You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

BULACAN STATE UNIVERSITY

Departamento ng Edukasyon

Pamantasan ng Bustos

Poblacion, Bustos, Bulacan

“Kaugnayan ng Paggamit ng Modernong Kagamitan sa Pagtuturo ng Matematika sa Pagkatuto ng mga

mag aaral sa Unang Antas ng BSEd sa BulSu Bustos”

Isang Kahingian sa Araling Pilipino

Ipinasa nila:

Antigua, Danna Kate

Bonifacio, Angelina

Remonida, Ma. Luisa

Velasquez, Niña Lee

Villar, Via May

Ipinasa kay:

G. Ricky J. Navarro

Nobyembre 2019
KABANATA

I
PANIMULA
Sa paglipas ng panahon at pag iral ng modernisasyon kapansin pansin ang mga pagbabago sa iba’t

ibang larangan sa ating kapaligiran, nangunguna na dito ang pang edukasyon na hindi maaring mapag iwanan

bilang punlaan ng kaalaman. Sa isang pangkaraniwang paaralan madaling matutukoy kung sino ang mag aaral at

taga bigay ng leksyon, maaring dahil sa kagamitang hawak, kasuotan at pananalita. Ang guro ang tagapaglinang

ng kaalaman at tagapag gabay sa mga mag aaral tungkol sa partikular na asignatura o kahit sa pangklahatan pa.

isa sa pinakamahalagang bahagi ng pagkatuto ng isang mag aaral ay sa kung paano at ano pamamaraan ng mg

guro sa pagbibigay ng leksyon. Nagiging epektibo ang isang paraan kung ito’y madaling nauunawaan at hindi

magpapagulo sa isip ng mag aaral. Hindi na lingid sa ating kaalaman na ang matematika ang isa sa

pinakamahalagang asignatura at syang gumaganap sa ibat ibang larangan kaya’t importante ang paraan at mga

proseso kung paano ito maiintidihan ng isang indibiduwal.

Ang Matematika ay pag-aaral ng dami, espasyo, anyo at pagbabago. Ito ay malawakang ginagamit

sa buong mundo upang maging kasangkapan sa maraming larangan tulad ng Ihenyera, medisina at marami pang

iba. Kadalasan ay tungkol ito sa mga pagpapatunay at lohika kung kaya’t hindi na masyadong kailangan angt

pagsasaulo bagkus ang kailangan ay maigi at palagiang ang pagsasanay. Sa makalumang panahon kung saan hindi

pa uso ang mga umiiral na teknolohiya ang natatanging paraan ng mg mga guro sa matematika ay ang mano

manong pagtuturo at pagbibigfay ng leksyonb sa kanilang mga mag aaral. Ang mga proseso sa pagtuturo ng mga

hakbang ay matiyagaang itinutura ng mga guro sa pamamagitan ng mga limitradong kagamitan na mayroon sa

silid aralan.

Ayon kay (Pamaran, 2013) Sa bawat pagbabago ng panahon ay nagbabago din ang kurikulum sa

Edukasyon. Kasabay nito ang pagdaragdag ng kaalaman ng mga guro upang makasabay sa mga napapanahon at

upang hindi mahuli sa mga pagbabago. Ang mga guro ay bukal ng masisining na teknik upang maging mas

epektibo sa pagtuturo. Isang katangian din ng guro ay ang pagiging mulat sa pagbabago sa paligid upang

magkaroon ng epektibong pagtuturo na naaangkop sa makabagong panahon. Ang mga guro ay nangangailangan

ng mga makabagong paraan sa pagtuturo upang maging mas malinaw ang mga aralin, mapanatili ang atensuon at

memorya sa mga mag-aaral. Ayon nga sa “Cone of Experience” ni Edgar Dale, mas malaki ang porsyento ng
pagkatuto sa mga bagay na nakikita o napapanood kaysa sa mga bagay na naririnig. Sinusuportahan ng pag-aaral

na ito na mas malaki ang porsyento ng matututo at matatandaan ng mga mag-aaral ang kanilang pinag-aaralan

kung may mga bagay silang nakikita o napapanood.

