You are on page 1of 19

1.

Paglinang ng mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wikang Filipino sa


Panahon ng Pandemya

1.1. Reperensya

Gloria, A. (2021, July 25). Paglinang ng mga Estratehiya sa Pagtuturo ng


Wikang Filipino sa Panahon ng Pandemya. ResearchGate; unknown.
https://www.researchgate.net/publication/353443547_Paglinang_ng_m
ga_Estratehiya_sa_Pagtuturo_ng_Wikang_Filipino_s

1.2. Buod

Sa pagbabago ng panahon dulot ng pandemya, marami rin ang nag-iba at


nagbago lalo na sa sistema ng ating edukasyon. Higit na naapektuhan dito ay
ang mga estudyante sapagkat kailangan nilang sumabay o mag-adjust nang
sa gayon ay maipagpatuloy pa rin nila ang kanilang pag-aaral at pagkatuto
upang hindi maiwan ng panahon dulot ng pandemya. Kung kaya’t mula sa
artikulong ito galing sa isang pag-aaral, maipapaliwanag ang mga binuo at
nilinang na mga estratehiyang makatutulong sa pagtuturo ng Wikang Filipino
sa panahon ng pandemya. Nais ng mananaliksik na matuto pa tungkol sa
mga paksang ito kung paano ituro ang pakikinig, pagsasalita, pagbasa,
pagsulat, bokabularyo, panitikan, at kung paano masusubok ang mga
natutunan ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Gusto nilang mangalap
ng maraming impormasyon para mas maunawaan ang mga bagay na ito.
Upang maging matagumpay ang pag-aaral na ito, ginamit ng mga
mananaliksik ang kanilang karanasan sa pangangalap ng magagandang
impormasyon. Marami silang pinag-aralan at nalaman na ang pinakamahusay
na paraan ng pagtuturo ay ang pagbibigay ng magandang impormasyon sa
mga mag-aaral, siguraduhing gusto nilang matuto, at isaalang-alang ang iba't
ibang kakayahan ng bawat mag-aaral. Napag-alaman din nila na ang
paggamit ng teknolohiya ay makatutulong na gawing mas mahusay ang
pagtuturo.

Kung kaya’t ang pag-implementa ng New Normal Setting na kung saan sa


gitna ng pandemya ay patuloy pa rin ang pagbibigay kaalaman ng mga guro
upang maihatid ang kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral sa
pamamagitan ng makabago at iba’t ibang paraan sa pagkatuto at pagtuturo
tulad ng modular, telebisyon, radio at mga onlayn platforms. Ang paggamit ng
mga makabagong estratehiya sa pagtuturo lalo na sa panahon ng pandemya
ay nagbibigay ng malaking suporta at tulong lalo na sa mga mag-aaral. Una,
upang magkaroon sila ng motibasyon na mas magsumikap pa at magpursige
na mag-aral ng mabuti. Ikalawa, naibibigay ang kinakailangan matutunan ng
mga mag-aaral at nagagabayan nang maayos para sa tunay na kalidad ng
edukasyon.

Sa paggamit at paglinang ng mga estratehiya at pamamaraang ito sa


pagtuturo at pagkatuto para sa mga mag-aral, matututunan ng mga
estudyante ang mga bagay nang mabilis at magagamit din ang mga ito sa
totoong buhay. Upang magkaroon ng maganda at kalidad na edukasyon,
kailangang planuhin ng mabuti ng mga guro ang kanilang mga aralin. Dapat
nilang hikayatin ang mga mag-aaral na makipag-usap at magtulungan, at
dapat silang gumamit ng iba't ibang paraan ng pagtuturo na magbibigay
interes sa mga estudyante na matuto at magamit ang limang makrong
kasanayan. Pinakamahalaga, dapat na naroon ang mga guro upang tulungan
ang mga mag-aaral na matuto at umunlad, saanman sila naroroon sa silid-
aralan.
2. Ang Papel ng Sining sa Pagkatuto ng Wikang Filipino ng mga Bata at
Kabataang Pilipino sa Venezia, Italya

