You are on page 1of 30

TRADISYUNAL O MODERNO: ANG MABISANG INSTRUMENTO SA PAG-AARAL

NG MGA MAG-AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL SA


MANILA CENTRAL UNIVERSITY

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:
Bartonado, Dianne-Joy V.
Basectin, Jordanne Louise L.
Cipriano, Trixia Marie Q.
Diamante, Patricia D.
Estabillo, Joyce Conception Marie G.
Gucela, Stiven Blair N.
Lapitan, Irish D.
Macabinlar, Dominique S.
Nuqui, Jocelle D.
Pangilinan, Kimberly B.
Suriben, Alea L.
Ikalawang Pangkat
STEM 11-1

Ipinasa kay:
Gng. Liza L. Magdael

2019
Kabanata I
Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Malaki ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa edukasyon. Ayon sa obserbasyon

na naisapubliko sa isang blog na pinamagatang Paniniwala, Pagpapahalaga, at Kultura

ng mga Pilipino (2014), isang nakagawiang kultura na ng mga Pilipino ang pagtitiis

upang matustusan lamang ang pag-aaral ng mga anak. Kaya naman, patuloy na

makikita ang pagpapaunlad na ginagawa patungkol sa edukasyon sa Pilipinas.

Kasabay ng pagbabago ng panahon ay ang mga inobasyon upang mapaunlad ang

edukasyon sa Pilipinas. Matatandaang mula sa mga simpleng pamamaraan ng

pagtuturo hanggang sa kasalukuyang panahon kung saan ginagamitan na ito ng

makabagong teknolohiya, masasalamin na ang edukasyon sa Pilipinas ay patuloy na

umuunlad at hinahasa.

Matatandaang nagsimula ang edukasyon sa Pilipinas bago pa man sakupin ang

mga katutubo ng iba't-ibang lahi. Ang mga unang Pilipino ay natututo sa pamamagitan

ng "edukasyong di-pormal" kung saan hindi ito nagtataglay ng pormalidad na makikita

natin sa edukasyon sa kasalukuyan. Nagsimula ito sa simpleng pamamaraan ng

pagsulat kung saan ang mga katutubo ay may sariling pamamaraan ng paglalathala ng

kanilang kultura sa mga nakalipas na panahon. Hanggang sa dumating ang mga

mananakop na Kastila at Amerikano kung saan pinakilala nila ang kanilang paraan ng

edukasyon. Dahil dito, nagkaroon ng mas pormal na edukasyon kung saan mayroong

eskuwelahang pinapasukan at mga aklat na sinusuri at binabasa ang mga mag-aaral


(Angulo, 2016). Mula rito, nagsimula ang itinuturing na tradisyunal na paraan ng

pagtuturo sa Pilipinas, kung saan gumagamit ang mga guro at mag-aaral ng aklat o

libro na pinagbabasehan ng mga kaalaman na dapat maisalin sa mga mag-aaral.

Ang "libro" ay nagmula sa salitang latin na tumutukoy sa mga pinagsama-

samang mga nailimbag na salita sa papel na binubuo ng maraming bilang ng pahina.

Ito'y kadalasang nagiging simbolo ng kasipagan para sa mga mag-aaral (Chingco,

2017). Ang libro o aklat ang tinuturing na tradisyunal na instrumento sa pagtuturo sa

Pilipinas. Ang mga mag-aaral sa Pilipinas ay inaasahang magkaroon ng libro upang

mas mapadali ang pagkatuto, partikular sa mga pribadong paaralan na ang mga mag-

aaral ay bumibili ng libro mula sa institusyon. Ang libro ay nagsisilbing gabay sa mga

mag-aaral at guro sapagkat dito nakalimbag ang pagkakasunod-sunod ng mga aralin

na inaprubahan ng Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas.

Bukod sa paggamit ng libro, aklat o mga teksbuk, bahagi din ng tradisyunal na

pagtuturo sa Pilipinas ang paggamit ng visual aids. Ito ay ang pagtuturo na ginagamitan

ng pagsusulat sa pisara o kaya naman ay ang paggamit ng sining sa makukulay na

papel upang makuha ang atensyon ng mga mag-aaral na makikinig sa isang klase.

Kadalasan itong makikita sa mga pampublikong paraan kung saan iilang mag-aaral

lamang ang nakakakuha ng aklat kaya naman ang mga guro ay gumagawa ng paraan

upang ito'y hindi maging hadlang sa pagkatuto.

Ayon kay Guerrero (2014), lumipas na ang panahon ng tradisyunal na pagtuturo


sa Pilipinas. Sa pagdaan ng panahon, ang mga libro at visual aids ay hindi na nagiging

sapat para matututo ang isang mag-aaral na nabubuhay sa isang modernong panahon.

Bagamat nasanay tayo sa tradisyunal na paraan ng pag-aaral, hindi maipagkakailang

nakikisabay ang edukasyon sa kasalukuyang henerasyon. Laganap ngayon ang

paggamit ng teknolohiya lalo na sa mga kabataan. Hindi lamang nito napapadali ang

ating mga gawain, natutulungan din tayo nito sa ating pang-araw-araw na buhay.

Kung bibigyan ng simpleng pagpapakahulugan, ang teknolohiya ay ang paglapat

ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglutas ng

suliranin ng tao. Sa madaling salita, ito ay ang paglakip ng mga kagamitan upang

mapadali ang gawain ng tao.

Sinimulan nga ang pag-unlad ng aspetong ito sa edukasyon noong 1600’s sa

pamamagitan ng Slide Rule. Ito ay likha ni William Oughtred noong 1622 ngunit ito ay

unang ipinakilala ni Robert Bissaker noong 1654. Ito ay isang instrumentong ginamit ng

mga scientists at mga engineers hanggang 1970s. Ngunit ang kinikilalang unang

personal computer ay ang Analytical Engines ni Charles Babbage.

Noong 1600’s rin ginamit ang Hornbook sa mga silid-aklatan. Katulad nito ang

abacus ngunit nakapokus ito sa katinig, patinig maging ang alpabeto mismo.

Samantalang ang mga blackboard na karaniwang bubungad pagpasok pa lamang ng

silid-aralan, ay unang ginamit noong 1800s. Gawa ito sa slates, isang uri ng

metamorphic rock, dahil na rin sa masaganang ani nito dahil sa pagmimina noong ika-
19 siglo. Ngunit, napag-alaman na ang chalk dust ay may potensyal na panganib sa

kalusugan kaya pinalitan ito ng Whiteboard.

Ipinakilala rin noong 1950’s ng Xerox ang unang photocopying machine.

Natulungan nito ang mga guro sa pagpprodyus ng maramihang kopya ng kanilang mga

gagamitin sa epektibong pagtuturo. Dito nagmula ang kilalang salita na “Xerox” imbis na

“photocopy”.

