You are on page 1of 24

INOBATIBONG GAWAIN SA PAGTUTURO NG BARAYTI AT BARYASYON

SA WIKANG FILIPINO

Isang Pananaliksik na Iniharap sa mga Guro


Kolehiyo ng Pagkaguro sa Edukasyon
Urdaneta City University

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga Kinakailangan para sa


Digring Batsilyer sa Sekundaryang Edukasyon
Nagpapakadalubhasa sa Filipino

nina

Leslie Mae M. Launico


Grace Lyn P. Millares
Jona Mae G. Morden
Ma. Christina Acosta
Janeka D. Estrada
Mercy B. Luzano
Rochelle C. Vila

Desyembre 2023
Kabanata 1

INTRODUKSYON

Kaligiran ng Pag-aaral

Sa patuloy na pagbabago ng panahon, patuloy rin ang pagbabago ng

interes ng mga mag-aaral, kaya naman maging ang mga estratehiya at

pamamaraan ng pagtuturo ay kailangang magbago upang makasabay sa mga

pagbabagong natututunan ng mga mag-aaral.

Ang guro ang isa sa pinakamahalagang sangkap sa loob ng isang-silid

aralan na nakapagsasagawa ng matagumpay at epektibong pagtuturo. Ang

kaalaman na dapat makuha ng mga mag-aaral ay nakasalalay sa guro, tungkulin

ng guro na makapagbigay ng mga bagong karunungan na siyang malaking

kontribusyon sa kanyang sariling pag-unlad. Ang mga guro ang may

pinakamahalagang tungkulin sa paglikha ng angkop na mga plano sa aralin, mga

estratehiya o mga kawili-wiling aktibidad na tumutugma sa mga interes ng mga

mag-aaral (Lopez et al. 2018).

Sinang-ayunan sa naging pahayag nina Perez et al. (2017), na ang guro

ay ang pinakamahalagang baryabol sa loob ng silid-aralan na nakapagsasagawa

ng matagumpay at epektibong pagtuturo. Sa pahayag ng mga dalubhasa,

masasabing napakalaking papel ang ginagampanan ng guro sa proseso ng


pagtuturo at pagkatuto. Ang pagpapahalaga sa mga tinuturuang mag-aaral ang

batayan sa pagpili at paghahanda ng mga araling magagamit upang makipag-

ugnayan sa kanyang mga tinuturuan. Nababatid niya ang halaga ng mga angkop

na metodo, lapit, estratehiya, at mga kagamitang instraksyunal na makatutulong

upang mapakilos ang mga mag-aaral tungo sa pagtugon at pagkatuto.

Sa panahon ngayon, lalong nahihirapan ang mga guro na pukawin ang

interes at kawilihan ng mga mag-aaral. Ang mga guro ay dapat mag-isip,

maghanda at magplano ng mga aktibidad na sumusubok at humahamon sa

kaalaman, kakayahan, at interes ng kanilang mga mag-aaral. Mga Gawain na

makakatugon sa kanilang mga pangangailangan at pagpapayaman sa kanilang

kaalaman (Galgo, 2013).

Isa sa mahalagang kaagapay ng mga guro sa matagumpay na pagtuturo

ay ang pagkakaroon ng isang maayos na kagamitang pampagtuturo.Ito ang

magsisilbing daan upang maipakita at maituwid ng guro ang pagtuturo kasama

na ang pagkakaroon ng mabisang estratehiya sa pagtuturo.Ang paggamit ng

kagamitang pampagtuturo ay isang mahalagang bagay sapagkat isa ito sa

bumubuhay sa proseso ng pagtuturo,sa pamamagitan din nito ay napupukos nito

ang interes o kawilihan ng mga mag-aaral na siyang dahilan upang ang mga ito

ay magkakaroon ng pukos sa paksang tinatalakay (Sanchez, 2021).

