You are on page 1of 21

KABANATA I

na dapat pagtuonan ng pansin habang sila ay mosmos pa lamang tinuturuan sila upang tulungan
na makamit ang kanilang mga mithiin sa buhay.Kaagapay ng pag-aaral ng mga mag-aaral ang
pagiging matiyaga nang makapagtapos ng pag aaral upang matamo
ang mga hinahangad sa buhay.Bilang nasa modernong panahon, naging kaagapay na din ng
mga mag- aaral ang teknolohiya sa kanilang pag-aaral. Sa tuloy-tuloy na pagpasok sa
modernong panahon mula sa simpleng panahon na kung saan ay may simpleng komunikasyon,
hanggang sa unit-unting umusbong ang ibat-ibang teknolohiya sa pakikipagkomunikasyon.
gadget Sa pagdaan ng panahon tila nilalamon na tayo ng mundong teknolohiya. May mga tao na
rin ang nagsasabing hindi nila kayang mabuhay ng walang internet at cellphone. Parami nang
parami at palawak nang palawak ang mga naiimbentong mga teknolohiya para sa mga tao. Pero
ano nga ba ang teknolohiya? Ang salitang teknolohiya ay nanggaling sa salitang griyegong
"technologia" na ang ibig sabihin ay "sistematikong pagturing sa sining." At ayon sa wikapedia,
“Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at na ginagamit ang kailan
lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham.”Cellphone, laptop at computer, isa
lamang ito sa mga gadgets na ginagamit sa pakikipag komunikasyon araw araw. Facebook,
twitter, messenger at sms, mga application na ginagamit sa pakikipag komunikasyon sa tao sa
iba’t ibang lugar. Ginagamit din ito upang makapamahagi at makasagap ng ibat-ibang
mahahalagang impomasyon. Ito ang naging daan para mas mapadali at mapabilis ang
komunikasyon sa isa’t isa. Text o Chat, isa sa pinaka basic na paraan ng komunikasyon, para
maparating mo anong iyong mensahe sa iba gamit ang cellphone. Ang paggamit ng
teknolohiya sa paaralan o sa isang klase ay kinakailangan para sa pagpapalawig ng kaalaman ng
isang mag-aaral, para maging produktibo sila sa kanilang pag-aaral at nakakatulong din para mas
mapaganda at mapadali ang performance ng isang mag-aaral at ng guro.

Ayon kay Castrodes et.al.(2012) na ang komunikasyon naman ang pag-uusapan! nagkaroon na
rin ito ngmalaking pagbabago. Noon! ang pagsulat ng li"am ang paraan upangmakapagpadala ng
mensahe na kung minsan ay inaabot pa ng higit sa isangarap bago makuha ng pinadalhan  ngunit
ngayon sa pamamagitan lamang ng at telepono o mga social networking sites ay maaari nang
mabasa angmensahe sa loob ng ilang segundo lamang.Isa sa nagdulot ng mga pagbabagong ito
ay ang teknolohiya. malaki angnaging epekto ng mabilis na pag-usbong nito sa pamumuhay ng
mga tao sa kadahilanang nakatutulong ito sa kanilang pang-aaral na mayupad. Angteknolohiya
ay mabilis na nagpapabago sa maraming aspekto sa lipunan at higit na malaki ang epekto nito sa
mga kabataan. Sinasabi na ang bansang Pilipinas ay unti-
unti nang umuunlad atnakasasabay sa iba pang mga bansa sa Asya ayon sa mga kaugnay naprogr
ama ng ASEAN Intergration 2015. Kaakibat ng mga pag-unlad na ito ay
angnapakaraming pagbabago na mangyayari sa kapaligiran. Nakikita ang mgapagbabagong ito s
a pananamithiin paguugali maging sa pamumuhay ng mgaPilipino. Halimbawa na lamang nito a
y ang paggamit ng gadgets sapagluluto na dati ay kalang de uling lamang ang ginagamit.

