You are on page 1of 10

1

DR. YANGA’S COLLEGES, INC.


AHA: Ang gamit ng teknolohiya bilang pangunahing plataporma ng pagtuturo patungo sa makabagong edukasyon

AHA: Ang gamit ng teknolohiya bilang pangunahing plataporma ng pagtuturo

patungo sa makabagong edukasyon

11 – Marion

Humanities and Social Science - HUMSS

Linoy, Jaymar Angeles

Alcantara, Restiana Perolina

Nava, Justine Jasmin

Lopez, Precious Lyka Lopez

Yerro, Ma. Angelica May Garcia

Balmaceda, Micaela Claire C.

2022
2
DR. YANGA’S COLLEGES, INC.
AHA: Ang gamit ng teknolohiya bilang pangunahing plataporma ng pagtuturo patungo sa makabagong edukasyon

INTRODUKSYON

Noong ika-anim ng Oktubre taong 2020, pormal na inumpisahan ng kalihim ng

edukasyon na si Mrs. Leonor Briones ang taong pampaaralan 2020-2021 sa ilalim ng

makabagong edukasyon o distance learning kung tawagin. Sa kabila ng mga pagsubok

dulot ng pandemya nakakita muli ng pag-asa ang lahat sa muling pagtutuloy ng

eduksayon sa makabagong panahon. Idineklara ng kalihim sa pambansang telibisyon na

mayroong humigit kumulang 24.7 milyon na mag-aaral at 866,512 na guro ang

inaasahan mula sa buong bansa noong ika-lima ng Oktubre kasabay ng pagdiriwang ng

World Teacher’s Day.

Sa patuloy na pag-usad ng edukasyon sa kabila ng pandemya marami ang

hinaharap na suliranin at mga balakid ng mga mag-aaral at pati na rin sa mga guro. Ang

pangunahing suliranin ay ang kakayahan ng mga mag-aaral na gumamit ng gadget

bilang pangunahing plataporma ng edukasyon dahil ditto nagkakaroon ng

pagkagambala ang mga mag-aaral sa kung ano ang kailangang matutuhan at sa

kakayahan ng gadget. Ayon sa libro na isinulat nina Leaño at Corpuz (2012), mayroong

labing-apat na mga negatibong kaugalian ang naidudulot ng teknolohiya sa pag-aaral.

Isinaad ng libro ang sinasabing “bahala na attitude” na kung saan ito ay tumutukoy sa

hindi paggawa at iniaasa sa iba.

Ipinahayag naman ng isang teknolohitsang Pilipino na si Juan Dela Cruz (2008),

na marami ang naniniwala sa maraming negatibong epekto ng teknolohiya ngunit

marami rin ang sumasang-ayon na may mabuting dulot ito sa pag-unlad ng kabuhayan,
3
DR. YANGA’S COLLEGES, INC.
AHA: Ang gamit ng teknolohiya bilang pangunahing plataporma ng pagtuturo patungo sa makabagong edukasyon

kaalaman at magandang dulot sa pamumuhay ng mga tao. Ito ay nakasalalay sa kung

paanong paraan ito gagamitin kung sa mabuti o sa masama. Sa patuloy na pagyabong

ng teknolohiya at sa pag-usad ng edukasyon sa kabila ng suliraning kinahaharap ng

bansa ay tiyak naming magkakaron ng epekto ito sa mga mag-aaral sa mabuti man o

masama.

PAGLALAHAD NG LAYUNIN

Ang pag-aaral na ito ay nais ilahad ang mga sumusunod na layunin:

1. Natutukoy kung paano nagiging pangunahing plataporma ang teknolohiya sa

pag-aaral.

2. Naibibigay ang paraan kung paano magagamit ang teknolohiya ng wasto at

makabuluhan.

3. Nailalahad ang epekto ng maling paggamit ng teknolohiya patungo sa

edukasyon.