Ang pagtuturo ay nagbibigay at nagpapadala ng kinakailangang kaalaman

sa mga mag-aaral sa ilalim ng gabay ng guro na tagapagbigay ng kaalaman. Ang


mga estratehiyang ginagamit ng mga guro ay nakabatay sa paghahatid ng

kaalaman, tradisyunal man o inobatibo. Ito rin ay isang paraan ng pagbabahagi

o pagbibigay ng kaalaman na dapat malaman ng isang indibidwal at maaaring

magamit upang maging kapaki-pakinabang na indibidwal. Sa pamamagitan ng

pagtuturo, naipapahayag ang tiyak na gagawin na inaasahang maipakita ng mga

mag-aaral. Ginagamitan ang pagtuturo ng iba't ibang estratehiya na wasto para

sa bawat mag-aaral upang sila ay matuto (Tran, 2023).

Ayon naman kay Fernandez et al. (2014), ang makabagong pagtuturo ay

nangangailangan na ang mga mag-aaral na gumamit ng teknolohiya at sa

pamamagitan ng kanilang sarili ay kanilang mapagtanto ang kahalagahan ng

aralin. Binanggit ni Clara et al. (2015), na sa pamamagitan ng paggamit ng

teknolohiya ay mas nagiging kapanakapanabik, nakagaganyak at natutulungan

ang mga mag-aaral na matuto sa makabagong paraan. Makikita sa gumagamit

ng multimedia ang totoong mundo na gusto ng mga kabataang mag-aaral sa

tradisyunal na paraan ng pagtuturo nating mga guro. Tumataas din ang “antas

ng interaskyon” ng mga mag-aaral kapag ito ang ginagamit sa pagtuturo sa

madaling sabi, ito at malaking tulong sa guro na lumikha ng mga gawain o

karanasan sa pagkatuto ng bawat indibidwal na mag-aaral.

Sa pananaliksik naman na sinulat ni Barreto et al. (2013), na inilahad sa

pag-aaral nina Tabangcura-Almazon (2015), sa pamamagitan ng makabagong

teknolohiya tulad ng paggamit ng impormasyon na hango sa internet ay

nakapupukaw sa interes ng mga mag-aaral na magpukos sa mga aralin. Ayon sa


akdang mga tradisyunal at makabagong paraan ng pagtuturo, upang maging

mabisa at mabilis ang pagkatuto sapagkat nakabase sa mabuting paraan ng

pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng mag-aaral. Sa

pampublikong paaralan, tanggapin man natin o hindi, ang guro sa makabagong

panahon ay hindi kayang ibigay ang lahat na kinakailangan ng mga mag-aaral

kaugnay ng kanilang pag-aaral Gurdiel et al. (2015).

Batay sa pahayag ni Guirero et al. (2014), isang malaking hamon ang

paggamit ng teknolohiya sa larangan ng pagtuturo. Sagana sa impormasyon at

hitik sa pagbabago ang hatid ng teknolohiya gamit ang kompyuter at mga

midyang kagamitan bilang pantulong sa pagpapaganda at pagpapagaan ng mga

gawain. Isa pa sa magagandang kalidad ng mga modernong guro ay ang

pagsunod sa daloy ng panahon. Maraming mga guro ang hindi gumagamit ng

makabagong teknolohiya sa panahon ngunit kailangang turuan ang mga mag-

aaral kung paano gamitin ng maayos dahil sa ganitong paraan mas mabisang

maisagawa ng mga guro ang mga aktibidad sa silid-aralan.

Inilahad sa pananaliksik ni Ibatan sa programang K-12 (2016), layunin ng

pagtuturo na malinang ang kakayahang komunikatibo, replektibo o mapanuring

pag-iisip, pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng

mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang

pagkakakilanlan, kultural na literasi at patuloy na pagkatuto upang makaagapay

sa mabilis na pagbabagong naganap sa dagdig.


Ang inobatibong gawain sa pagtuturo ay nakapaloob dito ang mga

makabagong pamamaraan o gawain sa pagtuturo na siyang papatok sa panlasa

ng mga mag-aaral. Ayon sa UNICEF (2014), ang inobasyon ay hindi lamang

nangangahulugang bagong teknolohiya. Ang makabagong ideya ng edukasyon

ay matatagpuan sa mga proseso, programa at pakikipagsosyo.