2.1. Reperensya
Quiore, L., & Madula, R. (n.d.). (2019) PADAYON SINING: A
CELEBRATION OF THE ENDURING VALUE OF THE
HUMANITIES Tayo na sa Wika’Skwela: Ang Papel ng Sining sa
Pagkatuto ng Wikang Filipino ng mga Bata at Kabataang Pilipino sa
Venezia,
Italya.https://www.dlsu.edu.ph/wpcontent/uploads/pdf/conferences/
arts-congress-proceedings/2019/FAC-05.pdf

2.2. Buod
Maraming pamilyang Pilipino ang naniniwala na ang paglipat sa ibang
bansa ay isa sa ilang paraan upang magkaroon sila ng mas magandang
buhay. Ilang taon nang hinihikayat ng gobyerno ang mga tao na
magtrabaho sa ibang bansa na naging dahilan ng paglisan ng maraming
Pilipino sa kanilang bansa. Tinatalakay sa papel na ito ang karanasan ng
mga mananaliksik sa pagtuturo ng wika at kulturang Filipino sa mga bata
at kabataang Pilipino na naninirahan sa Venice, Italy. Sa loob ng tatlong
taon, naging daan ang Manunggul Jar Project sa pagtuturo ng wika at
kulturang Filipino sa mga bata. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng
dalawang guro kung paano nila gagamitin ang sining sa pagtuturo ng
Filipino ay maipakikilala at masasalamin nila ang kulturang Pilipino sa
mga batang Pilipino na naninirahan sa Italya. Natuklasan ng mga
mananaliksik na ang sining ay talagang mahalaga para sa pagtuturo sa
mga bata at kabataan. Nakatutulong din ito upang makita at malaman ang
mahalagang papel na ginagampanan ng sining sa pagkakaroon ng
integrasyon nito sa pedagohiya at mas mapahalagahan pa ang proseso
ng pagtuturo at pagkatuto ng mga kabataan.
Sa pag-aaral na ito, nalaman na kapag ang mga guro ay gumagamit
ng iba't ibang uri ng sining at mga kuwento sa pagtuturo, ito ay talagang
nakakatulong sa mga bata na marami nang alam tungkol sa wika at
kultura ng Italya. Batay sa mga datos, maraming batang Pilipino ang ng
nag-aaral sa Italy. Halos 73% sa kanila ay nag-aaral sa mga paaralan
doon, at marami sa kanila ay nasa elementarya. Sa madaling sabi, kahit
na ang kanilang pamilya ay mula sa Pilipinas, sila ay ipinanganak at
lumaki sa Italya. Kaya, sinusunod at natutunan nila ang mga kaugalian at
tradisyon ng Italya. Mahalagang malaman ng mga bata ang mga kultura at
tradisyon ng kanilang bansa kung saan nagmula ang kanilang mga
magulang, kahit na hindi sila nakatira sa iisang bansa. Dapat silang
makaramdam ng pagmamalaki at maging konektado sa mga pamanang
Pilipino upang ang lahat ng iyon ay hindi nila magawang malimutan.
Ngayon ay ibabahagi ko ang talahanayan na kung saan ipinapakita rito
ang mga paksa na may mayroong kaakibat na mga Gawain o malilikhaing
awtput na kung saan ay masasalamin dito ang kultura at tradisyon nating
mga Pilipino.
3. Kaantasan ng Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Asignaturang Filipino
Tugon sa Makabagong Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan sa
Panahon ng Pandemya