HIPOTESIS/PAGHIHINUHA

Inaasahan sa pag-aaral na ito na mauunawaan ang kalamaan patungkol sa

paggamit ng teknolohiya na nagsisilbing pangunahing plataporma sa makabagong

edukasyon. Ito ang isa sa pinaka mabigat na suliranin ng Pilipinas ang makabagong

sistema ng edukasyon. Kasabay ng pagbabago ng panahon nagbabago din ang

kurikulum tuwing ika-sampong taon sa Pilipinas. Sa panahon ngayon ng pandemya,

tanging teknolohiya na lamang ang nagsisilbing pag-asa ng mga guro upang sila ay
4
DR. YANGA’S COLLEGES, INC.
AHA: Ang gamit ng teknolohiya bilang pangunahing plataporma ng pagtuturo patungo sa makabagong edukasyon

makapag turo sa mga mag-aaral na naghahangad ng mga bagong kaalaman na maari

nilang dalhin papunta sa magandang kinabukasan. Dahil sa modernong teknolohiyaang

mga impormasyong mahirap kuhanin ay nakukuha na sa isang pindutin na lamang.

Malaki ang tulong ng teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng

kaalaman at sa edukasyon. Bagamat, mababa parin ang kalidad ng pagtuturo lalo na sa

mga pampublikong paaralan. Ngayon na laganap na ang mga teknolohiya ay hindi na

pangkanariwan ito sa na ginagamit ng mga kabataan sa pang araw-araw na

pamumuhay. Sa dinaranas ng ating bansa ngayon isang malaking dagok ang umusbog

kaugnay sa edukasyon. Edukasyon ang susi sa kaunlaran.

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang pag-aaral na ito ay mahalaga lalo

na ngayong tayo ay nasa makabagong panahon at pandemya.

Mga Mag-aaral

Maipapabatid at malawak na maipapaunawa nito sa mga kabataan ang

kahalagahan ng pag-gamit ng teknolohiya bilang plataporma sa pag-aaral ngayong

makabagong panahon.

Mga Guro

Makapagdadagdag ito ng bagong kaalaman sa mga guro na pwede din nilang

magamit sa pag-tuturo sa kanilang mga estudyante.


5
DR. YANGA’S COLLEGES, INC.
AHA: Ang gamit ng teknolohiya bilang pangunahing plataporma ng pagtuturo patungo sa makabagong edukasyon

Mamamayang Pilipino

Mahalagang matalakay ang paksang ito dahil sa panahon ngayon ay napaka-laki

ng kontribusyon ng teknolohiya sa mga tao. Madadagdagan ang kanilang kaalaman

tungkol sa kahalagahan ng teknolohiya, hindi lamang sa pag-aaral kundi sa ating buhay.

SAKLAW AT DELIMITASYON NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa paggamit ng teknolohiya bilang

pangunahing plataporma ng pagtuturo patungo sa makabagong edukasyon.

Sa pananaliksik na ito, ating makikita at malalaman kung talaga bang naging

maayos at epektibo ang paggamit ng teknolohiya sa pag aaral ng mga estudyante dahil

ang edukasyon sa kasalukuyan ay ipinagpapatuloy gamit ang teknolohiya.

Hindi madali ang paraan ng paghahanap ng impormasyon noon dahil masusi

ang proseso ng pagbabasa dahil sa libro lang ito hinahanap sa kadahilanang hindi pa

gaanong gumagamit ng teknolohiya. Kaya't mas napadali ang pag aaral ng mga

estudyante dahil sa naging madali ang paghahanap ng mga impormasyon gamit ang

internet. Ang edukasyon sa kasalukuyan ay naipagpapatuloy gamit ang teknolohiya

dahil ito ang naging pangunahing paraan upang ang mga mag aaral ay makapagpatuloy

ng kanilang pag aaral sa gitna ng pandemya.

DEPENISYON NG MGA TERMINO

Distance Learning
6
DR. YANGA’S COLLEGES, INC.
AHA: Ang gamit ng teknolohiya bilang pangunahing plataporma ng pagtuturo patungo sa makabagong edukasyon

Ito ay ang sistema ng pag-aaral sa panahon ng pandemya sa pamamagitan ng

teknolohiya at pagkakalayo ng guro sa mag-aaral upang makaiwas sa sakit.

