You are on page 1of 30

1

Kabanata 1

PANIMULA

Saligan ng Pag-aaral

Ang pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya ay nakatutulong sa

paglunsad ng maraming estratehiya upang maiparating sa mga mag-aaral ang

malawak na kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Mula sa tradisyunal na

pagtuturo ng mga guro ay napalitan na ito ng mga kagamitang digital na

nakapagpapagaan sa buhay ng maraming guro. Ang pagkakaroon ng mga

makabagong teknolohiya ay nakatutulong upang magkaroon ng isang integratibo

at interaktibong pag-aaral sa isang klase. Ang mga pangangalap ng impormasyon

at iba pang mga babasahin ay hindi na lamang mahahanap sa isang libro at magasin,

nakikita na rin ito sa internet na isang produkto ng makabagong teknolohiya. Ang

panitikan ay isa sa kailangang maituro sa mga mag-aaral upang magkaroon pa rin

ng pagpapahalaga sa mayamang kasaysayan at pagkakakilanlan ng isang bansa

alintana sa umiiral na modernong mundo ng pagtuturo sa kasalukuyan.

Ang panitikan ay isang pangunahing institusyon ng mga kaisipan,

damdamin, kultura, tradisyon, at paniniwala ng isang lipunan. Samakatuwid, hindi

salamin o repleksyon ang panitikan kundi isang institusyon at kasangkapan na

nakatuon sa pagkakamit ng pag-unlad ng pag-iisip at kakayahan ng mga


2

mamamayan sa loob ng isang lipunan (Marquez at Garcia, 2013). Ayon naman sa

aklat ni Sauco, et. al (2004), ang panitikan ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay,

lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba’t ibang

uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asal,

pagkasuklam, sindak, at pangamba. Bilang Filipino, mahalagang matutuhan ng

mga mag-aaral ang mga ito sa pagbibigay-buhay na rin sa mga panitikang hango sa

ating kultura na nagpapayaman sa ating pagkakakilanlan at kasaysayan.

Ang Commission on Higher Education (CHED) ay nagpalabas ng kautusan

na nagsasaad ng mga layuning dapat ipatupad at mga pangangailangang dapat

gawin sa pag-aaral ng panitikan, ito ay ang mga sumusunod; (1) Mabuksan ang

mata ng mga mag-aaral sa kayamanan ng ating panitikan. (2) Makilala ang iba`t

ibang anyong pampanitikan. Bago pa matapos ang termino, nakabasa na dapat ang

estudyante ng ilang tekstong kumakatawan sa mga rehiyon ng bansa, sa mga

panahon ng ating kasaysayang pampanitikan, at sa mga anyong pampanitikan, at

(3) Makasulat ng isang term paper (na hindi kukulangin sa 10 pahina) na sumusuri

sa sinulat ng isang manunulat na ipinanganak sa kani-kanilang pinagmulang

rehiyon o kaya naman kung saan matatagpuan ang kolehiyo o pamantasang

pinapasukan (Marquez at Garcia, 2013).

Ayon sa pag-aaral ni Paulin et. al (2014), marami sa mga mag-aaral ang

walang interes sa pagbabasa ng panitikan. Nagiging isang dahilan ito upang

mamatay ang pagkatuto at pagpapalawak ng kamalayan ng mga mag-aaral sa


3

sariling panitikan. Malimit idahilan ng mga mag-aaral na ang mga babasahin ay

mahaba at nakakaantok ang pag-aaral nito, kaya naman, napakalaking hamon ito

para sa mga guro sa pagtuturo ng panitikan upang maging interaktibo at integratibo

ang pag-aaral sa loob ng klase. Ayon naman sa pahayag nina Halal at Liebowitz

(1994), “as the technological key to future education, multimedia is defined as a

powerful combination of earlier technologies that constitute as an extraordinary

advance in the capability of machines to assist the educational process”. Sinasabi

na malaki ang maitutulong ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo sa mga

guro upang magbigay daan sa motibasyon ng mga mag-aaral. Ang kanilang

pagkatuto ay nakasalalay sa mga gagamitin ng mga guro upang mapahalagahan ng

mga mag-aaral ang panitikan at maisakatuparan ang nais ng maraming manunulat

na maipasa ito susunod pang henerasyon. Nilalayon ng paglalapat na ito sa

edukasyon ay upang matustusan ang pangangailangan ng bagong kurikulum at

makaagapay sa pandaigdigang kompetisyon (Delos Reyes, 2002).

