You are on page 1of 15

EPEKTO NG MAKABAGONG

KAGAMITAN SA PAGTUTURO NG MGA


MAG-AARAL SA IKALAWANG TAON NG
SEKONDARYA SA MATAAS NA
PAARALANG PAMBANSA NG DR.
CECILIO PUTONG

Castrodes, Margorie
Ocio, Ivy Joy
Pardo, Margarita
Zamora, Christine Tiara

TAONG PANURUAN: 2011-2012


Ang teknolohiya ay parte na sa pang araw-araw na
pamumuhay ng mga tao, kaya hindi maikakaila na may
malaking epekto ito sa buhay ng bawat isa. Ngayon ay
ginagamit na rin sa pagtuturo gaya na lamang ng
Microsoft PowerPoint Presentation, Computer,
LCD(liquid crystal display), projector, at marami pang
iba. Gumagamit ang ilang guro ng mga makabagong
kagamitang ito para sa kapakanan ng kanilang mga
mag-aaral upang matawag ang kanilang pansin para
making at matuto. Ngunit ang paggamit ng mga
makabagong kagamitan sa pagtuturo ay epektibo nga
ba?Mas natututo ba ang mga mag-aaral at mas maganda
ba ang kanilang perpormans dahil sa paggamit ng mga
guro ng mga kagamitang ito sa paaralan

NAME OR LOGO
Layunin ng Pag-aaral
Ang layunin ng pananaliksik
na ito ay malaman ang epekto
ng makabagong kagamitang
pagtuturo sa performans ng mga
mag-aaral. Nais malaman ng
mga mananaliksik ang epekto
ng aplikasyon ng teknolohiya sa
klasrom at ano ang maidudulot
nitong kabutihan sa performans
NAME OR LOGO 3
ng mga estudyante.
Paglalahad ng Suliranin

1. Nakakaapekto ba sa performans ng
mga mag-aaral ang paggamit ng
makabagong kagamitang pagtuturo
sa loob ng klasrum?

2. Nakakatulong ba sa mga mag-aaral


ang aplikasyon ng teknolohiya sa
pagtuturo?

NAME OR LOGO 4
Suliranin 1.

Nakakaapekto ba sa performans ng
mga mag-aaral ang paggamit ng
makabagong kagamitang
pagtuturo sa loob ng klasrum?

NAME OR LOGO
 Batay sa naging resulta,
nakakaapekto sa performans ng
mga mag-aaral ang paggamit ng
makabagong kagamitang pagtuturo
at maraming sumang-ayon at
nagnais sa paggamit ng multimedia
sa loob ng klasrum.

 Ang integrasyon ng teknolohiya ay


nakatulong upang madaragdagan
ang kaalaman at nakakakuha ng
atensyon ng mga mag-aaral. Naging
balanse naman ang resulta sa kung
may epekto ba ang paggamit ng
multimedia ng mga guro.
NAME OR LOGO
Suliranin 2.

Nakakatulong ba sa mga mag-aaral


ang aplikasyon ng teknolohiya sa
pagtuturo?

NAME OR LOGO
 Batay sa naging resulta, nakatutulong sa
mga mag-aaral ang aplikasyon ng
teknolohiya sa loob ng silid-aralan.
Naging madali at naiintindihan ng mga
mag-aaral ang itinuturo ng kanilang guro
gamit ang makabagong teknolohiya.
Kaya't para sa mga mag-aaral mas
mainam ang makabagong paraan ng
pagtuturo kaysa tradisyunal na
pagtuturo.
 Kaakibat nito, tumaas at gumanda ang
naging performans ng mga mag-aaral
dahil sa paggamit ng kanilang guro ng
makabagong teknolohiya.

NAME OR LOGO
Konklusyon
Ayon sa mga resultang nakuha
sa pag-aaral, ito ang mga
sumusunod na kongklusyon:

 Dahil sa mabilis na paglaganap


ng teknolohiya saan mang
dako ay hindi maiiwasan pati
na ang edukasyon ay
naapektuhan na rin,
gumagamit na sila ng mga
makabagong kagamitan sa
pagtuturo.

NAME OR LOGO
 Ayon sa resultang nakuha, ang
mga respondente ay nawiwili o
nakakakuha sa kanilang atensyon
ang paggamit ng multimedia sa
loob ng klasrom. Ganado silang
makinig sa itinuturo ng kanilang
guro at dahil dito ay mas
nadaragdagan ang kanilang
kaalaman kaysa sa tradisyunal na
paraan ng pagtuturo, mas
nagugustuhan nila ang paggamit
ng kanilang guro sa mga
makabagong kagamitan sa
pagtuturo dahil mas naiintindihan
nila ang mga itinuturo ng kanilang
guro.

NAME OR LOGO
 Nakakatulong ang teknolohiya
sa proseso ng pagkatuto ng
mga mag-aaral at dahil ito
aymas nagiging maganda
naman ang performans nila sa
klase.
 At dahil dito ang mga
mananaliksik ay nakakahinuha
na nagiging maganda ang
epekto ng makabagong
kagamitang pagtuturo sa mga
mag-aaral at sa kanilang mga
performans sa klasedahil ang
proseso ng pagkatuto ay
naganap na.
NAME OR LOGO
Rekomendasyon
 Nararapat lamang na ang lahat ng mga
guro ay magkakaroon ng kaalaman
hinggil sa paggamit ng multimedia sa
loob ng klase at dapat bigyan din ng
budget ang tungkol sa pagtutupad nito.
 Tutukan nang maayos ang mga bagay na
siyang makatutulong sa paglinang ng
kaalaman ng ating mga mag-aaral.
 Dapat hubugin ang mga mag-aaral nang
wasto hindi lamang ito para sa
kasalukuyan kundi para na rin sa
hinaharap.
NAME OR LOGO
Sanggunian:
https://www.scribd.com/doc/71783854/tESIS-filipino

NAME OR LOGO
Fed 321- Paggamit ng
Teknolohiya sa Pagtuturo ng
Filipino

BSED- FILIPINO 3201


Geneta, Maureen
Gutierrez, Lyka Cathrine
Jaen Arielle
Lascieras, Liezel
Linga, Angelica

You might also like