You are on page 1of 9

EPEKTO NG ONLINE LEARNING SA MGA

MAG-AARAL, MGA PAMAMARAAN NG PAGTUTURO


AT PAGKATUTO SA IKA-21 NA SIGLO SA
EDUKASYON NG NEW NORMAL EPEKTO NG ONLINE
LEARNING SA MGA GURO AT MAG-AARAL, MGA
PAMAMARAAN NG PAGTUTURO AT PAGKATUTO SA
IKA-21 NA SIGLO SA EDUKASYON NG NEW NORMAL

ABRIL 9 2021

KABANATA 1

PANIMULA
“Edukasyon ay kayamanan na hindi maaaring maangkin
ninuman”, ngunit, sa panahon ng New Normal kung saan ang
bawat isa ay apektado ng pandemikong Covid-19, ito ay
pansamantalang naisasantabi para sa ikabubuti ng lahat na mag-
aaral. Gayunpaman, ang mabilis na pagsulong sa impormasyon
at teknolohiya ng komunikasyon sa henerasyong ito ay nagdulot
ng napakalaking pagbabago mula sa pang-araw-araw na gawain
hanggang sa pansariling interes. Ang teknolohiya ay nagagamit
ng mga industriya upang maihatid ang mga makabagong
pangangailangan ng tao. Ang paggamit ng mga gadgets, bilang
isa sa mga naging bunga ng makabagong teknolohiya, ay naging
parte na ng buhay ng milyon-milyong Pilipino at patuloy na
gumagabay sa pagpapagaan ng komunikasyon pati ang mga
simpleng gawain kagaya ng pamimili, pagbabayad ng bill,
pagkatuto, at marami pang iba. Ayon sa isang datos na isinagawa
ng Statista.com, ang Pilipinas ay mayroong 44.3 milyong Pilipino
ang gumagamit ng mobile phones sa taong 2020, at asahan pang
tumaas nang 114.67% sa taong 202

BATAYANG KONSEPTWAL
Ayon naman sa Datareportal.com, mayroong 73 milyong pinoy
sa bansa ang naitalang gumamit o kumonekta sa internet nitong
Enero, 2020 na mayroong 67% internet penetration. Ayon naman
sa 2019 report ng Inquirer.net, nanguna ang bansa sa may
pinakamaraming oras ng pagbababad o paggamit ng internet sa
isang

araw na may average na o implementasyon nito ay hindi


magiging madali sapagkat mangangailangan ito ng pagpaplano at
paghahanda hindi lang sa bahagi ng DepEd, kundi sa bahagi ng
bawat guro. Para naman sa mga magulang na walang
kakayanang magbigay ng gadget at magsuporta sa kanilang mga
anak sa 10 oras at 2 minuto. At sinundan naman ng bansang
Brazil na may 9 oras at 29 minuto kada araw. Patunay lamang
ang mga ito na patuloy na rumarami ang gumagamit ng mobile
phones at mga kumokonekta sa internet sa bansa araw-araw. Sa
kabilang dako, nakikita namang solusyon sa pagkahinto sa
pagaaral ng mga Pilipino na dulot ng pandemya ang paggamit ng
mga gadgets partikular ang mga mobile phones upang hindi
maging hadlang ang krisis na ito sa pagkatuto ng mga mag-aaral.
Kung kaya’t, kasalukuyang isinusulong ang ODeL o Open and
Distance e-Learning sa ilalim ng Blended Learning Program ng
Kagawaran ng Edukasyon o DepEd nang sa gayo’y
maipagpatuloy padin ang pagtuturo kahit nasa kani-kanilang
tahanan lamang. Ang pagtatakda naman sistemang ito ay
nagbigay ang DepEd ng isa pang opsyon kung saan ay
pagkakalooban nalang sila ng mga modules at learning materials
para pagaralan. Ngunit layunin lamang ng pag-aaral na ito na
matukoy ang mga epektibong paraan ng pagpapatupad ng OdeL
sa bansa kung ito ba ay makabubuti o hindi, ngunit isaalang –
alang din ang pag – alam at pagkakaroon ng mga epektibong
paraan sa pagpapatupad nito upang magkaroon ng mga
katanggap – tanggap na resulta na makukuha naman sa
pamamagitan ng paglista ng mga potensyal na suhestyon ng mga
magulang at mag – aaral na tatangkilik sa sistemang ito at
paglapat nito sa pagtatakda.

