtapos tungkol sa pagtulong at pagiging matulungin sa mga
nangangailangan na siya namang tinitingnan at kinakailangan sa aktuwal na trabaho.
Figyur 1. Modelong USEM

B.2. PARADIM NG PAG-AARAL

Input Proseso Awtput

1. Pagbibigay ng mga
talatanungab sa mga
Pangkalahatang profayl respondente
ng mga Maipakikita ang
2. Pangongolekta sa
nagpakadalubhasa sa employabiliti profayl
mga datos na nakalap sa
Filipino ng DMMMSU- mg mga
mga respondente
SLUC ng taong 2016- nagpakadalubhasa sa
2019; 3. Pagtrato sa mga datos Filipino ng DMMMSU-
SLUC ng taong 2016-
a.) Personal na porfayl 4. Pag-aanalisa at 2020
pagpapaliwanag sa mga
b.) Propesyunal na
datos
profayl
c.) employment na
Figyur 2. Paradim ng Pag-aaral

Ang paradim ng pag-aaral na gagamitin sa pananaliksik na ito ay Input-Process-


Output (IPO). Ang input ay ang pangkahalatang profayl ng mga nagpapakadalubhasa sa
Filipino ng DMMMSU-SLUC ng taong 2016-2020, kasama ang personal, propesyunal at
employment na profayl. Sa proseso naman binabanggit ang kabuuang proseso sa
makakalap na datos. Una ay ang pagbibigay ng mga talatanungan sa mga respondente.
Pangalawa, pangongolekta sa mga datos na nakalap. Sunod ang pagtrato at ang panghuli
ay ang pagaanalisa at pagpapaliwanag sa mga datos na nakalap. Ang awtput ng mga datos
na ito ay ang employability profayl ng mga nagpapakadalubhasa sa Filipino ng DMMMSU-
SLUC ng taong 216-20120.

C. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong maipakita ang imployabiliti profayl ng mga
nagpapakadalubhasa sa Filipino ng DMMMSU-SLUC. Sasagutin nito ang tiyak na
sumusunod na mga tanong;

1. Ano ang profayl ng mga respondente?


a. Personal na Profayl
b. Propesyonal na Profayl
c. Employment na Profayl
2. Ano ang employability rate ng mga nagsipagtapos ng Kursong Batsilyer ng
Edukasyon medyor sa Filipino mula 2016-2020?
3. Ano ang employability skills ng mga nagsipagtapos ng Kursong Batsilyer ng
Edukasyon medyor sa Filipino ang nakatulong sa kanilang unang trabaho?
D. PAGBIBIGAY-KAHULUGAN SA KATAWAGAN
Akademikong Performans- tumutukoy sa mga natamong kakayahan ng mga
nagsipagtapos.
Demograpikong Profayl- tumutukoy sa mga partikular na impormasyon ng mga
respondente tulad ng edad, kasarian, edukasyon, propesyon, trabaho at iba pa.
Employment na Profayl- inilalarawan nito ang karanasan, kasanayan at personalidad na
kakailanganin upang magawa ang isang trabaho.
Graduate Tracer Study- tumutukoy sa pangongolekta ng datos sa mga nagsipagtapos sa
isang paaralan gamit ang isang istandardisadong talatanungan.
Propesyonal na Profayl- inilalarawan ang kasanayan at kadalubhasaan ng isang
empleyado sa larangang kinabibilangan niya.

KABANATA 2
METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK
Inilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang gagamitin sa pag-aaral at
paglalarawan sa mga hakbang na isasakatuparan sa pagsusuri at pagpapaliwanag sa
employability profayl ng mga nagpakadalubhasa sa asignaturang Filipino ng taong 2016-
2019. Matatagpuan dito ang disenyo ng pananaliksik, popolasyon at lokasyon ng pag-aaral ,
instrumento sa paglikom ng datos, paraan ng paglikom at pagtrato sa mga nakuhang datos.

A. DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang maisasagawang pananaliksik ay gagamit ng “Descriptive Survey Method”.
Ginagamit ang descriptive survey method sa mga pananaliksik na naglalayong matamo ang
mga impormasyon patungkol sa mga kasalukuyang pangyayari at mailarawan ang mga
nagaganap sa mga baryabol na natukoy gamit ang isang survey. (Cruz, 2007) Sa
pananaliksik na ito, gagamitin ang survey sa pamamagitan ng talatanungan upang matukoy
ang employability profayl ng mga gurong nagsipagtapos, matukoy ang mga aspektong
nakatutulong sa kakayahan nila sa pagtuturo at maipaliwanag ang epekto ng kanilang
demograpiko o personal na profayl.

B. POPULASYON AT LOKASYON NG PAG-AARAL


Ang mga respondente sa pananaliksik ito ay ang mga gurong kumuha ng kursong
Bachelor of Secondary Education Major In Filipino sa Kolehiyo ng Edukasyon ng DMMMSU-
SLUC ng taong 2016-2020 at ang lokasyon ng pag-aaral ay sa Don Mariano Marcos
Memorial State University, South La Union Campus.