Inilahad naman sa aklat ni Britts (2005), sa pamamagitan ng paggamit ng

radyo, telebisyon at internet ay mas malawak ang mga paksa at isyu na masasakop

ng aralin, tulad ng kalikasan, kapaligiran, waste management at pag-aayos ng

basura at mga bagay na may kinalaman sa polusyon at ang epekto nito sa kalusugan,

di lamang ng tao, kundi maging mga hayop din.

Ang panonood ay isa sa mga pagbabagong naganap sa kurikulum ng

edukasyon sa Pilipinas. Ito ay isang makabagong makrong kasanayang naidagdag


4

sa apat na dating makrong kasanayan: pakikinig, pagsasalita, pagsulat at pagbasa

(Yadao, 2014). Pinagtibay niya na ang panonood ay mabisang gamitin tungo sa

pagkatuto ng mga mag-aaral. Pasulat man o pasalita. Isang proseso ang panonood,

sumusuporta ito sa kakayahan sa pagsasalita at pagsulat, at isang paraan ng pag-

unawa sa mga imaheng biswal at pagkokonekta nito gamit ang pagsasalita o

pagsulat. Mayroon itong iba’t ibang layunin at ang ilan dito ay ang pagkuha ng

impormasyon, pagbuo ng opinyon, pag-unawa sa mga impormasyon, libangan at

pagpuri . Nakapagpapaganda ito ng kakayahan sa pagbasa dahil kapag ang isang

mag-aaral ay masigasig sa pakikinig at pag-unawa sa napanonood ay maaari itong

makapagdulot ng pag-unlad sa kanyang kakayahan sa pagbasa at pakikinig.

Bilang isang guro sa makabagong henerasyon, batid ng mananaliksik ang

mga malawakang pagbabago sa aspeto ng pamumuhay ng bawat tao kabilang na

ang mga mag-aaral. Karamihan sa mga mag-aaral ay komunikatib kaya ang

panonood ay isa sa pinakagusto nilang istilo ng pagkatuto sa pag-aaral. Lalong-lalo

na ang panonood ng mga pelikula mapa-Ingles man o Filipino ay kanilang

kinahuhumalingan. Ang pelikula ay maituturing ding isang uri ng sining na

nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito ay

mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-ispiritwal, pang-

edukasyon, pangkultura, pangmoralidad, atbp. Malaki ang nagagawang

impluwensya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali,

kabuluhan, at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensyahan ng mga


5

pinapanood na pelikula o mga dulang pantelebisyon (Ansay-Villaverde, et al.

2013).

Mula sa impormasyong nabanggit, ang panonood bilang isang kasanayan sa

pagtuturo ng panitikan sa makabagong panahon ay higit na kinakailangan upang

makasabay sa mabilis at patuloy na pagbabago ng panahon na makatutulong sa

paghikayat sa mga mag-aaral na magkaroon ng kawilihan sa pagkatuto ng panitikan

sa bansa. Ito rin ay makatutulong sa mga guro upang mas mapadali ang kanilang

mga gawain at makabuo ng isang tiyak at epektibong proseso ng pagtuturo at

pagkatuto. Magamit bilang isang teknik na pupukaw sa interes ng mga mag-aaral.

Para naman sa mga mag-aaral, ang kawilihan sa isang asignatura ang mahalaga

kaya naman sa pamamagitan ng mga digital sa pagtuturo ng panitikan, nagkakaroon

ng pagpapahalaga sa panitikan ang mga mag-aaral na hindi na mababagot.

Ngunit isang malaking katanungan ang kung paano inuunawa ng bawat

mag-aaral ang bawat pelikulang kanilang pinanonood. Kung sila ba ay may

mapanuring kakayahan sa elemento o kaya naman ay nakapokus lamang sa

mensahe at ligayang hatid ng bawat palabas. Isang hamon din kung paano ituturo

ng guro ang pagkakaroon ng mabisang pag-unawa sa kanilang mga pinapanood na

pelikula na magagamit nila sa pang-araw-araw nilang pamumuhay.

Ang magiging resulta ng pag-aaral na ito ay inaasahang makatutulong nang

malaki sa mga guro upang sila’y mabigyan ng karagdagang kaalaman at magabayan


6

ukol sa kung paano nila matutulungan ang mga mag-aaral na unawain ang mga

pelikulang pinapanood nila tungo sa lubusang pagkatuto.

Balangkas ng Konsepto

Inilahad sa bahaging ito ang mga nakalap na mga kaugnay na pag-aaral na

siyang naging batayan sa pagbuo ng pag-aaral. Pinagsumikapan ng mga

mananaliksik na tumipon ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral upang

magkaroon ng patnubay at lalo pang mapalawak ang pag-aaral nito.

