You are on page 1of 17

Department of Education

Region IV –A CALABARZON
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Division of Batangas
District of Taal

Epekto ng Social Media

sa mga Kabataan ngayon

Isang Pananaliksik na Pael ang Ipinasa kay:

Bb. Eunice Felipe

(Guro sa Komunikasyon)

Ipinasa nina:

Loro, Mark Christopher

Piol, John Joshua

Ilagan, Trixie Coleen

Tipay, Christine Joy

Wenceslao, Janela

ABM 11-A, Taal Senior High School

I.
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL -TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Department of Education
Region IV –A CALABARZON
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Division of Batangas
District of Taal

Dahon ng Pagpapatibay

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan sa Asignaturang Pagbasa

at Pagsusuri tungo sa pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Epekto ng

Social Media sa mga Kabataanngayon”. Inihanda at iniharap ang pananaliksik na ito sa

aming guro na si Bb. Eunice S. Felipe ng mga mananaliksik na nagmula sa Accountancy

and Business Management 11-A ng Taal Senior High School panuruan 2017-2018. Ang

mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at inihanda ng mga

mananaliksik.

Tipay, Christine Joy

Loro, Mark Christopher

Wenceslao, Janela

Piol, John Joshua

Ilagan, Trixie Coleen

I.
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL -TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Department of Education
Region IV –A CALABARZON
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Division of Batangas
District of Taal

Pasasalamat

Taos pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa mga indibidwal at sa

iba pang naging bahagi ng aming pag-aaral para sa walang humpay na suporta, tulong at

kontribusyon upang maisagawa at maging matagumpay ang pamanahong papel na ito.

Nagpapasalamat kami lalong lao na sa aming butihing guro na si Bb. Eunice S. Felipe sa

walang sawang pagsuporta, pagtulong at pag-unawa sa amin habang isinasagawa namin

ang aming pamanahong papel. Pati na rin sa pagbabahagi ng pagmamahal at inspirasyon

sa amin, Sa mga magulang na tumulong at umintindi sa amin sa mga panahong abala

kami sa paggawa ng pamanahong papel na ito at sa pagbibigay moral at pinansyal na

suporta, pagmamahal at inspirasyon sa amin. Sa poong may kapal sa pagbibigay sa amin

ng determinasyon at lakas ng loob upang maisagawa at maisakatuparan ang pag-aaral

nito. Sa pagbibigay ng kaalaman na aming ginagamit sa aming pamanahong papel at sa

pagdinig sa aming mga panalangin na doon ay matapos ito ng maayos at matagumpay sa

takdang panahon.

Muli maraming maraming salamat sa inyong lahat.

I.
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL -TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Department of Education
Region IV –A CALABARZON
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Division of Batangas
District of Taal

Talaan ng Nilalaman

Pamagat ng pahina

Dahon ng Pagpapatibay

Pasasalamat

Talaan ng Nilalaman

Kabanata I: Mga Suliranin at Kaligiran nito

Panimula

Paglalahad ng Suliranin

Saklaw at Limitasyon

Kahalagahan ng Pag-aaral

Katuturan ng mga katawagan

Layunin ng Pananaliksik

Teyoritikal na Balangkas

Paradigm ng Pag-aaral

Haypotesis

I.
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL -TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Department of Education
Region IV –A CALABARZON
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Division of Batangas
District of Taal

Introduksyon

Facebook, Instagram at Twitter, ilan lamang ito sa napakaraming social

networking sites na pinagkakaguluhan sa internet ngayon. Sa panahon natin ngayon

mapapansing kahit saan ka magpunta mapa-siyudad man o probinsya man. Hindi

maipagkakailang lahat ng tao ay aktibo sa paggamit ng social media. Napakalaki ng

impluwensya ng social media sa atin at dahil nga sa pagkauso nito marami ng mga

kabataan ngayon ang lubos na nahuhumaling dito. Nabanggit na ang facebook, twitter at

instagram ay ganap na sikat at may dalai tong magandang layunin o epekto sa atin at sa

kabila ng magandang layunin at epekto nito ay may masamang epekto din itong taglay.

