You are on page 1of 11

KABISAAN NG DIFFERENTIATED INSTRUCTION BILANG ISANG

ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA GRADE 7

SA MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG CATARMAN

TAONG PANURUAN, 2019-2020.

Rasyonal

Ang guro ay may napakahalagang papel sa paghubog ng

kakayahan ng mga kabataan. Sila ay nagsisilbing instrumento

upang matamo ng mga mag-aaral ang inaasam na tagumpay sa

darating na panahon. Kung kaya ang guro ay nahaharap sa

pagsubok kung papaano niya mas mapapabuti ang pagtuturo

para sa inaasam-asam na layunin.

Sa pagtupad ng layunin na ito hindi lamang ng guro kung

hindi pati ang ating pamahalaan ay magkaagapay upang

magkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon. Ang K to

12 Kurikulum (2012) ay ipinanukala upang matugununan ang

pangangailangan ng mga mag-aaral at makasabay sila sa

pandaigdigang kompetisyon.

Ang pagbabagong ito ay nakatuon din sa pagbabago sa paraan

ng pagtuturo ng mga guro sa iba’t ibang asignatura. Ang

tradisyunal na paraan ay pinalitan ng mga makabagong

estratehiya na mas gaganyak sa interes ng mga mag-aaral sa

kanilang pag-aaral.
Sa katunayan marami ang mga pag-aaral tungkol sa kung ano

ang mabisang estratehiya ang dapat na gamitin sa pagtuturo.

Ayon nga kay Mckenchie (2006) sa kanyang aklat na “Teaching

Tips”, ang angkop na kasagutan sa tanong na “What is the

most effective method of teaching?” ay nakadepende sa

layunin, sa mag-aaral, sa guro at sa paksang aralin. Batay

sa mga pag-aaral na isinagawa na nagkakaroon ng mga

pagsasanay ang mga guro upang malaman kung alin sa mga

estratehiyang ito ang pinakamabisa sa lahat. Subalit kahit

ano pa man ang estratehiya ang gamitin mahalaga pa rin na

malaman na ito ay dapat akma sa istilo ng pagkatuto ng mga

mag-aaral. At mahalaga rin na marunong ang mga guro na

maisakatuparan ang kanyang layunin sa paraang hindi

maisasantabi ang kakayahan, interes at lebel ng kahandaan

ng mag-aaral.

Ang differentiated instruction ay isang paraan ng

pagtuturo. Naglalayon ito na malaman ng mga guro ang mga

estratehiya na magpapaunlad sa pagkatuto ng mag-aaral. Ayon

din kay Carlson (2008) maaaring gamitin ito sa pag modify

ng nilalaman (ano ang ituturo) proseso (paano ituturo), at

produkto (paano ipapakita ng mag-aaral ang kanyang

natutunan). Ito ay mabisang paraan upang matugunan ang

pangangailangan pang-akademiko na aakma sa istilo ng

pagkatuto ng bawat mag-aaral. Ito ay napapatungkol sa mga


paraan para sa mga visual learners, audio learners, at

kenisthethic learners.

Ang paggamit ng Differentiated Instruction sa

pagtuturo ay isa sa mga iminungkahi ng mga eksperto sa

larangan ng edukasyon. Nagsimula ito batay sa resulta ng

mga achievement test na nagpapatunay na ang bawat mag-aaral

ay may iba’t ibang lebel ng pagkatuto.

Isa pang dahilan kaya’t ginagamit ang differentiated

instruction ay nang naipasa ang Individuals with

Disabilities Education Act (IDEA) 1975, na nagsisigurong

lahat ng kabataan na may kapansanan ay magkaroon ng

karapatang makapag-aral sa pampublikong paaralan. Kung

kaya ang mga guro ay gumagamit ng differentiated

instruction upang maabot at matugunan ang pangangailangan

ng mga mag-aaral na may kapansanan.

Ang panukalang No Child Left Behind (2000) ay lalong

nagpatibay at nagmungkahi na dapat gamitin ang

differentiated instruction nang sa gayon ay maipasa ang

lahat ng asignatura, nagkakaiba man ang kanilang lebel ng

pagkatuto. Ibig sabihin ang guro ay gagawa ng paraan at

gagamit ng estratehiya para maabot ng bawat mag-aaral ang

pantay pantay na kaalaman.

Sa larangan ng edukasyon, kung ano ang pagkakaiba-iba

ng “fingerprints” ganun din ang pagkakaiba-iba ng istilo


ng pagkatuto ng bawat mag-aaral. Ayon kay VanSciver (2005)

ang mga guro ay nahaharap sa malaking hamon pagdating sa

piniling propesyon. Sila ay nakikisalamuha sa mga mag-aaral

na may iba’t ibang abilidad sa loob lamang ng iisang silid-

aralan. Ang mga mag-aaral na ito ay tinatawag na diversed

learners na may iba’t ibang interes at pangangailangan

pang- akademiko . Kung kaya dapat malaman ng mga guro ang

tama at mabisang paraan upang matiyak na matututo ang bawat

isa sa kanila.