Ayon  kay Hidalgo (2000) sa modernong  pagtuturo teknolohiya na pagbabago sa ika-21 siglo!


nakatuon sa kumpetisyon ang mgapaaralan ngayon. Kaya naman maraming paaralan at
institusyon ang gumagamitna ng mga makabagong kagamitan sa kanilang pagtuturo. Ang
simpleng yeso atpisara na gamit noon ng mga guro sa pagtuturo ay napapalitan na ng
kompyuter at LCD projector sa pagtalakay ng kanilang paksa. Napakarami na ng mga pagbabago
ang makikita natin sa kasalukuyang panahon partikularna sa mga kagamitan. Umuunlad ang
paggamit ng mga modernong teknolohiya upangmapadali ang mga mahihirap na gawain,
makasabay sa makabagong henerasyon at maginglibangan. Kasabay ng pag-unlad na ito ay
marami na ring mga kabataan ang nahuhumaling sapaggamit ng mga teknolohiya kagaya
ng cellphone, kompyuters at iba pa, ngunit kasabay rinnito ay ang pagbaba ng mga grado nila sa
paaralan dulot ng kawalan ng pokus sa pag-aaral..Kaya,t bilang tugon sa nasabing isyu, minabuti
ng ilang mga kaguruan mula sa iba’t ibang paaralan ang gumamit ng ilang mga makabagong
teknolohiya upang mapukaw ang interes ngmga kabataan sa kasalukuyan.Sa pamamagitan ng
mga LCD Projector, mga DVD na naglalaman ng mga video o movie,kompyuters at mga
powerpoint presentations ay mas matututo ang mga kabataan sa kasalukuyan lalo na’t naaangkop
ang kanilang paglaki o edad sa makabagong panahon.

Teoritikal na Balangkas

Ginamit ng mananaliksik ang teoryang Online learning throughtechnology ito ay nagsilbing


balangkas ng pag aaral upang mas mapatotohananang pag aaral na ito. Sa panahon ngayon,
masasabing madaming bansa na ang high-tech. Talamak ang paglaganap ng teknolohiya sa
buong mundo. Dahilsa mga ito, mas napapadali ang ating mga gawain. Dahil
dto naimpluwensyahanna halos lahat ng larangan ng pan tao. Isa na dto ang edukasyon.Ang
teoryang Online learning sa pamagitan ng teknolohiya ay binubuo ng konsepto
tungkol sa interaksyon ng mga mag aaral pagdating sa pamamaraan ng makabagong edukasyon
sa ngayo. Nakapaloob dto ang isang site na kung saanmay interaksyon ang guro pati na rin
a ng estudayante. Sa site na ito ay kailangan ng internet upang makapag akses sa uipper school.
Ayon sa mga estudyante, makakatulong ito upang makapag self study sila dahil pwedeng
makapag access nito sa bahay o computer shop. Kayang' kaya daw nitong mapabilis ang
pagtuturo ng guro. Ngunit sa karamihan ay mas gustoparin nilang aktuwal na nagtuturo ang guro
sa unahan dahil para sa kanila mas natututo sila kaysa sa pag access sa mga
computer school. Ngunit isa din samasamang epekto ng modernong pamamaraan ng edukasyon
ay napapadali dinnito ang pandadaya o pangongopya para sa iba, kaya naman nawawalan ng
silbiang pag'aaral sa ganitong sitwasyon. Ang isang website na binuo para sa sarili, na ngayon ay
kinikilala bilang isang “blog,” at ang pinakamalaking isyu sa papel nito, ay isang website na
ginagawa ng indibidwal mismo. Nagiging isang repleksibong pagprepresenta at pagkukwento ng
sarili ang nangyayari. Ito ay biglang nabibigyang kahulugan ng midyum na ginagamit, at sa isang
ideya ng imagined audience. Ang mga mag-aaral ay madalas na gumagamit ng teknolohiya sa
kanilang pang araw-araw na gawain. Ang pag-aaral na ito ay naglalarawan tungkol sa epekto ng
teknolohiya sa pag-aaral ng mga kabataan. Sa palagiang paggamit ng teknolohiya kagaya ng
computer, tablet/ipad, cellphone, at telebisyon ay may dalang naidudulot at ito ay ang masama at
mabuting epekto sa pag-aaral.

