You are on page 1of 10

ORIHINAL NA PINAGKUHANAN

Literatura

ANG TEKNOLOHIYA BILANG GAMIT SA PROSESONG PAGTUTURO AT


PAGKATUTO

Reynaldboholtarpen
Ang paggamit ng teknolohiya sa paaralan o sa isang klase ay kinakailangan para sa
pagpapalawig ng kaalaman ng isang mag-aaral, para maging produktibo sila sa
kanilang pag-aaral at nakakatulong din para mas mapaganda at mapadali ang
performance ng isang mag-aaral at ng guro. Ang teknolohiya ay nakakatulong para
mas mapadali ang pagpapaabot ng kaalaman sa estudyante

TEKNOLOHIYA SA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO


Ronalene Grace A. Tapang

Ang mga tradisyonal na pamamaraan ay unti-unti ding binago. Kung dati’y sa guro
lamang natututo nang paulit-ulit na kaalaman, ngayon ay magkasabay na natututo sa
isa’t isa ang guro at mag-aaral. Kasabay ng mga pagbabago sa pagtuturo,
sumasabay din ang mga pagbabago sa estratehiya ng edukasyon, kung saan ang
kasabay ng pagtuklas sa panibagong kaalaman ay ang pagkatuto ng mahahalagan
katalinuhan sa kasalukuyang panahon. Maraming nagsulputang iba’t ibang
pamamaraan at sistema ng pagtuturo. Mga pamamaraan na maaaring gamitin ng
guro upang maging magaan at mabisa ang pagtuturo. Ang alinmang bagay na
ginamit ng guro na makatutulong sa pagkatuto ay tinatawag na kagamitang panturo.
Ito’y tumutukoy rin sa isang bagay na naglalahad o nagbibigay ng impormasyon
tungkol sa paksang pinag-aaralan. Sa modernong panahon, hindi lingid sa mga guro
na maaari na rin gumamit ng teknolohiya sa pagtuturo.

“Ang Kahalagahan ng Teknolohiya sa Pag-aaral”

Isang mahalagang bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang mga
aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami ng imbentong teknolohiya simula pa
noong mga nakalipas na siglo. Halimbawa na lamang nito ay ang kompyuter kung
saan ay maari kang mag suri , mag siyasat at mag saliksik ng mga bagay na
ninanais mong nalaman o kinakailangan sa eskwelahan. Ngunit sa makabagong
panahon ngayon , ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na ginagamit sa
edukasyon ay ang mga kompyuter na maaring maka-access ng internet. Ang Internet
ay mas lalong mahalaga dahil kung walang internet ay di mo magagamit ang
kahalagahan ng kaalaman o di ka makakapag siyasat ng iyong hinahanap. Mas
epektibong naibabahagi ng mga estudyante ang kanilang leksyon nang dahil sa
internet.
http://harlynkat.blogspot.com/
PAGGAMIT NG MGA MODERNONG TEKNOLOHIYA SA PAGTUTURO

Marami mang positibo o nega tibong reaksyon sa makabagong pamamaraan ng


pagtuturo, ang mahalaga ay maunawaan ng bawat isa kung ito nga ba ay
makatutulong o hindi sa mga mag-aaral. Isa pa ay kung may nauunawaan nga ba ang
mga kabataan sa mga aralin gamit ang mga makabagong teknolohiya o isa lamang
itong paraan ng mga guro upang masabing umuunlad na ang kanilang estratehiya sa
pagtuturo.

Josecaminotabafa.blogspot.com
Paggamit at Pag-uugnay ng Teknolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto
Bilang mga guro sa asignaturang Filipino, isang napakalaking hamon nito para sa
atin sapagkat minsan nang binansagan itong boring na asignatura. Kaya naman
mahalaga talaga na pagplanuhan nating mabuti ang bawat leksyon na ating ituturo.
Gumamit tayo ng mga estratehiya at teknik sa ating pagtuturo nang sagayon ay mas
makuha natin ang kanilang loob at atensiyon upang makinig pa sila sa buong
talakayan.
Ang paggamit at pag-uugnay ng teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto ng ating mga
mag-aaral ay talaga namang nagdadala ng pananabik at positibong pidbak mula sa
ating mag-aaral. Gamit ang mga ito, makagagawa tayo ng mga gawaing higit na
makatutulong sa kanilang pagkatuto kaya naman dahil dito mas nagagawa nitong
mas interaktibo at mas kapana-panabik ang buong talakayan.

