You are on page 1of 9

EPEKTO NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA PAG-AARAL NG

MGA MAG-AARAL SA LARANGAN NG STEM SA SENIOR

HIGHSCHOOL NG PHINMA CAGAYAN DE ORO COLLEGE

Isang Pamanahong Papel na Iniharap

sa Kagawaran ng Senior High School

ng PHINMA-Cagayan de Oro College

Bilang Bahagi ng Parsyal

Na Pangangailangan sa

Pagbasa at Pagsulat ng Iba’t

Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik

Isinumite kay:

G. Dwight John P. Lapis

Ipinasa nina:

Magoyag, Sittie Ainah Zoe Montemayor, Jenisse Doyle

Magpulong, Emmanuel Navales, Jan Gareth

Manong, Rica Olandria, Prince Brian

Mendaño, Kate Oliveros, Vincent

Mercado, Jake Paglinawan, Lovern Grace Nacino


KABANATA I

Panimula

1.1 Rasyunale

Sa kasalukuyang panahon, lalong lumalaganap at lumalakas ang impluwensya ng makabangong teknolohiya sa mga tao. Ito ay

patuloy na umuunlad at nagiging bahagi ng pang araw-araw na buhay ng tao. Dahil sa pag usbong ng makabagong teknolohiya,

naging mas madali gawin ang mga bagay na mahirap gawin noong panahon. Nagagawa na ng mga tao ang mag hanap ng

impormasyon online sa mas mabilis at madaling paraan. Maraming sektor ang hindi nagpapahuli sa pag angkin at paggamit ng mga

makabagong teknolohikal na kasangkapan.

Ang paggamit ng teknolohiya sa edukasyon ay hindi na lamang isang opsyon kundi ito ay nagiging pangangailangan na. Ang

paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagtuturo ay nagdudulot ng malalim na implikasyon paraan ng pagtuturo sa kasalukuyang

panahon. Ang mga paaralan, pati na rin ang mga guro at mag-aaral ay nahaharap sa pagkakataon na gamitin ang advanced na

kagamitan. Halimbawa ng mga kasangkapan na ginagamit ay ang laptop, tablet, at internet. Ito ay ginagamit upang mapadali at

mapabilis ang pagtuturo at pag-aaral ng mga estudyante.

Ang pagsama ng teknolohiya sa sistema ng edukasyon ay nagdudulot ng iba’t ibang benepisyo. Ito ay nagbibigay ng malawak

na access sa impormasyon at kaalaman sa pamamagitan ng online resources, journal, at e-libraries. Ito ay nagbibigay daan sa mga

magaaral na makahanap ng karagdagang mga sanggunian na maaring magpatibay sa kanilang kaalaman at iba’t ibang disiplina. Ang

paggamit ng multimedia presentations at interactive learning materials ay mahusay at mabilis na paraan kung paano ipahayag ang mga

konsepto at ideya na nag bibigay ng malalim na pagunawa sa mga mag-aaral.

Ang teknolohiya ay nagbibigay daan sa paglikha ng mga platform para sa collaborative learning. Ito ay kung saan ang mga

mag-aaral ay maaring makipag ugnayan sa kanilang mga ka grupo o kapwa mag aaral. Dito sila ay makakapag bahagi ng mga

kaalaman at karanasan ng mas mabilis at mabisang paraan. Kagaya ng ginagamit kadalasan ang Google Classroom, Canva, Google

Meet, etc. Ang mga ito ay iilan sa mga ginagamit ng mga estudyante na collaborative learning platform sa kanilang mga gawain sa

paaralan.

Ayon kay Velayutham (2022), Ang makabagong teknolohiya ay nagbukas ng bagong kabanata sa larangan ng edukasyon, sa

katunayan, ang pagbabagong teknolohikal na ito ay nagpapaginhawa sa pagtuturo at nagpapahusay sa kasiyahan ng pag-aaral para sa

mga estudyante. Sa tradisyonal na paraan, ang mga guro ay nagle-lecture sa silid-aralan gamit ang board at chalk, habang ang ilang

mga estudyante ay nagbubukas ng kanilang libro at tila sinusundan ang leksyon. Maaring may mga ilang nagmumukhang bored, may

iba na nakikipag-usap sa kanilang mga kaibigan, at ang mga pagkakataon para sa komunikasyon at kolaborasyon ay limitado sa ibang

mga estudyante sa silid-aralan.