Teknolohiya

Ito ay tumutukoy sa makabagong imbensyon na ginagamit sa kasulukuyan

upang mapadali ang mga Gawain.

Gadget

Ito ay ang mismong imbensyon na ginagamit katulad ng cellphone, tablet,

computer at iba pa.

Pandemya

Ito ay ang malawakang pagkakaroon ng virus na nagdududlot ng pagkakasakit

ng karamihan.

New Normal

Ito ang panahon na kung saan nabago na ang mga nakasanayan katulad ng sa

tradisyunal na pag-aaral ng mga kabataan.

Plataporma

Ito ay tumutukoy sa bagay na ginagamit bilang tulay sa gagawain na proyekto o

katulad ng pagpapatuloy ng pag-aaral sa kabila ng pandemya.

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


7
DR. YANGA’S COLLEGES, INC.
AHA: Ang gamit ng teknolohiya bilang pangunahing plataporma ng pagtuturo patungo sa makabagong edukasyon

Lokal

Ayon kay Dittz Centeno – De Jesus (2020), ang online class ay ang bagong

ipinakilala na plataporma ng edukasyon na idinadaos sa pamamagitan ng internet at ang

estudyante ay hindi na kinakilangang lumabas para pumunta sa klase ng personal at

makaharap ang guro at kapwa mag-aaral. Isinaad ni Eds Ignacio sa isang panayam,

nagkaroon ng disiplina ang mga bata dahil kinailangan nilang maglaan ng oras sa

paggawa ng aralin at limitahan ang paglalaro at paggamit ng gadget. SInabi niya din na

bilang ina ay naging hamon din ang pagaayos niya ng kanyang oras sa paggawa ng

gawaing-bahay at pagsubaybay sa kanyang anak na nag-aaral.

Isinulat ni Mona Liza M. Belonta (2018), marami na ang nagbago ang nangyari

sa larangan ng edukasyon maging ang paraan ng pagtuturo na isang malaking hamon na

kinahaharap ng mga guro sa kasalukuyang panahon ng teknolohiya agham. Ang

teknolohiya ay nakapag-ambag na rin sa inaasahang pagbabago sa larangan ng

edukasyon. Ito ay nagbibigay na ng malawak na oprtunidad para sa pagkatuto ng mag-

aaral, lalo na ang umuusbong na midya.

Sa isang pag-aaral sa Lumban National Highschool, ipinakita ang bias ng

paggamit ng bidyo komprehensyang aplikasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon

sa sumulat na si Jeny Ann G. Taracatac (2021), “May makabuluhang pagkakaiba ang

pauna at panapos na pagtataya sa Akademikong Pagganap ng mga mag-aaral” Ang

resulta ng naging pag-aaral ay isinaad na may kabuluhan ang paggamit ng bidyo

komprehensyang aplikasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral, ang mga aplikasyon na


8
DR. YANGA’S COLLEGES, INC.
AHA: Ang gamit ng teknolohiya bilang pangunahing plataporma ng pagtuturo patungo sa makabagong edukasyon

tinukoy sa pag-aaral ay Zoom at Gmeet. Sa pag-aaral na ito nakapagbigay ng

konklusyon na may kabuluhan pa din sa pagkakatuto ng mga mag-aaral kahit na iba ang

ginamit na plataporma ng pagtuturo mula sa tradisyunal na pag-aaral sa isang silid-

aralan.

Internasyunal

Isinaad ni Dr. Johari Bin Mat (2000), ang Secretary-General ng Ministry of

Education ng Kuala Lumpur, Malaysia, sa isang kumperensya tungkol sa E-Learning

noong Mayo 2000, “Techonology has been and is becoming an important component of

teaching and learning in the educational system… Technology supports learning. It will

enable teachers to pursue traditional goals with new fervor and success. This impact of

techonology will give a new dimension to the quality of education system.” Ang ibig-

sabihin ni Dr. John, ang teknolohiya ay magiging isang plataporma ng pagtuturo, na isa

itong mahalagang bagay na magpapayabong sa kalidad ng sistema ng edukasyon.

