You are on page 1of 3

MABBUN

SOP: 2

Ayon sa pananaliksik ni Diokno J, et.al (2022). Na pinamagatang “The Lived


Experiences of Graduate School Students on the Implementation of Innovative Classes”.
Maraming aspekto ang mga naging ang kalakasan at kahinaan ng mga nagsipagtapos na mag-
aaral lalo na sa mga taong kinasagsagan ng pandemia dulot ng Covid-19. Ngunit isa sa mga
solusyong ginawa at kinalap ay ang pagpapatupad ng inobatibong kaparaanan ng pag-aaral na
kinasasangkutan din ng mga kaalamang saklaw ng TPACK. Mula sa paggamit ng teknolohiya sa
pagtuturo at pagkatuto, mga pedagogical na gawi, at maging sa pagtatasa at nilalamang
kaalaman. Sa pananaliksik na ito sinasabi na ilan sa mga nakikitang adbantibo ng inobatibong
pagtuturo na kinapapalooban ng kaalamang TPACk ay ang pagkakaroon ng Inegratibong
Instruksyon, kung saan sinasabi na ang mga mag-aaral ay mas nagkakaroon ng mas malawak na
kaalaman gamit ang iba’t-ibang kaparaan ng pagkatuto. Integratibong Output, mas napagkakasya
at nakagagawa ng Gawain ang mga mag-aaral dahil sa mas flexible at assessable na kaparaanan.
At mas napagkakasya at produktibo ang oras ng pag-aaral dahil inobatibo na ang paraan ng pag-
aaral. Sinasabi rin sa pananaliksik na ito ang ilang mga hamong kinakaharap ng inobatibong
pagtuturo gamit ang TPACK. At kabilang dito ang pagkakaroon ng Passive Learning, kung saan
hindi nagkakaroon ng personal at direktibang interaksyon ang mga mag-aaral sa kanilang mga
guro sa oras ng pag-aaral. Limited Assessment Strategy, kung saan mayroon lamang limitadong
kaparaanan ng pagtatasa at sinasabing nawawalan ng responsible ang mga mag-aaral sa oras ng
pagpapasa ng mga gawian. At panghuli ay ang problema sa pagpasok, kung saan napapadalas
ang pagliban ng mga mag-aaral. Kung minsan ay pumapasok nga ngunit hindi nakikinig. Bilang
pagtatapos at rekomendasyon ng pananaliksik na ito, sinasabi na napakahalaga ang paggamit ng
inobasyon sa pag-aaral na lalong mas kinailangan noong panahon ng pandemia dulot ng COVID-
19. Ngunit sa tulong ng paggamit ng mga inobasyong kaangkla at tumutugon sa kaalamang
TPACK, masasabing magiging positibo ang paggamit ng inobatibong pagtuturo.

Sanggunian:
https://www.ioer-imrj.com/wp-content/uploads/2023/03/The-Lived-Experiences-of-Graduate-
School-Students-on-the-Implementation-of-Innovative-Classes.pdf

Ayon naman sa pananaliksik ni Roxas K, (2022). na pinamagatang “A Case Study


Targeted Support Using TPACK Model for Newly Hired Secondary Teachers”. Sinasabi na
bilang mga guro na nagpaplano ng instruksyon, ang kaalaman sa teknolohiya at paggamit nito ay
isa sa mga pinakamahalagang trabaho na hindi dapat nababaling o naiisa-alang-alang sa pagbuo
ng proseso ng pag papatupad. At upang pagdugtongin ang teyorya at resulta sa pagbuo ng
pananaliksik na ito, masasabi na ang mga mag-aaral ay nangangailangan ng personal na gawi sa
tulong ng patnubay ng mga eksperto at dalub. Ayon nga kay Knowles (1984), ang mga kaalaman
ng mga eksperto ang pinakamainam kung kasali ang mga mag-aaral sa proseso ng pagkatuto na
kinabibilangan din ng pag-diagnose, pagpaplano, pagpapatupad, at pagtatasa ng kaalaman. At sa
pamamagitan ng TPACK framework, na may integrasyon ng technology, pedagogy, and content-
specific na mga lectura at aralin masasabi na masmapabubuti ang mga kaalamang matitimo at
matatamo ng mga mag-aaral sa pagpapatibay ng mga bagong aplikasyon sa mga bagong
kaalaman at mga espesipikong larang.

