You are on page 1of 14

EPEKTIBO NG IMPLEMENTASYON NG ONLINE AND DISTANCE

LEARNING (ODeL) BILANG PAMARAAN NG PAGTUTURO AT

PAGKATUTO SA IKA-21 NA SIGLO SA EDUKASYON NG NEW NORMAL

Isang pananaliksik na Iniharap kay G.Owen T. Lava

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan ng Asignaturang

Komunikasyon at Pananaliksik

Ipinasa nina

GUTIERREZ, JOSHUA

NOLIAL, CRISTINA

HUNYO, 2020
KABANATA 1

Panimula

“Edukasyon ay kayamanan na hindi maaaring maangkin ninuman”,

ngunit, sa panahon ng New Normal kung saan ang bawat isa ay apektado ng

pandemikong Covid-19, ito ay pansamantalang naisasantabi para sa

ikabubuti ng lahat na mag-aaral. Gayunpaman, ang mabilis na pagsulong sa

impormasyon at teknolohiya ng komunikasyon sa henerasyong ito ay

nagdulot ng napakalaking pagbabago mula sa pang-araw-araw na gawain

hanggang sa pansariling interes. Ang teknolohiya ay nagagamit ng mga

industriya upang maihatid ang mga makabagong pangangailangan ng tao.

Ang paggamit ng mga gadgets, bilang isa sa mga naging bunga ng

makabagong teknolohiya, ay naging parte na ng buhay ng milyon-milyong

Pilipino at patuloy na gumagabay sa pagpapagaan ng komunikasyon pati ang

mga simpleng gawain kagaya ng pamimili, pagbabayad ng bill, pagkatuto, at

marami pang iba.

Ayon sa isang datos na isinagawa ng Statista.com, ang Pilipinas ay

mayroong 44.3 milyong Pilipino ang gumagamit ng mobile phones sa taong

2020, at asahan pang tumaas nang 114.67% sa taong 2023. Ayon naman sa

Datareportal.com, mayroong 73 milyong pinoy sa bansa ang naitalang

gumamit o kumonekta sa internet nitong Enero, 2020 na mayroong 67%

internet penetration.

Ayon naman sa 2019 report ng Inquirer.net, nanguna ang bansa sa

may pinakamaraming oras ng pagbababad o paggamit ng internet sa isang


araw na may average na 10 oras at 2 minuto. At sinundan naman ng bansang

Brazil na may 9 oras at 29 minuto kada araw. Patunay lamang ang mga ito na

patuloy na rumarami ang gumagamit ng mobile phones at mga kumokonekta

sa internet sa bansa araw-araw.

Sa kabilang dako, nakikita namang solusyon sa pagkahinto sa pag-

aaral ng mga Pilipino na dulot ng pandemya ang paggamit ng mga gadgets

partikular ang mga mobile phones upang hindi maging hadlang ang krisis na

ito sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Kung kaya’t, kasalukuyang isinusulong

ang ODeL o Open and Distance e-Learning sa ilalim ng Blended Learning

Program ng Kagawaran ng Edukasyon o DepEd nang sa gayo’y

maipagpatuloy padin ang pagtuturo kahit nasa kani-kanilang tahanan lamang.

Ang pagtatakda naman o implementasyon nito ay hindi magiging

madali sapagkat mangangailangan ito ng pagpaplano at paghahanda hindi

lang sa bahagi ng DepEd, kundi sa bahagi ng bawat guro. Para naman sa

mga magulang na walang kakayanang magbigay ng gadget at magsuporta sa

kanilang mga anak sa sistemang ito ay nagbigay ang DepEd ng isa pang

opsyon kung saan ay pagkakalooban nalang sila ng mga modules at learning

materials para pagaralan. Ngunit layunin lamang ng pag-aaral na ito na

matukoy ang mga epektibong paraan ng pagpapatupad ng OdeL sa bansa

kung ito ba ay makabubuti o hindi, ngunit isaalang – alang din ang pag – alam

at pagkakaroon ng mga epektibong paraan sa pagpapatupad nito upang

magkaroon ng mga katanggap – tanggap na resulta na makukuha naman sa

pamamagitan ng paglista ng mga potensyal na suhestyon ng mga magulang

at mag – aaral na tatangkilik sa sistemang ito at paglapat nito sa pagtatakda.


Balangkas ng Teorya

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones (2020), ang online

learning ang solusyon upang ipagpatuloy ang pag – aaral kahit nasa tahanan.