Ayon nga kay Reid (2002) sa kanyang pag-aaral, tinugunan ng ICT at

elektronikong kagamitan ang mga pangangailangan sa loob ng klasrum, nagagawa

nitong dalhin ang mga impomasyon sa loob ng klasrum gaya na lamang ng

paggamit ng internet na nagbibigay ng impormasyon na malayong makuha kapag

nasa loob ka ng klase. Sa pamamagitan ng mga digital o elektronikong mga

kagamitan ay maaaring mas maging interaktibo ang klase at maibalik ang interes

ng mga mag-aaral sa iba’t ibang uri ng panitikan na itinuturo sa loob ng klase. Ayon

pa kay Dr. Johari Bin Mat, Secretary-General ng Ministry of Education ng Kuala

Lumpur, Malaysia, sa isang kumperensya tungkol sa E-Learning noong Mayo,

2000:

“Technology has been and is becoming an important component of teaching

and learning in the educational system… Information and Communication

Technology (ICT) provides powerful tools for accessing, storing and disseminating
7

information… Our approaches to teaching, preparing contents and delivering

learning materials needs to be adjusted according to the existence of this

technology. The classroom is no more static physical set-up, but rather a dynamic

existence…. Teachers should be able to integrate technology in their process of

teaching and learning… Technology supports learning. It will enable teachers to

pursue traditional goals with new fervor and success. This ipact of technology will

give a new dimension to the quality of the education system…. Technology supports

the learners to bring about significant change in learning.”

Pinapatunayan lamang nito na bahagi na ng pagtuturo at pagkakatuto ang

mga nagsulputang teknolohiya at kung gagamitin ang mga ito sa mabisang

pamamaraan ay maaaring maging epektibong kagamitan ito tungo sa pagkatuto

lalong lalo na sa ating panitikan. Sa pamamagitan ng makabagong kagamitan ay

maaari nang mapasiglang muli ang panitikan sa ating bansa.

Ayon din kay Wolfe (2010) na binaggit sa pananaliksik ni Tumulak

(n.d.), mataas ang porsyento na natututo ang mga mag- aaral kung ang isang

impormasyon o gawain ay kanilang nakikita sa tulong ng mga makabagong

teknolohiya bilang gamit sa pagkatuto sa loob ng paraalan mas tumataas ang interes

ng mga mag aaral na makinig at mapukaw ang kanilang atensiyon.

Pinatunayan din ni Tamayo (2014) na ang teknolohiya ay nakapag-aambag

na rin sa inaasahang pagbabago sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto. Ang guro sa

makabagong panahon ay maaaring hindi kayang ibigay lahat ang mga


8

pangangailangan na hinahanap ng kanyang mga mag-aaral. Katulad ng maraming

bagong kasanayan at kaalaman na kailangan sa pagpapaunlad ng kurikulum at

pagtataya, mga bagong pedagohiya naman ang nalilikha habang ginagamit ng mga

guro at mag-aaral ang teknolohiya sa pananaliksik at pagkatuto.

Inilahad naman ni Delos Reyes (2002) na nagsagawa ng mga pagbabago

ang bawat sangay ng pang-edukasyon upang maging bahagi ang ICT ng kurikulum.

Inihapag nga ng DepEd Information Technology Framework ang mga paraan para

sa integrasyon ng ICT sa batayang edukasyon mula 2000-2005, tulad ng school

computerization, teacher training, IT curriculum development, multimedia content

development, financing, monitoring at evaluation. Patunay lamang ito na kasabay

ng pagbabago ng kurikulum at ng panahon ay dapat na tayong gumawa ng paraan

upang hindi mahuli ang ating mga panitikan sa agos.

Ipinahayag din ni Sta. Clara (2014) sa kanyang artikulo na nabanggit sa pag-

aaral ni Cadusale (n.d.), ang teknolohiya ay nakapag-aambag at nagbibigay ng

malaking pagkakataon para sa pagkatututo ng mag-aaral, partikular na nga ang

paggamit ng midya sa pagtuturo. Dagdag pa niya ang multimedia o ang midya ay

dinisenyo upang mapagaan ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto, sa pamamagitan

nito nagiging kapanapanabik, nakagaganyak at natutulungan ang mga mag-aaral na

matuto sa makabagong paraan, makikita sa gumagamit ng midya ang totoong

mundo na gusto ng mga kabataang mag-aaral kagaya ng tunog, mga larawan bidyo

atbp. na maaaring hindi nararanasan ng mga mag-aaral sa tradisyunal na


9

pamamaraan ng pagtuturo, kaugnay pa rito, tumataas din ang “antas ng

interaksyon” ng mga mag-aaral kapag ginagamit ito sa pagtuturo. Isinaad din ni

Sta. Clara (2014) na ito ay malaking tulong sa mga guro na lumikha ng mga gawain

o karanasan sa pagkatuto ng bawat indibidwal na mag-aaral.