Sanggunian:
https://digitalcommons.odu.edu/cgi/viewcontent.cgi?article=1124&context=stemps_etds

Ayon naman sa pananaliksik ni Chukwuemeka E, (2019). Na pinamagatang “ Assessing


Pre-Service Teachers’ Technological Pedagogical Content Knowledge Self-Efficacy Towards
Technology Integration in Colleges of Education in South-West Nigeria”. Na ang mga pre-
service na guro mula sa mga federal na kolehiyo ng edukasyon ay mayroong mataas na kaalaman
sa kaalamang panteknolohiya, pedagogical at nilalamang kaalaman na ang ibigsabihin ay
mayoon din silang kakayahang magtrabaho nang wasto sa pamamagitan ng iba’t-ibang
aplikasyon na makatutulong sa proseso at progreso ng pagkatuto. Sinasabi rin ng pananaliksik na
ito na ang mga Pre-service teacher sa federal na kolehiya ng education ay may mataas na
kaalaman at kompetensiya sa TPACK na nagsasabi ring wasto at nasa mataas ng estado ang
kaalaman nila sa pagtuturo gamit ang mga component ng TPACK na framework. Sa kabilang
banda, sinasabi rin ng pananaliksik na ito na bagamat Maganda ang nagging resulta ng
pananaliksik at napatunayan na may mataas at positibong resulta sa kaalamang TPACk ang mga
pre-service na guro ay hindi parin tinatanggap nhg kagawaran at kurikulum ang praktikal na
aspekto ng mga positibong layon ng kaalaman at kompetinsiyang ito. Na sadya rin naming
nakaaapekto sa mas mabilis at mas malawak na progreso ng pagkatuto.

Sanggunian;
https://www.academia.edu/40632193/
ASSESSING_PRE_SERVICE_TEACHERS_TECHNOLOGICAL_PEDAGOGICAL_CONTE
NT_KNOWLEDGE_SELF_EFFICACY_TOWARDS_TECHNOLOGY_INTEGRATION_IN_C
OLLEGES_OF_EDUCATION_IN_SOUTH_WEST_NIGERIA

Ayon naman sa pananaliksik ni Gao M, et.al (2020), na pinamagatang Examination of


Teachers’ Technnological Pedagogical Content Knowledge: A Western Regional Perspective of
Chana’s Cumpolsory Educational System”. Na nagsasabing ang Educational technology ay
kayang gumawa at magbigay ng napakaraming adbantibo sa progreso ng pagtuturo at pag-aaral.
Ngunit ang Regional Disparity o mas kilala bilang resulta ng hindi pantay na progreso sa
bansang China at ang kaalaman ng mga kanluraning guro sa kompetensiyang pang teknolohikal
ay hindi masabi at malinaw. Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang alamin ang antas ng
Technology, Pedagogy, Content Knowledge Framework (TPACK) upang malaman kung
may direktibang impluwensya ba ang kasarian ng mga guro mula sa kanluraning
lugar ng China. Ang pagkuha ng mga datos ay ginawa upang malaman ang lebel ng
kaalaman ng mga respondanteng guro sa usapng TPACK. At bilang resulta,
lumabas na ang kaalaman ng mga guro sa TPACK ay ang pinakamataas sa iba
pang pitong uri ng kaalamang pampagtuturo. At bilang resulta naman ng
koneksyon ng kasarian sa kaalamang pangTPACK, sinasabi na mas mataas ang
pagtingin at kaalaman ng mga lalaking guro kaysa sa mga babaeng guro sa
kaalamang dulot at mula sa TPACK. At ayon sa mga resultang nakalap mula sa
pananaliksik na ito, inirerekumindang magbigay ng mga adisyonal na polisiya at
inisyatibo na mas makapagbibigay ng bagong kaalaman at mas mabuting guro na
may kompetinsiya at kaalamang TPACK particular na sa mga babaeng guro ng
hinaharap.

Sanggunian:
https://files.eric.ed.gov/fulltext/EJ1270602.pdf

You might also like