Layunin ng Pag-aaral

Matiyak sa pag-aaral na ito ang kabisaan ng

differentiated instruction bilang isang estratehiya sa

pagtuturo ng Filipino sa Grade 7 sa Mataas na Paaralang

Pambansa ng Catarman taong panuruan, 2019-2020.


SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA AKADEMIKONG PAGGANAP SA FILIPINO

NG IKAPITONG BAITANG NG MATAAS NA PAARALANG

PAMBANSA NG CATARMAN TAONG PANURUAN

2019-2020

Rasyonal

Ang edukasyon ang isa sa mga mahahalagang bagay sa

mundo. Meron itong mahalagang papel sa pagunlad ng isang

tao. Ito rin ay konektado sa iba’t ibang oportunidad at

kahusayan ng isang tao para sa mas magandang buhay (Battle

& Lewis, 2002).

“Dekalidad na Edukasyon”,ito ang sigaw ng bawat isa

sa atin. Nagnanais tayo na ito’y matugunan ng institusyon

kung saan tayo nag-aaral. Ang dekalidad na edukasyon ay

makakamtan lamang kung malalaman ang mga salik na siyang

makatutulong upang paunlarin ang performans ng mga mag-

aaral. Ang gawain na ito ay ang responsibilad ng guro.

Dapat niyang malaman kung anu-ano ito sa ganoon ay

makapagplano siya ng mga estratihiya na makapagbibigay daan

tungo sa mas maunlad at produktibo na resulta sa performans

ng mga mag-aaral.

Isa sa mga asignatura na kasalukuyang kabilang sa

bawat na programa sa pag-aaral na inilatag ng DEPEd ay ang

Filipino. Ang Filipino ay isang asignatura na tumatalakay

sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa ating Wikang


Pambansa.Dapat lamang na pagtuunan ng pansin ang

asignaturang ito dahilan din na dito nakasalalay kung tunay

nga bang isa ka o ako na Pilipino.

Ang edukasyon ay upang malaman ang mga bagay-bagay

mula sa simula hangang sa katapusan ng ating buhay. sa

pagpapalawak ng kapangyarihan at kaalaman na ibinigay sa

ating pag silang dahil ang edukasyon lamang ang tanging

kayamanan na maaari nating ipagmalaki at hindi mananakaw.

Napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng

isang tao. Nakakatulong ito sa pagpapa-unlad ng sarili at

maging ang kinabukasan. Nagpapalakas ito ng loob ng isang

tao para makipagsapalaran sa buhay. Nagpapatatag sa

pagkatao para harapin ang mga pagsubok at matutong lumaban

sa agos ng buhay. Madalas nating naririnig sa ating mga

magulang na ang edukasyon lamang ang tangi nilang

maipapamana sa mga anak kaya pinapayuhan silang mag-aral

mabuti at magtapos sa pag-aaral. Ang edukasyon daw ang

pamanang kailanman ay hindi mawawala sa tao at hindi

mananakaw ninuman.

Isa sa mga asignatura na kasalukuyang kabilang sa

bawat na programa sa pag-aaral na inilatag ng DEPEd ay ang

Filipino. Ang Filipino ay isang asignatura na tumatalakay

sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa ating Wikang

Pambansa.Dapat lamang na pagtuunan ng pansin ang

asignaturang ito dahilan din na dito nakasalalay kung tunay

nga bang isa ka o ako na Pilipino.


Layunin ng Pag-aaral

Hangarin ng Pananaliksik na ito na matukoy ang mga

Salik na Nakakaapekto sa Akademikong Pagganap sa Filipino

ng Ikapitong Baitang ng Mataas na Paaralang Pambansa ng

Catarman tome Taong Panuruan 2019-2020.


ANTAS NG PAGGAMIT NG MGA MAKABAGONG KAGAMITANG

PAMPAGTUTURO NG MGA GURO NG MATAAS NA

AARALANG PAMBANSA NG CATARMAN

TAONG PANURUAN 2019-2020

Rasyonal

Sinasabi na ang bansang Pilipinas ay unti-unti nang

umuunlad at nakasasabay sa iba pang mga bansa sa Asya ayon

sa mga kaugnay na programa ng ASEAN Intergration 2015.

Kaakibat ng mga pag-unlad na ito ay ang napakaraming

pagbabago na mangyayari sa kapaligiran. Makikita ang mga

pagbabagong ito sa pananamit, pag-uugali maging sa

pamumuhay ng mga Pilipino. Halimbawa na lamang nito ay ang

paggamit ng “electric stove” sa pagluluto na dati ay kalang

de uling lamang ang ginagamit.

Kung komunikasyon naman ang pag-uusapan, nagkaroon na rin

ito ng malaking pagbabago. Noon, ang pagsulat ng liham ang

paraan upang makapagpadala ng mensahe, na kung minsan ay

inaabot pa ng higit sa isang araw bago makuha ng pinadalhan,

ngunit ngayon, sa pamamagitan lamang ng cellphone, telepono

o mga “social networking sites”, ay maaari nang mabasa ang

mensahe sa loob ng ilang segundo lamang.