Mula sa isang blog na Tradisyonal at Modernong Pagtugturo (2014) Ang makabagong paraan ng

pagtuturo o ang alternatibong pagtuturo ay ang mga paraan ng pagtuturong makabago sa ating nakasanayan na

umuusbong sa ating panahon ngayon. Ito ay nag-uugat sa iba’t ibang pilosopiya na nagtataglay ng pangunahing

kaisipan na iabng iba sa tradisyunal na paraan. Kadalasa’y nagkakaroon ng mga kaisipang politikal, pilosopikal,

at akademikong kasanayan ang mga mag-aaral.

Ang paraan ng pagtuturong ito ay nakapokus sa kung papaano tutuklasin ng mag-aaral ang kanyang

kakayahan o angking galing na nakasubaybay lamang ang kanyang guro sa kanya. Sa panahon ngayon ay mayroon

ng isang malaking pagbabago ang nagaganap sa dimensyon ng pagtuturo. Dahi na din sa nasa makabagong

panahon na tayo naniniwala ang mga eksperto na ang mga mag-aaral sa panahon ngayon ay hindi na

mababansagan na na mabagal o mahina sa pagkatuto.

Sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay maari na ring mapabilis ang paraan ng pagtuturo at

pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang dating kumbensyonal na pagtuturo na nakasentro palagi sa guro ay unti unti

nang napapalitan ng pagtuturo na nakasentro naman na sa mga mag-aaral. Ang tradisyonal na nilalaman ng mga

aralin ay maaring mapaunlad sa mas interaktibong pamamaraan. Ang pagsasama ng teknolohiya sa pagtuturo at

paglatuto ay may hangaring mabago ang estratehiyasa mga institusyong pang-edukasyonal.

Ang pangunahing layuning ng pag aaral na ito ay alamin ang kaugnayan ng paggamit ng modernong kagamitan

sapagtuturo ng matematika sa pagkatuto ng mga mag aaral partikulat na sa unang antas ng BSEd sa Bulacan State

University sa Pamantasan ng Bustos.


Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kasalukuyang pag aaral ay naglalayong makatulong sa mga indibiduwal, partikular na sa:

 Mga Mag aaral- Ang resulta ng kasalukuyang pag-aaral ay makapagbibigay ng kaalaman ukol sa kaugnayan ng

modernong paraan ng pagtuturo sa matematika sa pagkatuto ng mga mag aaral. Mula dito malalaman ng mga mag

aaral kung paano nakakaapekto sa paraan ng pagtanggap ng bawat isa sa mga leksyon sa sipnayan.

 Mga Guro- mahalaga ang pag aaral na ito sapagkat mula dito matutukoy ng mga guro kung paano nakakaapekto

ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya sa pagtuturo ng Sipnayan. Ang resulta ay maaring mapagkunan

ng mga ideya sa panghinaharap na pagtuturo.

 Mga Magulang- bilang tagapag gabay sa mga mag aaral sa kanilang pag aaral ang pananaliksik na ito ay makapag

bigay ng sapat na kaalaman sa mga magulang kung ano ang benipisyong naidudulot sa pagkamulat ng mga

estudyante sa mga makabagong teknolohiya.

 Mga gumagamit ng elektronikong kagamitan/makabagong teknolohiya: ang resulta ng pananaliksik ay

mahalaga para sa mga indibidwal na gumagamit ng makabagong teknolohiya na hindi lamang ito para sa larangan

ng libangan kung hindi ito’y mahalaga para sa edukasyon at pagtuklas ng mga kaalaman na hindi matatagpuan sa

mga limitadong batayan.

 Mga magiging guro- ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang maihanda sila sa mga pagbabago dulot ng pag

iral ng teknolohiya sa ating mundo.

 Mga susunod na mananaliksik- Ang pag aaral ma ito ay napakahalagang basehan kung nais ipagpatuloy ang

pananaliksik o kung may nais isaliksik na may kaugnayan sa kasalukuyang pag aaral.
Kaugnay na Literatura at Pag aaral

Ayon kay Baloloy, et. al (2013), sa simula ang matematika ay mga simpleng numero lamang ang nakikita,

ngunit habang patagal ng patagal ang pag-aaral ng sipnayan ay nadadagdagan ng mga letra at ng mga

kumplikadong numero na nagiging dahilan kung bakit ito humihirap. Subalit, may mga mangila-ngilan na

estudyante ang tila hindi nahihirapan sa asignaturang ito.