Pag-aaral

Impluwensiya ng Midya sa Pag-Aaral ng Wika


Kathleen Kay D. Mapa (MAEd)
Ang mga implikasyon sa nakuhang mga datos sa pag-aaral na ito batay sa
komunidad ay masnakapagbibigay ng mas malaking ambag sa komunidad. Dahil mas
naitatangkilik ang interespakikilahok at pakikipagsapalaran sa ating komunidad.
Para naman sa mga mga propesyon sa mundo ng edukasyon. Ito ay mas
naipalilinang ang paraan ng pagkatuto sa wika sa paraang mas napapadali ito
ngunit makabuluhan. Dahil na rin sa ang midya ay kasabay na pagsilang ng
makabagong henerasyon ngayon. Kung kaya’t may kaugnayan at relasyon ang midya
at ang pag-aaral ng wika.

DIGITIZED LESSON SA FILIPINO: TUGON SA TAWAG NG


PANGANGAILANGAN NG IKA-21 SIGLONG KASANAYAN, PAGSIPAT SA
EPEKTO NITO SA PEDAGOHIYA NG MGA GURO AT PAGKATUTO NG MGA
MAG-AARAL
MARIA FE C. BALABA

Nagiging independent learners ang mga mag-aaral at nagigingresponsible sa


kanilang mga kilos dahil sa kolaboratibong gawain gamitang computer/laptop/ o
notepad;7. Nasasanay ang mga mag-aaral sa pagpoproseso ng mga iniatang
naGawain ng guro;8. Nagigiliw ang mga mag-aaral sa paglikha ng kanilang awtput
dahiltinitignan nila ang teknolohiya bilang nakaaaliw at nakatutuwanggawain; at
GOOGLELISMO + GUGOLISMO= Masining, Makaagham, Makabuluhan,
at Makatotohanang Produkto ng Pagtuturo at Pagkatuto

Voltaire M. Villanueva
Kasabay ng pagbabago ng panahon, nagbabago rin ang kalakaran sa sistema ng
edukasyon na may malaking epekto sa paraan at proseso ng pagtuturo at pagkatututo.
Kung kaya’t patuloy ang pagsumpong ng mga guro upang tugunan ang
pangangailangan ng akademya. Sa panahon na maraming inobasyon dulot ng
makabagong teknolohiya; mahalagang salik na maging masining at inobatibo ang
guro upang matugunan ang hamon sa ikatatagumpay ng epektibong pagkatututo at
pagtuturo. Sapagkat batayan ng habambuhay na pagkatuto ang kaalamang
pangnilalaman at pangkasanayan. Ito ang pangunahing hamon sa umiiral na
Sistemang K-12 ng Kagawaran ng Edukasyon tugon sa ika-21 siglo. Ang mga
patunay o ebidensiya ng pagkatuto kaugnay ng pang-araw araw na pamumuhay ay
isang sukatan na madadala sa laboratoryo ng buhay ng isang magaaral.

SNS: Isang Estratehiya sa Larangan ng Pagtuturo


Ma.Fe Gannaban
Anumang bagay na lumagpas sa hangganan ay palagiang may masamang epekto o
hindi magandang epekto. Kung gayon, masasabing ang anumang teknolohiya ay may
mga positibo at negatibong epekto sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto ng mga guro-
mag-aaral. Nararapat ding isaalang-alang ng bawat isa na sa bawat kalayaang ating
tinatamasa o natatamo ay may kaukulang responsibilidad na nakataang sa ating
balikat. Minsan, wala naman talaga sa teknolohiya ang ikagagaling ng isang guro o
magaaral nasa guro iyon o estudyante, nakasalalay sa kanilang mga kamay at sa atin
ang pagpapasya

EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PAG-AARAL NG MGA MAG-AARAL


Donald Cogo
Ang epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ay nasa di-gaanong
mababa. Dapat pagtuunan pa ng pansin ng mga guro at magulang ang pagtuturo at
ang wastong paggamit ng teknolohiya, upang mas lalo pang madagdagan ang
kanilang kaalaman at magabayan ang mga mag-aaral kung paano at kailan dapat
gamitin ang teknolohiya.
Rebyu ng Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Literatura

Ang teknolohiya ay naging parte na ng ating buhay. Ang integrasyon nito sa

pag-aaral ay nakikitaan rin naman. Sa pananaw ni Reynal Bohol Tarpen taong 2017 ,

ay nilinaw niya na ang paggamit ng teknolohiya ay nakakatulong upang mas maging

produktibo ang mga mag-aaral. Ito ay mahalaga upang mapadali ang pagintindi ng

mga mag-aaral sa mga talakaya nila sa paaralan.