Ayon kay David Kirkpatrick (1994) sakanyang pag-aaral mula sa facebook na ito ay ito ay mas
higit na ginagamit sa pananaliksik, sapagkat ito ay napakadaling gamitin. Naniniwala siya na ang
teknolohiyang ito ay mas lalawak pa at mas magiging mas pakipakinabang, at ayon sakanya na
ito ay lubos na ginagamit upang makakonekta sa iba pang lugar upang kumilanlan at
makipagkomunikasyon.

Ayon kay Danah Boyd (2007), ginagamit ang internet upang makalikha ng liham o mensahe
upang makagawa ng isang kumunikasyon. Ayon sa kanya na ang kadalasang ginagamit sa
pakikipagkumunikasyon ay ang facebook, sa kadahilanang madali itong gamitin.

Ayon kay Tionago (2006) na ayon sa kanya ay nagsimula nangmagkaroon ng ibayong pansin sa
pangangailangan ng mga kagamitang panturobilang pagsasaalang-
alang sa kapakanan ng mga mag-aaral at upangmagkaroon ng makahulugan at mabisang
pagtuturo ang mga guro.
Ang mga kaalamang ito ang nagtulak sa mga mananaliksik upang malaman ang
kaugnayan ng antas ng paggamit ng mga makabagong kagamitang pagtuturo at ang antas ng
epekto nito sa pagtuturo ng mga guro sa paaralan.
Nag'aaral lalo na ang ika16 nasiglo, pansin sa pa-aaral at nagpakita ng interes kapag pagtuturo ay
isinama sa teknolohiya. Ang mag-aaral ay maging aktibo kapag ipinakilala sa Quipper School na
kung saan ay maliwanag sakanilang pinabuting antas ng napag
tagumpayan.Sa kabuuang sistema, sinasabi lamang ng teoryang Online.
Paglalahad ng Suliranin
Upang malaman ang benepisyong naibibigay ng impormasyong multimedia sa paghasa ng
kasanayang teknikal ng mga mag-aaral ng TVL-ICT na piling mag-aaral sa ASGC Cebu City
Campus kinakailangang masagot ang mga sumusunod na katanungan:
1.Ano ang demograpikong profayl ng mga mag-aaral ngTVL-ICT pagdating sa:
1.1 Edad
1.2 Kasarian
1.3 .Katayuang Sibil

2. Ano ang benepisyong naibibigay ng impormasyong multimedia sa paghasa ngkasanayang


teknikal ng mga mag-aaral ng TVL-ICT sa piling mag-aaral sa ASGC CEBU CITY CAMPUS

3. Ano ang epekto ng teknolohiya sa kasanayang teknikal ng isang mag-aaral ng TVL-ICT na


nasa piling baitang?

4. May kaugnayan ba ang benepisyong naibibigay ng impormasyong


multimediasa paghasa ng kasanayang teknikal ng mga mag-aaral ng TVL-ICT piling mag-aaral
sa ASGC CEBU CITY CAMPUS

5. Bakit kailangan ang isang teknolohiya sa pagkatoto ng mag-aaral sa panahon ng pandemya.

Null Hipotesis
Walang kaugnayan ang antas ng paggamit ng mga makabagong kagamitang sa pamamaraan ng
pagtuturo sa maaaring maging epekto nito sa pagtuturo ng mga guro sa makabangong
natotonan. Ito ay sumusuporta sa pahayag ni Guamen (2002) na
marami nang kagamitan ang naihanda ngunit ang mga ito ay inilaan sa malaking pangkat ng mga
mag-aaral.
Hindi natitiyak ang kaangkupan nito sa uri at kakayahan ng tanging pangkat ng mga mag-aaral.
Wala itong kahulugang hindi lahat ng makabagong kagamitan sa pagtuturo ay angkop sa lahat ng
mga teknolohiya mag-aaral at guro. Kaya ang paggamit ay hindi nakaugnay sa maaaring
epektong mga ito.