Ano nga ba ang masamang epekto nito sa atin? Masamang epekto nito sa ating pag-

uugali? Partikular na din sa mga kabataang tulad ko.

Ang social media ay parte na ng modernisasyon. Kinalakhan na din

nating mga Pilipino ang paggamit nito. Mapapansin na halos lahat ng tao ay may sari-

sariling account na ginagamit. Ni hindi kumpleto ang araw nila ng hindi nabubuksan ang

kanilang mga accounts para makita ang notifications nila sa facebook, makapagtweet o

makapaglabas ng saloobin sa twitter at magpost ng mga magagandang larawan sa

instagram. Dati rati kapag nalayo sa iyo ang mga mahal mo sa buhay o ang mga kaibigan

mo maipaparating mo ang iyong mensahe sa pamamagitan ng panulat at papel para

magkaroon lang ng komunikasyon. Napakahaba pang proseso ang tatahakin bago

maiparating ang iyong mensahe sa iyong minamahal. Ngunit ngayong mayroon na

tayong tinatawag na social network. Mas mabilis ng maipaparating ang iyong mensahe sa

mga taong malayo sa iyo. Mabilis mo ng matatanggap ang mga gusto nilang iparating sa

iyo maging sa kanila din. Dahil ang social media ay isang paraan ng pagkonekta sa iyong

mga kaibigan at mahal sa buhay. Bukod dito, magagamit mo rin ito para sa paggawa ng

mga takdang aralin. Makakatulong ito upang maging bukas ang isip sa pagpapalawak ng

ideya, kaalaman at mga pananaliksik. Magagamit mo rin ito upang malaman ang mga

nangyayari tungkol sa iba’t ibang pangyayari na nagaganap sa mundo. Maaaring gawing

I.
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL -TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Department of Education
Region IV –A CALABARZON
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Division of Batangas
District of Taal

isang makapangyarihang gamit sa pagkalat ng impormasyong iyong nakalap. Mas malaki

ang epekto ng social media kung ikukumpara ito sa ating nakabihasnang radio,

telebisyon at dyaryo. Dahil dito nagkakaroon ang mga kabataan ng mga kaalaman

tungkol sa balita at isyu na nakapaloob sa mga tao ngayon. Ngunit sa kabilang dako,

nagiging bulag tayong mga kabataan sa kung anong maaaring maging epekto nito sa

ating pag-aaral at pati na rin sa pag-uugali. Dahil sa paggamit ng social media lalo na sa

mga kabataan, minsan ay mas madami tayong nailalaang oras sa paggamit nito at may

pagkakataong hindi na nila nagagawa ang mga takdang aralin na dapat munang gawin.

Nagiging sanhi ito ng pagbaba ng marka ng mga estudyante dahil mas naeenganyo silang

gumamit nito kesa mag-aral.

Ang social media ay ginawa dahil ito ay may magandang layunin. Maraming

nagiging mabuti at masamang epekto at pakinabang ang social media. Nakadepende ito

sa gumagamit. Kaya’t kung maaari ay atin itong iwasan o di kaya limitahan at alamin

ang hangganan. Nababawasan ang produktibidad ng kabataan. Dapat tayong maging

maingat sa paggamit nito. Gamitin sa mabuti at tamang paraan. Iwasang

maimpluwensyahan ang sarili sa mga masasamang dulot nito.

I.
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL -TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Department of Education
Region IV –A CALABARZON
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Division of Batangas
District of Taal

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalahad ng mga Epekto ng Social Media sa

mga kabataan ngayon ng mga mag-aaral ng Taal Senior High School sa mga kabataang

lubos na nahuhumaling sa paggamit ng Social Media. Ang mga sumusunod na

katanungan ay bibigyang kasagutan sa pananaliksik na ito.