Balangkas ng Teorya Ayon kay Education Secretary


Leonor Briones (2020),

ang online learning ang solusyon upang ipagpatuloy ang pag


– aaral kahit nasa tahanan. May malaking gampanin ang mga
magulang sapagkat sila ang maggagabay sa kanilang mga anak
habang wala sa paaralan. Ang distance learning ay naisagawa
nan g ibang paaralan at maging mga kalapit na bansa. At ito ang
solusyon upang maging ligtas ang mga mag – aaral laban sa mga
kalamidad at pandemya. Paradimo ng Pag – aaral
PARADIMO NG PAGAARAL

PANANAW
(MAG -AARAL)

IMPLEMENTASIYON
(ONLINE AND DISTANCE
LEARNING)

BENEPISYO EPEKTO
POSITIBO NEGATIBO

PIGURA 1 IMPLEMENTASYON NG ODeL SA SEKTOR


NG EDUKASYON

Paglalahad ng Suliranin Ang pamanahong papel na ito ay


magbibigay impormasyon hinggil sa Epektibo ng implementasyon
ng online and distance learning (odel) bilang pamaraan ng
pagtuturo at pagkatuto sa ika-21 na siglo sa edukasyon ng new
normal. Ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na
tanong: 1.

Ano ang profayl ng respondente batay sa: 1.1. Edad? 1.2.


Kasarian? 1.3. Address? 1.4. Pinakamataas na edukasyong na –
ateyn? 1.5. Gadgets na inaangkin? 1.6. Buwanang sweldo ng
mga magulang?

2. Ano ang mga postibo o negatibong epekto ang posibleng


makuha ng mga mag – aaal sa online and distance learning? 3.
Anong minumungkahing mga paraan upang mas maging epektibo
at mapagtibay ang pagpapatupad nito nang maiwasan ang mga
potensyal na negatibong epekto nito? 4. Ano ang mga benepisyo
ng online and distance learning kapag naipatupad ito nang
maayos at epektibo?
Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pagtukoy ng mga


epektibong paraan sa pagtataguyod ng online and distance
learning bilang bagong midyum ng pagtuturo at
pagkatuto, at malaman ang suhestyon ng mga tao
upang mas mapagtibay at maging katanggap-
tanggap ito. Sa pamamagitan ng questionnaire na
ipapamahagi sa mga mag-aaral na may kakayanang tumangkilik
sa paraang ito. Ito naman ay isasagawa sa mga syudad,
probinsya, at maging sa mga lugar na humaharap sa mga
teknikal na problema kagaya ng mahinang internet
connection/signal, o iba pa ngunit hindi kabilang ang pinansyal na
pangangailangan. Kahalagahan ng Pag – aaral Mahalaga na pag-
aralan ang epektibo ng implementasyon ng online and distance
learning (odel) bilang pamaraan ng pagtuturo at pagkatuto sa ika-
21 na siglo sa edukasyon ng new normal upang malaman ang
magiging mga benepisyo nito. Para sa mga mag-aaral. Dapat nila
itong mapag-aralan dahil bilang isang mag-aaral nararapat na
magkaroon sila ng sapat na kaalaman tungkol sa mga nagaganap
at magbigay linaw ukol sa pagiimplema ng online at distance
learning. At ito ay makatutulong sa mga mag-aaral dahil
maipagpapatuloy na nila ang pag-aaral kahit nasaan man sila o
kahit anong oras man na naisin nila. Para sa mga magulang.
Magiging gabay ang pag – aaral na ito upang malinawan sa mga
epekto ng online at distance learning at ang mga magulang ang
my sapat na kakayahan upang suportahan ang mga anak sa
ganitong sistema.
Konseptwal na Pag – aaral PROCESS

INPUT
Paglalahad ng Suliranin 1.Ano ang profayl ng respondente batay
sa: 1.1. Edad? 1.2. Kasarian? 1.3. Address? 1.4.Pinakamataas
na edukasyong na – ateyn? 1.5.Gadgets na inaangkin? 1.6.
Buwanang sweldo ng mga magulang? 2. Ano ang mga postibo o
negatibong epekto ang posibleng makuha ng mga mag – aaal sa
online and distance learning?