3.1. Reperensya

Daza, J. (2021, December). (PDF) Kaantasan ng Pagkatuto ng mga Mag-


aaral sa Asignaturang Filipino Tugon sa Makabagong Estratehiya
sa Pagtuturo ng Wika at Panitikan sa Panahon ng Pandemya.
ResearchGate.https://www.researchgate.net/publication/356893311
_Kaantasan_ng_Pagkatuto_ng_mga_Magaaral_sa_Asignaturang_
Filipino_Tugon_sa_Makabagong_Estratehiya_sa_Pagtuturo_ng_Wi
ka_at_Panitikan_sa_Panahon_ng_Pandemya

3.2. Buod
Tinuturing na ang mga guro ang siyang instrument upang matulungan
ang mga estudyante upang matuto ng mga bagong kaalaman at mga
bagay-bagay upang mas lalong maitaguyod at maiangat ang lebel ng
kaalaman tungkol sa iba't ibang paksa. Higit na madali tayong matuto lalo
na ang mga mag-aaral kung maraming alam ang guro sa paksa at
magaling magturo. Dahil ang nararapat na tungkulin ng isang guro ay
ibahagi ang kanyang kaalaman sa mga mag-aaral upang higit na umunlad
ang mga mag-aaral hindi lamamg sa akademikong aspeto bagkus ay sa
lahat ng larangan sa buhay na kung saan ay inaasahang
mapagtagumpayan ng bawat isa sa kanila ang bawat hamon ibabato sa
kanila ng panahon lalong-lalo na ang pagtugon sa pangangaialangang
pagkatuto ng asignaturang Filipino. Ang guro ay isang propesyon na hindi
matatawaran dahil sa serbisyo at tulong nito sa mga kabataan sa pag-
aaral ng Filipino. Ang kaalaman ay nalilinang sa pamamagitan ng regular
na pangangasiwa ng guro upang maisakatuparan niya ang kanyang
layunin gayundin ang pangarap ng kanyang mga estudyante. Isa rin sa
mga pangarap ng bawat guro para sa kanyang mga mag-aaral ay maging
tapat, kagalang-galang na mga lingkod-bayan gayundin ang magkaroon
ng kaalaman at natutunan hinggil sa iba’ ibang aralin. Ang mga guro ay
may pananagutan upang matiyak ang natamong kaalaman at kakayahan
ng kanilang mga mag-aaral na matutunan ang asignaturang kanilang
itinuturo, lalo na sa kanilang napiling larangan sa pagtuturo ng Filipino.
Alinsunod sa batas Republika Blg. 9155 seksyon 2 isinaad na, ang estado
ang siyang mangangalaga at magtataguyod sa karapatan ng lahat ng
mamamayan para sa pagkakaroon ng batayang edukasyon na may
kalidad at upang gawing bukas para sa lahat ang naturang
edukasyon sa pamamagitan ng sistemang pagkatutong alternatibo para
sa mga kabataan wala sa paaralan at matatandang mag-aaral na ang
layunin ay pagkalooban sila ng mga kasanayan, kaalaman at halagahan
na kinakailangan nila upang sila’y maging mga mamamayang
mapangalaga, nakapagsasarili, produktibo, at makabayan.
Sa panuntunang ito, kailangan pagtuunan ng pansin ang mga mag-
aaral, lalo na sa panahon ngayon upang matiyak na natututo at
naiintindihan nila ang mga aralin na kailangan nilang malaman. Ninanais