Ang taong 1970’s ang nagpakilala ng paggamit ng Calculator sa loob ng

paaralan. Mas napadali nito manu-manong pagbibilang ng mga estudyante at

nakatulong na makasagot sila nang mas mabilis sa pagbibilang. Sa taong ito rin

ibinahagi sa mundo ang Scantron, kung saan pinadadali ang pagbibilang ng marka ng

mga mag-aaral sa kanilang ebalwasyon at mga pagsusulit. Ginawa ito upang makatipid

ng oras ang mga guro sa pagwawasto ng maramihang papel ng pagsusulit.

Sa kasalukuyang panahon, maraming uri ng teknolohiya ang makikitang

ginagamit sa loob ng silid-aralan. Nariyan ang paggamit ng mga visual aids tulad ng

telebisyon at laptop. Paminsan-minsan ay naisasama rin ang paggamit ng mga

projector sa paghahatid ng mga impormasyon. Bukod pa riyan, hindi maikakailang ang

bawat estudyante ay may kaniya-kaniyang mga cellphones na kanilang ginagamit para

sa kanilang pag-aaral. Ginagawa nila itong midyum sa pagre-review ng kanilang mga

lectures sa pamamagitan ng mga powerpoint presentations. Nagiging paraan din ito sa

kanilang pagre-research at paggamit ng internet.


Sa kasalukuyang panahon, umiikot na ang mundo ng kabataan sa teknolohiya.

Ayon sa kanila, mas napapadali nito ang kanilang pag-aaral at tiyak na nakatutulong sa

kanilang sariling pag-unlad. Sa pag-aaral na ito matitimbang ang kahalagahan ng

tradisyunal na paggamit ng aklat at ang paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga

estudyante sa Senior High School mula sa Manila Central University.

Pagpapahayag ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy ang saloobin ng mga piling

mag-aaral na nasa ika-labing isang baitang ng Senior High School patungkol sa ano

ang mabisang instrumento, ang tradisyunal ba o moderno sa pag-aaaral ng mga mag-

aaaral ng Manila Ceentral University. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang tukuyin

ang mga sumusunod:

1. Propayl ng Respondent

A. Edad

B. Kasarian

C. Baitang

2. Ano-ano ang mga ginagamit nila na instrumento sa kanilang pag-aaral?

3. Ano ang epekto sakanila ng paggamit ng tradisyunal na instrumento sa pag-

aaral?

4. Ano ang epekto sakanila ng paggamit ng modernong instrumento sa pag-aaral?

5. Alin sa tradisyunal o moderno ang mas madalas nilang nagagamit?


6. Alin sa tradisyunal o modernong instrument ang kadalasang hinihikayat na

ipagamit ng kanilang mga guro?

7. Alin sa tradisyunal o modernong instrumento ang mas mabisa sa paglinang ng

kanilang kaalaman?

Layunin ng Pag-aaral

Pangkalahatang Layunin

Ang pangkalahatang layunin ng pagsasaliksik na ito ay mabigyan ang mga mag-

aaral sa ika-labing isang baitang ng Senior High School partikular sa Manila Central

University ng tiyak at sapat na kaalaman ukol sa pagkakaiba ng epekto o kabisaan sa

pagiging pantulong ng dalawang uri ng instrumento na ginagamit sa pag-aaral.

Binibigyang pansin din ng pananaliksik na ito na makakalap ng sapat na datos mula sa

piling mga mag-aaral upang malaman ang iba’t ibang bagay na nakakonekta sa

paggamit ng tradisyunal o modernong instrumento sa paglinang ng kaalaman ng

karamihan sa mga mag-aaral sa partikular na baitang.

Tiyak na Layunin

1. Malaman ang kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral sa ika-labing isang

baitang na kagamitan o instrumento sa pag-aaral.


2. Malaman ang positiibo at negatibong epekto ng paggamit ng tradisyunal na

kagamitan sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa ika-labing isang baitang.

3. Malaman ang positibo at negatibong epekto ng paggamit ng modernong

kagamitan sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa ika-labing isang baitang.

4. Malaman ang mga posibleng dahilan ng patuloy na paggamit ng tradisyunal na

kagamitan sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa ika-labing isang baitang.

5. Malaman ang mga posibleng dahilan ng patuloy na paggamit ng modernong

kagamitan sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa ika-labing isang baitang.

6. Malaman ang higit na nakatutulong sa pagitan ng tradisyunal o modernong

kagamitan sa paghasa ng kaalaman ng mga mag-aaral sa ika-labing isang

baitang.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay hind lamang upang malaman kung ano ang mabisang

paraan sa pagkatuto ng mga mag-aaral kundi, maunawaan rin ang mga posibleng

kahalagahan sa pagpapatupad ng pag-aaral na ito. Kung ang resulta ng pag aaral na

ito ay mapatunayan, magkakaroon ng mga pakinabang ang mga sumusunod na

indibidwal.

Para sa mag-aaral, ang pag aaral na ito ay mahalaga para sa mga mag aaral

dahil ito ay makakatulong upang maipaunawa sa bawat isa na tayo ay may kanya

kanyang kakayahan at paraan sa pagkatuto. May mga indibidwal na higit na natututo

kung libro at mga biswal ang mga kagamitan, samantala, may mga estudyante rin

naman na agad na natututo kung ang teknolohiya ay ginagamit na sangkap sa


pagtuturo ng estudyante dahil mas mabilis itong matandaan at maunawaan dahil mas

pinaikli ito at naka-detalye lamang ang mga importanteng impormasyon. Posible rin na

tulungan ng bawat estudyante ang isa’t-isa upang mapabilis ang pag-unawa sa mga

impormasyon. Kung ang estudyante ay mabilis na matututo gamit ang tradisyunal na

kagamitan, maaari niyang tulungan ang kaniyang kamag-aral na hirap matuto kung

tradisyunal na kagamitan ang pagbabasehan. Gayundin ang mag aaral na mabilis

matuto sa modernong kagamitan, maaari nilang turuan ang mga kapwa mag-aaral ang

mga kaalaman na mayroon sila upang mabisang maunawaan ang mga impormasyon.

Para sa guro, ang pag-aaral sa pag alam ng mabisang paraan sa pagkatuto ng

mag aaral, tradisyon man o moderno, ay maipapaalam sa mga guro kung ano ba ang

iba't-ibang paraan ng estudyante sa pagkatuto. Makakatulong ang pag aaral na ito

upang matulungan ang mga guro na makagawa ng mabisang paraan upang

maibalanse ang paggamit ng tradisyunal na kagamitan at modernong mga kagamitan.

