You are on page 1of 4

PAKAFI: Pagbasa tungo sa Kaunlaran sa Filipino

Gloria S. Ormacido

I. INTRODUKSIYON

Maikling Malay at Danas sa Paksa

Ang asignaturang Filipino ay lumilinang sa mga kasanayan sa pakikinig,

pagsasalita, pagbasa, pagsulat at pag iisip sa wikang pambansa. Ayon sa K to12 Gabay

Pangkurikulum sa Filipino (2016) nilalayon ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang

ibat ibang kakayahan ng mga mag-aaral kabilang dito ang kakayahang komunikatibo,

replektibo o mapanuring pag-iisip at, pagpapahalagang pampanitikan sa pamamagitan ng

mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan,

kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na

pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Ang pagbabasa ay gintong susi sa daigdig ng kaalaman at kasiyahan. Ito ay isa sa

mga pangunahing asignatura sa dahilang ito ang batayan o saligan ng halos lahat ng

pangkaisipang karunungan. Lubhang mahalaga ang pagbabasa at pagsusuri para sa

ikauunlad ng kaalaman ng mga kabataan lalo na sa panahong mabilis ang pagbabagong

nagaganap sa kapaligiran.

Sa kasanayan sa pagbasa, nalilinang ang husay sa pagpapalawak ng talasalitaan,

pagkilala sa mga salita, pag unawa at kasanayan sa pag-aaral at pananaliksik.

Sa artikulo ng Edutopia (2008) hinggil na may pamagat na Why Integrate

Technology into the Curriculum?: The Reasons Are Many, sinasabi ng may-akda na
ang tamang paggamit ng teknolohiya sa loob ng silid-aralan ay nakatutulong upang

matamo ng mga mag-aaral ang mga kasanayang kinakailangan upang malampasan ang

masalimuot na mundong hain ng makabagong teknolohiya. Ang integrasyon ng

teknolohiya sa pagtuturo ay nangangahulugang di lamang pagtuturo ng batayang

kasanayan sa kompyuter at mga software program. Ang pagkatuto sa pamamagitan ng

mga proyekto habang ekwip ng mga kagamitang panteknolohiya ay nagpapahintulot sa

mga mag-aaral na maging intellectually challenged; sa pamamagitan ng mga proyektong

ito, natatamo at napakikinis ng mga mag-aaral ang kanilang kasanayan sa pagsusuri,

paglutas ng suliranin habang sila ay gumagawa nang indibidwal at pangkatan upang

saliksikin, iproseso at pagsama-samahin ang mga impormasyong nakita nila sa internet.

Natututo ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga virtual, animated at realistic na

senaryo lalo na sa asignaturang Agham. Binabago rin ng teknolohiya ang paraan, metodo

ng guro sa kaniyang pagtuturo, nagiging mabisa ang pagtuturo lalo na sa ibat ibang uri

ng mag-aaral at natataya ang pang-unawa ng mga mag-aaral. Sa pag-aaral na ito, ginamit

din ang teknolohiya sa pagpoproseso ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.

Ang Technology Integration ayon sa isa pang artikulo ng Edutopia (2008) ay

nangangahulugang paggamit ng ibat ibang resorses na panteknolohiya gaya ng

kompyuter, mobile devices (smartphones), tablet, digital camera, social media platforms

at networks, software applications, internet at marami pang iba, sa pang-araw-araw na

praktis sa silid-aralan. Nagiging matagumpay ang integrasyon ng teknolohiya kung ito ay

nagiging routine (palagian) na, nariyan at madaling maakses para sa isang tiyak na

gawain at sumusuporta sa mga tunguhin ng kurikulum at tumutulong sa mga mag-aaral

upang mabisa nilang matamo ang kanilang mga layunin. Ang mabisang integrasyon ng
teknolohiya ay natatamo kung ang mga mag-aaral ay nakapipili ng mga kagamitang

panteknolohiya na nakatutulong upang magkaroon ng impormasyon sa tamang panahon,

nakapagsusuri , nakapagsasama sama at nakapaglalahad ng mga impormasyon.

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsipat sa epekto ng paggamit/integrasyon

ng teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral sa larangan ng pagbasa

bilang tugon sa tawag ng ika-21 siglong kasanayan.

Nilayon nina Yuan-Hsuan Lee etal (2011) sa kanilang pag-aaral na may pamagat

na Revisit the Effect of Teaching and Learning with Technology, na tayain ang

kabisaan ng pagtuturo at pagkatuto gamit ang teknolohiya sa mga mag-aaral ng K to 12

gayon din ang mga pampagtuturong praktis. Nais tugunan ng kanilang pag-aaral na

matukoy ang kalakasan at direksyon ng pagtuturo at pagkatutong gamit ang teknolohiya;

ang epekto nito sa mga mag-aaral; at ano ang mga tiyak na katangiang panteknolohiya,

estratehiya sa pagtuturo, katangiang pampagtuturo ang nakaaapekto sa pagtuturo at

pagkatuto gamit ang teknolohiya. Lumabas sa kanilang pag-aaral na binubuksan ng

teknolohiya ang mga hangganang pang-edukasyonal sapagkat nakatutulong ito upang ang

mga resorses sa internet ay madaling maakses ng kahit na sino sa buong mundo, bukas ito

sa publiko, libre at gaya ng mga elektronikong aklat, pod-casts, mga digitial libraries,

larong pang-edukasyonal, videong pang-edukasyonal at pang-instruksyonal

(Youtube/Teachertube) , tutorial at iba pa; tumataas ang lebel ng panghikayat ng

teknolohiya sa mga mag-aaral; napauunlad ng teknolohiya ang mga kasanayan ng mga

mag-aaral sa pagsulat at pagkatuto; napadadali ng teknolohiya ang pagkatuto ng mga

mag-aaral sa isang asignatura; napauunlad ang indibidwal na pagkatuto; sumusuporta sa

pinag-iba-ibang pagtuturo (differentiated instruction) ang integrasyon ng teknolohiya sa


klasrum ; napaiigting ang kolaborasyon sa pagitan ng guro at mag-aaral; naihahanda ang

mga mag-aaral para sa isang hanapbuhay na may kaugnayan sa teknolohiya ; at

napaiigting ang pagiging inobatibo at malikhain ng mga mag-aaral.

Paglalahad ng Suliranin

Isa sa mga suliranin ng mga guro sa pagtuturo ng pagbasa ay ang mababang lebel

ng interes ng mga mag-aaral hinggil sa aralin. Napuna ito ng mananaliksik sapagkat

madaming mag-aaral ang nahihirati rin sa makalumang paraan ng pagptuturo ng aralin na

ginagamitan lamang ng tinatawag na Lecture Method.

Sa kaalamang ito, nais malaman ng saliksik kung paano makatutugon ang

paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo ng pagbasa sa Filipino upang maktugon sa tawag

ng pangangailangan ng ika-21 siglong kasanayan at ang epekto nito sa pedagohiya ng

mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral.

Mga Tiyak na Suliranin

1. Ano ang epekto ng paggamit ng mga teknolohiya pagtuturo ng pagbasa sa

Filipino sa pedagohiya ng mga guro at sa pagkatuto ng mga mag-aaral?

2. Ano-ano ang mga teknolohiyang maaring gamitin ng mga guro sa

pagtuturo ng pagbasa upang malilang sa mga mag-aaral ng ika-21 siglo ang mga

kasanayang kanilang kailangan?

You might also like