Isa sa nagdulot ng mga pagbabagong ito ay ang teknolohiya.

Malaki ang naging epekto ng mabilis na pag-usbong nito sa

pamumuhay ng mga tao sa kadahilanang nakatutulong ito sa

kanilang pang-araw-araw na gawain. Ang teknolohiya ay

mabilis na nagpapabago sa maraming aspekto sa lipunan at


higit na malaki ang epekto nito sa mga kabataan (Castrodes

et. al., 2012). Patunay lamang ito na malaki ang maiaambag

ng teknolohiya upang mapaunlad ang kaalaman ng mga

kabataan.

Kaakibat ng mga ipinangakong pagbabago at pag-unlad ng

ASEAN Integration 2015 sa bansa ay ang pagkakaroon din ng

pagbabago sa larang ng edukasyon. Ang edukasyon ang may

pinakamahalagang tungkuling ginagampanan tungo sa pag-

unlad ng isang bansa ngunit ito ay naaapektuhan ng pabago-

bagong panahon, kapaligiran at kaugalian ng mga tao

(Bracero, et. al., 2007). Ayon pa sa libro nina Sampath et.

al. (2007), “Learning usually involves both a student and

a teacher. But in some of the recent innovations of the

educational system, the teacher needs not be physically

present to teach.” Kung kaya’t gumagamit na rin ang mga

guro ng mga makabagong kagamitan na bunga ng teknolohiya

bilang kagamitang pampagtuturo. Ngunit hindi pa rin

maiaalis na may malaking gampanin pa rin ang guro sa mabilis

na pagkatuto ng mga mag-aaral. Kabilang sa mga kagamitang

pantulong sa pagtuturo ang paggamit ng LCD projector,

kompyuter, lapel at marami pang iba. Ang nabanggit na mga

bagay ay makatutulong upang mapaunlad ang paglinang ng

kaalaman sa mga mag-aaral.

Ayon kay Jonassen (2008), “Knowledge is embedded in the

technology and technology presents that knowledge to

student.” May kaugnayan ito sa ipinahayag nina Halal and


Liebowitz (1994) na, “as the technological key to future

education, multimedia is defined as “a powerful combination

of earlier technologies that constitutes anextraordinary

advance in the capability of machines to assist the

educational process.” Sinasabi na malaki ang maitutulong

ng mga makabagong kagamitang pampagtuturo sa mga guro upang

magbigay-daan sa motibasyon ng kanilang mga mag-aaral.

Sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay maaari na

ring mapabilis ang paraan ng pagtuturo at pagkatuto ng mga

mag-aaral. Ang dating kumbensiyunal na pagtuturo na

nakasentro palagi sa guro (teacher-centered) ay unti-unti

nang napapalitan ng pagtuturo na nakasentro naman sa mga

mag-aaral (student-centered). Ang tradisyonal na nilalaman

ng mga aralin ay maaaring mapaunlad sa mas interaktibong

pamamaraan. Ang pagsasama ng teknolohiya sa pagtuturo at

pagkatuto ay may hangaring mabago ang estratehiya sa mga

institusyong pang-edukasyonal.

Sa kasalukuyang lagay ng edukasyon sa Pilipinas, maraming

mga paaralan at institusyon ang gumagamit ng mga makabagong

kagamitan sa pagtuturo at pag-aaral. Ang tradisyonal na

pamamaraan sa pagtuturo, bagama’t buhay pa rin ay unti-unti

nang napapalitan ng modernong pamamaraan. Ayon nga kay

Hidalgo (2000), sa modernong pagtuturo at teknolohikal na

pagbabago sa ika-21 siglo, nakatuon sa kumpetisyon ang mga

paaralan ngayon. Kaya naman maraming paaralan at

institusyon ang gumagamit na ng mga makabagong kagamitan


sa kanilang pagtuturo. Ang simpleng yeso at pisara na gamit

noon ng mga guro sa pagtuturo ay napapalitan na ng kompyuter

at LCD projector sa pagtalakay ng kanilang paksa.

Kaugnay pa rin nito, ang kurikulum pang-

edukasyon ng Pilipinas ay muling nabago. Ayon sa Enhanced

K-12 Educational program paper ng DepEd, “the new

curriculum would give students more time to master

competencies and skills as well as time for other learning

opportunities beyond the classroom, thus allowing for a

more holistic development.” At dahil sa mga pagbabagong

ito, ninais ng mga mananaliksik na malaman ang kaugnayan

ng antas ng paggamit ng mga makabagong kagamitang

pampagtuturo at ang antas ng epekto nito sa pagtuturo ng

mga guro sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Catarman.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang

kaugnayan ng antas ng paggamit ng mga makabagong kagamitang

pampagtuturo

You might also like