Lumabas naman sa pag-aaral nina Libao et al. (2016), mataas ang

porsyento na natututo ang mga mag-aaral kung ang isang impormasyon o

gawain ay kanilang nakikita sa tulong ng mga makabagong teknolohiya bilang

gamit sa pagtuturo sa loob ng paaralan, mas tumataas ang interes ng mga mag-

aaal na nakikinig at makapokus ang kanilang atensyon sapagkat ang

elektronikong kagamitan sa ngayon ay madalas nang gamitin ng mga mag-aaral.

Ang kursong Barayti at Baryasyon ng Wika ay isang Kumparatibong

sarbey ng iba’t ibang relasyunal, sosyal, antropolohikal, akademik, okupasyonal

na barayti at baryasyon ng Filipino.

Ang layunin sa pagtuturo ng barayti at baryasyon ng wika ay may mga

aspeto na nagsusustento at nagpapalalim sa kaalaman ng mga mag-aaral ukol

sa iba't ibang aspeto ng wika. Ang Pagtuturo ng Barayti ay isa sa layunin ng

pagtuturo ng mga iba't ibang barayti o anyo ng wika. Ito ay naglalayong

maipakita sa mga mag-aaral ang pagkakaiba-iba ng wika sa iba't ibang rehiyon,

kultura, o sosyal na konteksto. Ang mga mag-aaral ay dapat matutunan ang

pagsasalaysay ng mga ito. Nagpapakita ng malalim na halaga ng pag-aaral ng


barayti at baryasyon ng wika, hindi lamang para sa komunikasyon kundi pati na

rin sa pagsasalaysay at pangangalaga sa kultura (Ibarreta, 2021).

Isa nga sa naging rekomendasyon sa pananaliksik nina Aluyen et al.

(2018) ang pagkakaroon ng mga kaugnayan sa pag-aaral tungkol sa mga

mungkahing inobatibong gawain na naaayon sa panibagong kurikulum na hindi

lamang nakatutulong sa mga susunod na mananaliksik kundi maging sa mga

guro at mag-aaral. Kaya naman ang mga kasalukuyang mananaliksik ay

nahikayat na magsagawa ng pag-aaral na bubuo ng mungkahing inobatibong

gawain sa pagtuturo ng Barayti at Baryasyon ng Wika bilang isa ito sa mga

kursong bago sa kurikulum at mayroon pa lamang iilang bilang ng mga

kagamitang pampagtuturo.

Batayang Teoritikal

Ang hagdan ng karanasan na teorya ni Dale ay gagamitin sa pananaliksik.

Binibigyang diin ni Tubera (2013), na ang karanasan ng mga mag-aaral sa

pagkatuto ay nababatay sa mga iba’t ibang kagamitang pampagtuturo na

ginagamit sa prosesong pagtuturo at pagkatuto.

Ang labing-isang baitang ng hagdan ng karanasan ay maaaring pangkatin

sa tatlo ayon sa antas ng pagiging tuwiran hanggang maging abstrak. Ang

tatlong pangkat ay (1) ginagawa (2) minamasid at (3) sinasagisag. Ang unang

pangkat ay ginagawa, sapagkat ito ay mismong ginagawa ng tao. Batay sa pag-

aaral ni Edgar Dale may 10% sa nababasa, 20% sa naririnig, 30% sa nakikita,

50% sa naririnig at nakikita, 70% sa nasasabi at nasusulat, 90% nagagamit ng


lahat ng pandama. Binubuklod ito ng mga tuwirang karanasan na binabalangkas

ng iba't ibang karanasan at madulang pakikilahok.

Ang ikalawang pangkat ay tinatawag na minamasid sapagkat bukod sa

pinagmamasdan ito rin ay pinakikinggan. Ang pakitang-turo, paglalakbay, eksibit,

telebisyon, pelikulang gumagalaw, teyp recording, radio at larawang 'di

gumagalaw ay nasa pangkat ng minamasid. Ang pinakahuling pangkat ay

sinasagisag ng mga simbolong biswal at berbal.