Kaugnayan ng Literatura at Pag-aaral


Sa pag-aaral na ito ay makikita natin kung ano ang naging epekto ng isang teknolohiya bilang
isang kagamitan ng pagtuturo ng isang guro tungo sa pagkatoto ng isang mag-aaral
Pinaniniwalaan na ang abacus ay matuturing na isang computer noong unang panahon sapagkat
ang layunin nito ay mapadali ang kalkulasyon ng mga mangangalakal. Sa kasalukuyan, ang
abacus ay hindi na maituturing na computer sapagkat napakalayo na ng agwat ng kakayahan nito
at mga nagagawa nito sa kasalukuyang computer. Napaganda, napabilis, napaayos at napadali ng
ilang siglong pag-aaral ang mekanismo ng teknolohiya. Ang versatility nito ay isang resulta ng
pagiging malikhain at matiyaga ng mga tao. Naituring ang computer na isa sa pinakamagandang
nalikha ng tao sapagkat isa itong makapangyarihang aparato na nagpapatakbo sa halos lahat ng
bahagi ng mundo upang maging mas maayos at madali ang buhay. (Florentino, D., 2009)
Ang mga kabataan ay higit na gumagastos ng maraming oras sa paggamit at pagkuha ng
impormasyon gamit ang teknolohiya (Jackson 2012). "Ang Internet, cell phone, instant
messaging at mga larong pambidyo ay humahawak ng malaking porsyento sa araw-araw na
buhay at gawain ng mga bata. Ngunit napakaliit ang kaalama tungkol sa kung ano ang tunay na
epekto nito sa kanilang personalidad.

Ayon kay (1994) sakanyang pag-aaral mula sa facebook na ito ay ito ay mas higit na ginagamit
sa pananaliksik, sapagkat ito ay napakadaling gamitin. Naniniwala siya na ang teknolohiyang ito
ay mas lalawak pa at mas magiging mas pakipakinabang, at ayon sakanya na ito ay lubos na
ginagamit upang makakonekta sa iba pang lugar upang kumilanlan at makipagkomunikasyon.

Ayon kay Danah Boyd (2007), ginagamit ang internet upang makalikha ng liham o mensahe
upang makagawa ng isang kumunikasyon. Ayon sa kanya na ang kadalasang ginagamit sa
pakikipagkumunikasyon ay ang facebook, sa kadahilanang madali itong gamitin.

Ayon kay D. Chandler (2000) ang teknolohiya ay may positibo at negatibong epekto sa
sosyalidad. Sinasabi niya na ang pakikipagkomunikasyon gamit ang teknolohiya ay isa sa
makabagong paraan upang mapadali ang ugnayan ng bawat isa. Ngunit, ito ay
nakakapagpababa din sa kakayahan ng isang katauhan upang malinang ang kanyang personal na
pakikipagkomunikasyon sa kapwa.

Ayon naman kay Fraser Matthew (2008) na gumagamit ng mga sosyal na


pakikipagkumunikasyon ay nabago daw nito ang estado ng kanyang buhay, nakahanap siya ng
magandang trabaho at madali itong nakikipagkumunikasyon sa ibang tao.

Ayon naman kay Marc Prensky (2001) na hindi lamang damit ang mabilis na nagbago, maging
ang paraan na din ng pakikipagkumunikasyon. Ayon sa kanya na kahit bata pa lamang ay
nakakayanan ng gumamit nito, sapagkat sadyang madali itong gamitin.