Sa pananaw na ito ni Tarpen ay malinaw na nakakatulong ang integrasyon ng

teknolohiya upang mas mapadali ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Sa

kasalukuyan ay mahalaga ito lalo na sa ating panahon na kung saan higit tayo na

umaasa sa mga makabagong kagamitan. Ito ang makakatulong sa atin upang mas

maunawaan pa ang mga komplikadong bagay sa ating pag-aaral.

Sa opinyon naman ng isang guro sa Bataan na si Ronalyn Grace Tapang taong

2018 , ay kanyang inilahad ang mga pagbabago sa ating pag-aaral. Ayon sa kanya

ang dating pag-aaral na puro guro lamang ang nagtuturo ay nawala na sa kasalukuyan.

Dagdag pa niya na sa pagsulputan ng mga makabagong kagamitan ay mas lalong

dumami ang mga ibat-ibang estratehiya sa ating pag-aaral. Sa pagsulputan ng

makabagong kagamitan ay nariyan din na umusbong ang tinatawag na Kagamitan

panturo na halos hango sa mga teknolohikal na kagamitan.

Ang pananaw na ito ni Tapang ay malinaw lamang na isang kasagutan sa

kasalukuyang nangyayaring pagbabago sa ating lipunan. Marami ang pagbabago sa

larangan ng pagtuturo kung kayat pati ang estilo ng pagtuturo ay nabago na rin.
Nagkakaroon ng pagbabago depende na rin sa mga panahon ng mga nagtuturo.

Kadalasan sa mga guro ng kasalukuyan ay bumabase lamang sa pangangailangan ng

mga mag-aaral. Hindi na umaandar ang dati dahil na rin hindi nila ito panahon. Kung

kayat masasabi natin na ang panahon ay mahalagang dimensyon upang alamin ang

estilo ng mga nagtuturo.

Magkakaiba-iba tayo ng estilo sa pagkatuto at pagtuturo. Binigyang halaga

naman ito ng Filipino Blogspot taong 2017 upang mas maunawaan ito ng mga

mambabasa. Sa pagsipat ng mga dalubhasang ito ay kanilang binanggit na may

malaking gampanin ang teknolohiya sa ating pag-aaral sa kasalukuyan. Naka depende

tayo sa mga modernong teknolohiya kaya ganoon na lamang nabuo ang interes ng

ating pagkatuto. Sa makabagong kagamitan ay mas lalong natuto ang isang mag-aaral

kung paano magsiyasat , magsuri at manaliksik.

Nakabase ang ating kakayahan sa modernong teknolohiya. Maraming

naitutulong ito sa pagpapaunlad ng ating kaalaman. Ang ating interes sa pagkatuto

ay naka angkla sa pangangailangan nating mga tao. Nabubuhay tayo sa teknolohiya

kung kaya ganoon na lamang tayong umasa rito.

Sa pagsusuri naman na isinagawa ng gurong si Harlyn Kat taong 2017 ay

kanya namang binigyang pansin ang mga positibo at negatibo na maidudulot ng

teknolohiya sa pag-aaral. Ayon sa kanya ay mahalaga na magkaroon ng kaalaman

ang mga mag-aaral kahit na umaasa ang mga ito sa modernong teknolohiya. Hindi

lang dapat ito ginagamit ng guro upang sabihin na makabago ang kanyang estratehiya

bagkus marapat lamang niya itong gamitin upang matulungan ang kanyang mga mag-

aaral.

Ang pananaw na ito ni Kat ay makabuluhan. Ang paggamit ng modernong

teknolohiya sa kasalukuyan ay hindi pagpapakitaan tao lamang. Bagkus ito ay


ginagamit upang hasain ang kakayahan ng mag-aaral. Walang halaga ang integrasyon

ng teknolohiya kung hindi naman ito pakikinabangan ng mga tao.

Sa pagsusuri naman ni Jose Tabafa taong 2017 , ay kanyang ibinahagi ang

kaugnayan ng teknolohiya sa pagkatututo at pagtuturo. Binigyang halaga ni Tabafa

ang gamit ng mga modernong teknolohiya sa ating edukasyon. Ayon sa kanya ay

nakakatulong ang teknolohiya upang makuha ang loob ng mga mag-aaral. Dito

nakukuha ang saloobin ng mag-aaral kung kaya ganoon na lamang silang

napapalapito sa mga ito.