Simbolong
berbal
Simbolong
Biswal
Teyp-recording
Radyo at Larawang
Di-gumagalaw
Pelikulang
Gumagalaw
Telebisyon

Eksibit

Ekskursyon

Pakitang-turo

Madulang Pakikilahok

Mga Binalangkas na Karanasan

Mga Tuwirang Karanasan


Pigura 1: Hagdan ng Karanasan (EDGAR DALE, 1946)

Ito ay nagpatunay na ang mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral ay

bunga ng pagtuturong may kalidad na nakabatay sa uri ng mga kagamitan sa

pagtuturo. Ang kagamitang ito ay nagsisilbing lunsaran sa pag-unawa sa

konsepto upang maabot ang pinakamataas na pagkatuto. Sa makatuwid ang

mga tradisyunal at makabagong kagamitang pampagtuturo ay matibay na

basehan sa pag-angat ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Gagamitin ang Teoryang Hagdan ng Karanasan sa pananaliksik na ito

dahil ipinapakita rito na ang inobatibong gawain ay nabibilang sa tuwirang

karanasan na kung saan ito ay may konkretong epekto sa proseso ng pagkatuto

ng mga mag-aaral.

Gagamitin din sa pananaliksik ang Teoryang konstruktibismo ni Piaget.

Ang Teoryang konstruktibismo ng edukasyon na patungkol sa paggamit ng mga

kagamitan sa pagtuturo o mga aktibidad na may kinalaman sa pagbabago o sa

kasalukuyang realidad ng buhay. Nagsasaad ito na ang mga indibidwal ay

maaaring bumuo at mapahusay ang kanilang kakahayan para sa kognitibo sa

pamamagitan ng mga proseso ng pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng iba’t

ibang mga kagamitan.


Ayon sa teoryang ito, nagkakaroon ng pagkakatuto ang tao at gumagawa

ng kabuluhan (meaning) batay sa kaniyang mga karansan. Naipamamalas ito sa

pagtuturo sa pamamagitan ng pagbibigay ng tuon sa mag-aaral. Nagkakaroon

siya ng mga bagong pagkatuto gamit ang mga tanong ng guro at ng kanyang

malikhaing paraan. Sa pananaw na ito, pinaniniwalaan na aktibong lumilikha ng

bagong kaalaman ang mga tao habang nakikipag-ugnayan sila sa kanilang

kapaligiran. Ihinahambing ang lahat ng mabasa, makita, marinig, maramdaman,

at madama mo sa dati mo nang alam, at kung makabuluhan ito sa iyong

pangkaisipang daigdig, ay maaaring bumuo ng bagong kaalaman sa iyong

kaisipan.

Ang teoryang konstruktibismo sa sikolohiya ay isang hanay ng mga

teoryang nagpatunay na ang mga tao ay nag tataglay ng kanilang sariling pag-

unawa at kaalaman tungkol sa mundo sa pamamagitan ng sariling karanasan.

Gagamitin ang teoryang kontruktibismo sapagkat pangunahing layunin ng

mga mananaliksik ang makabuo ng inobatibong gawain bilang kagamitang

pampagtuturo na nakatutulong sa paglinang ng bagong kakayahan at karanasan

sa asignaturang barayti at baryasyon ng wika.

Bibigyang-diin din sa pananaliksik ang modelong ADDIE na magiging

gabay sa pagbuo ng inobatibong gawain. Ang ADDIE model ay isang sistema ng

pagbuo, pagsasakatuparan, at pagsusuri. Ito ay isang kagamitan sa pag-unlad

ng mga epektibong kurso at programa sa larangan ng edukasyon.


Gagamitin ang modelong ito sa pagsasakatuparan ng mga mananaliksik

na makabuo ng inobatibong gawain na naaayon sa tamang proseso ng pagturo

at pagpapaunlad ng mga kagamitang pampagtuturo.