Bilang karagdagan, Kung mababatid ng guro ang mas mabisang paraan (preferred

way) ng estudyante sa pagkatuto ay malaki ang posibilidad na ito na ang maging

paraan nila sa pagtuturo.

Para sa tagapamatnubay, ang pag aaral na ito ay malaking kapakinabangan sa

mga tagapatnubay o lider sapagkat. Sa pamamagitan nito ay matutulungan ng

tagapatnubay ang kaniyang miyembro sa kanilang pagkatuto sa pamamagitan ng

paggabay sa mga ito. Kung magkakaroon ng sapat na kaalaman ang bawat

tagapatnubay ay mas higit niyang mauunawaan ang kakayahan ng bawat miyembro

kung saan sila mas madaling matuto. Matutulungan niya ang mga ito namas linangin

pa nila ang kanilang kakayahansa pagkatuto.


Para sa administrator ng paaralan, sa pag aaral na ito, maipalaalam sa

administrador ng paaralan (preferred way) ng mga estudyante sa MCU kung ano ba

ang mabisang paraan para sa kanila na kung saan sila mas madaling matututo. Sa

pamamagitan nito, maaring magpatupad ng pagpupulong ang administrador na kung

saan kabilang ang mga guro upang maipaalam sa mga ito ang madaling paraan kung

pano matututo ang mga mag aaral. Kung sakaling mas maraming estudyante ang mas

madali (preferred) ang tradisyunal na kagamitan, maaring ang administrador ng

paaralan ay magdagdag pa ng suplay ng mga libro, i-update o ipa-monitor ang mga

libro sa mga silid-aklatan upang higit na makatulong sa pag-aaral ng mga estudyante.

Kung ang resulta naman ay mas marami ang bilang ng mga mag-aaral na mas natututo

kapag gumagamit ng modernong kagamitan ay maari ring i-monitor ang kalagayan ng

mga kompyuter kung ito ba ay maayos pang gumagana. Gayundin ang i-status ang

Wireless Fidelity o WiFi ng paaralan upang madaling makakonekta ang mga mag-aaral

sa internet na makakatulong sa pagsasaliksik ng mga estudyante sa paaralan.

Para sa mga susunod na mananaliksik sa pag-aaral na ito, ang pag-aaral na

ito ay maaring maging pundasyon ng pag-aaral ng mga susunod na mananaliksik

upang mas makatulong sa pagpapalawak ng paksa sa nararapat at mabisang gamitin

sa pagkatuto ng isang estudyante. Ang mga impormasyon na nailatag sa pag-aaral na

ito ay makakatulong upang masagot din ang ilang katanungan na posibleng makaharap

ng mga susunod na mananaliksik sa kanilang pagsasaliksik na may kaugnayan sa

paksa na ito.

Batayan ng Konseptwal o Paradym


Pinagbatayan Proseso Kalalabasan ng
Ang pananaliksik Mga kagamitan at pag-aaral
na ito ay ninanais pamamaraan na
Sa pag-aaral na
na malaman ang ginamit ng
ito ninanais ng
mga positibo at mananaliksik:
mga mananaliksik
negatibong
epekto at ang  Sarbey na malaman ang
mga posibleng  Kuwestyonaryo mas mabisang
dahilan ng  Artikulo instrumento sa
 Talaarawan paghasa ng
patuloy na
 Internet kaalaman ng mga
paggamit ng
mag-aaral sa
moderno at
Senior High
tradisyunal na
School.
kagamitan sa
pag-aaral ng mga
mag-aaral sa
Senior High
School.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga opinyon ng mga piling mag-aaral na

nasa ika-labing isang baitang ng Senior High School sa Manila Central University upang

sumagot ng sarbey sa paraang kwestyoneyr na inihanda ng mananaliksik tungkol sa

mga positibo at negatibong epekto, kahalagahan, mga posibleng dahilan, at kung ano

ang mas nakakatulong sa paghasa ng kaalaman ng isang estudyante patungkol sa

tradisyunal at modernong instrumentong kagamitan sa pag-aaral.

Ang mga respundente ng pananaliksik na ito ay nasa isang daang (100) mag-

aaral na magmumula sa ika-labing isang baitang ng Senior High School sa Manila


Central University. Ang mga mag-aaral na ito ang siyang binigyang pansin ng mga

mananaliksik sapagkat sila ang makapag-bibigay opinyon ukol sa pag-aaral nagagawin

at dahil sila rin ang labis na maapektuhan ukol sa nasabing usapin. Ang pag-aaral na ito

ay hindi tumitiyak sa panlahat na saloobin ng mga respondante o mag-aral sa buong

Unibersidad sa loob ng bansa. Ito ay may kinalaman lamang sa mga saloobin ng mga

mag-aaral sa Manila Central University na nakakamit ng titulo. Ngunit anuman ang

magiging kalalabasan ng nasabing pag-aaral ay maaaring hindi malayo sa mga

saloobin ng mga mag-aaral sa ibat-ibang Unibersidad sa ating bansa.

Ito ay sumasaklaw lamang sa mga positibo at negatibong epekto, kahalagahan,

mga posibleng dahilan, at kung ano ang mas nakakatulong sa paghasa ng kaalaman ng

isang estudyante patungkol sa tradisyunal at modernong instrumentong kagamitan sa

pag-aaral.

Depinisyon ng mga Terminolohiyang Ginamit

Gumamit ang mga mananaliksik ng mga terminolohiyang bagay at may

kaugnayan sa paksa.

Abacus o Abakus - Ito ay isang parihabang kahoy na kagamitang ginagamit sa

pagbibilang ng mga malalaking halaga. Ito ay ginagamitan ng abaloryo na kadalasang

pinapadulas sa mga kawad nito.


Blog - Isa itong websayt o sityo sa web na parang isang talaarawan. Kalimitang

isinusulat dito ang mga opinyon at mga naiisip ng mga blogero tungkol sa kanilang mga

naobserbahan sa paligid at saloobin patungkol sa mga nangyayari sa buhay.

Calculator – Ito ay isang kagamitan sa matematika na naglalayong mapadali ang

pagreresolba ng mga katanungang may kinalaman sa numero.

Edukasyong Di-pormal – Ito ang sinaunang paraan ng pag-aaral ng mga katutubo na

kung saan walang paaralang pinapasukan at walang asignaturang pinag-aaralan

tanging simpleng pamamaraan ng paglathala ay nagmumula sa kanilang sariling

kaalaman.

Edukasyong Pormal – Ito ay edukasyon kung saan mas sistematiko kaysa sa

edukasyong di-pormal. Ito ay may eskuwelahang pinapasukan at may gurong

nangunguna sa 77.