Gaano man kaganda ang isang leksiyon o aralin, kung hindi naman

nakukuha ng isang guro ang atensyon ng isang mag-aaral ay nawawalan ng saysay

ito. “Ang isang guro na sensitibo at isinasaalang-alang ang mga gustong istilo sa

pag-aaral ng mga estudyante ay makatutulong sa pagkakaroon ng isang

matagumpay at mabisang pagkatuto, Badayos (2000).

Ayon kay Abad (2008) mass media ang tawag sa mga bagay at paraan na

nagbibigay ng impormasyon at mga detalye kung saan kabilang ang mga

makabagong teknolohiya. Sa pamamagitan ng teknolohiya ay natututo ang isang

tao ng mga bagay na nagiging kapaki-pakinabang sa kanyang pang-araw-araw na

pamumuhay.

Ito ay nahahati sa dalawang uri: print at broadcast media. Ang pahayagan,

dyornal at mga magasin ay kabilang sa una. Samantalang nabibilang sa pangalawa

ang radyo, telebisyon, computer at internet.

Ayon kay Pelayo (2013) Ang panonood ng telebisyon ay isang karaniwang

aktibidad na maaring magbigay ng impluwensiya sa mga kabataan. Maraming mga

magulang ang hinahayaang manood ng telebisyon ang kanilang mga anak dahil sa

maraming kadahilanan. May mga bata na umaabot sa tatlo hanggang apat na oras
10

sa kapapanuod ng TV bawat araw. Kung susumahin ito hanggang sa kanilang high

school graduation, lilitaw na mas marami pang oras ang ginugol sa panonood kaysa

sa pag-aaral sa silid-aralan.

Ang panonood ay isang ilustrasyon, ito ay isang paglalarawan bilang

transaksyunal na proseso na nagaganap sa isang komunikasyong interpersonal. Ang

nasa isipan ng tao ay may pakahulugan, mga pakahulugan na nabubuo,

nakahuhugis, batay sa mga imahen at salitang napanood at napakinggan, Badayos

(2000).

Ayon kay Singleton (2010) ang panonood ay nakawawala ng

kamangmagan. Sa pamamagitan ng panonood ay nalalaman ang nangyayari sa

mundo maging ito man ay malaki o maliit, masaya o malungkot, kaya ang tao ay

nakasasabay sa mga kaganapan sa mundo. Ito ay nagpapaabot sa ating kamalayan

ng mga mahahalagang bagay at pangyayari. Sa pamamagitan ng panonood ay

natututo tayo ng mga bagay na makatutulong sa ating pag-unlad. Maaaring matuto

ang isang tao sa panonood dahil sa mga mahahalaga at napapanahong isyu na

maaaring iugnay sa ating buhay.

Binanggit ni Omnes (2013) sa kanyang blog na ang panonood ay isang

kasanayang pangkomunikasyon na umuunawa sa mga nakikitang imahe sa

kapaligiran ng tao. Ito ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng kaalaman sa higit na

malalim na paghihinuha sa mga nakikita at mga naririnig. Binanggit din niya mula

sa libro ni Considene na ang panonood ay tumutulong sa mga bata na madebelop


11

ang isang bagong karunungan-ang biswal na kaalaman na dapat nilang paunlarin sa

isang teknolohikal na mundo.

Inilahad din ni Tolentino (2011), hindi bago ang midya ng pelikula, musika,

at iba pang tekstong pangmidya. Matagal nang naimbento ang mga ito. Ang bago

ay ang paggamit sa midya bilang kasangkapan sa pagtuturo ng panitikan. Sa

panahon ng filesharing at downloading, film, at music piracy, pati na rin ang

pagpasok ng abot-kayang DVD player, MP4, at portable media player, internet

surfing, at maging mailing.

Ang paradim sa susunod na pahina ay kinapapalooban ng daloy ng

pananaliksik. Nakapaloob sa input ang mga suring pelikula bilang lunsaran sa

pagtuturo ng panitikan. Ang pagbibigay ng mga mananaliksik ng tseklist at

talatanungan at pakikipanayam sa mga guro sa Filipino na nagtuturo ng Grade 9 at

Grade 10 ang magsisilbing proseso sa pag-aaral. Samantala, ang awtput naman ng

pag-aaral ay ang mungkahing pelikula para sa mga guro sa Filipino na nagtuturo

ng Grade 9 at 10.
12

INPUT  Mga suring pelikula bilang lunsaran sa pagtuturo ng

panitikan

PROSESO
 Pagbibigay ng mga mananaliksik ng tseklist at talatanungan

sa mga guro sa Filipino na nagtuturo ng Grade 9 at Grade 10.