May malaking gampanin ang mga magulang sapagkat sila ang maggagabay

sa kanilang mga anak habang wala sa paaralan.

Ang distance learning ay naisagawa nan g ibang paaralan at maging

mga kalapit na bansa. At ito ang solusyon upang maging ligtas ang mga mag

– aaral laban sa mga kalamidad at pandemya.

Paradimo ng Pag – aaral

PANANAW

(Mag – aaral)

IMPLEMENTASYON

(Online and Distance


Learning)

BENEPISYO EPEKTO

POSITIBO NEGATIBO

PIGURA 1

IMPLEMENTASYON NG ODeL SA SEKTOR NG EDUKASYON


Paglalahad ng Suliranin

Ang pamanahong papel na ito ay magbibigay impormasyon hinggil sa

Epektibo ng implementasyon ng online and distance learning (odel) bilang

pamaraan ng pagtuturo at pagkatuto sa ika-21 na siglo sa edukasyon ng new

normal. Ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang profayl ng respondente batay sa:

1.1. Edad?

1.2. Kasarian?

1.3. Address?

1.4. Pinakamataas na edukasyong na – ateyn?

1.5. Gadgets na inaangkin?

1.6. Buwanang sweldo ng mga magulang?

2. Ano ang mga postibo o negatibong epekto ang posibleng makuha

ng mga mag – aaal sa online and distance learning?

3. Anong minumungkahing mga paraan upang mas maging epektibo at

mapagtibay ang pagpapatupad nito nang maiwasan ang mga potensyal na

negatibong epekto nito?

4. Ano ang mga benepisyo ng online and distance learning kapag

naipatupad ito nang maayos at epektibo?

Saklaw at Delimitasyon
Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pagtukoy ng mga

epektibong paraan sa pagtataguyod ng online and distance learning bilang

bagong midyum ng pagtuturo at pagkatuto, at malaman ang suhestyon ng

mga tao upang mas mapagtibay at maging katanggap-tanggap ito. Sa

pamamagitan ng questionnaire na ipapamahagi sa mga mag-aaral na may

kakayanang tumangkilik sa paraang ito. Ito naman ay isasagawa sa mga

syudad, probinsya, at maging sa mga lugar na humaharap sa mga teknikal na

problema kagaya ng mahinang internet connection/signal, o iba pa ngunit

hindi kabilang ang pinansyal na pangangailangan.

Kahalagahan ng Pag – aaral

Mahalaga na pag-aralan ang epektibo ng implementasyon ng online

and distance learning (odel) bilang pamaraan ng pagtuturo at pagkatuto sa

ika-21 na siglo sa edukasyon ng new normal upang malaman ang magiging

mga benepisyo nito.

Para sa mga mag-aaral. Dapat nila itong mapag-aralan dahil bilang

isang mag-aaral nararapat na magkaroon sila ng sapat na kaalaman tungkol

sa mga nagaganap at magbigay linaw ukol sa pagiimplema ng online at

distance learning. At ito ay makatutulong sa mga mag-aaral dahil

maipagpapatuloy na nila ang pag-aaral kahit nasaan man sila o kahit anong

oras man na naisin nila.

Para sa mga magulang. Magiging gabay ang pag – aaral na ito upang

malinawan sa mga epekto ng online at distance learning at ang mga

magulang ang my sapat na kakayahan upang suportahan ang mga anak sa

ganitong sistema.
Para sa mga mamamayan. Dapat nila itong pag-aralan dahil bilang

isang miyembro ng komunidad dapat mayroon silang kamalayan sa

epektibong implementasyon ng online at distance learning bilang pamaraan

ng pagtuturo at pagkatuto sa ika-21 na siglo sa edukasyon ng new normal ng

sa gayon ay magtutulungan ang lahat upang mas matulungan ang mga

walang kakayahan sa pagkonekta sa internet.

Para sa mananaliksik. Dapat nila itong pag-aralan upang mapagtuunan

nila ng pansin ang benepisyo ng epektibong implementasyon ng online at

distance learning bilang pamaraan ng pagtuturo at pagkatuto sa ika-21 na

siglo sa edukasyon ng new normal.

Para sa susunod pang mananaliksik. Upang makatulong at

makapag-bigay ng dagdag impormasyon sa kanilang mga pag-aaral ukol sa

“Epektibo ng implementasyon bilang pamaraan ng pagtuturo at pagkatuto sa

ika-21 na siglo sa edukasyon ng new normal.”