Ang pamamaraan na gagamitin ng mga mananaliksik sa pagpili ng respondente ay


Purposive Sampling, partikular ang total population sampling upang makuha ang lahat ng
gurong nagpakadalubhasa sa Filipino ng DMMMSU. Ayon sa Laerd Dissertation, ang total
population sampling ay isang
klase ng purposive sampling na kinukuha ang kabuuan ng populasyon na may partikular na
katangian.

Ang listahan ng mga magiging respondente ng pag-aaral na ito ay kukunin sa Student


Affairs Services ng DMMMSU-SLUC ayon na rin sa kanilang pahintulot.

C. PAMAMARAAN NG PAGPILI NG RESPONDENTE


Ang pamamaraan na gagamitin ng mga mananaliksik sa pagpili ng respondent ay
Purposive Sampling, partikular ang total population sampling upang makuha ang lahat ng
nagpakadalubhasa sa Filipino ng DMMMSU. Ayon sa Laerd Dissertation, ang total
population sampling ay isang klase ng purposive sampling na kinukuha ang kabuuan ng
populasyon na may particular na katangian.
Ang pinipiling respondente sa pananaliksik ito ay ang mga mag-aaral na
nakagradweyt mula sa kursong Bachelor of Secondary Education Major In Filipino sa
Kolehiyo ng Edukasyon ng DMMMSU-SLUC ng taong 2016-2020.

D. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Ang mananaliksik ay gagamit ng talatanungan o survey questionnaire bilang
pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Hinango
ng pananaliksik na ito ang talatanungan mula sa Commission on Higher Education (CHED)
sa kanilang Graduate Tracer Study na sadyang binago upang masagot ang mga ispisipikong
tanong.
E. PARAAN NG PAGLIKOM NG DATOS
Paraan:
Ang mga paraan sa paglikom ng datos pagkatapos ma pahintulutan ay pagbibigay ng mga
aprubado na talatanungan na hango mula sa CHED sa mga respondente gamit ang tatlong
Google forms para sa tatlong magkkaibang taon (2016-2017, 2017-2018, 2018-2019, 2019-
2020). Ibibigay ang mga ito sa kani-kanilang Email o Messenger o ibigay sa kanila ng
personal.
Pagtrato:
Ang makakalap na datos ay gagamitan ng coding at normatibong panukat na
percentage.
f
% = n x 100

Kung saan:
%= porsyento
f= bilang ng respondente
n= kabuuang bilang ng respondente

TALASANGGUNIAN

Abas, M. C., et al (2016). Graduates’ Competence on Employability Skills and 4

Job Performance. International Journal of Evaluation and Research in


Education, 5 (2), 119–125. DOI: https://eric.ed.gov/?id=EJ1108534

Albina, A. C., et al (2020). Employability Tracer Study Information Technology


Education Graduates From A State University In The Philippines. Social Sciences
and Humanities Open, 2 (1), 1-6.
https://doi.org/10.1016/j.ssaho.2020.100055

Aquino, A., et.al (2014). Teacher education graduate tracer study from 2010 to 2014
in one state University in Batangas, Philippines. Asia Pacific Journal of
Multidisciplinary Research, 3 (5), 20.
DOI:http://www.apjmr.com/wp-content/uploads/2016/01/APJMR-2015-3.5.2.06
.pdf

Caingcoy, Manuel C., (2021). Scoping Review on Employability Skills of Teacher


Education Graduates in the Philippines: A Framework for Curriculum
Enhancement. International Journal of Education & Literacy Studies, 9 (4), 182-
188. DOI: http://dx.doi.org/10.7575/aiac.ijels.v.9n.4p.182
Cañiarez, M. J., (2015). Tracing University of San Carlos’ Science and Math
Education Graduates How Well Are We in Developing Teacher Professionals.
International Journal of Research Studies in Education, 4 (2).
http://dx.doi.org/10.5861/ijrse.2015.985

CHED Memorandum Order No. 19, S. 2012. (2012).


https://ched.gov.ph/wp-content/uploads/2017/10/CMO-No.19-s2012.pdf

Cuadra, L. J., et. al. (2019). The Use of Tracer Study In Improving
Undergraduate Programs In The University. Asia Pacific Higher Education
Research Journal , 6 (1), 13-25.
https://po.pnuresearchportal.org/ejournal/index.php/apherj/article/view/1315

Deblois, E. C. (2021). The Employment Profile of Graduates In A State University In


Bicol Region, Philippines. Journal of Education, Management and Development
Studies, 1 (1), 1-9. DOI: 10.52631/jemds.v1i1.10

Kalaw, M. T. (2019). Tracer Study of Bachelor of Science in Mathematics.


International Journal of Evaluation and Research in Education, 8 (3), 537-548.
DOI: 10.11591/ijere.v8i3.17343

Laerd Dissertation DOI:


https://dissertation.laerd.com/total-population-sampling.php

McCombes, S. (2020), DOI:


https://www.scribbr.com/methodology/descriptive-researc h
APENDIKS A

Don Mariano Marcos Memorial State University


South La Union campus
COLLEGE OF EDUCATION
AGOO, LA UNION
Ika- ng Disyembre, 2021

Mahal naming ka-Mariano,

Magandang Araw!