 Pakikipanayam

AWTPUT
 Mungkahing pelikula para sa mga guro sa Filipino na

nagtuturo ng Grade 9 at Grade 10

Figyur 1: Paradim ng Pag-aaral


13

Paglalahad ng Suliranin

Ang tunguhin ng pananaliksik na ito ay upang masuri ang mga pelikulang

may iba’t ibang paksa sa pagtuturo ng panitikan na maaring magamit ng mga guro

sa Filipino.

Ito ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang mga paksang madalas talakayin sa pagtuturo ng panitikan?

2. Nakatutulong ba ang panonood ng pelikula sa pagtuturo ng panitikan?

3. Paano nakatutulong ang panonood ng pelikula sa pagtuturo ng

panitikan?

4. Ano ang mga balakid na maaari o kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo

ng panitikan sa pamamagitan ng pagpapanood ng pelikula?

5. Ano-ano ang naidudulot ng panonood ng pelikula sa pagkatuto ng mga

mag-aaral?

Terminolohiya ng Pag-aaral

Ang mga sumusunod na terminolohiya ay mabisang binigyang-kahulugan

upang higit na maunawaan ang pag-aaral:

 Digital - kasangkot o nauugnay sa paggamit ng teknolohiya.


14

 Dulang Pantelibisyon – ito ay isang produksyong medya na kinawiwilihan ng

maraming tao kabilang na ang mga mag-aaral.

 Elektroniko – mga kagamitang ginagamitan ng elektrisidad upang gumana

magproseso, mag-imbak, lumikha, at magbahagi ng impormasyon.

 Imaheng Biswal – isang kagamitan na may ideya o kaisipan na mabubuo sa

tulong ng isang teksto o ibang bagay.

 Integratibo – ang mga aralin ay naiuugnay sa iba pang disiplina at tunay na

buhay.

 Interaktibo – ito ay ang malalim na pagpapakaunawa sa isang paksang

nakakapagbahagi ang lahat.

 Internet – ito ay isang pandaigdigang sistema na nakakapagkonekta ang mga

kompyuter at iba pang elektronikong kagamitan.

 Kagamitang Pampagtuturo – isang gamit sa pagtuturo bilang pantulong sa

paghatid ng mga katotohanan, kasanayan, at kaalaman ng mga mag-aaral upang

maging konkreto, dinamiko, at ganap ang pagkatuto (Abad, 1996).

 Makrong Kasanayan – ang pangunahing kasangkapan upang maisakatuparan

ang matagumpay na pakikipagtalastasan ay paggamit ng wika. Dito nakasalalay

ang tagumpay ng anumang propesyon sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.

 Multimedia – ito ay iba’t ibang uri ng elektronikong kagamitan na ginagamit

ng tao sa araw-araw na pamumuhay.


15

 Panahon ng Digital – makabagong panahon kung saan ang lahat ng tao ay

gumagamit na ng mga teknolohiya.

 Pangmoralidad – tumutukoy sa pagpapahalaga o pag-aasal sa sarili o kultura

ng isang tao.

 Panitikan- nagpapahayag ng damdamin, saloobin, karanasan, at pagbibigay-

buhay sa kultura, tradisyon, at paniniwala ng isang lugar.

 Panonood – bagong makrong kasanayang naidagdag sa sating kasanayan:

pakikinig, pagsasalita, pagsusulat at pagbasa .

 Pelikula – isang pinilakang tabing na ang layon ay maipakita ang mga totoong

karanasan at pamumuhay ng isang tao o lipunan.

 Teknolohiya – kagamitan o makinarya na ginagamit upang mapadali ang

gawain ng tao.

 Telebisyon – isang telekomunikasyon para pagpapahayag o pagtanggap ng

mga pangyayari sa isang lipunan.


16

Kabanata 2

METODOLOHIYA

Inilahad dito ang uri ng disenyong ginamit sa pananaliksik, ang mga

pinaghanguan ng datos, ang instrumentasyon sa pangangalap ng mga datos, paraan

ng pangangalap ng mga datos at pagtrato ng mga datos.

Disenyo ng Pag-aaral

Gagamit ang mga mananaliksik ng disenyong Qualitative-Descriptive

method sa pag-aaral upang malaman ang mga impormasyong tutugon sa pag-aaral

na ito. Ang kwalitatibong pananaliksik ay kinapapalooban ng mga uri ng

pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng

mga tao at ang dahilan na gumagabay nito (Sebastian, 2017).