Ang opinyon na ito ni Tabafa ay makatarungan. Upang lubos na makuha ang

loob ng mga mag-aaral ay kinakailangan na nakakasabay ang guro sa kanilang mga

interes. Hindi na ginagamit sa kasalukuyan ang mga dating pamaraan kung kaya

ganoon na lamang tayo na umaasa sa teknolohiya. Ang pananabik na na dulot ng

moderno ay higit na makakatulong upang mas maipaintindi ang talakayan sa mga

mag-aaral

Pag-aaral

Ang teknolohiya ay isa sa mga mahahalagang instrumento na siyang

ginagamit sa pagtuturo at pagkatuto. Marami na rin pag-aaral ang siyang isinagawa

upang suriin ang integrasyon nito sa pag-aaral. Kabilang na rito ay ang pag-aaral ng

mga dalub wikang kinabibilangan ni Maria Fe Balaba. Sa pag-aaral ni Balaba taong

2016 na pinamagatang Digitized Lesson sa Filipino: Tugon sa tawag sa

pangangailangan ng mga mag-aaral ng ika 21 siglong kasanayan , pagsipat nito sa

epekto ng pedagohiya ng mga guro at pagkatuto ng mga mag-aaral. Natuklasan ni

Balaba sa kanyang pag-aaral na naging akribo ang mga mag-aaral dahil na rin sa
kolaboratibong sangkap ng moderno. Ang kawilihan ng mga mag-aaral ay naka

angkla rin naman sa teknolohiya.

May integral na halaga ang teknolohiya sa pag-aaral. Sa pag-aaral na ito

napatunayan lamang na may halaga ang modernong teknolohiya sa pagpapa usbong

ng kaalamang naka sentro sa pakikipagtulungan. Ang partisipasyon ng mga mag-aaral

ay kinakailangan upang makabuo ng isang interaktibong talakayan. Ito ay

nakakatulong rin naman upang mas mapadali ang pag-aaral. Ang sangkap ng

teknolohiya na ito ang siyang magiging instrumento upang maipalaganap ang

kaisahan sa loob ng paaralan.

Sa pag-aaral na isinagawa naman ni Voltaire Mendoza taong 2018 na

pinamagatang GOOGLELISMO + GUGOLISMO= Masining, Makaagham

Makabuluhan, at Makatotohanang Produkto ng Pagtuturo at Pagkatuto. Marapat na

matiyak ang kaalaman at kasanayan ng mag-aaral sa pagsasanib ng teknolohikya

(google) at pagpapahalaga (gugol) tungo sa paglalapat ng kasanayan sa ika-21 siglo

upang maging kapakipakinabang na mamamayan ng lipunan.

Mahalaga na masuri ang kalinangan ng mga mag-aaral sa pagpili ng mga

instrumento na siyang gagamitan sa pagtuturo. Ang pag-aaral na ito ang isa lamang

nagpatunay sa kakayahan ng Google upang tasahin ang kagalingan ng mga mag-aaral.

Ang pagggugol nila sa google ay mahalagang makita upang sa gayon ay masuri ang

mga konteksto na kanilang tinitignan. Ang online platform na ito ay maraming

sangkap na kapapalooban ng mga ibat-ibang pananaw sa pag-aaral. Naka depende sa

mga mag-aaral kung ano ang mga estilo ng mga ito sa paghahanap ng mga

impormasyon na kinakailangan sa pag-aaral.

Sa pagbubuod rin naman ni Ma.Fe Gannaban (2013) sa kanyang isinagawang

pag-aaral na pinamagatang SNS: Isang Estratehiya sa Larangan ng Pagtuturo ay


kanyang inihayag ang mga halaga ng Social networking sa pag-aaral. Minsan wala

naman sa teknolohiya ang kagalingan ng mag-aaral at guro. Kung minsan ay

nakasalalay rin sa kanilang sariling kamay. Sa kanyang pag-aaral ay kanyang

napagtanto na may mga iilang aplikasyon na hindi naman talaga nakakatulong. Ang

sariling kakayahan pa rin ang namamayani at hindi ang mga tulong ng mga ibang

kagamitang panturo.

