Professional Documents
Culture Documents
Lagua
Pamagat:
Epekto ng Teknolohiya sa Akademikong Pagganap ng mga Estudyante ng Bachelor of
Secondary Education Major in Filipino sa College of Teacher Education NEMSU-Main
Campus: Isang Pagsusuri sa Kalidad ng Edukasyon sa Panahon ng Digital Age
Introduksiyon sa Pananaliksik
Sa paglipas ng mga dekada, hindi maipagkakaila na ang teknolohiya ay nagdulot
ng malawakang pagbabago sa aspeto ng pamumuhay ng bawat indibidwal. Sa
kasalukuyang panahon, ito ay nagiging pangunahing lakas na nagpapabago sa sistema
ng edukasyon. Ang makabago at mabilis na pag-usbong ng teknolohiya ay nagbukas
ng mga pintuan tungo sa mga bagong posibilidad at pagkakataon para sa pag-aaral.
Kasabay nito, ito rin ay nagdudulot ng mga pagbabagong nagpapakita ng kahalagahan
ng pag-aaral hinggil sa epekto ng teknolohiya sa akademikong pagganap ng mga
estudyante.