1.) Ano ang profayl ng mga mag-aaral batay sa kanilang

a. Pangalan (opsyonal):

b. Edad:

c. Kasarian:

d. Track:

2.) Ano ang epekto ng sobrang pagkahumaling sa paggamit ng Social Media sa


respondante batay sa sumusunod:

a. Edukasyon

I.
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL -TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Department of Education
Region IV –A CALABARZON
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Division of Batangas
District of Taal

Serbey: Kwestyoner

Mahal naming respondante

Magandang araw! Ang mga mananaliksik ay mga mag-aaral mula sa ABM 11-A

ng Taal Senior High School na nagsasagawa ng isang serbey para sa aming pamanahong

papel na may paksang “Persepsyon ng mga mag-aaral ng Taal Senior High School sa

mga kabataang gumagamit ng Social Media”. Hinihiling po naming ang inyong

kooperasyon sa pagsasagot sa katanungang ito. Maraming Salamat po!

1.) Profayl ng Respondante

Pangalan (opsyonal): Maria Rose L. Manuel

Edad:
21-22

19-20

17-18

15-16

Kasarian

Babae

Lalaki

I.
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL -TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Department of Education
Region IV –A CALABARZON
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Division of Batangas
District of Taal

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga positibo at

negatibong epekto ng social media sa mga estudyante ng Taal Senior High School mula

sa seksyong Accountancy and Business Management 11-A sa mataas na paaralan ng

bayan ng Taal. Ang pananaliksik na ito ay sinimulan noong ika-3 ng Hulyo 2017

hanggang sa panuruan 2017-2018 at ito ay sumasaklaw sa “Epekto ng Social Media sa

mga kabataan ngayon”.

Nalimitahan ang pag-aaral sa mga estudyante ng Taal Senior High School

na mataas na paaralan sa bayan ng Taal. Hinahangan din ng pag-aaral na ito na suriin ang

mga pananaw at persepsyon ng mga guro, magulang at mga estudyante sa mga epektong

dulot ng social media sa mga kabataan. Sa huli, binibigyan ng mga mananaliksik ng mga

mungkahing solusyon upang maiwasan ang sobrang pagkahumaling sa social media ng

mga kabataan ngayon.

I.
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL -TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Department of Education
Region IV –A CALABARZON
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Division of Batangas
District of Taal

Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pananaliksik na ito sa mga mag-aaral at kabataan lalo na sa

mga gumagamit ng Social Media na mas lalo pang maintindihan o maunawaan ang mga

masamang dulot ng Social Media tulad ng mga kumukuha ng identidad o impormasyon

at pornograpiya.

Mahalaga rin ang resulta ng pananaliksik na ito sa mga magulang upang

lubos nilang magabayan at mabigyang pansin ang kanilang mga anak kung ito ba ay

nagiging responsable o responsable sa paggamit ng Scoial Media at para magabayan

tungo sa magandang landasin.

Nakatutulong ang pananaliksik na ito sa mga mananaliksik upang

malaman nila kung ano ang pananaw ng mga gumagamit nito upang malaman ang

maaaring masamang maging idulot nito. Nagiging bukas ang isipan ng mga pangyayari

sa loob at labas ng ating bansa at nagsisilbing libingan ng karamihan, ngunit sa kabilang

dako, nagiging bulag tayong mga estudyante sa maaaring dulot o epekto nito sa ating

pag-aaral at pati na rin sa pag-uugali.

Sa kabila nito, nakakatulong ang pananaliksik na ito sa mga pribadong

organisasyon at pamahalaan upang makaupo at makagawa sila ng mga batas na maiiatang

dito o panukala na magsisilbing gabay upang maging mabuti at maayos ang paggamit

nito at upang masugpo ang lahat ng ito.

I.
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL -TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Department of Education
Region IV –A CALABARZON
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Division of Batangas
District of Taal

Katuturan ng mga Katawagan

Upang higit na maunawaan ang pananaliksik na ito, ang konseptong

ginamit ay binigyang pakahulugan sa mga sumusunod:

Facebook. Ito ay isang uri ng social media na libre ang pagsali at

pinatatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kompanya.

Kabataan. Ito ay tumutukoy sa mga taong nasa edad na 13 hanggang 25 at

maaasahang pag-asa ng bayan.