Lokasyon at Respondante ng Pag-aaral

Ang magiging respondante ng pag-aaral na ito ay ang mga guro sa Filipino

na nagtuturo ng Grade 9 at Grade 10 sa President Elpidio Quirino National High

School na nagtuturo ng panitikan. Pinili ang mga kasangkot sa pag-aaral ayon sa

propesyon, asignaturang itinuturo at kagamitan sa pagtuturo. Ang mga guro ang


17

magiging target ng mga mananaliksik bilang mga kasangkot sa pag-aaral sapagkat

ang mga guro ang pangunahing pinag-aalayan ng pag-aaral na ito.

Instrumento sa Paglikom ng Datos

Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng semi-structured interview o

pakikipanayam sa mga guro upang makalikom ng impormasyong makasasagot sa

mga suliranin ng pag-aaral na ito. Ang semi-structured interview o pakikipanayam

ay bahagyang nakabalangkas na may kontrol sa mananaliksik o tagatanong sa

magiging daloy ng panayam (Sebastian, 2017). Gagamit ang mga mananaliksik ng

gabay na talatanungan upang maging maayos at sistematiko ang pakikipanayam.

Gagamit din ang mga mananaliksik ng tseklist upang malaman ang mga paksang

madalas tinatalakay ng mga guro sa Filipino sa pagtuturo ng panitikan.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Sa pag-aaral na ito ay gagamit ang mga mananaliksik ng talatanungan at

tseklist upang malikom ang mga kakailanganing datos. Ang balidong tseklist ay

ipapasagot sa mga guro sa Filipino nagtuturo ng Grade 9 at Grade 10 sa President

Elpidio Quirino National High School.


18

Bago ipasagot ang talatanungan at tseklist na inihanda, hihingi ang mga

mananaliksik ng pahintulot sa pamunuan ng President Elpidio Quirino National

High School at maging sa mga piling guro na magsisilbing respondante sa pag-

aaral na ito. Pagkatapos humingi ng pahintulot, ang mga mananaliksik ay

magtatakda ng araw para sa pakikipanayam.

Matapos ang pakikipanayam, itatala at iaanalisa ng mga mananaliksik ang

nakalap na datos. Ang huling hakbang ay ang pagbibigay ng interpretasyon ng mga

mananaliksik sa nakuhang datos upang masagot ang suliranin ng pag-aaral.

Pagtrato ng Datos

Ang mga kasagutang makakalap ng mga mananaliksik mula sa

pakikipanayam at tseklist sa mga guro ay dadaan sa prosesong pagtatally upang

mabigyang bilang ang mga kasagutan kung saan ay pagsasama-samahin ang mga

sagot na magkakapareho. Ang susunod na hakbang ay ang paghahanay ng mga

sagot mula sa may pinakamalaking bilang ng parehong sagot hanggang sa

pinakamaliit. Matapos ang hakbang na ito, itatala at iaanalisa ng mga mananaliksik

ang nakalap na datos. Ang huling hakbang ay ang pagbibigay ng interpretasyon ng

mga mananaliksik sa nakuhang datos upang masagot ang ilang suliranin ng pag-

aaral.
19

TALASANGGUNIAN

Abad, J. (1996). Modyul: Kagamitang Pampagtuturo. Hinango sa

https:/prezi.com/m/atycq5ttof7m/modyul-kagamitang-pampagtuturo/. Hina-

ngo noong Setyembre 26, 2019

Abad, R. R. (2008). Mass Media sa Pagtuturo ng Wika. Di-Nailathalang Teses.

Baguio Central University, Baguio City.

Atkinson, R. C. at Shiffrin, R. M. (1968). Information Processing Theory Human

Memory:Psychology of Learning and Motivation. Hinango sa https:// www.

learning-theories.com/information -processing-theory.html. Hinango noong

Setyembre 15, 2019

Badayos, P. B. (2000). Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Makati City: Grandwater

Publication and Research Corporation.


20

Britts, A. K. (2005). Broadcast Media in Language Teaching. California USA:

Perth and Simon Publishers Incorporated.

Bruner, J. S. (1961). Principles of Learning-Discovery Learning (Jerome Bruner

1961). Hinango sa https://principlesoflearning.wprdpress.com/dissertation/

chapter-3-literature-review-2. Hinango noong Setyembre 15, 2019.