Kami ay mga mag-aaral sa Ikatlong Antas ng Kolehiyo ng Edukasyon ng Don Mariano Marcos Memorial
State University, South La Union Campus at kasalukuyang gumagawa ng pananaliksik para sa
asignaturang SEFL-114 Pananaliksik sa Edukasyon, Wika at Panitikan (Thesis I) na pinamagatang
“Employabiliti Profayl ng mga Gurong Nagpakadalubhasa sa Filipino ng Don Mariano Marcos Memorial
State University -South La Union Campus ng taong 2016-2019”.

Ang mga respondente ng nasabing pag-aaral na ito ay mga gurong nagpakadalubhasa sa asignaturang
Filipino ng DMMMSU-SLUC ng taong 2016-2019. Kung kaya’y humihingi kami ng pahintulot upang kayo’y
maging isa sa aming mga respondente. Asahan ninyong magiging kompidensiyal ang mga datos ng
pananaliksik na ito at maisasagawa ng maayos upang makatulong sa mas ikauunlad pa ng ating
Kolehiyo.

Umaasa kami sa positibo ninyong tugon. Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang,

Julius B. Ligot

Mananaliksik

Pinagtibay ni:

Lee K. Uyagon
Tagapayo

APENDIKS B
Don Mariano Marcos Memorial State University
South La Union campus
COLLEGE OF EDUCATION
AGOO, LA UNION
Ika- ng Disyembre, 2021
Consolacion, Agoo, La Union

DR. NONA M. RIVERA


Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon
Don Mariano Marcos Memorial State University

Kagalang galang na Dr. Rivera:

Isang mainit na pagbati,

Kami ay mga mag-aaral sa Kolehiyo ng Edukasyon ng Don Mariano Marcos Memorial State
University, South La Union Campus at kasalukuyang gumagawa ng pananaliksik para sa
asignaturang SEFL-114 Pananaliksik sa Edukasyon, Wika at Panitikan (Thesis I) na
pinamagatang, “Employabiliti Profayl ng mga Gurong Nagpakadalubhasa sa Asignaturang
Filipino ng Don Mariano Marcos Memorial State University – South La Union Campus ng taong
2016-2019”.

Kasama sa pangangailangan ng nasabing asignatura, ang papel pananaliksik na ito ay


humihingi ng inyong pahintulot upang makapamahagi ng survey-kwestyuner sa mga Gurong
nagpakadalubhasa sa asignaturang Filipino ng DMMMSU-SLUC sa mga taong 2016-2019.

Ang mga datos na aming makakalap sa sarbey ay mananatiling kompidensyal, magagamit at


makatutulong nang lubos sa ating mahal na paaralan. Asahan ninyong ang pananaliksik na ito
ay maisasagawa ng maayos upang makatulong sa mas ikauunlad ng ating Kolehiyo.

Umaasa po kami sa inyong positibong tugon. Maraming salamat at pagpalain po!

Lubos na gumagalang,

Julius B. Ligot

Mananaliksik

Pinagtibay ni:

Lee K. Uyagon

Tagapayo

Aprubado ni:
Nona M. Rivera
Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon
APENDIKS C

Don Mariano Marcos Memorial State University


South La Union campus
COLLEGE OF EDUCATION
AGOO, LA UNION
Ika- ng Disyembre, 2021
Consolacion, Agoo, La Union

BB. JULIET NIMUAN


SAS Facilitator
Don Mariano Marcos Memorial State University

Kagalang galang na Ma’am Nimuan,

Magandang Araw!

Kami po ay mga mag-aaral na kumukuha ng Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon, medyor


sa Filipino ng Kolehiyo ng Edukasyon at kasalukuyang gumagawa ng pananaliksik para sa
aming asignaturang, Pananaliksik sa Edukasyon, Wika at Panitikan, na may pamagat na
"Employabiliti Profayl ng mga Gurong Nagpakadakubhasa sa Filipino ng Don Mariano
Marcos Memorial State University sa Taong 2016-2019".

Ang pananaliksik na ito ay isang Graduate Tracer Study na nangangailangan ng bilang ng mga
nagsipagtapos ng Batsilyer ng Sekondarya ng Edukasyon-Filipino mula sa mga taong 2016-
2019. Kailangan din pong matukoy ang mga pangalan at kung saan sila maaaring kontakin
upang maisagawa ang aming pananaliksik ng maayos. Sumulat po kami sa inyo na SAS
Facilitator, upang hilingin ang inyong permiso at makuha mula sa inyo ang datos/listhan.
Asahan po ninyo na ang makakalap naming listahan mula sa inyo ay gagamitin namin para sa
pagsasagawa ng pananaliksik at wala ng iba pang motibo.

Umaasa po kami sa positibo ninyong tugon sa aming kahilingan. Maraming salamat po!

Lubos na gumagalang,

Julius B. Ligot

Mananaliksik

Pinagtibay ni:

Lee K. Uyagon

Tagapayo

Aprubado ni:
Bb. Juliet Nimuan
SAS Facilitator

You might also like