Binanggit ni Fabros (2017), matematika ang isa sa pinakamahirap ngunit pinakakailangang asignatura na

nagbibigay kasagutan sa mga tanong at problemang mayroong kinalaman sa numero, sukat, kapasidad, istraktura

at pagbabago.

Ayon kay Delvo (2019), ang sipnayan ay isa sa pinakamahirap na asignatura para sa maraming mag-aaral

ito ang madalas na kinababagsakan ng mga estudyante. Maraming mga matematiko ang nagsasabing ang

matematika ay karugtong ng ating buhay. Ang sipnayan ay isang larangan ng karunungan na sumasaklaw sa lahat

ng mga bagay, may buhay man ito o wala. Ang sipnayan ay pintuan at susi ng agham. Ito ay karunungang walang

hangganan.

Jojo (2014) Maraming pagbabago ngayon ang nangyayari sa ating kapaligiran, kabilang na dito ang

modernong pagbabago ng sistema sa larangan ng Edukasyon. Ang paaralan ang nagsisilbing pangalawang tirahan

ng mga mag-aaral. Ang bawat bagay na makikita sa paaralan ang nagsisilbing pinagmulan ng pagkatuto ng mag

mag-aaral. Ang pagkatuto ng mag mag-aaral ang nagsisilbing pinaka importanteng bagay na may kontribusyon

sa paglago ng kanilang mga abilidad at kapasidad. Sa tulong ng makabagong teknolohiya ay naimbento nitong

mga nakaraang taon ang paggamit ng ng PowerPoint Presentation ng mga guro sa pagtuturo sa klase. Ito ay

ginagamit sa pagbibigay ng leksyon gamit ang telebisyon na may mga slides presentation para sa mag mag-aaral.

Sa pamamagitan ng paggamit nito ay mas mapapabilis ang diskusyon ng mga aralin dahil hindi na kinakailangan

na magsulat pa ang guro sa pisara. Mas mapapabilis ang pagpapaliwanag ng mga guro tungkol sa kanilang aralin.
Ayon nga kay Sen. Edgardo J. Angara (2011), magagamit ang mga makabagong teknolohiya sa

edukasyon sa Pilipinas dahil ito ang magiging solusyon upang mapunan ang mga kakulangang sa edukasyon na

matagal ng hinahanap ng ating bansa.

Ayon din kay Riel (2013), ang teknolohiya ay mabilis na nag babago sa iba't ibang aspekto sa lipunan at

higit na malaki ang epekto nito sa mga kabataan , kaya nararapat lamang na ito ay pag aralang mabuti lalo na sa

paggamit ng multimedia sa loob ng klase upang mabigay sa mga mag-aaral ang mainam na edukasyon.

Aquino (2010), ang epektibong pag tuturo ay paraan ng patuturo ng isang guro. Ito ay masusukat sa

dami ng kaalaman hindi ito makikita sa kung gaano man kaganda ang kagamitan. Bagkus ay mag bibigay lito

lamang ito sa mga mag aaral dahil hindi nagamit ng tama ang makabagong kagamitan sa pagtuturo.

De Juan (2013) ibat ibang kagamitang pagtuturo sa pag aaral kagaya ng paggamit ng multimedia sa

pagtuturo ng mga akda o maging ang kompyuter tulad ng paggamit ng slide presentation.

Harlynkat (2017) Napakarami na ng mga pagbabago ang makikita natin sa kasalukuyang panahon

partikular na sa mga kagamitan. Umuunlad ang paggamit ng mga modernong teknolohiya upang mapadali ang

mga mahihirap na gawain, makasabay sa makabagong henerasyon at maging libangan. Kasabay ng pag-unlad na

ito ay marami na ring mga kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng mga teknolohiya kagaya ng cellphone,

kompyuters at iba pa, ngunit kasabay rin nito ay ang pagbaba ng mga grado nila sa paaralan dulot ng kawalan ng

pokus sa pag-aaral. Kaya,t bilang tugon sa nasabing isyu, minabuti ng ilang mga kaguruan mula sa iba’t ibang

paaralan ang gumamit ng ilang mga makabagong teknolohiya upang mapukaw ang interes ng mga kabataan sa

kasalukuyan.

Sa pamamagitan ng mga LCD Projector, mga DVD na naglalaman ng mga video o movie,

kompyuters at mga powerpoint presentations ay mas matututo ang mga kabataan sa kasalukuyan lalo na’t

naaangkop ang kanilang paglaki o edad sa makabagong panahon.