Ayon sa artikulo ni Michael A. Fuoco ng Pittsburgh Post-Gazette, sa Pampublikong Paaralan ng


Pittsburgh, ang Science and Technology Academy nila ay may kasabihan na ganito, “Dream,
Discover, Design.” Ito ang naging batayan ni US Sen. Bob Casey na hikayatin ang ibang
paaralan para tularan ito. Ang batas na tinatawag na Computer Science
Education Act ay naglalayong pagtibayin ang K-12 computer science education upang maihanda
ang mga mag-aaral para sa mataas na kita sa trabaho ng kompyuting. Ang batas na ito ay
magbibigay ng dalawang-taon na grant kaya maaaring pag-aralan ng mga estado ang inaalok sa
mga paaralan at bumuo ng isang plano upang taasan at palakasin ang kanilang kakayahan upang
mag-alok ng epektibong edukasyon sa computer science. Pagkatapos nito, ang limang taon
mapagkumpitensya grant ay inaalok para sa pagpapatupad ng epektibong plano. Sinabi din niMr
Casey na sa taong 2018 ay tataas pa ang bilang ng trabahong nangangailangan ng sapat na
kaalamn sa computers science. Sa pampubliko at pribadong pag-aaral ay nagpapahiwatig na mas
kaunti sa 40,000 mga tao ay nagtapos na may bachelor degree sa computer science noong 2009,
ngunit halos 140,000 trabaho ay inaasahang para sa bawat taon sa pagitan ng 2008 at 2018.Ang
pagaalok ng introductionsa kurso ng computer science ay nabawasan ng 17 porsyento
mula noong 2005 at bumaba ng 33 porsiyento ang bilang ng Advanced Placement course sa
computer science. Isinulong ni Sen. Casey ang batas na naglalayong palawakin ang pag-aaral ng
computer science (Wereschagin, 2011)

Ayon kay Benedict Anderson sa kanyang Imagined Communities (2001), ang pagkakaroon ng
pagkaka-isa sa isang ideya o idiyolohiya ay nagiging batayan sa pagkakaroon ng mga komunidad
na ito. Kaya para sa isang gumagawa ng isang personal na webpage, langawin man ang kanyang
website, ay meron pa rin siyang isang ideya ng isang mambabasa sa batayan na meron at merong
makaka-relate sa kanyang pagbuo ng sarili na naganap sa website. Dahil na rin sa isang imagined
audience, kahit na sinasabi ng mga indibidwal na kanilang totoong sarili ang kanilang binubuo,
meron pa ring nagaganap na self-censoring o tailoring. Merong iba na meron ng tinatawag na
“virtual alter-egos.” Ang istilo ng komunikasyon ay maaring hindi nagkakalayo sa istilo ng
komunikasyon ng kanilang real-life ego, ngunit meron pa ring self-conscious articulation of that
tailor-made self-identity. Ang isang website na binuo para sa sarili, na ngayon ay kinikilala
bilang isang “blog,” at ang pinakamalaking isyu sa papel nito, ay isang website na ginagawa ng
indibidwal mismo. Nagiging isang repleksibong pagprepresenta at pagkukwento ng sarili ang
nangyayari. Ito ay biglang nabibigyang kahulugan ng midyum na ginagamit, at sa isang ideya ng
imagined audience.
Kahalagahan ng Pag-aaral

 Ang resulta ng pag-aaral na ito ay higit na makakatulong sa mga mag-aaral, guro,paaralan,
administrasyon ng paaralan at sa mga sususnod na mananaliksik.

Mag-aaral
Magsisilbing paraan ang papel na ito upang magkaroon ng ideya ang mga mag-aaral sawastong
paggamit ng teknolohiya sa paaralan. Ito rin ay makakatulong sa kanila upang mapadaliang
kanilang pagkatuto sa mga aralin at naayon sa kanilang mga interes.
 
Guro
 Ang resulta ng pananaliksik na ito ay magsisislbing gabay sa mga guro upang matukoynila ang
mas epektibo na paraan ng pagtuturo gamit ang teknolohiya. Makakatulong din ito kungpaano
nila maayon ang kanilang pagtuturo sa mga interes ng kanilang mga estudyante.

