You are on page 1of 3

PAMAGAT (Proposed)

Pag-aaral sa Epekto ng Digitized Lesson sa Filipino sa Kasanayang Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Pintuyan
National Vocational High School bilang Tugon sa Tawag ng Pangangailangan ng ika-21 Siglong Kasanayan

I. INTRODUKSIYON

MAIKLING MALAY AT DANAS SA PAKSA

Mahigpit ang tawag ng pangangailangan ng Ika-21 siglong kasanayan sa larangan ng edukasyon sa


kasalukuyang panahon. Alam naman natin na kabi-kabila na ang anyaya ng teknolohiya sa buhay ng tao, ano
pa mang estado at uri ng kaniyang pamumuhay at propesyon. Nagiging madali at magaang ang ilang
pangangailangan ng tao dahil sa makabagong teknolohiya. Kaya nga maging sa larangan ng edukasyon at
paturuan, isang behikulong maituturing ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng
paggamit ng iba’t ibang aplikasyon at mga kagamitang pampagtuturo na hango sa iba’t ibang webpage ang
maaaring magamit ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Ang mga materyal na ito ay madaling makita o
mahanap na ngayon sa internet sapagkat ang mga ito ay “ready at available” na sa harap natin. Tanging ang
kailangan lamang sa isang guro ay maging mapaghanap(resourceful), malikhain, masigasig , madaling
umangkla sa makabagong kalakaran at higit sa lahat ay may kasanayan sa paggamit ng kompyuter, maalam sa
paggalugad ng mga webpage ng mga kagamitang pampagtuturo at nang maisapanahon ang kaniyang mga
kasanayan.
Sa pag-usbong ng makabagong panahon ay malaki na rin ang naging epekto nito sa ating lipunan lalo na sa
larangan ng edukasyon. Isa sa naging epekto ng makabagong panahon ay ang paggamit ng teknolohiya para sa
pag-sulong ng magandang edukasyon para sa mga kabataan. Sa pamamagitan ng teknolohiya ay higit na
napauunlad nito ang kasanayang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang paggamit ng iba’t-ibang aplikasyon at pag-
access sa mga website na makakatulong sa mga mag-aaral ay tulay tungo sa mas makabuluhan at madaling
pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang makabagong teknolohiya ay nagbibigay ng mga opurtunidad sa mga mag-
aaral upang mapagbuti ang kanilang mga kasanayan at magkaroon ng mga karanasan sa pag-aaral na mas
kaaya-aya at mas modero.

Dahil sa mapanghalinang tawag ng Daigdig ng Internet, ang mananaliksik ay nagkaroon ng marubdob na


hangarin na maisapanahon ang kasanayan ng mga guro sa larangan ng nauuso ngayong “Digitized Lesson” at
ito ay maipatupad sa pagtuturo ng Filipino sa antas elementarya at sekundarya. Dahil sa makabagong
teknolohiya, ang mga guro ay natuto na rin na gumamit ng digitized lesson para sa kabutihan ng mga mag-aaral.
Tunay na kapaki-pakinabang ang paggamit ng digitized lesson sapagkat nagagawa nitong maging interaktibo
ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Nagbibigay ito ng mga aktibidad at mga pagsusulit na makatutulong sa mga
mag-aaral naa mas mabuting maunawaan at mapag-aralan ang mga konsepto. Sa pamamagitan ng mga digitized
lesson ay nagiging eksakto o accurate ang impormasyon na natatanggap ng mga mag-aaral sa isang paksa.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsipat sa epekto ng paggamit/integrasyon ng teknolohiya sa
pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral bilang tugon sa tawag ng ika-21 siglong kasanayan. Tinangka ng pag-
aaral na sagutin ang mga sumusunod na tanong: Paano makatutugon ang Digitized Lessons sa Filipino sa tawag
ng pangangailangan ng ika-21 siglong kasanayan at ang epekto nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral?; Ano ang
epekto ng paggamit ng mga Digitized Lessons sa Filipino sa pagkatuto ng mga mag-aaral?;Ano-ano ang mga
kasanayang nalilinang sa mga guro at mag-aaral ng ika-21 siglo?

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Pangkalahatang Suliranin at Layunin
Ang pananaliksik na ito ay tataya sa bisa ng Digitized Lesson sa pagtuturo ng Asignaturang Filipino sa
Junior Hayskul at Senior Hayskul na mga mag-aaral ng Pintuyan National Vocational High School para sa
taon ng pag-aaral 2023-2024 bilang batayan ng panukala.

Mga Tiyak na Suliranin


1. Ano ang pre-test performance ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa mga sumusunod na
kakayahan?
1.1 Naihahambing ang mga katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan.( GRADE 7)
1.2 Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo/termino na ginagamit sa mundo ng multimedia. (GRADE 8)
1.3 Nasusuri ang mga tunggalian (tao vs. tao, at tao vs. sarili) sa kuwento batay sa napakinggang pag-uusap
ng mga tauhan. (GRADE 9)
1.4 Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa youtube (GRADE 10)
1.5 Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang uri ng
tekstong binasa. (GRADE 11)
1.6 Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay. (GRADE 12)
2. Ano ang post test performance ng mga mag-aaral sa nabanggit na kakayahan?
3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba sa pagitan ng pre-test at post-test?
4. Ano ang mga karanasan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa paggamit ng digitized lesson?
5. Batay sa mga natuklasan kung ano ang mga enhance learning materials na maaaring iharap?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
1. Maging mas masigasig ang mga mag-aaral na makinig sa pagtuturo ng guro sa bawat kasanayan.
2. Malaking tulong ang pag-aaral na ito sa mga resipyent ng kaalaman, ang mga mag-aaral na maging
mulat at bihasa sa paggamit ng teknolohiya at makaagapay sa tawag ng globalisasyon.
3. Magiging batayan ang pag-aaral na ito ng panibago pang mga pag-aaral hinggil sa epekto ng paggamit
ng teknolohiya sa pagkatuto upang higit na mapagtibay ang kabisaan nito.
4. Magiging salalayan din ang pag-aaral na ito sa pagpaplanong pampagtuturo ng mga administrador at
pinuno ng paaralan nang sa gayon ay makapaglaan sila ng pondo sa lalo pang pagsasanay ng mga guro
sa paggamit ng teknolohiya at kauri nito.

You might also like