Disenyo ng pananaliksik 

Deskriptib analytic

Pamamaraan ng pangangalap ng datos 

OUTPUT

Epektibo ng Implementasyon Ng Online And Distance Learning


(odel) bilang pamaraan ng pagtuturo at pagkatuto sa ika-21 na
Siglo sa Edukasyon ng New Normal.

Surbey Kwestyuner

Istatistikal na Pamamaraan 

Weighted mean

3. Anong minumungkahing mga paraan upang mas maging


epektibo at mapagtibay ang pagpapatupad nito nang maiwasan
ang mga potensyal na negatibong Kaugnay na Pag – aaral
epekto nito? 4. Ano ang mga benepisyo ng online and distance
learning kapag naipatupad ito nang maayos at epektibo?

Kaugnay na Pag - aaral Batay sa pagsusuri nina Trust Kashora,


et. Al. Na may pamagay na “E-Learning Technologies for Open
Distance Learning Knowledge Acquisition

in Management Accounting”, ang matagumpay na pagpapatupad


ng eLearning technologies ay humaharap sa mga hamon na
nangangailangan ng balangkas upang matugunan ang
sumusunod: kakulangan ng mga pedagohikal na kagamitan
upang suportahan ang mga guro, kakulangan ng access sa
teknolohiya, kawalan ng cost analyses ng online course, online
study materials at mga online assessment, ang mga hamong
pinansyal, pangkalikasan at etikal na may kaugnayan sa
pagtatapon ng mga outdated na computers, at ilan pang iba ay
dapat isaalang-alang sa pagtatakda nito. Ayon naman kila
Jackline Nyerere, et. Al. sa kanilang oag-aaral na may titulong
“Delivery of Open, Distance, and E-Learning in Kenya”, ang
pangunahing implikasyonng pag-aaral ay mayroong maraming
potensyal sa pagpapatupad ng programa ng ODeL sa Kenya,
kung saan ay maaaring magbigay ng mas kinakailangang access
sa bansa. Ito ay maaaring makamit sa pamamagitan ng paglalaan
ng badyet at probisyong mapagkukunan, maunlad na
imprastraktura, pagsasanay sa mga guro at kawani ng ODeL, at
pagkakaloob ng mga serbisyo ng suporta sa mga mag-aaral.
Sintesis Ang teknolohiya ay sadya ngang umuunlad sa pagtagal
ng panahon. Ang pagunlad ng teknolohiya ay nakakatulong sa
pang araw – araw na pamumuhay ang mga mamamayan sa
kasalukuyang panahon. sa mga sumunod na mga taon ay
umusbong ang “online education” bilang modernong pag - tuturo
at pag – aaral. Ginagamit itong estratihiya ng mga gustong
matuto habang nasa trabaho upang matuto ng mga bagong
kaalaman. Ginagamit rin ito ng mga may mga “medical
conditions” at

“disabilities” upang ipagpatuloy ang kanilang pag – aaral kahit


wala sa paaralan. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagsagawa
ng mga solusyon upang maipagpatuloy ang pag – aaral ng mga
mag – aaral kahit mayroong pandemya. Ang implementasyon ng
online and distance learning ay iprinisinta upang manatili ang mga
mag – aaral sa kanilang tahanan. Habang samantalang nahinto
ang pag pasok sa paaralan ay inaaanyayahan ang mga mag –
aaral na manatili sa kani – kanilang mga tahanan at gamitin ang
mga online learning platforms bilang alternatibong paraang ng
pag tuturo at pagkatuto.

You might also like