Cadusale, M. (n.d.). Kabisaan ng Paggamit ng Information Communication

Technology sa Pagtututro ng Panitikan sa Ikasampung Baitang sa Mataas

na Paaralang Pang-Agham ng Maynila. Hinango sa

https://www.academia.edu/34521574/KABANATA_I_3. Hinango noong

Setyembre 26, 2019

Delos Reyes, C. (2002). Ang ICT at ang Neo-Kolonyal sa Edukasyon sa Pilipi -

nas (1945-kasalukuyan). Vol. XVII, No. 2. Hinango sa

https://journals.upd.edu. ph /index.php/kasarinlan/article/download/708

/800. Hinango noong Setyembre 15, 2019


21

Halal, J. at E. William. 1994. Telelearning: The Multimedia Revolution in

Education. Hinango sa https://www.questia.com/magazine/1G116432756/

telelearning-the-multimedia-revolution-in-education. Hinango noong

Setyembre 16, 2019

Marquez, S.T at F.C. Garcia. (2013). Panitikang Pilipino: Interaktibo at

Integratibong Talakay (alinsunod sa OBE). Hinango sa

https://www.scribd.com/document/419976238/01-Handout-1-15-pdf. Hi-

nango noong Setyembre 08, 2019.

Mat, J.B. (2000). Teachers as Multimedia Developers: Using Multimedia

Authorizing Tools to Enhance Teaching and Learning in the Class.

Hinango sa http://ascilite.org/archivedjournals/ejist/docs/Vol7_

No1/CurrentPractice/Teachers_mm_dev.htm. Hinango noong Setyembre

10, 2019.

Omnes (2013). Kahalagahan ng Panonood. Hinango sa

https://prezi.com/aoq5guin9aew/panonood/. Hinango noong Oktubre 12,

2019.
22

Paulin, A. A. et. al. (2014). Pagbaba ng Bilang ng mga Estudyanteng Nagbabasa

ng Libro. Hinango sa https://www.academia.edu/11621043/Pagbaba_ng_

Bilang_ng_mga_estudyanteng_nagbabasa_ng_libro. Hinango noong

Setyembre 08, 2019

Pelayo, M. M. (2013). Tamang Panonood ng Telebisyon sa mga Kabataan.

Hinango sa http://www.headlinegl.com/tamang-panonood-ng-telebisyon-

sa-kabataan/ . Hinango noong Oktubre 12, 2019.

Peralta, et. al (2015). Pananaliksik Tungkol sa Kagamitang Pampagtuturo.

Hinango sa https://www.scribd.com/document/346646273/PANANALIK

SIK-TUNGKOL-SA-KAGAMITANGPAGTUTURO&ved=2ahUKEwi_4I

Pgm _DkAhXFyIsBHcTwBw8QFjACegQIBRAB&usg=AOvVaw1PiPJU3

PzjVE5b6kuFJVnk. Hinango noong Setyembre 26, 2019

Reid S. (2002). ICT in Teaching: A Critical Overview. Vol. VI, No.6. Hinango sa

https://www.researchgate.net/publication/314087234_ICT_IN_TEACHING

_CRITICAL_OVERVIEW. Hinango noong Setyembre 10, 2019


23

Sauco, C.P. et. al (2004). Panitikan ng Pilipinas – Panrehiyon. p.1. Makati City.

Katha Publishing Co., Inc.

Sebastian, D. R (2017). Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik. Hinango sa

https://www.academia.edu/31999626/Disenyo _at_Pamamaraan_ng_Pana-

naliksik. Hinango noong Oktubre 12, 2019.

Sevilla, (n.d). Pananaliksik : Isang Primer – Pananaliksik Para sa mga Baguhan.

Hinango sa https://books.google.com.ph/books?id=5vioAL MNIX wC &

pg=PA 83&lpgPA83&dq+halimbawa+ng+tseklist+na+may+iskala&source

=bl&ots=snuvvgINAY&sig=ACfu3UP-q7B9yBABMHLU4AX12plmRFp

JO&hl=en&sa=X& ved=2ahUKEwgensyshfBDDkAhWwF6YKHWdLB7

4O6AEwDXoECAgOAO#v=onepage&q=halimbawa%20mg%20tseklist%

20na%20may%20iskala&f=false. Hinango noong Setyembre 30, 2019.

Singleton, A. (2010). Kahalagahan ng Panonood. Hinango sa

https//tl.answers.com/Q/) . Hinango noong Oktubre 12, 2019.


24

Tamayo, J. L. (2014). “Ang Epektibong Paggamit ng Multimedia sa Paglinang

ng Pagtuturo at Pagkatuto”. Hinango sa

http://udyong.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=47

9ang-epektibong-paggamit-ng-multimedia-sa–paglinang-ng-pagtuturo at

pagkatu to&catid=90&Itemid=1267. Hinango noong Setyembre 12, 2019.