Ayon sa isang blog na Tradisyonal at Modernong Pagtuturo (2014) ang alternatibong pagtuturo ay

ang mga paraan ng pagtuturong makabago sa ating nakasanayan na umuusbong sa ating panahon ngayon. Ito ay
nag-uugat sa iba’t ibang pilosopiya na nagtataglay ng pangunahing kaisipan na iabng iba sa tradisyunal na paraan.

Kadalasa’y nagkakaroon ng mga kaisipang politikal, pilosopikal, at akademikong kasanayan ang mga mag-aaral.

Ang paraan ng pagtuturong ito ay nakapokus sa kung papaano tutuklasin ng mag-aaral ang kanyang

kakayahan o angking galing na nakasubaybay lamang ang kanyang guro sa kanya. Sa panahon ngayon ay mayroon

ng isang malaking pagbabago ang nagaganap sa dimensyon ng pagtuturo. Dahi na din sa nasa makabagong

panahon na tayo naniniwala ang mga eksperto na ang mga mag-aaral sa panahon ngayon ay hindi na

mababansagan na na mabagal o mahina sa pagkatuto.


Konseptwal na Balangkas

Input Proseso Output


• Ang gamit ng • sarbey • Pagkatuto ng
modernong mga mga mag aaral
kagamitan sa gamit ang
pagtuturo ng modernong mga
matematika kagamitan

Pigura 1

Upang maisakatuparan ang layunin ng pag aaral ay narito ang paradaym ng saliksik (Pigura 1).

Makikita sa pigura ang ugnayan ng paggamit ng mga modernong kagamitan sa pagtuturo ng matematika

sa pagkatuto ng mga mag aaral bukod dito at nakalagay kung ano at paano ang magiging proseso sa pagkalap ng

datos para sa pag aaral. Ang paglalarawan na ito ay mahalaga upang matukoy ang pinaka kinakailangan matukoy

sa pag aaral at kun g paano mabibigyang kasagutan ang ugnayan nito.


Paglalahad ng Suliranin

Ang saliksik na ito ay naglalayong alamin ang kaugnayan ng paggamit ng modernong kagamitan sa

pagtuturo ng matematika sa unang antas ng BSEd sa BulSU Bustos.

Ang mga sumusunod ay ang mga ispesipikong katanungan na inaasahang matugunan ng kasagutan sa

pag-aarl na ito

1. Ano ang pinaka pangkaraniwang elektronikong kagamitan ang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng

matematika?

2. Paano nakakaapekto sa pagkatuto ng mga mag aaral sa matematika ang paggamit ng mga guro ng mga

modernong mga kagamitan.

3. Ano ang kaibahan ng tradisyunal na pagtuturo sa modernong pamamaraan ngayon sa matematika sa kung

paano tumutugon ang mga mag-aaral sa leksyon?

Hipotesis

Ang mga mananalisik ay may prediksyon na:

Null Hypothesis – ipinapalagay na walang kaugnayan ang paggamit ng modernong kagamitan sa pagtuturo ng

matematika sa pagkatuto ng mga mag aaral sa unang antas ng BSEd.

Alternative Hypothesis - ipinapalagay na may kaugnayan ang paggamit ng modernong kagamitan sa pagtuturo ng

matematika sa pagkatuto ng mga mag aaral sa unang antas ng BSEd.


Katuturan ng mga Talakay
Saklaw at Limitasyon

Ang pokus ng pag-aaral ay ang kaugnayan ng paggamit ng modernong kagamitan sa pagtuturo ng

matematika sa pagkatuto ng mga mag aaral sa unang antas ng BSEd sa BulSu Bustos. Kung kaya’t ang mga

ginamit na impormasyon ay nagmula o ibinase sa mga kaugnay na literatura. Ang mga respondente ay nagmula

sa Bulacan State University Bustos Campus na may kusrosng BSEd sa unang antas. Ang kaugnay na pag-aaral ay

nanggaling sa internet, mga artikulo ng ibat’ ibang manunulat at iba pa. Ang pag aaral na ito ay limitado lamang

sa lugar kung saan gaganapin ang pagsasarbey at kung ano ang layunin ng saliksik sa kasalukuyan,

You might also like