din ng pag-aaral na ito na tulungan silang maging mas mahusay sa pag-
aaral upang mas magawa pa nang maayos ang kanilang pag-aaral. Ang
tuntuning ito ay tungkol sa paghahanap ng mga bagong paraan sa
pagtuturo ng wika at panitikan sa asignaturang Filipino. Bilang isang guro,
mahalagang gumamit ng magaganda at angkop na pamamaraan sa
pagtuturo, lalo na sa panahon ng pandemya kung kailan nahihirapang
matuto ang ilang estudyante.
Sa pamamagitan ng Division Memorandum No. 172, s. 2020
"Implementation of the Learning Delivery Modalities (LDM) 1 Course
for Division and School Leaders Under the Basic Education-Learning
Continuity Plan (BE-LCP)" . Ang programang BE-LCP ay nakatulong sa
mga guro lalo pa’t naisakatuparan ang implementasyon ing Learning
Delivery Modalities (LDM), na kung saan ay nakatutulong sa mga guro na
matuto kung paano magturo sa iba't ibang paraan gamit ang mga
modalidad sa pagtuturo at pagkatuto. Ang distance learning ay isa sa apat
na mga learning delivery modalities na idinisenyo ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ang pagtuturo ay nagaganap kahit ang mga guro at mag-
aaral ay hindi pisikal na magkaharap. Nakapaloob sa modalidad na ito
ang Modular Distance Learning (MDL) na kung saan ang bawat mag-aaral
ay mayroong Self-Learning Materials (SLM) o mga nakaimprentang
modyul na naglalaman ng kanilang mga aralin at mga gawaing sa
pagkatuto. nakasaad sa Seksyon 2 (1) ng artikulo XIV ng 1987
Constitution na nabanggit din sa RA No. 10533 o ang Enhanced Basic
Education Act of 2013. Layunin nitong mapanatiling tuloy-tuloy ang
pagkatuto ng bawat mag-aaral habang tinitiyak ng maigi ang kalusugan at
kaligtasan para sa mga mag-aaral at guro. Magagawa ito sa pamamagitan
ng blended learning, distance learning at home learning.
Ang maging guro ay isang mahirap na responsibilidad dahil kailangan
nilang gumamit ng iba't ibang paraan upang matugunan ang
pangaingailangan ng mga mag-aaral. Natututo sila kung paano magturo
upang maibahagi nila ang kanilang kaalaman sa mga mag-aaral. Minsan,
ang mga guro ay kailangang pumunta sa malayo para magturo. Ito ay
dahil talagang nagmamalasakit sila sa pagtulong sa mga kabataan na
matuto at ito ay nagpapasaya sa kanila kapag naiintindihan ng mga
estudyante ang kanilang itinuturo. Ang serbisyong ito ay parang isang
mapagmalasakit na kaibigan na gustong tumulong sa mga bata. Kung ang
isang guro ay nasisiyahan sa kanilang trabaho at masaya sa silid-aralan,
sila ay talagang mahusay sa pagtuturo. Talagang masaya ang mga guro
kapag may natutunan ang mga bata mula sa mga aralin tungkol sa wikang
Filipino. tumulong sa mga bata.
4. Epektibong Paggamit ng Awdyo-biswal sa Pagtuturo ng Filipino sa Ika-
10 Baitang ng Mataas na Paaralan ng Bagong Silang