Ito ang patunay na hindi lahat ng mga kagamitan ay mabisa. May mga

pagkakataon na sariling utak pa rin natin ang umaandar at hindi ang mga teknolohiya

na siyang ginagamit bilang kagamitang panturo. Ano man ang ganda ng inihandang

presentasyon ng isang guro , kung wala naman ganap na pang-unawa ang bata ay

mawawalan rin ito ng halaga. Ang pag-aaral sa teknolohiya ay kinakailangan rin

naman ng pakikibagay. Kinakailangan ng mga mag-aaral na matutuhan muna ang

gamit na ito bago gamitin sa mga talakayan. Ang pag-aaral rin naman ang nagsasabi

na hindi lahat ng mga kagamitang panturo ay angkop sa mga mag-aaral

Sa pag-aaral naman na isinagawa ni Kathleen Kay D. Mapa na pinamagatang

Impluwensiya ng Midya sa Pag-Aaral ng Wika ay kanyang nilinaw ang mga ibat-

ibang gamit ng midya sa pagpapalaganap ng kaalamang pang wika. Ito ay mas

naipalilinang ang paraan ng pagkatuto sa wika sa paraang mas napapadali ito ngunit

makabuluhan. Dahil na rin sa ang midya ay kasabay na pagsilang ng makabagong

henerasyon ngayon. Kung kaya’t may kaugnayan at relasyon ang midya at ang pag-

aaral ng wika. Sa kanyang pag-aaral ay kanya ring natuklasan na mahalaga at

maimpluwensiya ang wika kung kaya ganoon na lamang na kabilis itong dumami.

Ang teknolohiya ay nakakatulong sa ating henerasyon upang higit na

maunawaan ng mga tao ang halaga ng wika. Mas nagiging mabilis ang paglaganap ng

kaalaman sa wika kung gagamitin ito sa pagtuturo. Ang midya ay may sangkap na
maka sosyal na kahalintulad rin naman ng wika na panglipunan rin naman.

Magkaangkla ang mga ito kaya ganoon na lamang na may malaki itong naidudulot sa

pag-aaral.

Sa pagsusuring pananaliksik na isinulat ni Donald Cogo taong 2015 , na

pinamagatang epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ay kanyang napatunayan na hindi

gaanong nakakatulong ang integrasyon ng teknolohiya sa pag-aaral. Ayon sa kanya ,

ang epekto ng teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ay nasa di-gaanong mababa.

Mahalaga na pagtuunan ng pansin ng mga kaguruan ang wastong paggamit ng

teknolohiya upang hindi sila mahirapan dito.

Ang pag-aaral na ito ni Cogo ay patunay lamang na hindi lahat ng mag-aaral

ay biniyaan ng katalinuhan. Ang mga iba ay sadyang malayo ang loob sa teknolohiya

kung kaya ganoon nalamng sila na hindi nakakasabay sa iba pang talakayan. Kaya

mahalaga na mabigyang pansin ito ng mga guro na nagbabalak gumamit ng

teknolohiya sa pagtuturo. Ang pagkatuto ay nakabase sa kakayahan ng mga mag-aaral

sa teknolohiya kung kaya ganoon na lamang kahalaga na maturuan ang mga ito sa

tamang paggamit ng teknolohiya.


Sanggunian

Literatura

Kat, H (2017) PAGGAMIT NG MGA MODERNONG TEKNOLOHIYA SA


PAGTUTURO
Fil Blogspot. Ang Kahalagahan ng Teknolohiya sa Pag-aaral.www.blogspot.com

Tarpen, R (2017) ANG TEKNOLOHIYA BILANG GAMIT SA PROSESONG


PAGTUTURO AT PAGKATUTO

Tapang , R (2018) TEKNOLOHIYA SA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO

Tabafa , J (2017) Paggamit at Pag-uugnay ng Teknolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto

Pag-aaral

Mapa, K ( 2018) Impluwensiya ng Midya sa Pag-Aaral ng Wika

Balaba, M. F ( 2016) DIGITIZED LESSON SA FILIPINO: TUGON SA TAWAG NG


PANGANGAILANGAN NG IKA-21 SIGLONG KASANAYAN,
PAGSIPAT SA EPEKTO NITO SA PEDAGOHIYA NG MGA
GURO AT PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL
Cogo, D (2015) EPEKTO NG TEKNOLOHIYA SA PAG-AARAL NG MGA
MAG-AARAL

Gannaban , M.F (2013) SNS: Isang Estratehiya sa Larangan ng Pagtuturo


Mapa, K ( 2018) Impluwensiya ng Midya sa Pag-Aaral ng Wika

Villanueva , V (2018) GOOGLELISMO + GUGOLISMO= Masining, Makaagham,


Makabuluhan,at Makatotohanang Produkto ng Pagtuturo at
Pagkatuto

You might also like