Hornbook - Ito ay isang instrumento sa pag-aaral na ginamit noong ika-16 siglo.

Nilalaman nito ang mga alpabeto na nakasulat sa kahoy at pinoprotektahan ng "horn" o

mica.

Internet - Ito ay isang malawakang sistema na nagpapahintulot na makakuha ng mga

datos o impormasyon sa pamamagitan ng teknolohiya sa mabilis na paraan. Ito rin ay

nagsisilbing network na nagiging daan sa komunikasyon ng mga tao sa iba't ibang

panig ng mundo.

Powerpoint – Ito ay isang software application na ginagamit para makabuo ng isang

masining na presentasyon sa pamamagitan ng paggamit ng kompyuter na maaaring


maglaman ng iba’t ibang uri ng media, links, teksto, disensyo, at animasyon upang

agad na makuha ang atensyon ng mga taong mambabasa.

Scantron - Ito ay pangalan ng isang kompanya na kadalasang ginagamit pantukoy sa

isang makinang nagmamarka ng mga scantron sheets. Ito ay mga papel na may

pagpipilian na mga letrang nasa loob ng bilog na karaniwang iniitiman.

Slates – Ito ay isang uri ng metamorphic rock kung saan gawa ang mga blackboard.

Slide Rule – Ito ay sinimulan noong 1600s. Ito ay likha ni William Oughtred noong 1622

ngunit ito ay unang ipinakilala ni Robert Bissaker noong 1654. Ito ay isang

instrumentong ginamit ng mga scientists at mga engineers hanggang 1970s.

Xerox - ay isang korporasyon na unang nagpakilala ng photocopying machine sa

buong mundo. Dahil dito, nakasanayan na ng nakararami na "xerox" ang itawag sa

proseso ng pagpaparami ng kopya para sa paglilimbag.


Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura

Lokal na Literatura at Pag-aaral

Ang pag-aaral ng bawat mag-aaral o mga mamamayan sa bansang Pilipinas ay

may malawak na sakop ng pagbabago simula noong sinaunang panahon hanggang sa

modernong panahon. Ayon kay Constancio (2013), ang sinaunang pag-aaral noong

unang panahon ay payak lamang. Tanging ang sarili lamang nilang karanasan at

nakikita mula sa kanilang mga magulang o kapwa ang pinagmumulan ng kanilang

kaalaman. Ang kanilang pinag-aaralan lamang noong mga panahon na iyon ay kung

paano mangaso, mangisda at magsaka para mabuhay. Noong panahon naman ng mga

katutubo, ang pag-aaral ay nakabatay sa tradisyon at relihiyon na tinuturo ng mga

tinuturing na guro sa panahong iyon na tinatawag na Babaylan at Katalonan. Sila ay

nagtuturo din ng sinaunang sistema ng pagsulat na tinatawag na Baybayin na

karaniwang pinagkakamalang Alibata. Nagsimula na rin ang mga mamamayan na

gumawa ng mga panitikan tulad ng tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain, mito,

alamat at marami pang iba (Morrow, 2006). Ang tanging instrumento lang nila sa

pagpapahayag ng kanilang mga panitikan ay maaring gamit ang kanilang bibig na

tinatawag na salin-dila at ang pagsulat gamit ang mga piraso ng kawayan, balat ng

punongkahoy na inuukitan gamit ang matutulis na bagay tulad ng bato o bakal na

maaaring tawagin na lanseta (Tiamson et. al, 2006).


Ngunit sa pagdating ng mga banyagang mananakop ng bansang Pilipinas ay

nagsimula na ang malaking pagbabago sa sistema o mga instrumentong ginagamit sa

pag-aaral ng mga Pilipino. Simula noong pagdating ng mga dayuhang Kastila ay

nagsimula na ang pagpapatayo ng mga paaralan sa bansa kung saan ang mga pari o

prayle ang tumatayong guro na nagpapalaganap ng relihiyong Kristiyano. Pluma at

papel na rin ang ginagamit na kagamitan sa pagsulat at pagbasa ng iba’t ibang

panitikan ng mga mag-aaral o mamamayan. Ang sangguniang ginagamit ng mga prayle

sa pagtuturo ay ang mga panrelihiyong aklat tulad ng Doctrina Christiana na nailimbag

noong 1553. Ginamit naman ang dula o sarswela bilang parte sa pag-aaral noong

panahon ng mga Amerikano na ginagamit upang ipahayag ang minimithing Kalayaan

ng mga Pilipino (Kadipan, 2010). Sa pagsakop sa Pilipinas ng mga dayuhan ay

namayagpag ang paggamit ng papel, tinta at pluma, at mga libro bilang sanggunian o

instrumento ng mga tao sa pagpapahayag at pag-aaral.

Sa kasalukuyang panahon, marami ng impormasyon ang makukuha sa media,

telebisyon, radyo at lalong lalo na sa mga teknolohiya tulod ng cellphone, computer at

internet. Ang mga makabagong kagamitan na ito ay nakatulong sa mga tao upang mas

mabilis na makakalap ng mga impormasyon na kinakailangan nila. Maging sa pag-aaral

ay madalas ng ginagamit ang mga powerpoint presentation ng mga guro bukod sa mga

biswal na nakasulat sa manila paper, cartolina at maging sa paggamit ng chalk o

marker sa pisara.

Ang Pagbabasa ay ugali na ng mga tao dahil naging bahagi na nito ang buhay

ng tao bilang pampalipas-oras sa pang araw-araw. Ang pagbabasa ng libro ay

nakasanayan na natin upang makakuha ng impormasyon ukol sa ating hinahanap.


Ngunit dahil sa modernisasyon ng ating mundo, ang lahat ay nagbago (Paulin at iba pa,

2013). Sa nakalipas na ilang taon, naging pundasyon ng pagtuturo sa paaralan ang

mga libro. Isa sa mga pangunahing kailangan ng mga mag-aaral ang mga libro na kung

saan ay nakaugalian na ilagay sa kani-kanilang bag araw-araw, sa pagpasok hanggang

sa pag-uwi sa kani-kanilang tahanan. Ang karanasan ng mga mag-aaral noon ay labis

na iba sa kasalukuyang panahon. Naging mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya sa

mundo at kung paano naging digital ang kurikulum ng mga paaralan na naging malayo

sa paggamit ng pisikal ng libro sa pag-aaral. Sa pagtaas ng antas ng paggamit ng

internet, ang mga guro ay nakatagpo ng mga makabagong mapagkukunan ng

impormasyon na makapag-pakatuto sa mga mag-aaral at isa na dito ang paggamit ng

e-book. Dahil sa mga pagbabagong ito, ang mga paaralan ay binigyan ng daan sa

labis-labis at libreng nilalaman sa internet na idinisenyo para sa kurikulum ng K-12. Ang

mga leksiyon ngayon sa paaralan ay maaari nang ituro ng mga guro sa paggamit ng

teknolohiya. Malayo sa nakagisnang pagbuklat sa libro at paglilipat ng pahina nito

(Associated Press, 2017).

