You are on page 1of 5

LA CONSOLACION COLLEGE MANILA

A Tradition of Quality Catholic Augustinian Education


BASIC EDUCATION DEPARTMENT
SENOR HIGH SCHOOL

Paggamit ng Facebook Bilang Lunsaran ng Pagtuturo


ng Bisaya, Ilokano, at Chavacano tungo sa
Pagtataguyod ng Wikang Filipino

KONSEPTONG PAPEL NG PANANALIKSIK


(UNANG BAHAGI)

Ipinasa nina:
AGUILERA, FELICITY MAY D.
BERNARDO, LORRAINE CHELSEA
BINONDO, KATE J.
ESTACIO, PRINCESS ALEXIS M.
PANGILINAN, DEXTER A.

Ipinasa kay:
DE LEON, MA ROSARIO D.
Abril 2021
I. Introduksyon

A. Paglalahad ng Suliranin
Ilan sa mga katanungang nais mabigyang-kasagutan ng pag-aaral ay:
1. Ilang porsyento ng mga mag-aaral sa La Consolacion College Manila na nasa
ika-12 baitang ang may alam sa mga wikang Bisaya, Ilokano at Chavacano?

2. Ano ang mga magiging epekto kung ipagpapatuloy ng mag aaral ng La


consolacion College Manila ang lunsarang pagtuturo ng iba’t ibang wika
tungo sa pagpapahalaga ng wikang Pilipino?

3. Makatutulong ba ang plataporma ng Facebook upang mapayabong ng mga


estudyante ng La Consolacion College Manila ang mga wikang Bisaya, Ilokano
at Chavacano?

B. Layunin ng Pag-aaral
Ang Pananaliksik na ito ay naglalayong:
1. Malaman ang lawak at lalim nang kaalaman ng mga mag-aaral ng LCCM na
nasa ika-12 na baiting, sa ilalim ng STEM strand sa mga wikang katutubo tulad
ng Bisaya, Ilokano, at Chavacano.

2. Matukoy ang epekto at importansya ng pag-aaral ng local na lenggwahe sa ating


bansa

3. Malaman kung gaano kalawak ang impluwensya at matukoy ang epekto ng


facebook bilang midyum sa pagpapayabong ng wikang Filipino

C. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga
sumusunod:
1. Sa mga mag aaral – makakatulong ang pananaliksik na ito upang
mapalawak at madagdagan ang kanilang kaalaman sa sa mga wikang
katutubo tulad ng Bisaya, Ilokano, at Chavacano. Magsisilbing gabay ito
upang malinang ang kanilang kakayahan sa pag sasalita ng iba pang wika,
mabuhay ang nasyonalismo sa puso ng mga estudyante, at magkaroon ng
malalim na pagkakakilanlan ang mga mag-aaral sa kanilang sariling wika.
2. Sa mga guro – Makakatulong ito upang mapaunlad pa ang estratehiya sa
pagtuturo. Gayundin, upang magamit at maibahagi ang iba pang wika sa pag
tuturo sa mga estudyante.

3. Sa mga Facebook user – Sa paggamit ng Facebook bilang midyum ay mas


lumaki ang maaabot ng mensahe ng research. Bukod dito ay di lamang nagbigay
ito ng impormasyon sa publiko bagkus ay nagkakaroon din ng kamalayan ang
mga netizen ukol sa ibang lenggwaheng di popular sa madla.

4. Sa mga susunod na mananaliksik – Sa mga impormasyong nakalap ng


pananaliksik na ito maari nilang bigyan ng rekomendasyon at magsaliksik pa
upang mas maging makabuluhan ang paggamit at pagunlad ng iba’t ibang
wikang Pilpino sa pang araw-araw na pamumuhay at pag – aaral.

D. Katuturan ng mga Katawagan


1. Chavacano- Isa sa mga dayalekto ginagamit ng mga Pilipino na
matatagpuan sa Mindanao

2. Ilokano - Isa sa mga wika o dayalekto na kadalasang ginagamit ng mga


taong naninirahan sa rehiyon I.