4.1. Reperensya
Balmaña, M. J. C., Bonagan, A. N., Bispo, B. P. L., Montuerto, J. C.,
Punay, J. M. G., & Amelia S. Ablen, P. D. (2019). Epektibong
Paggamit ng Awdyo-biswal sa Pagtuturo ng Filipino sa ika-10
Baitang ng Mataas na Paaralan ng Bagong Silang. Ascendens Asia
Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of
Multidisciplinary Research, 1(1).
https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view
/1135

4.2. Buod

Malaking hamon para sa mga guro na mag-isip at lumikha ng mga


malikhain at makabagong pamamaraan o estratehiya sa pagturo ng Filipino
upang maakit ang atensyon at at makuha ang interes ng mga mag-aaral. Sa
ika-21 siglo, ang mga pamamaraang ginagamit ng mga guro ay sumailalim sa
malaking pagbabago batay sa makabagong teknolohiya upang gawing mas
interaktibo at masigla ang talakayan. Isa na rito ang pagbuo ng paggamit ng
audio-visual equipment. Ang pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik ay
ang “Descriptive Method” kung saan ang bawat resulta ng mga datos na
nakalap at ang interpretasyon ng mga talahanayan ay inilalarawan. Gumamit
din ang mga mananaliksik ng mga sarbey at obserbasyon upang makalap ng
mahahalagang datos sa nasabing pag-aaral. Batay sa mga resulta ng mga
datos na nakalap ng mga mananaliksik, napatunayan na ang mga resulta ng
pagkatuto ng mga mag-aaral ay magiging mas epektibo at episyente kung
ang mga guro ay sumasabay sa daloy ng mga pagbabago sa pamamagitan
ng paggamit ng mga device na audio-visual tulad ng laptop at projector. , TV,
DVD player, speaker, atbp. Pinili ng mga mananaliksik ang paksa ng mga
pamamaraan sa pagtuturo dahil umakma ito sa kanilang larangan ng interes.
Kagaya ng nabanggit, isa ito sa malaking hamon na kinakaharap ng mga guro
ngayon, kaya isa rin ito sa mga dahilan kung bakit pinili ng mga mananaliksik
na lutasin ang mga problemang ito sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto.sa
klase. Bilang isang guro na kabilang sa henerasyong millennial, mahalaga
para sa akin na makasabay sa mga pagbabagong nangyayari sa ating paligid,
kasama na kung paano tayo nagtuturo at natututo. Kaya naman pagbibigay
tuon o pansin sa paggamit ng audio-visual na kagamitan at pamamaraan sa
pagkatuturo at pagkakatuto ay isang malaking tulong upang mabigyang
suporta, maging epektibo pa at maging mas mabisa ang pagtuturo ng Filipino
kaalinsabay sa hinihinging pagbabago ng ating panahon na kung saan tayo
ay napapabilang na sa ika dalawampu’t isang siglong henerasyon na ang
pagbabago ay talagang hindi na mapasusubalian pa.
5. Mga Estilo ng Pag-Aaral at Epekto nito sa Akademikong Pagkatuto ng
mga Mag-Aaral ng Baitang 12 sa mga Strand ng Abm, Humss At Stem
ng La Salle Green Hills

5.1. Reperensya
Joshua, P. (2017, October). MGA ESTILO NG PAG-AARAL AT EPEKTO
NITO SA AKADEMIKONG PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL NG
BAITANG 12 SA MGA... ResearchGate; unknown.
https://www.researchgate.net/publication/349993658_MGA_ESTILO_N
G_PAG-
AARAL_AT_EPEKTO_NITO_SA_AKADEMIKONG_PAGKATUTO_NG
_MGA_MAG-
AARAL_NG_BAITANG_12_SA_MGA_STRAND_NG_ABM_HUMSS_A
T_STEM_NG_LA_SALLE_GREEN_HILLS