Terminolohiyang Ginamit sa Pag – aaral

Blended Learning. Programa ng Kagawaran ng Edukasyon upang

patuloy na makapagbigay Edukasyon sa kabila ng pandemikong

kasalukuyang nararanasan.

Covid-19. Isang nakahahawang sakit na nagmula sa bansang China at

nagsimula noong taong 2019, na patuloy na gumagambala sa bansa at

nagdulot ng libo-libong kaso habang milyon-milyon naman sa buong mundo.

Gadget. Maliit na mekanikal o elektronikong aparato na may praktikal

na paggamit.
Internet Penetration. Dami ng tao populasyon sa bansa na may

access sa internet. Inihihihiwatig sa pamamagitan ng porsyento.

ODeL. Pinaikling salita ng isang sistema o pamamaraan kung saan

ang mga guro at mag-aaral ay hindi kinakailangang pumunta o magtagpo sa

parehong lugar o parehong oras sapagkat gumagamit lamang ito ng

electronics at gadgets upang patuloy na makapagturo ang mga guro.

Pandemya. Isang malawakang pagkakahawa-hawa ng isang sakit na

nakakaapekto sa maraming tao sa sa buong mundo at mabilis ang pagkalat.

Teknolohiya. Ang praktikal na aplikasyon ng kaalaman sa isang

partikular na larangan.
Konseptwal na Pag – aaral

INPUT PROCESS OUTPUT

Paglalahad ng Suliranin Disenyo ng


pananaliksik Epektibo ng Implementasyon Ng
1.Ano ang profayl ng
respondente batay sa:  Deskriptib Online And Distance Learning
1.1. Edad? (odel) bilang pamaraan ng pagtuturo
analytic
1.2. Kasarian? at pagkatuto sa ika-21 na Siglo sa
1.3. Address? Pamamaraan Edukasyon ng New Normal.
1.4.Pinakamataas na ng
edukasyong na – ateyn?
pangangalap
1.5.Gadgets na
ng datos
inaangkin?
1.6. Buwanang sweldo
 Surbey
ng mga magulang?
Kwestyuner
2. Ano ang mga postibo o
Istatistikal na
negatibong epekto ang
Pamamaraan
posibleng makuha ng mga
mag – aaal sa online and
 Weighted
distance learning?
mean
3. Anong
minumungkahing mga
paraan upang mas
maging epektibo at
mapagtibay ang
pagpapatupad nito nang
maiwasan ang mga
potensyal na negatibong
Kaugnay na Pag – aaral
epekto nito?

4. Ano ang mga


benepisyo ng online and
distance learning kapag
naipatupad ito nang
maayos at epektibo?

Kaugnay na Pag - aaral

Batay sa pagsusuri nina Trust Kashora, et. Al. Na may pamagay na

“E-Learning Technologies for Open Distance Learning Knowledge Acquisition


in Management Accounting”, ang matagumpay na pagpapatupad ng e-

Learning technologies ay humaharap sa mga hamon na nangangailangan ng

balangkas upang matugunan ang sumusunod: kakulangan ng mga

pedagohikal na kagamitan upang suportahan ang mga guro, kakulangan ng

access sa teknolohiya, kawalan ng cost analyses ng online course, online

study materials at mga online assessment, ang mga hamong pinansyal,

pangkalikasan at etikal na may kaugnayan sa pagtatapon ng mga outdated

na computers, at ilan pang iba ay dapat isaalang-alang sa pagtatakda nito.

Ayon naman kila Jackline Nyerere, et. Al. sa kanilang oag-aaral na

may titulong “Delivery of Open, Distance, and E-Learning in Kenya”, ang

pangunahing implikasyonng pag-aaral ay mayroong maraming potensyal sa

pagpapatupad ng programa ng ODeL sa Kenya, kung saan ay maaaring

magbigay ng mas kinakailangang access sa bansa. Ito ay maaaring makamit

sa pamamagitan ng paglalaan ng badyet at probisyong mapagkukunan,

maunlad na imprastraktura, pagsasanay sa mga guro at kawani ng ODeL, at

pagkakaloob ng mga serbisyo ng suporta sa mga mag-aaral.

Sintesis

Ang teknolohiya ay sadya ngang umuunlad sa pagtagal ng panahon.