Batayang Konseptwal

Ang mga inobatibong gawaing pangklasrum ay hindi lamang angkop sa

panahon bagkus, ito ay isang mahalagang layunin ng pagtuturo ng wika sa mga

mag-aaral. Kasabay sa mabilis na pag-unlad ng panahon, dapat isaalang-alang

ng mga guro ang mga gawaing pangklasrum upang maging mas maging

epektibo ang pagtuturo ng tama at maling gramatika. Matutunghayan sa

susunod na pahina ang balangkas ng saliksik.

Ang Input o pagbuo ng mga mananaliksik ng Inobatibong Gawain sa

pagtuturo ng Barayti at Baryasyon sa Wikang Filipino ay ibabatay mula sa

Outcome -Based Syllabus ng Barayti at Baryasyon sa Wikang Filipino. Ang mga

proseso na pagdadaanan ay ang pagplaplano ng iba't ibang gawain, paghingi ng

opinyon at pagwawasto ng mga tagapayo, pagrerebisa sa mga panukala ng

tagapayo, at pagpapa-ebalweyt sa mga respondente at pagreresirba at

pagwawasto ng mga gawain ayon sa panukala ng mga gawain. Sa input at

prosesong ito ay mabubuo ang awtput na Inobatibong Gawain sa Pagtuturo ng

Barayti at Baryasyon sa Wikang Filipino.


Paradigma ng Pag-aaral

Input Proseso Awtput

 Pagpaplano ng mga
mungkahing
inobatibong gawain
 Paghingi ng opinion
at pagwawasto ng
tagapayo sa mga
ipinanukalang
OBTL ng Barayti at
gawain Inobatibong gawain sa
Baryasyon sa Wikang
 Pagrerebisa sa mga pagtuturo ng Barayti at
Filipino.
panukala ng Baryasyon sa Wikang
tagapayo Filipino
 Pagrerebisa at
pagwawasto ng mga
gawain ayon sa
panukala ng mga
Pigura 1. Paradigmang Konseptwal

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng mga mananaliksik ay makabuo ng

inobatibong gawain sa pagtuturo ng Barayti at Baryasyon sa Wikang Filipino.

Ang mga sumusunod ay mga katanungang nangangailangan ng

kasagutan.

1.Ano ang naging batayan ng inobatibong gawain sa asignaturang Barayti

at Baryasyon sa Wikang Filipino?

2.Ano-ano ang mga inobatibong gawain ang maaaring ipagawa ng mga

guro sa pagtuturo ng Barayti at Baryasyon sa Wikang Filipino?


3.Ano ang lebel ng pagtanggap sa pamantayang ginagamit sa pag-

ebalweyt ng mga inobatibong gawain na sinagawa ng mga tagapayo batay sa

krayteryang;

a. nilalaman (content);

b. kagamitan (usefullness);

c. pagkamalikhain (creativeness); at

d. inobatibo (innovative)?

Saklaw at Limitasyon

Ang mga respondente sa isasagawang pananaliksik ay mga instruktor sa

Filipino mula sa Urdaneta City University sa Kolehiyo sa Edukasyon na may bilang

na apat (4), tatlong (3) babae at isang (1) lalaki at Kolehiyo ng Sining at Agham

na may bilang na apat (4), dalawang (2) babae at dalawang (2) lalaki. Ang mga

guro ay pipiliin sapagkat mayroon silang taglay na kasanayan sa pagbuo at

pagbalida ng mga kagamitang panturo.

Hindi sasaklawin ng pananaliksik ang epektibong inobatibong gawain sa

pagkatuto ng mag mag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pagbuo ng mga inobatibong gawain sa pagtuturo ng aralin ay

nararapat tagalayin ng bawat guro. Ang isasagawang pananaliksik ay magiging

kapakipakinabang sa mga sumusunod:


Tagapamahalang Akademiko. Magsisilbing tagapagbukas ng isipan

upang lalo pang mahikayat ang mga tagapayo na bumuo at maglimbag ng mga

kagamitang pampagtuturo na makatutulong sa laranagan ng proseso ng

pagtuturo.

