You are on page 1of 2

VIRGEN MILAGROSA UNIVERSITY FOUNDATION

Dr. Martin Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan


COLLEGE OF ENGINEERING
A.Y. 2022-2023

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

LUCIDO, HONEY LHIEN R. 08, PEBRERO 2023


BSCE - 4A GE 22 - KOMFIL

Sa pangkalahatan, bakit kapuwa mahalaga ang Filipino bilang


asignatura at Filipino bilang wikang panturo?

Hindi maitatatwang malayo na ang narating ng Filipino mula nang ito


ay itanghal sa ating 1987 Konstitusyon bilang wikang Pambansa at wika ng
komunikasyon at edukasyon sa Pilipinas. Sa katunayan ito ay ginagamit na
bilang lunan ng diskurso ng iba’t-ibang larangan gaya ng kasaysayan,
Pilosopiya, Sikolohiya, Etika, Antropolohiya, o maging sa Agham man o at
Matematika sa iba’t-ibang unibersidad sa Pilipinas.

Ang paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa paaralan ay


isang mabisang paraan sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa
pakikipagtalastasan sa wikang Pilipino. Ayon sa paniniwala ni Vivencio Jose,
wikang Filipino ang dapat na gamiting midyum sa pagtuturo sapagkat
masmadaling matututo ang mga mag-aaral kung ang wikang kanilang
nauunawaan ang gagamitin ng guro sa pagtuturo. Wikang Filipino ang Lingua
Franca ng ating bansa. Ginagamit na midyum sa pagtuturo sa paaralan
upang madaling maintindihan ng mga mag-aral ang mga itinuturo sa kanila ng
kanilang mga guro. Ipanakikita lamang nito na, ang pagkatuto ng mga mag-
aaral ay nakabase sa midyum na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo
sapagkat ang mga mag-aaral ay madaling matututo kung ang gagamiting
midyum sa pagtuturo ay ang wikang kanilang naiintindihan. Ayon pa kay De
Quiros (1996), ang wikang Filipino ay instrumento upang magkaunawaan ang
mga tao sa lipunan. Ngunit, dahil sa nangyayaring modernisasyon tila hindi na
pinapahalagahan ang wikang Filipino. Mas nais nang turuan ng mga
magulang ang mga anak ng wikang ingles habang sila ay musmos pa
lamang. Kung kaya’t marami na rin mga kabataan ang hindi nakakapagsalita
VIRGEN MILAGROSA UNIVERSITY FOUNDATION
Dr. Martin Posadas Avenue, San Carlos City, Pangasinan
COLLEGE OF ENGINEERING
A.Y. 2022-2023

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

o nakakaintindi ng wikang Filipino. Bukod pa rito, naging mainit ang usapan


sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo sa kautusan ng CHED. Sa
ganitong banda, tila lilitaw sa isip ng mga Pilipino kung tunay nga bang
mahalaga pa ang asignaturang Filipino sa pagkatuto ng mga estudyante?
Ang kahalagahan ng asignaturang Filipino sa pagkatuto ng mga estudyante
ay kailanma’y hindi maitatanggi. Ito ang pundasyon ng mga estudyante upang
malinang ang kaalaman. Ang asignaturang Filipino ay hindi lamang
nakapokus sa pagtalakay ng mga teorya, balarila o kaya’y mga panitikan
sapagkat ito rin ang nagiging daan ng mga estudyante sa pagpapalawak ng
kanilang intelekwalisasyon. Kung may kaalaman ang mga estudyante sa
wikang pambansa, maiintindihan nila ang tinatalakay ng kanilang mga guro at
magiging dahilan din ito upang sila’y magkaroon ng malinaw at masiglang
talakayan. Wika ang pangunahing dahilan kung bakit natututo ang mga
estudyante. Kung hindi nila naiintindihan ang wikang ginagamit sa talakayan,
ang pagkatuto ng mga estudyante ay walang saysay.

Sa kabuuan, napakahalaga ang asignaturang ito dahil ito ang huhubog


sa isip at talino ng mga estudyante sa pagkakaroon ng kaalaman sa paggamit
ng wika, kultura at panitikan na siyang nagbibigay pagkakakilanlan sa ating
bansa.

Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika na itinakda ng


Konstitusyon ng Pilipinas. Datapwat lamang itong mahalin, gamitin ng tama at
pagyamanin.

You might also like