Ang pagunlad ng teknolohiya ay nakakatulong sa pang araw – araw na

pamumuhay ang mga mamamayan sa kasalukuyang panahon. sa mga

sumunod na mga taon ay umusbong ang “online education” bilang

modernong pag - tuturo at pag – aaral. Ginagamit itong estratihiya ng mga

gustong matuto habang nasa trabaho upang matuto ng mga bagong

kaalaman. Ginagamit rin ito ng mga may mga “medical conditions” at


“disabilities” upang ipagpatuloy ang kanilang pag – aaral kahit wala sa

paaralan.

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagsagawa ng mga solusyon upang

maipagpatuloy ang pag – aaral ng mga mag – aaral kahit mayroong

pandemya. Ang implementasyon ng online and distance learning ay iprinisinta

upang manatili ang mga mag – aaral sa kanilang tahanan.

Habang samantalang nahinto ang pag pasok sa paaralan ay

inaaanyayahan ang mga mag – aaral na manatili sa kani – kanilang mga

tahanan at gamitin ang mga online learning platforms bilang alternatibong

paraang ng pag tuturo at pagkatuto.


KABANATA 2

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa mga pamamaraan

deskriptib-analitik. Kung saan minarapat naming alamin ang lawak ng

kaalaman ng mag-aaral ng lalawigan ng Santo Domingo patungkol sa

epektibo ng implementasyon ng online and distance learning (odel) bilang

pamaraan ng pagtuturo at pagkatuto sa ika-21 na siglo sa edukasyon ng new

normal. Minarapat naming tukuyin ito sa pamamagitan ng pagsusurbey.

Mga Respondente ng Pag – aaral

Ang aming piniling respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-

aaral ng lalawigan ng Santo Domingo. Pumili ang mga mananaliksik ng

limampungpung katao (50) upang pasagutan ang mga tanong na

makakatulong sa pamanahong papel ng mga mananaliksik. Dahil sila ang

napiling respondente sa kanila magmumula ang mga impormasyong

magbibigay linaw sa pag-aaral ukol sa epektibo ng implementasyon ng online

and distance learning (odel) bilang pamaraan ng pagtuturo at pagkatuto sa

ika-21 na siglo sa edukasyon ng new normal.

Instrumento ng Pag – aaral

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagseserbey

sa mag-aaral ng lalawigan ng Santo Domingo. Ang mga mananaliksik ay

naghanda ng isang surbey kwestyuner na may nilalaman na mga tanong na

naglalayong mangalap ng mga datos upang malaman ang kaalaman at

opinyon ng mga mag-aaral tungkol sa “Epektibo ng Implementasyon ng


Online and Distance Learning (Odel) bilang Pamaraan ng Pagtuturo at

Pagkatuto sa Ika-21 na Siglo sa Edukasyon ng New Normal.”

Paraan sa Paglaganap ng Datos

Ang pamamaraan sa paglaganap ng datos ay magsisimula sa

paggawa ng talatanungan at sinusundan sa pagsasaayos ng instrumento

para maiwasto ang mga katanungan at matiyak ang kaangkupan ng mga

katanungan upang masagot ang mga problemang ninanais na lutasin.

Personal na pinamahalaan ng mga mananaliksik ang paghingi ng

pahintulot sa bawat kalahok at pagbibigay ng mga katungan sa mga

respondente upang makuha ang nararapat na tugon. Kinalap ang mga

instrumento ng pananaliksik at inihambing ang mga sagot at binigyan ng

kabuuhan.

Balangkas ng Metodolohiya

Naghanap ang mga mananaliksik ng mga respondenteng

makakapagbigay ng napakalaking kontribusyon sa isinasagawang pag –

aaral. Matapos ay ipinaliwanag sa mga napiling respondente ang

kahalagahan ng pag – aaral at kung paano makikiayon sa hinihinging

kasagutan. Ang mga mananaliksik ay kokolektahin ang data gamit ang surbey

kwestyuneyr na kinakapalooban ng edad, kasarian, address, pinakamataas

na edukadyong na – ateyn, gadgets na inaangkin at buwanang sweldo ng

mga magulang. Matapos na masagutan ng mga respondente ang

kwestyuneyr ay itatala, ineterpretahin at susuriin.


Istatistikal Tritment

Sa pagkuha ng porsyento, ang nakalap na bilang (N) sa bawat

katumbas nitong pamimilian ay ididibayd ng kabuuang bilang ng respondente

limampu (50) at pagkatapos ay imumultiplay sa 100

N/50x100= Katumbas na porsyento

You might also like