Ang mga bagong teknolohiya ay lubos na nagbago ng paraan kung paano sila nakikipag-ugnayan sa kaalaman kaya't ang

tradisyunal na paraan ng pag-aaral at pagtuturo ay hindi na sapat. Upang gawing mas interaktibo ang kapaligiran ng pag-aaral at

mapadali ang pagkatuto ng mga estudyante, kinakailangan ang pagsasagawa ng mga makabagong paraan ng pagtuturo. Maraming iba't

ibang paraan ng pagtuturo ang lumitaw mula sa integrasyon ng teknolohiya sa edukasyon. (Tretinjak, 2014)

Sa konteksto ng PHINMA Cagayan de Oro College, isang prestihiyosong institusyon ng edukasyon, mahalaga na suriin natin

kung paano natatangi ang epekto ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng STEM strand. Sa pamamagitan ng

pagtuklas sa mga karanasan at pananaw ng mga guro at mag-aaral sa paaralan, maaari nating masiguro ang pagtugon sa kanilang mga

pangangailangan at pagpapaunlad ng mga paraan ng pagtuturo.

Isa sa mga pangunahing alalahanin ay ang posibilidad ng pagkakaroon ng digital divide, kung saan ang mga mag-aaral na may

kakulangan sa access sa teknolohiya ay maaaring maiwan sa likod. Dagdag pa, ang labis na paggamit ng mga kagamitan tulad ng mga

cellphone at social media ay maaaring makasira sa focus at atensyon ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Ang pangunahing

layunin ng pananaliksik na ito ay suriin at maunawaan ang epekto ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng STEM strand sa mga

mag-aaral ng Phinma Cagayan de Oro College.

Sa pag-aaral na ito, ninanais ng mga mananaliksik na malamang ang epekto ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag-

aaral ng STEM strand ng PHINMA Cagayan de Oro College at tukuyin ang mga potensyal na hamon o limitasyon na kaakibat ng

paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral.

1.2 Suliranin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang epekto sa pagaaral ng STEM Strand ng PHINMA Cagayan de Oro

College tungkol sa makabagong teknolohiya. Nilalayon din ng pag-aaral na ito na masasagot ang mga sumusunod:

PANGUNAHING SULIRANIN: Ano ang epekto ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng mag-aaral ng STEM strand sa Phinma

Cagayan de Oro College?

TIYAK NA SULIRANIN: Paano nakakaapekto ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag-unlad ng kanilang kaalaman at

kasanayan sa larangan ng STEM?

1.3 Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may mahalagang papel sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon at pag-aaral sa larangan ng STEM sa Phinma

Cagayan de Oro College at maaari ring makatulong sa iba pang sektor. Narito ang ilang mga potensyal na makikinabang mula sa pag-

aaral na ito:

Mga Mag-aaral. Ang mga mag-aaral ng STEM larangan sa Phinma Cagayan de Oro College ang isa sa mga pangunahing

makikinabang ng pag-aaral na ito. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga epekto ng makabagong teknolohiya sa kanilang pag-aaral,

maaari silang magkaroon ng mas magandang karanasan sa pag-aaral at mas malalim na kaalaman sa mga konsepto sa larangan ng

STEM.

Mga Guro. Ang mga guro na nagtuturo ng mga kursong may kinalaman sa STEM ay maaaring magkaroon ng mas

mabuting pang-unawa sa kung paano gamitin ang teknolohiya sa kanilang pagtuturo. Ito ay maaaring magresulta sa mas epektibong

mga paraan ng pagtuturo at pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral.


Paaralan at Pamahalaan. Ang mga resulta ng pag-aaral na ito ay maaaring magamit bilang batayan para sa pagpaplano ng

polisiya at programang pang-edukasyon sa paaralan at maging sa antas ng pamahalaan. Ang pagbibigay ng sapat na suporta at access

sa teknolohiya sa edukasyon ay maaaring maging isang prayoridad na isyu sa mga pamunuan.

1.4 Batayang Teoretikal.

Sa pananaliksik na ito ay gumagamit ng Teoryang Konstruktibismo sa Edukasyon. Ang konstruktibismo ay isang teorya sa

pag-aaral ng edukasyon na nagpapalagay na ang kaalaman ay konstruktong binubuo ng mga indibidwal batay sa kanilang sariling

karanasan, interpretasyon, at interaksyon sa kanilang kapaligiran (Miettine, 2000). Ang konstruktibismo ay nagtuturo na ang pag-aaral

ay hindi lamang pagtanggap ng impormasyon mula sa guro kundi aktibong partisipasyon ng mag-aaral sa kanilang sariling pagkatuto.