Pananaliksik. Ito ay tumutukoy sa pangangalap ng impormasyon na kung

saan maaaring makatulong at magamit sa ating pang-araw araw na pamumuhay.

Komunikasyon. Ito ay isang proseso ng pagbigay at pagtanggap ng

mensahe gamit ang berbal at hindi berbal na paraan.

Notification. Ito ay tumutukoy sa mga abiso na iyong natatanggap gamit

ang mga social media mula sa mga taong may kaugnayan sa iyo.

Modernisasyon. Ito ay tumutukoy sa mga pagbabagong nagaganap sa

bawat henerasyon na dumadaan sa ating mundo.

Social Network. Ito ay tumutukoy sa alin mang plataporma na lumilikha

ng social network o mga ugnayan ng pakikisalamuha sa mga taong may magkatulad na

interes, Gawain, karanasan o mga ugnayan sa tunay na buhay.

Twittter. Ito ay isang online news at social networking service kung saan

ang mga user ay nagpopost at nagiinterak gamit ang mga mensahe, tinatawag na “tweet”

na hanggang 240 karakter lamang.

I.
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL -TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Department of Education
Region IV –A CALABARZON
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Division of Batangas
District of Taal

Layunin ng Pananaliksik

Layunin ng pananaliksik na ito na iparating at malaman ng mga

mambabasa kung ano persepsyon at palawakin ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol

sa mga naiidulot ng Social Media sa bawat kabataan.

Itinutuon nito na malaman nang mga mambabasa at mag-aaral upang

mabuksan ang kaisipan hinggil sa mga persepyong nabuo sa kanilang isipan sa

pamamagitan ng pananaliksik na ito.

Teoretikal na Balangkas

Epekto  Pagpupuyat
 Pagbabago ng
Impresyon sa mga
tao
 Mga batang
nahihilig sa
online games
 Kawalan ng oras
Epekto ng Social
sa pag-aaral
Media sa mga
Kabataan

 Sumusunod sa
uso
 Napapanahon
 Impluwensya
 Mayroong
Dahilan Internet
Connection

I.
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL -TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Department of Education
Region IV –A CALABARZON
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Division of Batangas
District of Taal

Teoretikal na Balangkas

Ang social media ay isang serbisyong well-based kung saan ang isang

indibidwal ay maaaring gumawa ng pampublikong profile, Makita ang profile ng ibang

indibidwal at makilala ang ibang tao. Nagsimula ang social networking sites noong 1995

sa pagtayo ng pinakaunang social network na Classmates.com, sumunod dito ang

SixDegrees.com noong 1997, LiveJournal.com noong 1999, Friendster.com noong 2002,

MySpace.com noong 2003 at Facebook.com sa taong 2004 na patuloy pa ring ginagamit

ngayon sa kasalukuyan. Ang paggamit ng social media ay maaaring magdulot ng

positibo at negatibong epekto sa ating sarili, pamilya at lipunan. Dahil dito nagbabago

ang ugali at kultura ng isang tao. Ayon kina Boyd at Ellison (2007)

Sa patuloy na paggamit ng mga kabataan ng social media, naaapektuhan

nito ang kanilang sarili sapagkat nababasa at napag-uusapan nila dito ang mga isyung

pangmadla o forum para ipakita ang kontra-sosyal at palabang ugali. Ayon kay Wallace

(2000), ag paggamit ng internet o social media ay naguugnay sa madalas na paggamit ng

mga kabataan ng mura, insult at mga agresibong salita. Sa kadahilanang pwedeng iwan

ng kung sinuman ang isinulat na masamang komento sa pamamagitan ng poglo-log off.

Sa karagdagan, ang social networking sites ay nagdudulot ng adiksyon sa mga kabataan.

Ayon kay Young (1996), may dalawag klase ng gumagamit ng social network, ito ay ang

“dependent”na gumugugol ng 39 oras sa internet para sa sosyal na pakikipag-usap at

pakikihalubilo. Samantala, ang “independent” naman ay kumokonsumo ng 5 oras lamang

para sa “net surfing” o “e-mail”.