Ang mga librong nakalimbag sa papel ay maraming kainamang dulot para sa

mga mambabasa dahil maaari itong dalhin sa kahit saan at hindi ito labis na

makapagdudulot ng sakit sa mata na maaaring makalabo ng paningin ngunit ito nga

lang ay may kabigatan na kung ihahalintulad sa e-book na mas madali itong mabasa

dahil maaari lamang i-zoom upang mapalakihan o mapaliitan ang mga letra sa teksto.

Maaari rin itong dalhin sa kahit saan na hindi tulad sa libro, ito ay hindi mabigat

sapagkat ang isang kagamitan ay maaari nang maglaman ng maraming impormasyon o

e-books. Higit na makakalikasan din ang e-books dahil hindi na kinakailangang pumutol
ng puno upang gawing papel na paglilimbag ng libro at hindi rin ito gumagamit ng tinta

pati na rin sa pangangailangan ng liwanag sa dilim dahil may sarili na itong liwanag na

dala. Ngunit mas labis na nakapagdudulot ng sakit sa mata ang paggamit ng e-books

lalo sa pagbababad sa pagbabasa na ginagamitan din ng baterya na maaaring

problemahin kapag naubos ang enerhiya nito. Hindi rin ito matibay ‘di tulad sa libro na

kahit mabuhusan ng tubig o mabagsak ay ayos lamang at magagamit pa rin dahil kapag

sa e-books maaaring ito ay agad na masira at may kamahalan pa kumpara sa libro.

Noong 2010 nagpasa ng panukalang batas si Sen. Lito tungkol sa pagbabawas ng

librong mabibigat sa dalahin ng mga mag-aaral, dahil ayon sa kaniya ito ay

nakapagdudulot ng masamang epekto sa kalusugan ng mga mag-aaral. Kaya ang

nakitang paraan ng mga paaralan ay ang paggamit ng e-books. Gamit ang kasinlaki ng

kwaderno na gadget, nakaimbak na dito ang mga kagamitan at impormasyon sa pag-

aaral. Kung dati rati ay nakukuba ang mga mag-aaral sa pagbubuhat ng kanilang

mabibigat na libro, ngayon ay maginhawa na. Subalit marami pa rin sa mga paaralan

ang gumagamit ng librong nakalimbag sa papel, na sa gayon din ay nagpapakita ng

pagpapahalaga sa mga awtor at pagpreserba ng kultura ng bansa. Parehong

nagbibigay at nagtataglay ng walang katapusang kaalaman ang libro at e-books. Hindi

pa rin maikakaila ang inam na dulot ng libro kung kaya’t hindi ito lubusang mapalitan ng

e-books at hindi rin maaaring isantabi ang e-books na nagkaroon din ng malaking

ambag sa pagkatuto (Sta. Ana, 2012).

Ayon kay Guerero (2014), mahalaga na maunawaan ng mag-aaral ang mga

asignatura sa madaling paraan ng pagtuturo ng isang guro. Marami ang naging

pagbabago sa larangan ng edukasyon maging ang estilo ng pagtuturo na nagsisilbing


malaking hamon para sa mga guro at mag-aaral dahil sa pagkakaroon ng makabagong

teknolohiya. Isa sa pinaka-pangunahing instrumento sa pagtuturo ng guro ay ang

paggamit ng yeso at pisara na may letra at salitang nakasulat, isa pang kagamitan ay

ang pag-didisenyo ng mga malalaking papel na ginagamitan ng makukulay na pansulat

na kung saan ito ay idinidikit sa pisara upang mas mabilis maunawaan ng mga mag-

aaral ang talakayan sa malikhaing paraan ng pagtuturo ng guro. Mayroong iba’t ibang

pinagkukuhanan ng impormasyon ang guro sa pagpapaliwanag ng isang paksa tulad ng

paggamit ng mga makakapal o maninipis na aklat bilang kanyang batayan at gabay sa

pagtuturo at pag-aaral. Ngunit isa sa maari maging problema ng paggamit ng

tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo ay ang pagkakataon na hindi na napapalawak

ng guro ang kanyang talakayan.

Sa buhay ng isang mag-aaral at para na rin sa isang guro, importante na may

partikular na estilo ang pamamaraan ng pagtuturo o ang pagkatuto: Hinihingi ng

mabisa at mabilis na pagkatuto ang pag-gamit ng mabubuting pamamaraan ng

pagtuturo. Nakasalalay sa mabuting paraan ng pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili

at mabisang pagkatuto ng mag-aaral. Gayunpaman, nasa guro pa rin ang pagpapasya

sa pamamaraang kanyang gagamitin na alam niyang magiging angkop sa bunga ng

pagkatuto na nais niyang makamtan ng kanyang mga mag-aaral, angkop sa sitwasyon,

angkop sa kakayahan ng mag-aaral at gayon din sa uri ng paksang-aralin at

asignaturang kanyang itinuturo. Maraming pagbabago ang nangyayari sa larangan ng

edukasyon maging ang mga pamamaraan at estratehiya ng pagtuturo na nagsisilbing

malaking hamon na kinakaharap ng mga guro sa kasalukuyang panahon ng teknolohiya

at agham.
Maaari nating sabihin na napakalaki ng epekto sa kalidad ng edukasyon ang paraan ng

pagtuturo ng mga guro sa isang paaralan. Madami mang ibang salik ang maaring

maging hadlang para sa matagumpay na pagkatuto ng bata ay lubos pa ring mas

nakakaapekto ang paraan kung paano nailahad o ilalahad ng kanyang guro ang mga

leksyon sa kanya ayon sa napiling estilo nito. Dahil na din sa pag-usbong ng mga

makabagong gamit at kasabay na patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ay nagkaroon

tayo ng dalawang paraan ng pagtuturo- ito ay ang tradisyunal at ang makabagong

paraan ng pagtuturo.

Ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay ang ating nakagisnan at nakalakihan.