Mga guro. Bilang tagapamahala ng silid-aralan, makatutulong ang pag-

aaral na ito sa pag-unawa sa mga makabagong kasanayan sa pagtuturo ng

paksa ng Barayti at Baryasyon sa Wikang Filipino. Ito ay magiging isang

mahalagang kontribusyon hindi lamang sa tahasang panitikan kundi maging sa

kongkreto at makabuluhang mga estratehiya sa proseso ng pagtuturo .

Mga mag-aaral. Bilang sentro ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto,

ang pananaliksik na ito ay naglalayong mabigyan ang mga mag-aaral ng mataas

na kalidad na pagkatuto sa pamamagitan ng mga istilo ng pagtuturo ng mga

guro at pag-unawa sa mga problema sa hinaharap.

Sa mga mananaliksik sa hinaharap. Ang pag-aaral na ito ay

magsisilbing gabay para sa mga susunod na pag-aaral na may kaugnayan sa

mga pag-aaral na ito.

Katuturan ng mga Katawagan

Ang mga sumusunod na kahulugan ay ibinibigay upang matulungan at

mapadali ang mga mambabasa na higit na maunawaan ang pananaliksik na ito

at upang mabigyang linaw ang nais iparating ng mga mananaliksik sa isinagawa

ng pananaliksik.
Inobatibong Gawain. "Ang mga mungkahi o makabagong aktibidad ay

mga aktibidad na maaaring gawin ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral sa

malikhain at makabagong paraan. Isa rin itong paraan para malaman ang

kakayahan ng mga mag-aaral sa pagkatuto.

Nilalaman. Krayteryang ginamit sa pagsukat ng kaangkupan ng mga

impormasyong nakalahad sa bawat paksa.

Kagamitan. Tumutukoy sa pakinabangan ng inobatibong gawain.

Pagkamalikhain. Paghamon sa mga kakayahang paglikha at nakapokus

sa kasiningan at kawilihan ng mga inobatibong gawain.

Inobatibo. Kabilang dito ang mga malikhaing pamamaraan o mga

aktibidad sa pagtuturo na makakaakit sa mga interes ng mga mag-aaral. Ayon sa

UNICEF (2014) ang pagbabago ay hindi lamang nangangahulugang ng bagong

teknolohiya.

Kabanata 2

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay naglalayong ilahad ang gamit ng pag-aaral at

pagsusuri. Kasama sa pamamaraang ito ang disenyo ng pag-aaral, sakop ng

pag-aaral at pamamaraang sampling, kasangkapansa pagkalap ng datos,

pamamaraan ng pangangalap ng datos, at pagsasaalang-alang pang-etikal.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng disensyong deskriptib debelopmental

upang mailarawan ang resulta ng suliraning inilahad sa unang kabanata na kung

saan susukatin ang katanggapan sa mga inobatibong gawain sa pagtuturo ng

Barayti at Baryasyon sa Wikang Filipino.

Ang deskriptib na pag-aaral ay sumasaklaw sa lahat ng pag-aaral na

naglalayong ilahad ang mga katotohanan tungkol sa kalikasan at kalagayan ng

anumang bagay sa grupo ng mga tao, bilang ng mga bagay, pangkat ng mga

kondisyon, uri ng mga pangyayari at sistema ng pag-iisip o anumang uri ng

pangyayari nan ais pag-aaralan ng kahit sinuman (Casimiro 2023).

Ang debelopmental ay nagtatakda at kumukuha ng mapanghahawakang

impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang panahon.

Sakop ng Pag-aaral at Pamamaraang Sampling

Nakatuon ang pag-aaral na ito sa mga gurong nagtuturo sa Urdaneta City

University (UCU). Gagamit ang mga mananaliksik ng "Complete enumeration" na

siyang kabuuang bilang ng mga guro na tutugon para sa pagkamit ng mga

layunin ng pananaliksik. Ito ang gagamitin ng mga mananaliksik dahil kakaunti

lamang ang bilang ng mga respondente. Mayroong walo (8) na nagmula sa

Filipino instruktor, na kasalukuyang nagtuturo sa asignaturang Filipino.