5.2. Buod
Bawat isa ay may kanya-kanyang paraan ng pag-aaral.
Nangangahulugan ito na ang ilang mga tao ay gustong mag-aral sa iba't
ibang paraan kaysa sa iba. Hindi lang mga estudyante ang may iba't ibang
istilo ng pagkatuto, maging ang mga matatanda ay ganoon din. Ipinapakita
ng mga istilo ng pag-aaral na ang mga tao ay hindi lamang naiiba sa
kanilang hitsura, kundi pati na rin sa kung paano sila nag-iisip. Na kung
saan ay matatalakay natin ang mga istilo ng pag-aaral ng mga iba’t ibang
mag-aaral at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang akademikong
pagkatuto. Ang mga istilo ng pag-aaral ng iba't ibang paraan ay gustong
matutunan ng mga tao. Ang ilang mga tao ay visual na nag-aaral, na
nangangahulugang mas natututo sila sa pamamagitan ng pagtingin sa
mga larawan o mapa. Ang iba ay mga auditory learner, at mas natututo
sila sa pakikinig at pakikipag-usap. Ang ilang mga tao ay nag-aaral ng
pagbasa at pagsulat, at gusto nilang magsulat at magbasa upang matuto.
Sa wakas, may mga kinesthetic na nag-aaral, na pinakamahusay na
natututo sa pamamagitan ng paggawa ng mga hands-on na aktibidad at
pagkakaroon ng mga karanasan. Mahalaga ang pag-aaral na ito dahil
sinasabi nito sa atin kung paano makakaapekto ang iba't ibang paraan ng
pagkatuto kung gaano kahusay ang mga estudyante sa paaralan.
Magbibigay ito sa atin ng impormasyon tungkol sa kung anong uri ng istilo
ng pagkatuto mayroon ang bawat estudyante, at makakatulong ito sa mga
guro na magturo nang mas mahusay. Ang edukasyon ay talagang
mahalaga sa mga Pilipino dahil ito ay makakatulong sa mga tao na
magkaroon ng magandang buhay. Ngunit hindi natin tiyak kung ang istilo
ng pagkatuto ay talagang may malaking pagkakaiba sa kung gaano
kahusay ang mga estudyante sa paaralan. Ang mga pag-aaral na ito ay
hindi nagbibigay sa amin ng maraming impormasyon tungkol sa mga istilo
ng pag-aaral.
Sa pag-aaral na ito, sinusubukan maunawaan kung paano natututo
ang iba't ibang uri ng mga mag-aaral sa paaralan. Gumagamit ang mga
mananaliksik ng paraan na tinatawag na survey, kung saan nagtatanong
kami sa mga mag-aaral ng mga tanong para mangalap ng impormasyon.
Gumagamit din kami ng isang uri ng pananaliksik na hindi nagsasangkot
ng mga eksperimento, ngunit sa halip ay nakatuon sa pagmamasid at
paglalarawan ng mga bagay. Titingnan natin ang mga bagay tulad ng
kung paano natututo ang mga mag-aaral, kung ano ang kanilang
pinaniniwalaan, at kung paano makakaapekto ang iba't ibang bagay sa
kanilang pag-aaral. Pagkatapos ay susuriin namin ang lahat ng
impormasyong nakalap namin at susubukan naming maunawaan kung
ano ang ibig sabihin nito. Ayon sa datos na nalikom sa pagsasaliksik
na ito, napagalaman na ang istilo ng pag-aaral ng bawat mag-aaral ay
iba iba. Karamihan sa aming kalahok na nas HUMSS ay visual learners.
Lalo na sa seksyon J na nasa HUMSS strand. Karamihan sa STEM
ay Tactile Major learners. At sa ABM karamihan ay Kinesthetic
learners. At ang isa sa mga mungkahi na talaga namang tumatak sa aking
isipan na masasabi kong malaking tulong ito upang mapaunlad ang estilo
ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral ay ang paggawa, paghanda
at pagbahagi ng mga iba’t ibang Gawain na susukat sa iba’t ibang istilo ng
pag-aaral para matuto sa pinakamabuti na aspeto.
Ang pagtuturo at pagkatuto ng asignaturang Filipino ay mahalaga sa
pagpapahayag, pagpapalaganap at pagpapalakas ng kultura, wika, at identidad ng
mga Pilipino. Ang mga estilo at estratehiya sa pagtuturo ng asignaturang Filipino ay
mahalaga sa pagpapalawak ng kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral sa iba't
ibang larangan ng edukasyon at upang makita ang pagiging epektibo nito pagtuturo
nito. Narito ang sintesis mula sa limang artikulong aking ginawan ng buod na kung
saan ay ipinapakita rito ang iba’t ibang mga estilo at estratehiya sa pagtuturo at
pagkatuto sa asignaturang Filipino.

Isa sa mga pangunahing estilo sa pagtuturo ng Filipino ay ang


pagsasalaysay. Ito ay nagbibigay diin sa pagsasalaysay ng mga kuwento, mito, at
alamat na bahagi ng kultura ng Pilipinas. Ang mga guro ay nagbibigay-halaga sa
pag-unawa at pag-analisa ng mga teksto upang mapalalim ang pagkatuto ng mga
mag-aaral sa wika at kultura.

