You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Nueva Vizcaya State University


Kolehiyo ng Pagtuturo

DAHON NG PAGHAHANDOG

Ang pag-aaral na ito ay buong pusong iniaalay sa aming mga minamahal na

pamilya, na aming pinagmumulan ng inspirasyon at lakas sa buong pananaliksik na

ito. Ang kanilang patuloy na moral, espirituwal, emosyonal, at pinansyal na suporta

sa amin ay nakatulong sa amin na matapos ang pananaliksik na ito.

Iniaalay namin ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral na napapabilang sa

Baitang 10 na nagsilbing dahilan upang maisakatuparan ang aming pag-aaral.

Higit pa rito, iniaalay din namin ang pananaliksik na ito sa

Makapangyarihang Diyos, para sa kanyang patnubay, kapangyarihan, at proteksyon

at para sa pagbibigay sa amin ng malusog na pangangatawan upang maisagawa ang

pananaliksik na ito.

Lahat ng ito ay iniaalay naming ito sa inyo.

Danica

Catherine

Marianne

Kristiana

Rolly

Jeric

ii
Republika ng Pilipinas
Nueva Vizcaya State University
Kolehiyo ng Pagtuturo

DAHON NG PASASALAMAT

Nais namin kilalanin at ibigay ang aming mainit na pasasalamat sa mga

naging bahagi ng aming isinagawang pananaliksik. Nang dahil sakanila, mas naging

maayos at maganda ang lumabas na mga resulta.

Nais naming ipahayag ang aming taus-pusong pasasalamat kay William

Magday Jr. PhD, Dekano, Kolehiyo ng Edukasyon, Nueva Vizcaya State University,

Bayombong, Nueva Vizcaya, sa pagbibigay-pahintulot na maisakatuparan ang pag-

aaral na ito at sa patuloy na pagbibigay suporta sa mga mananaliksik.

Sa aming mga tagapayo na si Lhea T. Castro, MAT-Fil, na siyang tumulong

at ginawang posible ang pananaliksik na ito. Ang kaniyang patnubay at payo ay

nagdala sa amin sa lahat ng yugto ng pagsulat ng aming proyekto.

Nais rin naming pasalamatan si Gail G. Gumilet, Ed.D. sa kaniyang patuloy

na pagsuporta upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito.

Nais rin naming pasalamatan ang aming pamilya sa kabuuan para sa kanilang

patuloy na suporta at pang-unawa sa panahon ng pagsasagawa ng pananaliksik.

Higit sa lahat, nais naming magbigay ng espesyal na pasasalamat sa

Panginoong Maykapal, sa paggabay sa amin sa lahat ng mga paghihirap na aming

naranasan. Kami’y magtitiwala sa iyo hanggang sa huli.

iii
Republika ng Pilipinas
Nueva Vizcaya State University
Kolehiyo ng Pagtuturo

ABSTRAK

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang bisa ng mga larong

pampanitikan sa pagtuturo ng tula at maunawaan ang persepsyon ng mga tagatugon

hinggil dito. Sa pamamagitan ng paggamit ng talahanayang datos at pagsasagawa ng

mga sukat na nagsasalamin sa dalas at ranggo ng mga larong pampanitikan na

ginagamit sa pagtuturo ng tula, nakuha ang mga persepsyon at reaksyon ng mga

partisipante.

Batay sa mga natuklasan, lumalabas na may positibong epekto ang paggamit

ng mga larong pampanitikan sa pagtuturo ng tula. Nakita na mas nagiging kapana-

panabik at nakakakuha ng interes ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga laro.

Nagpapaguudyok rin ang mga larong ito sa interes ng mga mag-aaral na lumikha ng

maraming tula. Mahalagang mabigyan ng tamang pagsasanay at orientasyon ang mga

guro upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa paggamit ng mga larong

pampanitikan.

Iminumungkahi na magkaroon ng mas malawak na pagsasagawa ng

pananaliksik upang masuri ang pangkalahatang epekto ng mga larong pampanitikan

sa iba't ibang aspeto ng pagtuturo ng tula. Dapat isama ang mga larong ito sa mga

kurikulum at gabay sa pagtuturo ng wika at panitikan upang mabigyan ng tamang

halaga at atensyon. Mahalaga rin ang pagpapalawak ng kaalaman at pag-unawa ng

mga mag-aaral sa iba't ibang uri ng mga larong pampanitikan.

iv
Republika ng Pilipinas
Nueva Vizcaya State University
Kolehiyo ng Pagtuturo

Sa pangkalahatan, ang mga natuklasan ng pananaliksik na ito ay naglalayong

mapalawak ang paggamit at pagsasagawa ng mga larong pampanitikan sa pagtuturo

ng tula. Ang mga rekomendasyon na nabanggit ay naglalayong mapabuti ang

paggamit ng mga larong pampanitikan sa paghubog ng kasanayan at pagpapahalaga

sa tula. Ito ay magbibigay ng mas malalim at makabuluhang karanasan sa mga mag-

aaral sa larangan ng panitikan at pagsulat ng tula.

MgaSusingSalita: larong pampanitikan, persepsyon, interes, tula, kapana-panabik

You might also like