Sa konteksto ng paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral, ang konstruktibismo ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng mga mag-aaral na

maging aktibo sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya upang bumuo ng kanilang sariling kaalaman at pag-

unawa. Ang konstruktibismo ay nagtuturo na ang pag-aaral ay mas epektibo kapag mayroong interaksyon at kolaborasyon sa pagitan

ng mag-aaral at guro, pati na rin sa kanilang mga kapwa mag-aaral. Sa paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo, maaaring magkaroon ng

mas maraming pagkakataon para sa interaktibong pagtuturo at kolaboratibong pag-aaral, tulad ng online discussions, collaborative

projects, at virtual simulations.

Magagamit ng mananaliksik ang konsepto at prinsipyong nagtuturo na ang pag-aaral ay aktibong proseso ng pagbuo ng

kaalaman at hindi lamang pagtanggap ng impormasyon mula sa guro. Ito ay makakatulong sa pag-unawa at pagsusuri sa epekto ng

makabagong teknolohiya sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng STEM na larangan sa Phinma Cagayan de Oro College mula sa

perspektiba ng pagkonstrukt ng kaalaman.

1.5 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng epekto ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral

ng STEM na larangan sa Phinma Cagayan de Oro College. Layon ng pag-aaral na suriin ang mga positibong at negatibong

implikasyon ng paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo, pati na rin ang mga potensyal na hamon at oportunidad na maaaring dulot nito.

Sa pamamagitan ng pagtuklas sa mga karanasan at pananaw ng mga guro at mag-aaral, ang pag-aaral ay naglalayong magbigay ng

masusing pag-unawa sa mga aspeto ng teknolohiya at edukasyon na may kaugnayan sa larangan ng STEM.
1.6 Pagbibigay-Kahulugan sa mga Salita

Edukasyon. Para sa layunin ng pananaliksik na ito, ang edukasyon ay tumutukoy sa proseso ng pagbibigay ng kaalaman,

kasanayan, at pag-unawa sa mga mag-aaral sa larangan ng STEM gamit ang iba't ibang paraan at teknolohiya.

Epekto. Sa konteksto ng pag-aaral, ang epekto ay tumutukoy sa mga pagbabago o implikasyon na dulot ng paggamit ng

makabagong teknolohiya sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng STEM strand.

Impormasyon. Ang impormasyon ay mga datos, kaalaman, o impormasyong nakalap o natutuhan tungkol sa isang partikular

na paksa o isyu. Sa konteksto ng edukasyon, ito ay mga kaalaman at datos na ibinabahagi at ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral ng

mga mag-aaral sa STEM strand.

Interpretasyon. Ang interpretasyon ay ang proseso ng pag-unawa, pagsusuri, at pagbibigay ng kahulugan sa mga

impormasyon, datos, at karanasan. Sa edukasyon, ito ay ang pag-unawa at pagsasagawa ng mga kahulugan at kahalagahan ng mga

natutuhan at naranasan ng mga mag-aaral sa larangan ng STEM.

Kahulugan. Ang kahulugan ay tumutukoy sa pag-unawa at interpretasyon ng mga konsepto, impormasyon, at karanasan ng

mga indibidwal sa loob ng konteksto ng pag-aaral.

Kasanayan. Ang kasanayan ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibidwal na magamit at maipakita ang kanilang kaalaman

at kahusayan sa isang partikular na larangan o gawain. Sa edukasyon, ito ay ang kakayahan ng mga mag-aaral na maunawaan at

maipakita ang kanilang natutuhan sa mga konsepto at kasanayan sa STEM.

Mag-aaral. Sa pananaliksik na ito, ang mag-aaral ay mga indibidwal na kabilang sa STEM strand ng Phinma Cagayan de Oro

College na siyang magiging pangunahing aktor at biktima ng epekto ng teknolohiya sa pagtuturo.