Ginagamit din ang pagsusuri bilang isang estratehiya sa pagtuturo ng Filipino.


Dito, inaalam ng mga mag-aaral ang mga elemento ng mga teksto tulad ng pagkaka-
istruktura, estilo ng pagsusulat, at mensahe. Ipinapakita nito ang kakayahan ng mga
mag-aaral na mag-analisa at magpahayag ng sariling opinyon.

Isa sa mga pangunahing layunin ng asignaturang Filipino ay maging mahusay


na komunikador ang mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng mga proyekto at aktibidad
sa pagsasalita, pagsusulat, at pagganap, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga
mag-aaral na mapalawak ang kanilang kakayahan sa wika.

Sa kasalukuyang panahon, ang teknolohiya ay nagiging mahalaga sa


pagtuturo ng Filipino. Maaaring gamitin ang online resources, multimedia
presentations, at social media upang higit na mapukaw ang interes ng mga mag-
aaral. Ang paggamit ng teknolohiya tulad ng mga computer, tablet, at internet ay
maaaring magkaroon ng malaking impact sa pag-aaral ng Filipino. Maaaring gamitin
ang mga online na platform, aplikasyon, at multimedia resources upang
mapalaganap ang kaalaman sa wika, panitikan, at kultura.

Mahalaga rin ang pagtuturo ng kritikal na pag-iisip sa asignaturang Filipino.


Ang mga mag-aaral ay dapat matuto na magtanong, magpuna, at mag-isip nang
malalim sa mga teksto na kanilang binabasa o pinanood.
Sa pamamagitan ng mga talakayan at debate, nagkakaroon ang mga mag-
aaral ng pagkakataon na magbahagi ng kanilang mga ideya, makarinig ng iba't
ibang opinyon, at mas mapanatili ang aktibong pakikilahok sa pag-aaral ng wika.

Hindi lamang ang wika ang itinuturo sa asignaturang Filipino, kundi pati na rin
ang pagpapahalaga sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Ipinapakita ng mga guro
ang kahalagahan ng pagmamahal sa sariling kultura at pag-unawa sa mga
tradisyon.

Ito ay kinabibilangan ng pagsasagawa ng leksyon sa harap ng klase,


pagsusuri ng mga aklat, at tradisyonal na mga gawain tulad ng pagsusulit. Ito ay
naglalayong magbigay ng malalim na pang-unawa sa mga pangunahing konsepto.

Ang estilo ng pagtuturo na ito ay nagbibigyang-diin sa pagtutulungan ng mga


mag-aaral sa pamamagitan ng mga proyekto, talakayan, at group activities. Ito ay
nagpapalakas ng kanilang kakayahan sa pakikipagtulungan at komunikasyon.

Ang estratehiyang ito ay naghahantad ng personalisadong pag-aaral sa


bawat mag-aaral, kung saan ang guro ay sumusunod sa mga pangangailangan at
kakayahan ng bawat isa. Ito ay nagpapalakas ng pagkakaroon ng mga mag-aaral ng
mas mataas na responsibilidad sa kanilang pag-aaral.

Sa panahon ngayon, ang teknolohiya ay nagiging mahalaga sa pagtuturo. Ito


ay kinabibilangan ng paggamit ng mga computer, tablet, at online resources upang
mapalawak ang pag-aaral at mapadali ang pag-access sa impormasyon.

Ang estilo ng pagtuturo na ito ay nagpapalakas ng kakayahan ng mga mag-


aaral na mag-isip nang malalim, magtanong, at magpuna. Ito ay nagpapahalaga sa
pag-aaral na hindi lamang pangunahing pag-aantok, kundi pati na rin ang kritikal na
pagsusuri.