Ayon kay Novak (1998), ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo ay nakapokus sa

guro bilang isang taga-kontrol sa kapaligiran ng mga mag-aaral. Nasa guro ang

responsibilidad at sa kanya ang mga paraan at estratehiyang gagamitin sa pagtuturo sa

kanyang mga eestudyante. Sa ganitong sitwasyon, mas malaki ang posibilidad na

maipakita at mahasa ang mga natatagong angking galing o talento ng mga estudyante

sapagkat nasu-subaybayan sila nang tama ng kanilang guro.May ilan na nagsasabi na

ang paraan ng pagtuturong ito ay isang “spoon feeding of knowledge”. Nakapaloob dito

ang paggamit ng mga iba’t ibang makakapal o maninipis na libro bilang batayan para

sa pag-aaral at maging sa pagtuturo. Kasama rito ang mano- manong pagsusulat sa

pisara ng mga guro ng kanilang tatalakayin. Ang paggamit ng mga makukulay at

malilikhaing visual aids ang kanilang sandata. Dito nagaganap ang normal na ayos sa

isang silid aralan, kung saan ang guro ang nagsasalita sa unahan at ang mga

estudyante ang nakikinig sa kani-kanyang mga upuan.


Gamit ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay natuturuan ng guro ang

kanyang mga estudyante hindi lamang sa larangan ng akademiko gayun na din sa

tamang pag-uugali. Dahil dito mas napapalawak ang komunikatibong kakayahan ng

mga mag-aaral. Gayunpaman, maaring may problema ring kakalakip ang tradisyunal na

paraan ng pagtuturo, sapagkat may pagkakataon na hindi na napapalawak ng guro ang

kanyang mga talakayan dahil nakabase lamang ito sa nakalimbag na libro. Kung

minsan ay naibabahagi rin ang maling impormasyon dahil hindi ganun ka-ayos at wasto

ang teksbuk na basehan sa pagtuturo ng isang guro.

Sa kabilang dako, ang alternatibong pagtuturo ay ang paraan ng pagtuturong

makabago sa ating nakasanayan na umuusbong sa modernong panahon. Ito ay nag-

uugat sa iba’t ibang pilosopiya na nagtataglay ng pangunahing kaisipan na ibang-iba sa

tradisyunal na paraan. Kadalasa’y nagkakaroon ng mga kaisipang politikal, pilosopikal,

at akademikong kasanayan ang mga mag-aaral.

Dahil na din sa pag-unlad ng teknolohiya sa panahon natin ay naiimbento na ang

iba’t ibang gamit na makatutulong na maging basehan sa mas magandang kalidad ng

edukasyon hindi lang para sa bansa gayon na rin para sa buong mundo. Mayroon na

tayong mga personal computers, laptop, tablet at iba’t ibang klase ng mga cellular

phones, projector, at madami pang iba na tunay na nakakatulong sa pag-aaral. Hindi na

uso ang pagsusulat sa pisara o paggamit ng makukulay at may samu’t saring pakulo sa

mga visual aids, dahil nariyan na ang teknolohiyang maaring gamitin upang magpakita

ng presentasyon o mga bidyo para mas maunawaan ng mga estudyante ang kanilang

mga leksyon. Hindi na rin kailangang magkaroon ng napakaraming libro dahil sa


presensya ng internet connection ay madali na silang makakapag saliksik ng bagong

kaalaman.

Kahit wala na sa silid-aralan ay maari pa ring magkaroon daluyan ng kaalaman

sa pamamagitan ng internet. Maaaring balikan ng mga estudyante ang mga leksyong

hindi nila lubos maunawaan. Maaari din silang makapagbahagi sa iba ng mga

natutunan nila sa tulong ng mga social networking sites. Sa parte naman ng mga guro,

upang hindi maging matamlay ang isang talakayan, maaari siyang gumamit ng iba’t

ibang pakulo sa mga social networking sites upang magkaroon ng isang masayang

pagpapalitan ng mga ideya.

Napapaloob sa makabagong siyensa ang mga kaalaman at karanasang di

maibibigay ng tradisyunal na pagtuturo. Kung tutuusin ay mas makakalamang ang

makabagong paraan ng pagtuturo sapagkat ang nilalaman nito ay makatotohanan at

mas kaugnay sa realidad ng buhay. Hango sa isang pag-aaral, ang paraan ng

pagtuturo ay parang isang libro, ang tradisyunal na pagtuturo ang unang rebisyon at

ang makabagong paraan naman ay ang pinakabagong rebisyon sa proseso ng

pagkatuto ng mag-aaral.

Bilang pangkalahatan, anumang paraan ang ginagamit ng mga guro, ang

mahalaga ay ang istilo ng pagkatuto ng mag-aaral dahil sila ang nagkaroon ng

kaalaman sa anumang mabisang estratehiya na ginagamit ng guro (Badayos 2008).

Ayon sa pag-aaral na pinamagatang "Mga Salik Tungo sa Epektibong

Pamamaraan ng Pagtuturo sa mga Estudyanteng Nag-aaral sa Ramon Magsasaysay

Memorial Colleges - Marble Inc.", isa sa mga pinakakomplikadong gawain ay ang


pagtuturo. Malaki ang nagiging impluwensiya nito sapagkat dito nakukuha ang bagong

kaalaman at naibabahagi ang mga ito sa mga mag-aaral. Ayon sa akdang “Ang

Tradisyunal at Makabagong Paraan ng Pagtuturo", mas mabilis na natututo ang isang

mag-aaral kung ang paraan ng pagtuturo ay kawili-wili at nakakakuha ng kanyang

interes. Isa sa mga salik upang matuto ang isang bata ng maayos ay ang

pagsasaalang-alang ng mas magaan at madaling proseso ng pagkatuto. Maiuugnay

ang pag-aaral na ito sa paksang sinusuri ng mga mananaliksik sa paraang ang

tradisyunal at modernong paraan ng pag-tuturo ay may parehong tinutumpok-- ito ay

ang matuto ang isang mag-aaral. Sa kabila nito, magkaiba ng paraan ng pag-atake ang

mga asignatura. Ang paraan ng pagkuha ng interes ng tradisyunal na paraan ay ang

paglalagay ng makukulay na papel na inihahanda ng mga guro sa kanilang mga biswal.

Gayundin ang pagsusulat ng mahahabang sulatin upang makasubaybay ang mga mag-

aaral na walang kakayahang bumili ng aklat. Sa kabilang banda, ang modernong

paraan naman ng pagtuturo ay gumagamit ng Powerpoint Presentations upang mas

maipakita ng malinaw ang mga imahe at ibang impormasyong ng talakayin. Isa ring

kahanga-hangang dulot nito ay nababawasan ang pagsusulat sapagkat maaari itong

maipasa sa mga mobile phones at mas madali itong makuha ng mga mag-aaral.