Sa isang artikulo mula sa World Economic Forum nakasaad ang rason sa

pagbabago ng edukasyon nang dahil sa pandemya. Ayon sa mga sumulat na sina Cathy

Li at Farrah Lalani (2021) mayrrong humigit kumulang 1.2 bilyon na mag-aaral ang

hindi nakakapag-aral sa buong mundo simula noong nagkapandemya. Bilang resulta

nito nagbago ang sistema ng edukasyon, kung saan sa ngayon ay gumagamit ng

distance learning o kilala rin bilang e-learning na isinasagawa gamit ang teknolohiya at

internet. Sa isang pg-aaral na kanilang inilagay sa kanilang isinulat, ipinapakita na ang

online learning ay magkakaroon ng pagpapanitili ng impormasyon sa maikling


9
DR. YANGA’S COLLEGES, INC.
AHA: Ang gamit ng teknolohiya bilang pangunahing plataporma ng pagtuturo patungo sa makabagong edukasyon

panahon, sa madaling salita ang pagbabagong dulot ng pandemya ay maaring hindi na

mabago o maibalik pang muli.

Ayon kay Benjamin Herold (2016), ang teknolohiya ay may malawak ng sakop.

Sa isang pampublikong paaralan sa United States ay gumagastos ng higit kumulang 3

bilyong dolyar para sa mga kompyuter na gagamitin ng mga mag-aaral at iba pang

teknolohiyang maaaring gamitin. Sinasabi din ni Herold na madali ang pagkuha ng mga

kurso at pag-aaral lalo na sa mga rural na lugar na hindi madaling makabyahe papunta

sa mga unibersidad at paaralan. Bagama’t may kagandahan ang distance at online

learning ay sinasabing mahirap pa din ang makakuha ng positibong akademikong na

kalalabasan ang pagkakatuto gamit ang online learning.

SINTESIS

Ang pag-aaral na ito ay nais mapaunlakan ang mga mag-aaral sa kahalagahan at

suliranin na maaring harapin ng teknolohiya bilang isang plataporma sa makabagong

edukasyon sa gitna ng pandemya. Isa din sa nais malaman sa pananaliksik na ito ay ang

gamit ng teknolohiya sa sinasabing distance learning ng mag-aaral.

Sa mundong patuloy na umuusbong ang mga makabagong teknolohiya na tiyak

nagpapadali ng ating mga gawain. Isang suliranin ang kahaharapin ng lipunang

ginagalawan sapagkat sa patuloy nitong paglawak ay ang lalong pagkakaron ng

katamaran sa paggawa at pag-aaral ng mga kaalaman dahil sa teknolohiyang gamit. Sa

suliraning kinahaharap na dulot ng pandemya marami ang naapektuhan kasama na rin

ang edukasyon ng kabataan. Ngunit hindi ito natinag at patuloy na nagkaroon ng plano
10
DR. YANGA’S COLLEGES, INC.
AHA: Ang gamit ng teknolohiya bilang pangunahing plataporma ng pagtuturo patungo sa makabagong edukasyon

sa kung paano maipapatupad ang edukasyon sa kabila ng hindi tradisyunal na

pagtuturo. Sa pagpapakilala ng distance learning lahat ay nanibago ngunit naayos dahil

sa pagtutulong-tulong ng mga guro at kagawaran ng edukasyon.

Nais ng mga mananaliksik na mapagbigay impormasyon ang kahalagahan at

mga suliraning maaring danasin sa sistemang ito nang sa gayon ay mapaghandaan at

magkaroon ng ideya ang karamihan sa ating lipunan. Ang dahilan ng mga mananaliksik

na gawain ang pag-aaral na ito ay dahil sa patuloy na pagusbong ng teknolohiya na

siyang ginagamit na natin sa halos pang araw-araw nating mga gawain.

METODOLOHIYA

You might also like