Makabagong Teknolohiya. Ito ay tumutukoy sa mga bagong teknolohikal na kagamitan, sistema, o pamamaraan na ginagamit

sa pagtuturo upang mapalawak at mapabuti ang karanasan sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Pagtuturo: Ito ay proseso ng paglilinang at pagpapamulat ng kaalaman, kasanayan, at pag-unawa sa mga mag-aaral sa

pamamagitan ng iba't ibang paraan ng pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan.

Pamamaraan. Ang pamamaraan ay mga hakbang o proseso na ginagamit upang maabot ang isang layunin o tunguhin. Sa

edukasyon, ito ay mga paraan at teknik na ginagamit sa pagtuturo ng mga konsepto at kasanayan sa STEM strand.

Pananaliksik. Ang pananaliksik ay isang proseso ng pagsisiyasat at pag-aaral upang makakuha ng impormasyon, datos, at

kaalaman tungkol sa isang partikular na paksa o isyu. Sa konteksto ng edukasyon, ito ay tumutukoy sa pagsasagawa ng mga pag-aaral

at pagsusuri upang masuri at maunawaan ang mga aspeto ng pagtuturo at pag-aaral sa larangan ng STEM.

STEM Strand. Ito ay tumutukoy sa isang akademikong programa ng pag-aaral na nakatuon sa mga larangang Science,

Technology, Engineering, at Mathematics, kung saan ang mga mag-aaral ay nag-aaral ng mga disiplina sa nasabing larangan.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

2.1 Rebyu ng Kaugnay na Literatura

Ayon kay Raja (2018), Ang teknolohiya ay isang regalo ng Diyos. Pagkatapos ng regalo ng buhay, marahil ito ang isa sa

pinakadakilang mga biyaya ng Diyos. Ito ang ina ng sibilisasyon, ng mga sining, at ng mga agham. Tunay nga, nagbago ang paraan ng

ating pamumuhay dahil sa teknolohiya. Ito ay nakakaapekto sa iba't ibang bahagi ng buhay at nagtatakda ng bagong kahulugan sa

pamumuhay. Walang duda, ang teknolohiya ay naglalaro ng mahalagang papel sa bawat aspeto ng buhay. Maraming manuwal na

gawain ang maaaring mapadali, salamat sa teknolohiya. Gayundin, maraming masalimuot at mahalagang proseso ang maaaring

maganap nang mas madali at mas mabisa sa tulong ng makabagong teknolohiya. Dahil sa paggamit ng teknolohiya, nagbago ang

pamumuhay at ito ay nagbago para sa mas mabuti.

Ang pag-unlad ng teknolohiya ay may impluwensya sa bawat bahagi ng ating buhay, mula sa bangko hanggang sa paraan ng

ating pakikipag-ugnayan sa isa't isa. Tunay nga, ang teknolohiya ay naging isang mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng sibilisasyon,

at ang paggamit nito sa edukasyon ay kaya nga'y hindi maiiwasan. Ang teknolohiya ay hindi lamang nagbibigay ng access sa mga

mag-aaral sa maraming online na materyal, kundi ito rin ay nakakatulong sa kanilang pag-aaral. (Siamoy, 2017)

Ayon kay Tretinjak (2014), Ang mga bagong teknolohiya ay lubos na nagbago ng paraan kung paano sila nakikipag-ugnayan

sa kaalaman kaya't ang tradisyunal na paraan ng pag-aaral at pagtuturo ay hindi na sapat. Upang gawing mas interaktibo ang

kapaligiran ng pag-aaral at mapadali ang pagkatuto ng mga estudyante, kinakailangan ang pagsasagawa ng mga makabagong paraan

ng pagtuturo. Maraming iba't ibang paraan ng pagtuturo ang lumitaw mula sa integrasyon ng teknolohiya sa edukasyon.

Ang makabagong teknolohiya ay nagbukas ng bagong kabanata sa larangan ng edukasyon, sa katunayan, ang pagbabagong

teknolohikal na ito ay nagpapaginhawa sa pagtuturo at nagpapahusay sa kasiyahan ng pag-aaral para sa mga estudyante. Sa

tradisyonal na paraan, ang mga guro ay nagle-lecture sa silid-aralan gamit ang board at chalk, habang ang ilang mga estudyante ay

nagbubukas ng kanilang libro at tila sinusundan ang leksyon. Maaring may mga ilang nagmumukhang bored, may iba na nakikipag-

usap sa kanilang mga kaibigan, at ang mga pagkakataon para sa komunikasyon at kolaborasyon ay limitado sa ibang mga estudyante

sa silid-aralan. (Velayutham, 2022)