Banyagang Literatura at Pag-aaral

Ayon kay Carlson (2005) Dahil nga tayo ay nasa modernong panahon na ang

tagapagturo ay dapat maging handa upang isama ang mga blog, video, o mga
handheld device tulad ng laptop at projector sa pagtuturo, upang mas lubos na

maunawaan ng mag-aaral. Dapat na maunawaan ng guro na ang mga estudyante sa

modernong panahon ay natututo mula sa iba't ibang media. Naniniwala naman si

McGlynn (2008) na ang proseso ng pagkatuto ng mag-aaral na makisali, mag-udyok, at

magbigay inspirasyon sa mga ito ay hindi dapat balewalain. Dapat magkaroon ng

panukulan sa pagitan kung paano matututo ang mga mag-aaral at kung paano

nagtuturo ang mga tagapagturo.

Ang edukasyon ay may mahalagang papel sa lipunan: ang paglikha ng

kaalaman, paglilipat nito sa mga estudyante at pagkandili ng pagbabago. Ang

modernisasyon ay isang proseso ng pagbabagong sosyo-kultural. Ito ay isang

masusing proseso ng pagbabago na may kinalaman sa mga halaga, kaugalian,

institusyon at istruktura. Ayon sa sosyolohikal na pananaw, ang edukasyon ay hindi

lumabas dahil sa mga indibidwal na pangangailangan ng indibidwal, ngunit ito ay

lumalabas sa mga pangangailangan ng lipunan kung saan ang indibidwal ay isang

miyembro. Sa isang statik na lipunan, ang pangunahing pag-andar ng sistemang pang-

edukasyon ay upang ipadala ang kultural na pamana sa mga bagong henerasyon.

Ngunit sa isang pagbabago ng lipunan, ang mga ito ay patuloy na nagbabago mula sa

henerasyon hanggang sa henerasyon at ang sistemang pang-edukasyon sa gayong

lipunan ay hindi dapat lamang ipadala ang kultural na pamana, kundi pati na rin ang

pagtulong sa paghahanda ng mga kabataan para sa pagsasaayos sa anumang mga

pagbabago sa mga ito na maaaring naganap o malamang na mangyari sa hinaharap

(Pathak n.d.).
Ayon naman kay Spiers et al., (2008) gusto ng mga mag-aaral na ang kanilang

mga paaralan ay mas katulad ng mundo sa kanilang paligid. Gusto nila ng mga bagay

sa kanilang kapaligiran na pumukaw at nag-udyok sa kanila na matuto. Sa isang

kamakailang pag-aaral, kapag hiniling ng mga estudyante na ilarawan ang kanilang

mga ideyal na kapaligiran sa pag-aaral na inilarawan nila ang mga paaralan na may

teknolohiya. (Edwards, 2007). Maliwanag, naniniwala ang ilang mananaliksik na ang

mga institusyong pang-edukasyon sa lahat ng antas ay gumagamit na ng teknolohiya

upang mas mapadali ang pagtuturo. Samantala, ang tradisyunal na paraan ng isang

guro na nagtuturo sa mga estudyante na matuto sa pamamagitan ng memorasasyon at

resitasyong teknik sa gayon ay hindi na bumubuo ng kanilang mga kritikal na pag-iisip

sa paglutas ng problema at mga kasanayan sa paggawa ng desisyon (Sunal et al

1994).

Ang pangunahing paraan ay nakasalalay sa mga aklat-aralin habang ang

modernong pamamaraan ay nakasalalay sa mga diskarte sa mga kamay sa materyal.

Ang tradisyunal na paraan ay nagbibigay diin sa mga kasanayan sa batayan habang

ang mga modernong paraan ay nagbibigay diin sa mga malalaking ideya. Sa

pamamagitan ng tradisyunal na paraan ng pagtuturo, ang pagtatasa ay makikita bilang

isang hiwalay na aktibidad at nangyayari sa pamamagitan ng pagsubok habang may

modernong paraan ng pagtuturo, ang pagsusuri ay makikita bilang isang aktibidad na

isinama sa pagtuturo at pag-aaral, at nangyayari sa pamamagitan ng mga portfolio at

pagmamasid (Brooks at Brooks, 1999).

Ang mga libro ay matapat at maaasahang pinagkukuhanan ng mga

impormasyon. Itinuturing itong kapaki–pakinabang na instrumento upang maging


epektibo ang pagkatuto ng isang mamamayan partikular ang isang estudyante. Sa

pagbabasa makukuha ang pagkakaroon ng malikhaing pag–iisip, pagpapalawig ng

memorya, imahinasyon at pag–unawa. Tuwing magbabasa ang isang estudyante ng

libro, makikita ang saya at ang pag–unawa na nagbibigay ng malaking kumpyansa sa

wikang kanyang nabasa.

Sa pagsisimula ng bawat semester ay nakaantabay na ang mga etudyante sa

presyo ng libro sa kani-kanilang paaralan. Naging parte na rin kasi ito ng kanilang

buhay eskwela na kung saan may malaki itong ginagampanan sa kanilang pag aaral.

Nagsisilbi itong daan sa mga estudyante na mas maunawaan pa ang mga leksyon na

itinuturo ng mga guro sa paaralan. Ngunit dahil na rin sa patuloy na paglaganap ng

modernong teknolohiya ay umusbong na rin ang tinatawag na e-book.

Ang e-book ay isa sa mga makabagong paraan sa pagkatuto ng isang

estudyante na kung saan, ang mga leksyon ay maari nang maituro gamit ang

teknolohiya. May mga ilan ring impormasyon na maaari lamang maakses sa

pamamagitan ng pagbili ng mga soft-copy ng ilang mga libro online. Sa pamamagitan

nito ay hindi na mahihirapan ang ilang mag-aaral sa pagbubuhat ng mabibigat na libro

habang pumapasok sa paaralan.

Sa panahon ngayon, laganap na ang paggamit ng teknolohiya kahit saan mang

dako ng mundo. Katulad sa bansang Sweden, 57% na mga bata ang mas inilalaan ang

kanilang oras sa pag-iinternet. Ang mga kabatan ay sanay na sa paggamit ng

teknolohiya tulad ng tablet, computer at cellphone ngunit hindi iyon sapat upang maging

bihasa sila sa pagbabasa. Maaari itong magdulot ng pagkawala ng konsentrasyon ng

mga mag-aaral habang nagleleksyon dahil sa paggamit ng teknolohiya sa pag-akses ng


e-book, pdf, o powerpoint man. Sa halip na magpokus ang isang estudyante ay mas

nabibigyan pa nito ng pansin ang ilang apps sa selpon tulad ng games at social media

accounts.

Pagdating naman sa mga gawaing pampa-aralan katulad ng paggawa ng mga

pananaliksik ay hindi inaabiso na gumamit ng libro dahil sa mahaba nitong kontent.