Hindi lamang ang iyong sarili ang pwedeng maapektuhan ng paggamit ng

social media kundi pati na rin ang iyong pamilya. Ayon kay Kraut at kanyang mga

kasamahan (1998), may kinalaman ang paggamit ng social networking sites sa pagtaas ng

depresyon at pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan at pamilya. Sa kadahilanang kaunti o

kulang na ang oras na iginugugol nila sa mga ito. Halois kalahati ng kanilang mga oras

ay iginugugol nila sa paggamit ng social media.

Maraming epekto ang social network sa lipunan. Sa pamamagitan ng

paggamit nito malalaman ng mga kabataan ang mga pangyayari sa kasalukuyan at

I.
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL -TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Department of Education
Region IV –A CALABARZON
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Division of Batangas
District of Taal

magkaroon sila ng kamalayan at kaalaman sa ibang mga kabataan tulad nila. Sa kabilang

banda, di natin maiiwasan ang masamang epekto na dulot nito. Isa na dito ang pagtaas ng

kaso ng “cybercrime” at mga panlolooko sa ating bansa. Ayon sa ulat ng CSI/FBI

Computer Crime and Security (2000), sinasabi na 79% ng mga kabataan ang umaabuso

sa social media at isa sa mga abusing ito at ang pagdownload ng pornograpiya. Sa

karagdagan, sa isang sarbey na ginawa ng NOL poll ng ICM, sinasabing halos lahat ng

respondent ay humihingi ng karagdagang control upang maiwasan ang panloloko at

pornograpiya.

Sa kasalukuyan, mas dumami ang bilang ng mga kabataan na gumagamit

ng social media at dahi diuto mas dumami din ang mga naaapektuhan nito, positibo man

o negatibo.

I.
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL -TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Department of Education
Region IV –A CALABARZON
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Division of Batangas
District of Taal

Teoretikal na Balangkas

Epekto

 Pag-aaral
 Relasyon sa
Pamilya
 Sarili
 Lipunan

Social Media

 Barkada
 Kulang sa
atensyon

Dahilan

I.
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL -TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Department of Education
Region IV –A CALABARZON
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Division of Batangas
District of Taal

Paradigm ng Pag-aaral

Batayan Proseso Awtput


 Profayl ng mga Ang bawat mga Ipinapakita sa pag-aaral na
ginagamit nito. mananaliksik ay gumagawa ito ang mailahad ang
 Epekto ng Social ng sarbey para malaman at maganda at maayos ang
Media sa mga ipaalam pa ang iba pang mga bawat detalye o
respondante at mag- mga impormasyon o datos impormasyon upang lubos
aaral. tungkol sa Social Media na maunawaan ang epekto
 Dahilan ng mga para iparating ang ng Social Media at dahilan
paggamit ng Social negatibong naiidulot nito sa ng masamang naidudulot
Media sa mga mag- bawat kabataan at mga nito. Inaasahan ang
aaral. mag-aaral na gumagamit mahayag ng ayos ang
 Negatibong nabuo nito. prosesong nabuo sa isipang
sa isipan ng mga mga naggamit nito.
mag-aaral.

I.
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL -TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Department of Education
Region IV –A CALABARZON
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL
Division of Batangas
District of Taal

Haypotesis

Ang mga pangunahing suliranin ay nangangailangang mabigyan ng linaw

at magkaroon ng kasagutan. Ang suliranin ay ang epekto ng paggamit ng social media ng

mga kabataan.

Ang unang suliraning nabanggit ay ang masamang epekto ng social media

sa kabataan ngayon na patuloy na nahuhumaling dito. Ang epekto nito sa pag-aaral,

lipunan at relasyon sa pamilya.

Ang pangalawa ay ang mga dahilan kung bakit patuloy na nahuhumaling

ang mga kabataan sa social media. Dito nailalahad ang saloobin at pananaw ng mga

kabataan dito, pati na din ang mga magulang na nababahala.

I.
TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL -TAAL SENIOR HIGH SCHOOL – TAAL SENIOR HIGH SCHOOL

You might also like