Kasangkapan sa Pangalap ng Datos

Ang mga kasangkapang gagamitin ay ang mga sumusunod:

1. Gagawing batayan ng mga mananaliksik ang silabus sa Barayti at Baryasyon

ng Wikang Filipino sa pagbuo ng inobatibong gawain.

2. Sa pagsagot ng ikatlong suliranin, upang matukoy ang naging lebel ng

katanggapan ng mga pamantayang ginamit. Ang pag-ebalweyt ng inobatibong

gawain sa pagtuturo ng Barayti at Baryasyon ng Wikang Filipino na isasagawa ng

mananaliksik ay sa pamamagitan ng talatanungang hinango at nirebisa sa

pananaliksik nina Aluyen et al. (2018), na may pamagat na " Mungkahing

Inobatibong Gawain sa Pagtuturo ng Buhay ni Rizal at mga Akda ni Rizal. "

Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang pamamaraang gagamitin sa pag-aaral na ito ay isinasagawa gamit

ang talatanungan. Hahango ang mga mananaliksik ng talatanungan na

naglalayong maghanap o mangolekta ng impormasyon tungkol sa katanggapan

ng mga makabagong aktibidad sa pag-aaral. Nangangalap din ang mga

mananaliksik ng impormasyon mula sa iba't-ibang lugar, tulad sa mga silid-aralan

na naglalaman ng mga libro at mga lumang artikulo. Ang mga mananaliksik ay

kukuha rin ng impormasyon mula sa internet na nagpapatibay sa pananaliksik na

ito.
Pag-aanalisa (Analyze)
1
Pagdidisenyo (Design)
2

Pagdebelop (Develop)
3

Ebalwasyon (Evaluation)
4

Ang mga sumusunod na hakbang ay isasagawa nang lubos na

mapagtagumpayan ang layunin ng pananaliksik na makabuo ng Inobatibong

gawain sa pagtuturo ng barayti at baryasyon ng wikang Filipino

1. Pag-aanalisa

Ang unang hakbang na aming isinagawa ay ang pag-aanalisa sa

kung anong mga aralin sa inobatibong gawain sa pag-tuturo ng Barayti at

Baryasyon sa Wikang Filipino. Ang kinakailangan bigyang pokus at

magiging batayan namin sa pagpili ang OBTL ng inobatibong gawain sa

pagtuturo ng Barayti at Baryasyon sa wikang Filipino. Binigyang pansin din

sa prosesong ito ang uri at antas ng mga mag-aaral na siyang gagamit sa

awtput ng aming pananaliksik.

2. Pagdidisenyo

Matapos matukoy ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral,

tutukuyin ng mga mananaliksik ang layunin ng pagtuturo sa bawat

napiling paksa. Ang mga mananaliksik ay bubuo ng isang balangkas ng


mga paksa para sa talakayan sa tulong ng tagapayo. Ang nilalaman ng

mga resulta ay ang layunin, paksa ng talakayan, pagsusuri at aplikasyon.

3. Pagdebelop

Sa yugtong ito, sisimulan ng mga mananaliksik ang pagbuo ng

kanilang pantulong na kagamitan katulad sa obtle pamamagitan ng

kagamitan sa pag-paimprinta. Sa puntong ito, nai-printa ng mga

mananaliksik ang instrumento at nagsimulang bumuo ng mga kagamitan.

Mangalap ng impormasyon mula sa mga aklatan at mga elektronikong

mapagkukunan na gagamitin upang talakayin ang paksa. Bukod pa rito,

ang isang palatanungan ay nakolekta at binago upang masuri ang

pagtanggap ng mga karagdagang binuo na instrument. Mangolekta ng

impormasyon mula sa mga aklatan at elektronikong mapagkukunan na

gagamitin upang talakayin ang paksa. Ang isang palatanungan ay

nakolekta din at binago para magamit sa pagtatasa ng katanggap-

tanggap ng mga karagdagang mga naobserbahan at ang instumentong

gagamitin sa pagtatala ng naobserbahang datos ay ang isang Obtle.