Tolentino, J. (2011). Pedagohiya ng Panitikan at ang mga Bagong Anyo ng

Midya. Hinango sa https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=

j&url= https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/article/download/6066

/5407 &ved=2ahUKEwjZ1-ObhfDkAhX2yYsBHW0ADmIQFjAAegQIBR

AB&usg= AOvVaw1O_2JnVtynrc5FQ41DK4T6. Hinango noong

Setyembre 26, 2019

Villaverde, S. A. (2013). Muog: Pundasyon ng Karunungan sa Filipino. Cavite:

Pisara Publishing House.

Yadao, S. S. (2014). Bisa ng Panonood sa Ganap na Pagkatuto ng mga Piling

Mag-aaral sa Ikapitong Grado ng Sinait National High School. Di-

nailathalang Tesis. University of Northern Philippines, Vigan City, Ilocos Sur.


25

APENDIKS
26

APENDIKS A
LIHAM SA PUNONGGURO NA HUMIHINGI NG PAHINTULOT

Don Mariano Marcos Memorial State University


South La Union Campus
KOLEHIYO NG EDUKASYON
Agoo, La Union

____________________
____________________
____________________
____________________

Ginoo/Ginang:
Isang malugod at masayang pagbati!
Kami po ay mga mag-aaral na nagmula sa Kolehiyo ng Edukasyon ng Pamantasan
ng Don Mariano Marcos Memorial – South La Union Campus na kasalukuyang
nagsasagawa ng pananaliksik bilang katuparan ng aming kurso. Ang pananaliksik
na aming isasagawa ay may pamagat na “Pelikula Bilang Lunsarang
Pampagtuturo ng Panitikan sa Modernong Mundo ng K to 12 Kurikulum”.
Kaugnay po nito, nais po naming hilingin ang inyong malugod na pagtugon na
maging bahagi ang mga guro sa Filipino na nagtuturo ng Grade 9 at Grade 10 ng
inyong paaralan bilang pagtupad sa aming asignaturang Intro sa Pananaliksik-Wika
at Panitikan.
Lubos po kaming umaasa sa inyong positibong pagtugon at pag-unawa sa aming
kahilingan. Ang lubos na pagpapala ay sumasainyo. Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,

Dyanna P. Abaga Leah G. Cabrera Jean Aileen D. Valdez


MGA MANANALIKSIK

Pinagtibay ni:
Bb. LEE K. UYAGON
Tagapayo
27

APENDIKS B

LIHAM SA GURO NA HUMIHINGI NG PAHINTULOT

Don Mariano Marcos Memorial State University


South La Union Campus
KOLEHIYO NG EDUKASYON
Agoo, La Union

____________________
____________________
____________________
____________________

Ginoo/Ginang/Binibini:
Isang malugod at masayang pagbati!
Kami po ay mga mag-aaral na nagmula sa Kolehiyo ng Edukasyon ng Pamantasan
ng Don Mariano Marcos Memorial – South La Union Campus na kasalukuyang
nagsasagawa ng pananaliksik bilang katuparan ng aming kurso. Ang pananaliksik
na aming isasagawa ay may pamagat na “Pelikula Bilang Lunsarang
Pampagtuturo ng Panitikan sa Modernong Mundo ng K to 12 Kurikulum”.
Kaugnay po nito, nais po naming hilingin ang inyong malugod na pagtugon na
maging bahagi sa aming isasagawang pananaliksik bilang pagtupad sa aming
asignaturang Intro sa Pananaliksik-Wika at Panitikan.
Lubos po kaming umaasa sa inyong positibong pagtugon at pag-unawa sa aming
kahilingan. Ang lubos na pagpapala ay sumasainyo. Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,

Dyanna P. Abaga Leah G. Cabrera Jean Aileen D. Valdez


MGA MANANALIKSIK

Pinagtibay ni:
Bb. LEE K. UYAGON
Tagapayo
28

APENDIKS C

GABAY NA TALATANUNGAN

Don Mariano Marcos Memorial State University


South La Union Campus
KOLEHIYO NG EDUKASYON
Agoo, La Union

Pangalan: ___________________________________

Edad (optional) : ______________ Baitang na Tinuturuan:_____________

Panuto:

1. Ano-ano ang mga paksang madalas talakaying sa pagtuturo ng panitikan?

______ pampamilya

______ pampamahalaan

______ pananampalataya

______ isyung panlipunan

______ pangkalisakan

2. Nakatutulong ba ng panonood ng pelikula sa pagtuturo ng panitikan?

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________
29

3. Paano nakatutulong ang panonood ng pelikula sa pagtuturo ng panitikan?

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

4. Ano ang mga balakid na maaari o kinakaharap ng mga guro sa pagtuturo ng

panitikan sa pamamagitan ng pagpapanood ng pelikula?

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

5. Ano ang naidududlot ng panonood ng pelikula sa pagkatuto ng mga mag-

aaral?

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________
30

You might also like