You are on page 1of 2

Analisis sa Impluwensiya ng Teknolohiya sa Pag-unlad ng Akademikong

Pagganap ng mga Mag-aaral sa Mapua Institute of Technology:


Pagtuklas sa mga Benepisyo at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri ang impluwensiya ng teknolohiya sa


pag-unlad ng akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa Mapua Institute of
Technology. Layunin nitong tuklasin ang mga benepisyo at limitasyon ng paggamit ng
teknolohiya sa pagtuturo at pag-aaral ng mga mag-aaral, at magbigay ng
rekomendasyon upang mapabuti ang kalidad ng pagtuturo at pag-aaral sa naturang
institusyon. Nakatuon din ang teksto sa kasaysayan ng teknolohiya, mula sa sinaunang
panahon hanggang sa kasalukuyan. Inilahad ang mga mahahalagang yugto ng
pag-unlad ng teknolohiya sa edukasyon, kabilang ang paggamit ng mga makina,
kompyuter, at internet. Sa kabuuan, layunin ng teksto na maipakita ang magkakaibang
epekto ng teknolohiya sa edukasyon at pag-aaral, pati na rin ang pangunahing teorya na
ginagamit upang maunawaan ang pagtanggap ng mga tao sa teknolohiya.

Ang kwalitatibong pananaliksik ang ginamit na pamamaraan sa pag-aaral na ito dahil


layunin nitong maunawaan at masuri ang mga hindi gaanong kongkretong aspeto ng
impluwensiya ng teknolohiya sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Ang
ganitong uri ng pananaliksik ay mas epektibo sa pagtukoy sa mga komplikadong
konsepto, pag-uugali, at pananaw ng mga indibidwal. Sa pamamagitan ng paggamit ng
mga palatanungan, maaaring masaliksik ang mga karanasan, opinyon, at persepsyon ng
mga mag-aaral ukol sa teknolohiya sa pag-aaral. Ito rin ay nagbibigay-daan sa mas
malalim na pag-aaral ng mga benepisyo at limitasyon ng teknolohiya, na hindi madaling
matutukoy sa mga numerikal na datos lamang. Sa ganitong paraan, mas maiintindihan
ang konteksto ng mga epekto ng teknolohiya sa akademikong pag-unlad ng mga
mag-aaral sa Mapua Institute of Technology. Ayon sa mga natuklasan ng mga
pagsasaliksik, ang mga resulta na natamo ng mga mananaliksik ay marami na ang
gumagamit ng gadgets dahil sa pandemyang COVID-19 at sa pagasenso ng teknolohiya.
Dahil dito, napilitang mag-adjust ang maraming paaralan sa buong bansa at
magpatupad ng online na pag-aaral at paggamit ng mga module.
May iba-ibang paraan kung paano nakakaapekto ang paggamit ng teknolohiya sa mga
mag-aaral. Ang kusang pag-access sa impormasyon ay nagreresulta sa mas
maginhawang proseso ng pag-aaral para sa mga estudyante. Dahil dito, mas nakararami
ang pabor sa ganitong paraan kaysa sa mga tradisyunal na pamamaraan. Dahil sa
pagunlad ng teknolohiya, mas naging magaan ang pag-aaral ng maraming mag-aaral.
May mas maraming oportunidad silang mag-aral mula sa mga online sources at artikulo
kaysa sa paghahanap ng mga libro.

You might also like