Sa flipped teaching, ini-enkourage ang mga estudyante na pag-aralan ang materyal ng kurso bago ang klase sa pamamagitan

ng paggamit ng mga babasahin, pre-recorded na mga video lecture, o mga research assignment. Ang oras ng klase ay inilalaan para sa

mga aktibong paraan ng pag-aaral. Ang whole brain teaching ay tumutulong sa pagsigla ng parehong bahagi ng utak at nagbibigay-

diin sa aktibong paraan ng pag-aaral kung saan iniuulit ng mga estudyante ang pangunahing impormasyon at nagtatrabaho sa mga

basic na kasanayan sa pamamagitan ng kalokohan at laro. Ang gamification ay isang teknik ng pag-aaral batay sa laro na nagbibigay

daan para sa mga estudyante na mag-aaral gamit ang mga laro. (Tretinjak 2014)

Ayon kay Knezek (2004), Maaari nilang ipamahagi ang kanilang natutunan sa mga silid-aralan kahit sa ibang mga estudyante

mula sa ibang estado na sinusundan ang parehong ekspedisyon. Ang mga estudyante ay maaaring magkaruon ng mga talakayan sa

grupo gamit ang mga teknolohiya-based na kasangkapan tulad ng Zoom meet, Google Meet, at iba pa. Maari rin silang magtulungan

sa mga proyektong pang-grupo sa pamamagitan ng pagpapamahagi ng mga materyal sa pag-aaral gamit ang mga teknolohiyang tulad

ng wikis, Google docs, at mga apps na naka-base sa cloud.


KABANATA III

METADOLOHIYA

3.1 Disenyo ng Pananaliksik

Ang disenyo ng pananaliksik na ito at Palarawan o Deskriptiv. Ang palarawan o Deskriptiv (Descriptive Research) ay

idinesenyo para sa mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa kasalukuyan. Ipinaliwanag ni Best (1963), ang palarawang

pananaliksik ay isang imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay-kahulugan tungkol sa isang bagay o paksa. Ito ay may kinalaman

sa kundisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga gawaing umiiral, mga paniniwala at prosesong nagaganap, mga epektong

nararamdaman o mga kalakarang nilinag. Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito para sa panananaliksik na

ito sapagkat ang mga mananaliksik ay naglalayung malaman at malarawan ang epekto ng makabagong teknolohiya sa pagtuturo sa

mga mag-aaral sa STEM na larangan sa PHINMA Cagayan de Oro College at mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa

respondente kung ito ang disenyong gagamitin.

3.2 Pamamaraan ng pagkalap ng datos

Ang pananaliksik na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay nag handa ng talatanungan

upang malaman ang epekto ng makabagong teknolohiya sa mga mag aaral. Ang talatanungan ay binubuo ng open-ended questions at

bibigyan lamang ng antas ng respondente galing sa 1-5. Ang pinaka mababang markang 1 ay nagpapahiwatig ng lubos na hindi

pagsang-ayon at ang pinakamataas na marka ay 5 na nagpapahiwatig ng lubos na pag-sang ayon. Pipili lamang ang respondente ng

isang sagot bawat tanong at ito ay kanilang tse-tsekan.

3.3 Lugar ng pag-aaral

Ang lugar ng pag-aaral sa pananaliksik na ito ay ang Phinma Cagayan de Oro College, isang edukasyonal na institusyon na

matatagpuan sa lungsod ng Cagayan de Oro sa Pilipinas. Sa partikular, ang pananaliksik ay nakatuon sa mga mag-aaral ng STEM

strand sa nasabing paaralan. Ito ay mahalaga upang masuri at maunawaan ang mga potensyal na hamon at oportunidad na mayroon sa

paggamit ng teknolohiya sa edukasyon, partikular na sa mga disiplina ng Science, Technology, Engineering, at Mathematics.

3.4 Impormante/Respondente

Ang mga mananaliksik ay gagamit ng simple random sampling. Sa simple random sampling, ang bawat miyembro ng

populasyon ay may pantay na pagkakataon na mapili bilang respondent. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagkuha ng mga sample

na miyembro ng populasyon nang walang pagkiling o pagpili batay sa anumang katangian o kategorya. Ang proseso ng pagpili ay

lubos na random at hindi nakadepende sa anumang faktor maliban sa pagiging miyembro ng populasyon. Ang mga respondente na

sasagot sa mga katanungan ay mga mag-aaral sa strand na Science, Technology, Engineering and Mathematics. Hahanap ng 15 na

mag-aaral ang mga mananaliksik at sila ay ipapasagot sa talatanungan.