Ayon sa isinulat na libro ni August Hans Den Boef na may pamagat na ‘The Unbound

Book’, mapapansin na ang paggamit ng e-book ay mas mainam kung ikukumpara sa

tradisyunal na libro dahil makikitaan ito ng mas malinaw na mga imahe, bidyo at mga

hyperlinks na maaring lamanin ng pananaliksik at iba pang proyekto ng isang mag-

aaral. Sa Unibersidad ng Kansas ay nagsagawa din ng pag-aaral patungkol sa

paggamit ng E-book na 40 porsyento ng kabuuang populasyon ng unibersidad ang

nagsabi na mas komportable silang gumamit ng E-book. Halos karamihan sa mga

mag-aaral ang mas pinipili ito sa kanilang pag-aaral sapagkat madali itong mabuksan

sa kani-kanilang mga selpon o tablet. Ilang pindot mo lamang ay makikita mo na ang

kabuuan ng nilalaman. Hindi katulad sa libro na ililipat mo pa ng ilang beses ang

pahina.

Ngunit sa isang pag-aaral na isinagawa noong taong 2013 sa bansang Norway,

sinasabi naman na mas mainam ang paggamit ng tradisyunal na libro kaysa sa mga

digital na materyales sa pagkatuto. Ang nasabing pag-aaral ay nakapokus sa mga piling

estudyante na nahati sa dalawang grupo. Ang unang grupo ang siyang magbabasa ng

teksto gamit ang mga libro samantalang ang kabilang grupo naman ang magbabasa ng

parehong teksto sa pamamagitan naman ng PDF. Batay sa naging resulta, mas mataas

na porsyente ng mga estudyante ang mas naaalala ang mga nabasang teksto sa
pamamagitan ng libro kaysa sa pagbabasa sa PDF. Sinasabi lamang nito na mas

mainam ang paggamit ng mga libro kung ihahalintulad sa e-book dahil mabilis itong

makakatulong na makapag-iwan ng kakintalan ng isang teksto sa isip ng mga

mambabasa. (Mangen et al, n,d.). Kahit ang ilang psychologist na guro na sina Dr.

David Daniel at Dra. Krisztina Jakobsen ay naniniwala rin na mas malaki ang epekto

ang paggamit ng tradisyunal na libro sa pagkatuto ng isang bata. Minsan na silang

naintriga sa patuloy na paglaganap ng e-book ngunit nananatili pa rin itong walang

pruweba bilang kapalit sa tradisyunal na libro.

Sa kabi-kabilang pananaw patungkol sa paggamit ng libro at e-book ay mariin pa

ring isinaad sa pag-aaral na isinagawa nina Alexander and Singer, hindi kompetisyon

ang pagkatuto sa pamamagitan man ng nailimbag na materyales tulad ng libro, o sa

pamamagitan man ng pagbabasa sa iskrin o e-book. Ang pinakatanong ay kung sino

ang taong mambabasa, ilang taon ba ang mga ito at kung anong klaseng teksto ba ang

pinag-aaralan. Ilan lamang ito sa mga bagay na dapat bigyang diin bago matukoy ang

pinakaminam na paraan sa pagkatuto ng isang mag-aaral. Halimbawa, kung mas bata

ang siyang nagbabasa, marahil ay mas pipiliin nito na gumamit ng screen sa kanilang

pagbabasa dahil malapit ang mga bata sa teknolohiya. Mas madali silang mawiwiling

gamitin ang mga ito kaysa sa mga taong may edad na. Nakadepende pa rin sa tao

kung saan sila mas komportableng magbasa at kung saan sila mas mabilis na

matututo. Libro man o e-book ang gamitin ay parehas itong nagtataglay ng benepisyo

sa bawat indibidwal na siyang makakatulong sa kanila upang matutunan ang mga

leksyon sa paaralan.
Ang paggamit ng biswal sa edukasyon ay nagdulot ng mabilisang pagyabong sa

aspeto ng pagtuturo. Ito ay ginagamit sa pagtukoy ng reperensyal at experiential na

pamamaraan, ginagamit din ito sa paglilinaw at pagpapasidhi ng mental image sa mga

bagay, pag-proseso at pangyayari na pinag-aaralan ng isang mag-aaral. Ang visual

aids ay ginagamit na ng mga guro sa mahabang henerasyon (Kinder, n.d). Ayon kay

Rather (2004), ang visual aids ay isang ginagamit sa silid-aklatan na naghihikayat na

mapadali at mas ganyakin ang tagapakinig. Ito ay maaring gamitan ng papel na iyong

ipe-presenta sa silid-aralan at maaaring ipresenta gamit ang telebisyon o projector na

kadalasang tinatawag na powerpoint presentation. Itong dalawang ‘to ay ang

kadalasang ginagamit ng mga guro ngayon sa pagtuturo dahil pinaniniwalaang mas

naiintindihan ng mga estudyante kapag sila ay nakikinig habang may nakikitang mga

imahe na ikadadagdag ng kanilang biswalisasyon. 65% ng populasyon ngayon ay

tinatawag na audio visual learners o mas natututo kapag nakikita at naririnig. Kung

gayon kapag nagtuturo ang isang guro ay naabot niya ang kalahati ng kanyang klase.

Ang bawat estudyante ay kailangan ng kanilang stratehiya upang mas maging

kumportable sila sa kanilang estilo sa pag-aaral (Vakos 2013).

Kapag gumamit ng visual aids ang mga guro, ito ay magbubunga sa

partisipasyon ng mga estudyante sa talakayan. Ayon kina Ranasinghe at Leisher

(2009), ang pagsasama-sama ng teknolohiya sa isang silid-aklatan ay nagsisimula sa

gurong naghahanda ng leksiyon na gumagamit ng teknolohiya sa makahulugang

pamamaraan. Ayon din sakanila, ang paggamit ng visual aids ang siyang dapat na

tumulong sa guro upang makabuo ng collaborative learning environment.


Ayon kay Lari (2014), marami nang naisip at naisagawang modernong paraan ng

pagtuturo. Ito ay nakapagbibigay ng mas mataas na antas ng pagkatuto sa mga mag-

aaral kaysa sa mga tradisyunal. Ang paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo ay mas

nakapagbibigay ng interes sa mga mag-aaral at dinadagdagan nito ang kanilang

motibasyon upang makinig sa klase. Ang pagkatuto ay nagiging mas masaya at

interesante sa tulong ng teknolohiya sapagkat binibigay nito ang kontrol sa kamay ng

mga mag-aaral (Wartinbee, 2009). Ang pag-unlad ng paraan ng pagkatuto ng mga

mag-aaral ay mas mabuti dahil mas malinaw ang mga detalye ng mga itinuturo sa mag-

aaral. Ang mga guro rin ay naniwalang mas kaakit-akit ang mga powerpoint

presentation at mas nakukuha nito ang atensyon ng mga mag-aaral (Ozaslan at Maden,

2013).

You might also like