4. Ebalwasyon
Ang mga marka na ibinigay ng mga respondente ay naitala at

nakalkula. Ang mga resulta ng pagsusuri ay ipaliliwanag gamit ang

mga talahanayan at mga sumusuportang dokumento.

Balidasyon

Pagkatapos mabuo ang talatanungan, ang mga mananaliksik ay

sasangguni sa tatlong guro na nagpapakadalubhasa at nagtuturo ng

asignaturang Filipino sa wikang Filipino sa kolehiyo para sa mga puna at

mungkahi. Ang kanilang pagsusuri ay binatay sa mga sumusunod na

pamantayan tinatanggap, pangangailangan ng rebisyon at di tinatanggap Ang

resulta ng balidasyon ay ipinakita ng mga mananaliksik sa gurong tagapayo

matapos ang ilang pagwawasto at pagbabago sa ilang pahayag mula sa mga

puna at mungkahi ng mga nagsuri, ipinagtibay ng tagapayo sa pananaliksik ang

pinal na talatanungan.

Pag sasaalang-alang Pang-etikal

Sa magaganap na pagkalap ng datos, isinasaalang-alang ng mga

mananaliksik ang mga etikal na mga prinsipyo tulad ng pagiging kompidensiyal

at pagkubli sa pagkikilanlan ng mga guro. Sisiguraduhin ng mga mananaliksik sa

mga guro na ang anumang impormasyon na nagmula sa kanila ay gagamitin

lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik. Gayundin, ipinaliwanag ng mga

mananaliksik sa mga guro ang kabuuang layunin ng kanilang pananaliksik.


Hihingi rin ng pahintulot ang mga mananaliksik sa mga guro kung maaring ang

pagkalap ng datos ay maitala sa pamamagitan ng pagsasarbey.

Estatistikong Pagtalakay sa mga Datos

Ang mananaliksik ay gagamit ng talatanungan o sarbey bilang

pangunahing instrumento sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral.

Ang mga tanong na inihanda ng mananaliksik ay batay sa mga inilalahad na

suliranin sa unang kabanata ng pananaliksik. Ang mananaliksik ay gagamit ng

talatanungan na nakasulat sa istilong 4-point Likert-scale sapagkat ayon kay

McLeod (2015), isa itong rating scale na ginagamit bilang panukat sa mga

attitude at mga opinion ng mga sumagot na.

Upang masagot ang unang suliranin gagamitin ang Likert Scale. Ito ay

isang klase ng saykometrik na ginamit sa mga talatanungan, ang pinakagamiting

iskala ng sarbey ng mga mananaliksik sa pagsagot ng likert sa aytem o pahayag

ng talatanungan ng mga tagatugon na tiyak ang kanilang kasunduan sa kanilang

pahayag. Ang iskala ay pinangalanan na hango sa Resis Likert, na naglathala ng

isang hula na tumutukoy kung paano gamitin ang iskalang ito (Likert 1932).

Weigthed Mean Formula


Wm= ∑ fx

kung saan:

AWM= weighted average ng bawat kategorya

f= bilang ng respodente

x= klasipikasyon ng halaga

n= kabuoang bilang ng respondente

Upang masagot ang lebel ng katanggapan ng mungkahing Inobatibong

gawain sa Pagtuturo ng Barayti at Baryasyon sa Wikang Filipino ayon sa mga

gurong respondent. Ang weighted mean ng bawat aytem o pahayag ay

ipaliwanag gamit ang mga sumusunod sa iskala.

Iskala Naglalarawang Katumbas

3. 26 - 4.00 Lubos na katanggap-tanggap (LK)

Katanggap-tanggap (K)
2. 51 – 3.25
Bahagyang katanggap-tanggap (BK)
1.76 – 2.50
Hindi katanggap-tanggap (Hk)
1. 00 – 1.75

You might also like