3.5 Instrumento ng Pananaliksik

Ang kasangkapan sa paglikom ng datos ng pag-aaral na ito ay gumagamit ng paper sarbey. Ang paper sarbey na pananaliksik

ay tinukoy bilang ang proseso ng pagsasagawa ng pananaliksik gamit ang mga sarbey na ipinadala ng mga mananaliksik sa mga
sumasagot sa sarbey. Ang data na nakolekta mula sa mga survey ay pagkatapos ay istatistikong nasuri upang makagawa ng

makabuluhang mga konklusyon sa pananaliksik.

Mahal naming Respondente,

Maalab na pagbati! Kami ay mga mag-aaral ng Komunikasyon at Pananaliksik sa kulturang Pilipino, nakasalukuyang nagsusulat ng

pamanahong papel hinggil sa “Epekto ng Makabagong Teknolohiya sa Pag-aaral ng mga Mag-aaral sa Larangan ng STEM ng Senior

HighSchool ng PHINMA Cagayan de Oro College” kaugnay nito inihanda namin ang kwestyoneyr na ito upang makapangalap ng

mga datos na kailangan namin sa aming pananaliksik. Kung gayon, mangyaring sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na

aytem. Tinitiyak po naming magiging konpidensyal ang inyong mga kasagutan. Marami pong Salamat.

Mga Mananaliksik

Pangalan: _______

Baitang/Grade Level: ______

Panuto I: Basahin ang sumusunod na pahayag batay sa pinaka-akma sa inyo, i-tsek ang mga rating.

5- Lubos na sumasang-ayon 4- Sumasang-ayon 3- Walang Opinyon 2- Hindi Sumasang-ayon 1- Lubos na hindi sumasang-

ayon

MGA TANONG: 5 4 3 2 1

Ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral ay nakatutulong sa pagpapalawak ng

kaalaman at kasayanan sa larangan ng STEM.

Ang teknolohiya ay nakakatulong sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagsasaliksik at pagsusuri ng

mga mag-aaral sa larangan ng STEM.

Ang paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo ay maaaring magdulot ng pagkawala ng personal na

interaksyon at koneksyon sa pagitan ng guro at mag-aaral.

Ang mga teknolohikal na kagamitan ay maaaring makabawas sa pagkakaroon ng malalim na ugnayan

at koneksyon sa pagitan ng mag-aaral sa isang klase.

Ang paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo ay nagpapalitaw ng bagong mga pamamaraan ng pag-

aaral at pagtuturo na maaaring magdulot ng pagbabago sa tradisyonal na kaugalian sa pag-aaral.

Ang pagiging labis na nakadepende sa teknolohiya ay maaaring magdulot ng hindi kanais-nais na

epekto sa pag-aaral at pag-unlad ng mga mag-aaral.

3.6 Pangongolekta ng datos

1.) Pagbabasa ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral

Ang mga pagsusuri ng mga kaugnay na literatura tungkol sa pananaliksik ay nakita lamang sa mga literatura at sanggunian na

may kinalaman sa mga larangan at mga konteksto kung saan maaring mahanap sa aklatan, online journal databases, at iba’t ibang

sanggunian sa mga pamantasan o institusyon ng pananaliksik

2.) Pagsasagawa ng mga katanungan at sarbey


Ang pagsasagawa ng mga katanungan at sarbey ay mahalagang nakabase at tumutok sa pangunahing layunin ng pananaliksik

na malaman ang epeketo ng makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng STEM.

3.) Pagpapasagot ng sarbey at talatanungan

Ang paraan ng pagpapasagot ng sarbey at talatanungan ay sumailalim sa proseso na paper sarbey. Ang paper sarbey ay

naglalaman ng mga katanungan na parte ng sarbey na kinakailangang sagutan ng mga respondente upang makuha ng mananaliksik

ang datos na kinakailangan. Ang paper sarbey na ito ay ibibigay sa bente-singko na estudyante. Pagkatapos, ang nasagotan na sarbey

paper ay susuriin ng mga mananaliksik upang makuha ang datos na kinailangan.

You might also like