3. Bisaya- Isa sa mga dayalekto na kadalasang ginagamit sa lupain ng Visayas

4. Facebook- isa sa mga online social media platforms na nagmula sa bansang


Amerika na ngayon ay kadalasang ginagamit ng mga kabataan sa Pilipinas.

5. Wikang Filipino - Isa sa mga opisyal na wikang ginagamit sa bansang


Pilipinas.

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura


1. Mga Kaugnay na Literatura
1.1 (Mga Pangunahing Etnolinggwistikong Grupo sa Pilipinas, 2011)
1.2 (Kasaysayan at pag-unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas, 2011)
1.3 (Mga Modelong Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Makabayan (para Sa
Sekundarya), 2011)
2. Mga Kaugnay na Pag-aaral
2.1 (Katayuan at Ambag ng Linggwistiks sa Pilipinas, 1998)
2.2 (Kaisipang Nasyonalista at Teoryang Dependensiya sa Edukasyon:
Ideolohikal na Kritik ng Programang K to 12 ng Pilipinas / Nationalism and
Dependency Theory in Education: An Ideological Critique of the Philippine K
to 12 Progra, 2013)
2.3 (Trends in Philippine Linguistics in the 21st Century, 2013)

II. Metodo at Materyales


A. Disenyo ng Pananaliksik
Isasagawa ang pananaliksik na ito upang malaman kung ang plataporma ng
Facebook ay maaring maging midyum upang maging lunsaran sa pagtuturo ng
iba’t ibang wika sa mga mag-aaral ng La Consolacion College Manila. Nais
malaman ng mga mananaliksik kung ang wikang Filipino ay napapahalagahan sa
pamamagitan ng paggamit ng tinatawag na sarbey. Naisip ng mga mananaliksik
na magsagawa ng sarbey upang makalikom ng mga datos na kakailanganin sa
pananaliksik kung saan ang mga inaasahang resulta ay gagamitan ng
kwantitatibong pamamamaraan upang higit na mapag-aralan at maanalisa ang
mga datos ng impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik. Naniniwala
ang mga mananaliksik na ang disensyong ito ang pinakaangkop gamitin upang
mapadali ang pagkuha ng mga datos sa malaking populasyon ng mga estudyante
ng ika 12 na baitang na nasa ilalim ng strand na Science,
Technology, Engineering and Mathematics.

B. Lokasyon ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay magaganap sa pribadong paaralan na La Consolacion
College Manila. Ang mga kalahok sa pananaliksik ay mga mag-aaral na kabilang
sa baitang 12 na nasa ilalim ng Science, Technology, Engineering and
Mathematics o STEM na strand. Ito ang napiling lokasyon sapagkat nais ng mga
mananaliksik na isentro ang pagaaral sa maliit na numero ng mga estudyante kung
saan mas kontrolado ang magiging tugon at magiging madali ang paganalisa rito.

C. Mga Kalahok sa Pananaliksik


Ang mga kalahok na napili ng mga mananaliksik ay ang mga mag-aaral ng STEM
na nasa baitang 12 ng La Consolacion College Manila. Ang mga kalahok na ito ay
kasalukuyang nasa ikalawang semestre ng akademikong 2020-2021. Ang mga
mananaliksik ay kukuha ng 50 kalahok mula sa ika-12 STEM. Pinili ang mga
mag-aaral sa kaisipang ang mga mag-aaral ay mas gumagamit ng social media sa
kapanahunan ngayon.

D. Instrumento sa Pananaliksik
Ang instrumentong gagamitin ng mga mananaliksik upang maka kalap ng
impormasyon o datos ay isang survey form. Ito ang isa sa pangunahing ginamit na
instrumento sa pananaliksik. Ang survey form ay nasa anyong google form. Ang
instrumentong ginamit ay naglalaman ng mga pahayag na maaaring pagkunan ng
sagot at pananaw ng mga kalahok tungkol sa epekto ng pag gamit ng facebook
bilang lunsaran ng mga pagtuturo ng mga wikain tungo sa pagpapahalaga sa
wikang Filipino. Ito ang napiling midyum ng mga mananaliksik sapgkat mas
mapapadali ang pagkuha ng tugon mula sa mga mag-aaral sa ganitong
plataporma.

You might also like