Paaralan
 Ang pananaliksik na ito ay lubos na makakatulong sa paaralan sa pagbibigay ng kalidadna
edukasyon sa kanilang mga mag-aaral. Ito rin ay nakakatulong sa paaralan upang masmakilala at
makipagkompitensya sa iba pang paaralan.

 Administrasyon ng Paaralan
 Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakapalawak ng kaalaman ng administrasyon ngpaaralan
sa mga positibong epekto ng teknolohiya sa pagtuturo. Maari nilang gamitin ang resultang pag-
aaral nito sa paggawa ng mga modyul na susundin ng mga guro sa pagtuturo. Masmabibigyan
nila ng pansin ang mga pangangailangan ng mga guro at ng kanilang mga mag-aaral.

Susunod na Mananaliksik
 Ang kasalukuyang papel na ito ay magsisilbing basehan para sa mga susunod namananaliksik na
magsasa-ilalim sa parehas na pananaliksik.

Magulang

Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga magulang sa pamamagitan


ngpagkakaroon ng sapat na kaalaman patungkol sa mga naglalabasangmakabagong multimedia
at mabibigyan pa ng pagkakataon ang bawat magulangupang magabayan ang kanilang anak sa
tamang paggamit nito

Ang Academia System Global Colleges

Maaaring makatulong ito sa paggabay, pagkalap ng impormasyon ng mga pag-aaral na


isasagawa sa susunod na henerasyon.
Sa Mga Magkasintahan,

Makakatulong ito upang mapalawak ang kaalaman, mai-apply sa kanilang relasyon at mapatibay
ang pondasyon ng kanilang relasyon.
Terminolohiya

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa minarapat naming
bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ang bawat isa
sa pamanahong-papel na ito. Ang mga terminong ito ay makakatulong sa mambabasa upang
maunawaan nila ang tungkol dito, mas lumawak pa ang kanilang talasalitaan at upang mas
maging pamilyar pa sila dito. Nanggaling ang mga salita sa mga diksyunaryo, Internet, atbp.

Teknolohiya – Ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso


upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.

Internet– Isang lugar savirtual world kung saan ang mga computer sa buong mundo
magkakakonekta at nagbibigay ng impormasyon na bukas sa publiko.

Computer – Isang aparato na nagmamanipula ng mga impormasyon at nagbibigay ng resulta


batay sa lohikal na program o proseso.

Social Media – ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay
lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na
komunidad at mga network.

Website – ay isang koleksiyon ng mga pahinang Web, na tipikal na karaniwan sa isang


partikular na pangalan ng dominyo o sub-domain sa World Wide Web sa Internet.

Gadget – isang aparato o kontrol na ay lubhang kapaki-pakinabang para sa isang partikular na


trabaho

High tech- ang pinaka'ad&anced na teknolohiya na gamit.

ICT- ito ay tungkol sa anumang aparato sa komunikasyon o application,encompassing4 radyo,


telebisyon, cellular phone, computer at network nghardware at so+tware, satellite systems at iba
pa

 Tablet/ipad-ito ay isang kompyuter sa anyo ng isang pad/board na madalas nasa 7-10 inch
pahilis ang laki. Ito ay ginagamit sa pamamagitan ng iba-ibang klase ng pag-press o swipe sa
screen.

Kompyuter-ay isang uri ng teknolohiya na nagbibigay ng mga impormasyon sa pamamagitan


ng internet.

Telebisyon-ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng mga


gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan.
Aplikasyon-ito ay ang iba’t-ibang mga programa na ginagamit sa iba’t-ibang mga maka-
teknolohiyang kagamitan.

Personalidad-ito ang iba’t-ibang katangian na humuhubog sa buong karakter ng isang tao.

 Introvert – tao na may pagka-mahiyain at naiilang makipagsalamuha.

Extrovert – isang tao na walang problema makipagsalamuha sa iba at papalabas ang


personalidad.

 Ambivert – isang tao na may halong introvert at extrovert ang pag-uugali o ang personalidad.

Respondente – lipon ng tao na sumasagot sa talatanungan.

You might also like