Sa pangkalahatan, ang mga estilo at estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto sa


asignaturang Filipino ay naglalayong hubugin ang mga mag-aaral upang maging
mga mahusay na tagapagtaguyod ng kanilang wika at kultura. Ito ay nagbibigay-
daan sa kanila na maging masinop na manunulat, matalas na tagapakinig, at
mapanuri sa kanilang pag-iisip.
Ang asignaturang Filipino ay isa sa mga pangunahing batayan ng edukasyon
sa Pilipinas. Ito ay hindi lamang isang simpleng pag-aaral ng wika kundi isang pag-
unawa sa kultura, kasaysayan, at pag-identipika sa sariling lahi. Sa pagtuturo at
pagkatuto ng asignaturang ito, mahalaga ang mga iba't ibang estilo at estratehiya
upang mapaunlad ang kaalaman at pag-unawa ng mga mag-aaral. Sa paksang ito,
tatalakayin natin ang mga mahahalagang estilo at estratehiya sa pagtuturo at
pagkatuto ng asignaturang Filipino.

Ang paggamit ng iba't ibang uri ng materyales tulad ng libro, video, audio,
larawan, at iba pa ay makakatulong sa mga mag-aaral na mas mapalawak ang
kanilang kaalaman. Ang ganitong estilo ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na
mas magkaroon ng iba't ibang perspektibo at mas ma-engage sa pag-aaral.

Sa panahon ngayon, hindi na maikakaila ang epekto ng teknolohiya sa pag-


aaral. Ang mga guro ay maaaring magamit ang online platforms, mga website, at
mga mobile app na nag-aalok ng mga edukasyonal na kasanayan sa Filipino. Ito ay
nakakatulong sa pagpapabuti ng kakayahan sa pagsusulat, pagbasa, at pang-unawa
sa wika.

Ang paghikayat sa mga mag-aaral na maging aktibo sa pagtuturo ay isa ring


mahalagang estratehiya. Maari itong isagawa sa pamamagitan ng mga talakayan,
debates, group activities, at mga proyektong pagsasaliksik. Sa ganitong paraan,
natututunan ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng komunikasyon at pagkakaroon
ng sariling opinyon.

Ang pag-aaral ng Filipino ay hindi lamang tungkol sa wika kundi pati na rin sa
kultura ng mga Pilipino. Ang pag-aaral ng mga tradisyon, kasaysayan, at mga haligi
ng kultura ay nagbibigay-kahulugan sa pag-aaral ng wika. Ito ay maaaring isama sa
mga leksyon sa pamamagitan ng pagsasalin-wika ng mga kwento at mito, pag-aaral
ng mga makabagong akda, at pag-unawa sa mga pangunahing pagdiriwang at ritwal
ng bansa.

Ang pagtutok sa pagbasa ay isang mahalagang bahagi ng pag-aaral ng


Filipino. Ang mga guro ay maaaring gamitin ang mga kwento, tula, sanaysay, at iba't
ibang uri ng teksto upang mapalaganap ang kaalaman sa wika at panitikan. Ang
pag-unawa sa mga teksto ay nagbibigay-daan sa mga mag-aaral na mas ma-
appreciate ang kahalagahan ng pagsusuri at interpretasyon.
Ang wika ay mas nauunawaan kapag ito ay natutunan sa konteksto ng aktwal
na pang-araw-araw na buhay. Maaaring isama ang mga practical na sitwasyon tulad
ng role-playing, storytelling, at mga gawaing pang-kasaysayan upang mapalaganap
ang paggamit ng wika sa tunay na buhay.

Sa paggamit ng mga estilo at estratehiya sa pagtuturo at pagkatuto ng


asignaturang Filipino, mas nagiging makabuluhan ang pag-aaral ng mga mag-aaral.
Binibigyan ito ng kahulugan at kahalagahan sa kanilang buhay, at nagiging daan
upang mapaunlad ang kanilang kasanayan sa wika, panitikan, at kultura ng Pilipinas.
Ang pagtuturo ng asignaturang Filipino ay isang daan upang higit na maunawaan
ang sariling pagkakakilanlan at maging mas mabuting mamamayan ng bansa.

You might also like